Julianna Gulat pa rin ako sa biglaang ginawa ni Jercie sa kuya niya kahit na tapos na. Mabuti na lamang at dumating ang mga magulang nila na kaagad umawat sa kanya dahil kung hindi, siguradong nakapatay na siya--at ang malala ay ang kapatid pa niya. Ngayon ay kinakausap silang dalawa sa isa sa mga silid nitong bahay. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng galit para sa mga kaibigan ni Jercie dahil ni isa man sa kanila, walang umawat. Maayos pa nga silang nakakapag-usap ngayon kahit na ganoon na ang ginawa ng kaibigan nila! Nakakairita pa nga silang pakinggan na pinagtatawanan lang iyong seryosong bagay! Parang mas importante sa kanila iyong gulong nasaksihan kaysa sa kung ano ang magiging resulta. At ang isiping sila ang pasimuno, lalong nakakagalit! Ngayon ko lang napagtanto na kaya s