Julianna "You can stay here until after lunch. I'll be back maybe around two," ani Jercie pagkahintong-pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng aming bahay. Sumulyap pa ito ng tingin sa akin sa rearview mirror. Gusto kong hilingin na kung pwede sana ay buong maghapon, pero pinigilan ko ang sarili ko. Simula ngayon ay hindi na ako manghihingi ng kahit ano mang pabor sa kanya dahil pakiramdam ko ay maniningil si Jercie—at sa paraang hindi ko gusto. "Okay. Saan ka ba pupunta?" usisa ni Jeraine na nakaupo sa harapan. Ako dapat ang nakaupo roon subalit tinanggihan ko kaninang i-offer sa akin ni Jercie. "Dane calls for a meeting," tugon ni Jercie. Tumingin ito sa wristwatch na suot. Bahagya namang kumabog ang dibdib ko nang ibaling nito ang ulo sa gawi ko. Kaagad kong ibinagsak ang paningin ko