Julianna "Excuse me..." pagkuha ko sa atensiyon ng lalaking kasabay ko sa paglakad. Nakahawak pa ito sa may lower back ko, na gusto kong alisin. Although parang hindi naman talagang nakalapat ang palad niya roon dahil hindi ko masyadong ramdam ang weight ng kamay nito. Pero kung titingnan sa ibang anggulo, masasabi mong nakahawak siya roon. Lumingon ito sa akin habang tikom ang bibig na nakangiti. "Hmm?" Huminto ako sa paglakad kaya huminto rin ito. Binalikan ko naman ng tingin ang apat na taong iniwan namin, na ngayon ay nag-uusap-usap pa rin. Iyong Dane ay nakapatong ang braso sa balikat ni Aljon, at sa paningin ko, parang ang liit-liit nito sa tabi ng lalaki. Hindi rin mukhang 'friendly' iyong pagpatong ng braso nito kay Aljon. It was more like he's cornering him. "Bakit kailanga