Julianna Hindi ko alam kung anong oras na pero gising na gising pa rin ako. Bukod sa pangamba na baka biglang maisipan ni Aljon na pumasok dito sa kuwarto ko kapag nakauwi na siya, ayaw din akong dalawin ng antok. Ngayon ko lang din talagang nararamdaman ang pananakit ng pisngi ko, pati na rin ang anit ng buhok ko. Kaninang magtungo ako sa banyo ay bakat na bakat ang mga daliri ni Aljon sa mukha ko st panga. Parang nakalapat pa ang mga kamay niya sa pisngi ko hanggang ngayon. Dapat ko bang pagsisihan ang naging desisyon ko na sumama sa kanya? O tama lang ang ginawa nito sa akin dahil sa ginawa kong pagbabaubaya ng sarili ko sa kapatid niya? Nakakatakot lang na kapag talagang nalaman na ni Aljon ang tungkol doon, totohanin niya ang pagbabanta niya. Madadamay ang mga walang alam sa mga