Julianna “Kailan mo ba ako titigilan, huh?” mahina kong tanong sa galit na tono sabay tabig sa brasong nakayakap sa bewang ko. Gusto ko pa sanang lumingon para malaman kung nakasunod o malapit sa amin si Jeraine subalit hindi ko magawa. Bukod sa nahihiya ako, ayoko na ring makita pa ang ekspresiyon sa mukha ng mga kaibigan ko. Paniguradong papapakin nila ako ng mga tanong kapag nabigyan sila ulit ng pagkakataon. “Try to rephrase that question,” usal ni Jercie sa kalmadong tinig. “Ano?!” huminto ako sa paglakad saka inis na hinarap. Hindi ko na inalintana ang presensiya ni Jeraine na kalalapit lang sa amin. “Itanong mo kung hindi ba kita titigilan,” udyok nito habang nakangisi. “You might love to hear what my answer would be.” I glared at him, completely ignoring his sister’s presen