Chapter 2

2002 Words
"ITO ang tatandaan mo, ha? Kahit kailan ay mananatili kang kabit. Narinig mo ang sinabi ko? Habangbuhay kang magiging kabit!" Hindi ko na mapigilan ang mapasigaw nang malakas habang pilit kong binubunot ang lahat ng buhok niya kahit na alam ko naman sa sarili ko na hindi ko magagawa iyon. Kakaiba rin pala ang kakapalan ng mukha ng isang 'to. Ni hindi man lang siya nahihiya sa akin kahit na literal na nasa paa niya lang ang panty niya ngayon habang nakikipagsabunutan siya sa akin. Sa bagay, mahihiya pa ba siya sa akin sa mga ganitong bagay, eh sa pang-aagaw nga niya sa asawa ko ay hindi siya nahiya? “S.hit!” rinig kong singhal ni Lester, at kahit na hindi ko siya tinitingnan ngayon ay alam ko na nakahawak siya sa p.agkalalaki niya dahil sa ginawa kong pagsipa sa pinaka-iniingatan niya. Dapat lang ‘yan sa kan’ya! Kulang pa nga 'yan kung tutuusin. Kulang na kulang pa 'yan sa kahayupang ginawa nilang dalawa sa akin. Dapat sa kanila ay mabulok sa impiyerno. Dapat ay pare-pareho lang kaming mabulok sa kalungkutan katulad ng ginawa nila sa akin ngayon. Kung kinakailangan kong sumama sa kanila para mahila ko silang dalawa papunta roon ay hindi ako mag-aalinlangan na gawin iyon. Dahil sa pangyayaring ito ay tila bigla akong nawalan ng pakialam sa buhay ko at maging sa kumpanya ko na inalagaan ko sa loob ng ilang taon. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng mundo dahil sa sakit na ibinigay nilang lahat sa akin ngayon. The heaven and the euphoric feeling that I felt before suddenly felt like hell and pain as it was too much for me to bear. I wanted to blame everyone for my pain… because why? Why does it have to be like this? Why does heaven want to make me suffer like this? “Yanna, tumigil ka nga! Ano ba?! Parang hindi ka matanda, ah?!" Nang magkaroon na siya muli ng lakas ay tumayo siya at hinawakan ang magkabilang braso ko para pigilan ako kaya naman ay napabitaw ako sa pagkakasabunot ko sa buhok ni Francine, habang itong babaeng ‘to naman ay nakangisi lang na para bang mas natutuwa pa siya sa nasasaksihan niya ngayon. Kasalukuyanng magulo ang buhok niya ngayon dahil sa ginawa kong pagsabunot sa kan’ya pero tila ay hindi niya ‘yon alintana dahil patuloy lang ang pagtitig at pagngisi niya sa akin, halata na natutuwa siya dahil sa ipinapakita kong reaksyon sa ginawa niya. Hindi ako makapaniwala na sinasaktan ko na siya pero nakangisi pa siya ngayon na para bang natutuwa siya na nahihirapan ako ngayon… ako na naging kaibigan na niya at ang tumulong sa kan’ya para mapunta siya sa posisyon niya ngayon. She’s competent, alam na alam ko 'yon, pero kung wala ang tulong ko ay mananatili lang siyang empleyado ko. Kinuha ko siya kahit noong fresh graduate pa lang siya at walang ibang gustong sumubok sa talento at kakayahan niya bukod sa akin, tapos ganito lang ang igaganti niya? Gagaguhin niya lang ako? Ganoon na ganoon din ang ginawa ko kay Lester. Lahat na lang ba ng tutulungan ko ay gagaguhin lang ako? Nakangisi pa rin siya kahit noong isinuot na niya ang panty niya, ni hindi ko man lang siya nakitaan ng kahihiyan sa katawan dahil nakita ko sila ni Lester sa ganoong estado kanina. She's different from the Francine I knew. Parang hindi siya ang inosente na Francine na nakausap ko noong nag-apply siya ng trabaho sa akin. Parang hindi siya ang Francine na wagas kung makayakap sa akin noon dahil ginawa ko siyang secretary ni Lester. Ito ba talaga ang tunay niyang pakay? Ang tunay ba niyang hangarin ay ang agawin ang asawa ko mula sa akin kaya siya nagpanggap na mabait at maituturing kong kaibigan o kaya naman ay anak? I thought that she’s innocent because she’s just twenty-three. She's just f.ucking twenty-three. Sa iniisip kong ‘yon ay bigla na naman akong nakaramdam ng munting pagkirot sa puso ko. It feels like I lost my husband, my friend, and my daughter at the same time. “Ano ba, Yanna?! Para kang pinalaki sa palengke! Itigil mo nga ‘yan! Mag-usap tayo nang maayos!” Kung kanina ay siya ‘tong suminghal, ngayon naman ay ako na ang napasinghal dahil hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya sa akin. Talaga bang pinagtatanggol niya pa ang isang ‘to kaysa sa sarili niyang asawa? At ano raw, parang hindi ako matanda kung umasta at para raw akong pinalaki sa palengke?! Kumusta pa kaya ang ginagawa nila ngayon?! Para silang mga tigang na hayok na hayok sa pakikipagtalik! Seriously, dito pa talaga sa office niya sa Madrid Constructions? Sa office na ako ang nagpatayo? Napairap na lang ako habang marahas na tumutulo ang luha ko. “Manahimik ka, Lester! Mag-uusap pa tayo mamaya, oo, pero ako ang masusunod dito, naiintindihan mo?! Wala kang karapatan na diktahan ako!” inis kong sigaw sa kan’ya at akmang sasabunutan ko pa sana si Francine pero hindi ako makalapit nang maayos dahil hawak ni Lester nang mahigpit ang magkabilang braso ko. Kulang na lang ay tumambling na ako rito para makalapit ako sa malanding babae na ‘to, pero hindi talaga ako makawala sa pagkakakapit niya sa akin. Ano pa nga ba ang magagawa ko, eh mas malaki itong si Lester kaysa sa akin? Maya-maya lang ay may dalawang security guard na pumasok sa loob ng office ni Lester. Ipinasa ako ni Lester sa dalawang security guard na iyon at kaagad naman nilang hinawakan ang magkabilang braso ko. Ipinasa niya ako at pinalayas na para bang ako ang kabit at hindi ang higad niyang sekretarya. Pinamukha niya pa talaga sa akin na parang ako ang nanggugulo sa relasyon nilang dalawa. Ako na asawa niya. “Hayop kang babae ka! Wala ka na ngang respeto, wala ka pang delikadesa! Pagkatapos kitang tulungan para mapunta ka sa posisyon na ‘to ay gagaguhin mo ako nang ganito?!” Kahit na ganoon ay hindi ako nagpatinag sa pagsasabi ko ng masasamang salita sa kan’ya. “Hayop ka! Ipapakulong kita at sisiguraduhin ko na mabubulok kayo sa bilangguan! Lalo ka na!” Sinubukan ko siyang iduro pero hindi ko ‘yon nagawa dahil pilit akong nilalayo ng dalawang guard sa kanilang dalawa. “Do you think that you can make us go to jail, Yanna? You can’t. Lester has his own influence and I have, too.” Ngumisi siya pagkatapos niyang sabihin ‘yon. “Saka, sino ba ang nagsabi sa’yo na tulungan mo ako? Sinabi ko rin ba sa’yo na pagkatiwalaan mo ako?" Umupo siya nang maayos sa lamesa bago niya ipinagkrus ang dalawang kamay niya sa dibdib niya habang nakatingin sa akin na para bang hinuhusgahan niya ang buong pagkatao ko... na para bang sinasabi niya sa akin sa pamamagitan ng tingin niya sa akin na ang tanga-tanga ko dahil nagtiwala ako sa kanilang dalawa. And what makes that judgment painful? It's the fact that it is true. I'm so stupid. "Ang guwapo kasi ng asawa mo, eh. Nakitikim lang naman ako. Ang damot mo naman kung hindi ka papayag, eh hindi ka naman magkakaanak, ‘di ba?" dagdag niya pang sambit bago niya ako tinitigan na para bang hinahamak niya ako." Kasi baog ka, Yanna. Akala mo ay hindi ko alam? Alam 'yon ng lahat sa kumpanyang 'to. Hindi ka na nga magaling sa kama, baog ka pa." Her smile widened as my smile faded because of her sentence. "Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? I would leave the country by now if I were you." Dahil sa sinabi niyang ‘yon ay napatigil ako sa paggalaw at paglikot ko. Alam ko… na wala akong kakayahang magkaanak, pero dahil ba doon kaya nila ako ginago ngayon? Akala ko ay tanggap ako ni Lester kahit na ganoon ang sitwasyon ko… pero bakit? Akala ko ay tanggap ko na sa sarili ko na kahit gustuhin ko mang magkaroon ng anak ay hinding-hindi ako magkakaroon no’n, pero ngayon na sinabi ‘yon sa akin ni Francine ay nagsimula na naman akong sisihin ang sarili ko. Hindi ko naman ginusto na magkaganito ako, pero dahil ba roon ay wala na akong karapatan na mahalin ng ibang tao? Tao pa rin naman ako. Babae pa rin naman ako kaya sana ay makakuha ako ng respeto sa kanila kahit kaunti man lang. Tao pa rin naman ako kahit wala akong kakayahang magkaanak, hindi ba? I've never felt this low. “‘Yon ba ang dahilan kung bakit mo ako ginago nang ganito, Lester?” Puno ng pait at sakit ang tono ng boses ko ngayon. “Dahil… dahil wala akong kakayahan para magkaanak?” I tried to refrain myself from stuttering. Parang gusto ko na lang magmura nang magmura pagkatapos kong itanong 'yon. Ayokong marinig ang isasagot niya dahil alam ko na sa sarili ko kung ano ang magiging sagot niya... at siguradong masasaktan ako roon. “Lalaki lang ako, Yanna. Gusto ko lang din naman magkaanak. Gusto ko lang din magkapamilya, at hindi ko matatawag na isang pamilya 'tong relasyon natin dahil kahit kailan ay hindi naman tayo magkakaanak.” Kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ay ganoon naman ka-kaswal ang tono ng pagsagot niya sa akin na para bang hindi niya ako asawa. Na para bang hindi niya ako masasaktan sa mga isinasagot niya sa akin. Na para bang wala na siyang pakialam sa nararamdaman ko. Nasaan na 'yong Lester na kung ituring ako noon ay para bang isa akong diyamante na kailangan niyang ingatan at alagaan? Isang pagpapanggap lang ba ang lahat ng 'yon? Para saan, para sa pera ko ba? What a cruel life, it is. “Sana sinabi mo na lang kaagad! Sana hindi ka na umabot pa sa point na kailangan mo akong gaguhin! Tangina naman, Lester! Sana hiniwalayan mo na lang ako! Bakit kailangang gaguhin mo pa muna ako nang ganito?!” Pagkasigaw ko no’n ay mas naging marahas ang pagtulo ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan pero hindi ko na nakayanan. Sinubukan kong itago ang mukha ko sa pamamagitan ng pagtakip ng kamay ko sa mukha, but that doesn't erase the fact that I look so weak and pathetic. But my husband f.ucking cheated on me with my friend, and on top of that, in front of me. What am I supposed to feel? Matuwa? Maglupasay sa saya? “I will file a divorce and a case against you, Lester. Sinira mo na ang buhay ko dahil sa ginawa mo kaya hindi ko hahayaan na pati ang kumpanya ko ay sirain mo. I will also pull of my shares out of your company, and I will take back Madrid Constructions, too," pagbabanta ko sa kan'ya. "Ako ang dahilan kung bakit kayo nasa gan’yang posisyon ngayon kaya ako rin ang magtatanggal sa inyo sa puwesto na 'yan at ako rin ang magpapabagsak sa inyo,” mariin kong sambit bago ko marahas na inalis ang pagkakahawak sa akin ng dalawang security guard na ito. Inalis ko na iyon kanina pero hinawakan na naman nila ako. Kahit na wala naman silang kasalanan dahil sumusunod lang naman sila ay naiirita na rin ako sa kanilang dalawa. “Huwag n’yo akong hawakan. Kusa akong aalis. Alam ko na sinusunod n'yo lang 'tong boss n'yo pero hindi n'yo ako na ako kailangang kaladkarin. May mga paa ako, kaya kong maglakad." Maglalakad na sana ako paalis nang mas lalong bumigat ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Lester sa akin. “That’s the main reason why I wanted to marry you in the States, Yanna," aniya. "It will be easier for me to file a divorce against you for the fastest time… like, eleven months? But it will be better kung six months lang,” he added in a casual tone, na para bang hindi ako masasaktan sa mga sinasabi niya. Na para bang hindi pa rin kami mag-asawa ngayon. For the second time, the thought of our marriage and the exchange of our wedding vows broke me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD