“GOOD morning, ma'am."
Napatigil ako sa pagtipa ko sa computer ko para i-check kung ano ang mga projects at supplies na maaapektuhan kapag inalis ko na ang Madrid Constructions bilang business partner ng Ford Designs and Associates, which is ang Architecture Firm na pag-aari ko.
I was too competent as an architect kaya naman kahit na hindi pa dekada ang kumpanya kong ‘to ay mas successful na ito kumpara sa ibang architecture firm na mas nauna pang itayo kaysa sa kumpanya ko.
Hindi ko alam kung makakaya kong bawiin ang Madrid Constructions dahil kay Lester na nakapangalan 'to. Sigurado ako na kapag na-process na ang divorce naming dalawa ay kukuhain ni Lester ang kumpanya niya.
Sa kan'ya ko kasi ipinangalan ang kumpanyang 'yon at naging shareholder lang ako at business partner niya. Dapat pala ay ipinangalan ko na lang 'yon sa akin.
Sobrang hirap na talaga ang magtiwala ngayon sa mundong 'to.
Pero mabuti na lang talaga at complete separation of property ang property regime na ipinilit ko sa kan'ya noong nagpakasal kami. Iyon ang naging dahilan kung bakit nag-request si Lester sa akin na gawaan ko rin siya ng sarili niyang kumpanya para kahit papaano naman daw ay mayroon din siyang pinagkakaabalahan, na sinunod ko naman.
Tanga man ako sa pag-ibig pero matalino ako pagdating sa negosyo. Mabuti na lang at kahit papaano ay hindi niya makukuha ang lahat ng pinaghirapan ko. Wala siyang mahuhuthot sa akin kung hindi ang Madrid Constructions lang, pero hindi ako papayag na mapasakaniya iyon. Babawiin ko 'yon sa abot ng makakaya ko.
"Para sa inyo raw po."
The girl who knocked on my door and went inside was Alice. She’s my secretary for almost four years. Wala akong ibang masabi sa kasipagan niya at sa pagiging dedicated niya sa trabaho niya.
Ang isa sa dahilan kung bakit ko siya kinuha bilang sekretarya ko dahil pagkatapos kong ilipat noon si Francine sa Madrid Constructions ay naghanap ako ng babae na kagaya niyang masipag at mapagkakatiwalaan.
Noong kinuha ko si Alice bilang sekretarya ko ay wala rin siyang experience katulad ni Francine. Fresh graduate rin ito at katulad ni Francine ay wala ring gustong mag-hire sa kan’ya sa kadahilanan na wala pa siyang experience sa isang kumpanya, so I gave her one.
Ginawa ko muna siyang isang ordinaryong empleyado at noong nakita ko kung gaano siya kasipag at kung gaano siya ka-dedicated sa trabaho niya ay kaagad ko siyang kinuha bilang personal secretary ko… na hindi ko naman pinagsisihan dahil sa loob ng halos apat na taon ay wala akong nakuhang problema sa kan’ya.
She’s competent, she’s smart, and she’s eager to learn. She’s just like me noong nag-aaral pa ako.
But the problem is, when I hired her, I thought of Francine… the same Francine who betrayed me.
This is the same reason why I feel something while looking at Alice. It was a combination of pain and anger. Alam kong hindi siya si Francine pero simula noong nangyari ang mga pangyayari na ‘yon ay nagsimula na akong matakot sa lahat.
Pakiramdam ko ay dapat wala na akong pagkatiwalaan pa dahil kada ibinibigay ko ang tiwala ko ay nasasaktan lang ako. Nadudurog lang ako at mas lalo pa akong dinudurog ng mga tao dahil na rin sa posisyon ko at sa sitwasyon ko.
“Ma’am?” pag-agaw niya sa atensyon ko nang mapansin niya na nakatitig lang ako sa kan’ya sa hindi niya mabasa na ekspresiyon.
“Ah, sorry, I was just… I was just tired,” pag-e-explain ko pa sa kan’ya pero sa tingin ko ay wala naman siyang pakialam dahil kahit gaano pa ako katagal tumulala ay boss niya ako at kailangan niya akong intindihin. “Akin na,” dagdag ko pang utos sa kan’ya na kaagad naman niyang sinunod.
Pagkabigay niya sa akin ng brown envelope na hawak niya kanina ay kaagad kong binuksan iyon, at napatigil na lang ako at napatulala nang mabasa ko kung ano ang papeles na nasa loob ng brown envelope na iyon.
Divorce papers.
Our f.ucking divorce papers.
Who would have thought na aabot pala kami sa ganitong punto? Three years ago, we were signing our marriage papers, but now, we’re signing our… divorce papers, and after this, we’re ending the relationship that I tried to protect for almost three years.
I did all the things that he wanted, but it wasn't enough for him.
Noong ikinasal kami ay inayawan niya na makipagkita at makipag-bonding ako sa mga magulang ko, which I did kahit na ang kapalit no’n ay hindi ko man lang sila napuntahan noong namatay sila dahil sa isang car accident.
I lost all my college friends. I lost my social life. I lost all my skills to communicate with other people. Heck, I even almost lost my sanity dahil wala akong ibang mapagkuwentuhan kapag nag-aaway kaming dalawa ni Lester, pero lahat ng ‘yon ay tiniis ko dahil sa isang dahilan.
‘Yon ay dahil mahal ko siya at hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa akin.
Nag-focus na lang ako sa kumpanya ko at ginawaan ko pa nga siya ng sa kan’ya dahil lang sa dahilan na ayoko siyang mawala sa akin.
But I still lost him. After I lost myself, I lost him in the most painful way.
Who would have thought that all my sacrifices would end up this way?
May isasakit pa kaya itong nararamdaman ko ngayon? In a span of two months, pakiramdam ko ay ibinuhos na sa akin ng tadhana ang lahat ng sakit na kaya niyang ibigay sa akin. Kapag may ibinigay pa siya sa akin na sakit ay pakiramdam ko, hindi ko na kakayanin.
“Sobra naman siyang nagmamadali,” natatawa kong saad sa sarili ko habang binabasa ko ang divorce papers na ipinadala sa akin ni Lester. “J.erk.”
Sobrang atat niya bang hiwalayan ako para mapakasalan ang Francine na ‘yon?
I won’t let that happen. Yes, I will sign these divorce papers dahil ayoko ring matali pa habangbuhay sa isang gago na lalaki kagaya niya, pero hindi ko sila hahayaang maging masaya.
Magsaya sila ngayon pero gagawa at gagawa ako ng paraan para matapos ang kasiyahan na nararamdaman nila. Sisiguraduhin kong mabubulok silang dalawa sa bilangguan. Hindi ko pa alam kung paano ko ‘yon gagawin sa ngayon, pero sisiguraduhin kong makagagawa ako ng paraan.
Hindi puwedeng ako lang ang nagdurusa ngayon dito. I will make them experience what they did to me. Not just twice, but threefold. And as I think of that, kinuha ko ang parker kong ballpen sa loob ng drawer ko bago ko pinirmahan ang divorce papers na ipinadala niya sa akin. Sigurado ako na dahil sa impluwensiya niya kaya magiging mabilis ang proseso ng divorce naming dalawa.
We will be officially divorced in a month or two, I bet.
“Thank you,” I said to her after signing the divorce papers. Kaagad ko ‘yon ipinasok sa brown envelope bago ko ‘yon ibinigay sa kan’ya na kaagad naman niyang kinuha. “Send this to Madrid Constructions. Ayoko nang makita pa ang pagmumukha niya, paki-take note."
“Noted, ma’am,” sagot niya sa akin.
“My schedule for today?” I asked her, subconsciously.
“None, ma’am. You canceled all your appointment last time.” She didn’t need to look at her notepad to answer my question. “It’s January 7, ma’am, at nagpa-book kayo ng flight sa akin papuntang Siargao ngayon.”
“Ah, great, I forgot.” Minasahe ko ang ulo ko matapos kong maalala na ngayon nga pala ang flight ko papunta sa Siargao. “I’ve just been so forgetful these past few days.”
I wanted to forget about everything here in Manila. Hindi ko na rin kasi nagugustuhan ang mga kumakalat na balita ngayon na kung saan ay kaya raw ako hiniwalayan ni Lester ay dahil daw sa matanda na ako at dahil na rin sa hindi ako magkakaanak.
That f.ucking jerk. Lahat talaga ay kaya niyang gawin para lang mapabagsak niya ang kumpanya ko at mas sumikat ang kan’ya. I won’t let him do that. Tanga man ako sa pag-ibig dahil minahal ko ang isang walang kuwentang lalaki na kagaya niya, pero hindi ako tanga sa pagpapatakbo ng kumpanya.
However, I may be a successful CEO and I am filthy rich, but I have a messy marriage life and I can’t even bear a child. I am too old and that’s the reason why my husband cheated on me with his young secretary, who turns to be the person whom I trusted the most.
Kahit ilang beses ko ulit-ulitin sa sarili ko na ganoon ang mga nangyari at kailangan kong tanggapin ang lahat ng ‘yon sa loob ng maikling panahon upang hindi ‘yon makaapekto sa mga magiging trabaho ko sa susunod na buwan ay nahihirapan pa rin ako.
The pain still stings. It’s still here, and I don’t think that it will ever go away.
I was too competent as an architect, but not as a wife. Not even as a mother since I can’t bear a child. I never felt this way before, pero ngayon ay sinisisi ko ang sarili ko kung bakit wala akong ibang magawa sa sitwasyon kong ‘to. Heck, I even thought kung bakit ako ipinanganak kung ganito lang din ang magiging sitwasyon ko.
Should I be thankful dahil kahit papaano ay naging maganda at naging mayaman ako? Mukhang ito na lang ang maipagmamalaki ko.
“No, ma’am,” she replied. “Isang buwan ka na pong gan’yan.”
“Yeah… right,” I answered as I massaged both my temple.
I need to move on and forget everything. God knows that I need to move on so that I can focus on my f.ucking life, but it’s been f.ucking one month, but the pain he inflicted still feels like all the f.ucking things happened like yesterday, and yeah, I used the word f.uck often because that’s the perfect word to summarize my life.
A f.uck. A wreck. A mess.
Pagkatapos ng pangyayaring ‘yon kung saan ay ako itong pinalayas niya sa kumpanya niya kahit na ako itong tunay na asawa niya ay bigla na lang siyang umuwi sa bahay kung saan kami tumira at kinuha roon ang lahat ng gamit niya. Hindi ko alam kung saan siya tumitira ngayon. Hindi ako sigurado kung nagsasama na ba sila ng Francine na iyon o hindi.
“You can go now and take your day off for today, Alice,” wika ko sa kan’ya na naging dahilan ng pagngiti niya. “I should prepare for my flight, do I? If I remember it right, it’s evening or something?” dagdag ko pang tanong sa kan’ya.
Tumango siya. “Ten o’clock in the evening, ma’am.”
“Okay, thank you.” That’s the last thing that I had to say before I went to my house to prepare for my things.
Mabuti na lang at naka-prepare na rito ang maleta ko dahil kung hindi ay mapipilitan akong i-urong ang flight ko, which is the thing that I can’t do dahil fully packed na ang schedule ko sa mga susunod na araw.
Me and my damn forgetful mind.
On top of that, me and my damn broken heart.
I just hope that Siargao would let me ease the pain… even just for a while.