Julianna
Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng bahay ay unti-unti ko na ring naramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso ko. May iilang mga tao—babae—na sumalubong at bumati sa amin. Iyong iba ay halatang natutuwa, pero may mangilan-ngilan din akong napansin na hindi ko maintindihan ang emosyon sa mukha.
Sa tingin ko ay kasambahay ang mga iyon dito dahil pare-pareho sila ng kasuotan.
At kung hindi peke, pilit na ngiti lang ang nakayanan kong ibigay sa kanilang lahat.
I wanted to admire the grandness of this house. Hindi lang basta-basta ang pagkakagawa, at ang interior design nito ay isinisigaw ang yaman na mayroon ang mga Esquivel. Grand double staircase, elegant chandelier, seamless marble tiles with mixtures of white, gray, and gold color. Isa ito sa mga klase ng bahay na paniguradong pangangarapin mo.
Bawat gamit din na nakikita ko ay halatang mahal ang mga presyo. A grand piano, a classic set of couches, painting, and even the ceiling design look expensive.
Pero kahit na anong ganda, luwag, bango, at linis tingnan nitong bahay, hindi pa rin maramdaman ang tuwa. Hindi ako komportable. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa lugar na ito—na ang liit-liit ko.
"Welcome back, Mister Esquivel," magilas na bati ng isang babaeng nagmamadaling naglalakad tungo sa direksiyon namin.
Nag-e-echo pa sa buong bahay ang tunog ng takong ng mga sapatos nitong suot, at hindi ko masabi kung saan siya nagmula.
Huminto si Aljon sa paghakbang kaya awtomatikong napahinto rin ako.
"Where are they, Trinity?" walang ngiting tanong ng kasama ko nang makalapit na sa amin ang Trinity na tinawag. Matabang pa ang tingin ni Aljon sa kanya.
Hindi naman nabura ang ngiti sa mga labi ng babae. Mas lalo pa iyong lumapad nang dumako sa akin ang paningin niya.
"Nasa family room na po sila. Hinihintay po nila kayo roon, Sir," magalang pa ring tugon ni Trinity kahit na ganoon ang ekspresiyon sa mukha ng amo niya.
Sinuri ko ang hitsura ng babae. Hindi ko masabi kung isa rin ba siyang kasambahay o ano rito dahil sa suot niya. Para siyang nagta-trabaho sa opisina. Knee-length black skirt and white collar long-sleeves. Maayos rin ang pagkaka-tuck in niya—katulad nang maayos ang pagkaka-makeup nito sa mukha.
At kumpara sa mga sumalubong sa amin kanina, medyo bata ang hitsura nito. Parang ka-edad ni Millie o mas matanda pa ng kaunti, pero maganda.
"Welcome home, Miss Julianna," masayang bati nito nang ituon sa akin ang atensiyon.
"Uh, salamat po," nahihiya kong sabi.
So, dito talaga ako titira? I mean, kami? Wala bang sariling bahay itong lalaking ito?
Hindi na nagpalipas pa ng sandali si Aljon. Kaagad na niya akong hinila patungo sa kanang bahagi ng bahay.
Nang maalala ko ang sinabi ni Trinity, nanumbalik sa pagkabog ang dibdib ko. Wala akong ideya kung sino ang mga naroon sa family room na sinabi.
"S-Sino-sino ang mga nasa family room?" malumanay kong tanong nang matantong walang balak si Aljon na bigyan ako ng impormasyon tungkol doon.
"Are you that stupid, Julianna?" Mapakla itong tumawa. "From the word family, sino pa ba sa tingin mo?" Lumingon ito sa akin habang nakataas ang mga kilay.
Matinding iritasyon ang gumapang sa sistema ko. Kinagat ko ang dila ko upang hindi na lang makasagot sa kanya.
Kahit yata gaano pa kalumanay ang tinig mo sa pakikipag-usap sa gagong ito. ganitong klase pa rin ng pag-uugali ang ibabalik sa'yo.
Pwede naman niya akong sagutin sa maayos na paraan! Hindi iyong ganitong mag-iinsulto pa siya! At hindi man lang talaga siya nag-aksaya—kahit segundo man lang—upang i-inform ako sa mga madadatnan ko rito, o sa mga maaaring maganap.
Huminto kami ni Aljon, ilang hakbang ang layo mula sa saradong French doors. May dalawang lalaking nakatayo sa magkabilang gilid, tuwid na tuwid ang katawan at nakatingin lang sa unahan na parang mga robots. At sa palagay ko ay mga bodyguards sila. Mas maayos pa nga ang suot nila kaysa sa akin.
Pero ang weird lang dahil kahit na nasa loob na sila ng kanilang pamamahay, kailangan pa ring may nagbabantay sa kanila. Wala ba silang tiwala sa isa't isa?
Agad pinakawalan ni Aljon ang kamay ko, subalit mabilis din siyang humawak sa magkabilang braso ko at pwersahang iniharap sa kanya.
Kinabahan ako nang makita ang seryoso at mapanganib nitong ekspresiyon, na parang kapag hindi ako sumang-ayon sa kung ano man ang sasabihin niya, hindi siya magdadalawang-isip na balian ako ng mga buto.
"Behave yourself, Julianna. If you're not asked, you're not allowed to speak, understood? And watch your words when you talk."
"Okay," halos pabulong kong sinabi.
Pero may sumiksik na isang theory sa dulo ng isipan ko.
Kaya ba niya nasabi iyon ay dahil walang ideya ang pamilya niya sa kung papaano niya ako napapayag sa gusto niya? Baka hindi nila alam ang ginawa niyang pagbabanta sa amin? O baka nga wala silang ideya tungkol sa akin.
Ngumiti ito at bahagyang hinaplos ang pisngi ko.
"I don't like what you're wearing now, but I don't have the time to dress you up." Dumako ang kamay niya sa manggas ng t-shirt na suot ko at parang nandidiri pa noong hawakan niya iyon. "Today should be the last time you wear these kinds of shit."
Ikinuyom ko ang mga kamao ko sa magkabilang gilid ko.
Buhay pa kaya akong makakalabas dito sa bahay na 'to kung sakali mang suntukin ko ang mukha ng hayop na ito?
"Sure!" Hindi ko itinago ang tabang sa tinig ko na ikinasingkit ng mga mata niya.
Hinintay kong muli niyang ikulong ang panga ko sa palad niya subalit hindi niya iyon ginawa. Instead, inayos nito ang buhok ko sa malambing na paraan saka ini-akbay ang braso sa balikat ko.
Parang may sira ito sa ulo.
Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng French doors. Hindi ko makita kung sino ang mga nasa loob dahil frosted ang glass ng parehong pintuan. Wala rin akong tinig na naririnig.
Nanuyot ang lalamunan ko nang sabay na buksan ng mga guards ang double door para sa amin. At kahit ayokong kumapit kay Aljon, nagawa ko dahil sa kaba na bumalot sa akin. Halos itago ko pa nga ang mukha ko sa dibdib niya.
Mukhang naramdaman naman niya ang kaba ko dahil humigpit ang pagkaka-akbay nito sa akin, na parang pinapakalma ako.
"Your designs are good, Rain."
"I know, Dad. Thanks."
Iyon ang mga tinig na sumalubong sa mga tainga ko nang mabuksan ang mga pintuan.
"Oh! Here they are!" masayang anunsyo ng tinig na una kong narinig.
"Relax," bulong naman ni Aljon, at sa unang pagkakataon, naramdaman kong concern ito sa akin.
O baka nagpapakitang-tao lang siya? Pero kahit gano'n pa man, kailangan ko ito sa ngayon.
Huminga ako nang malalim saka umayos sa pagkakatayo, pero hindi ko inalis ang pagkakakapit ng braso ko sa may likuran niya.
Nang magsimula na kaming lumakad papasok ay halos hindi ako makahinga. Gumawa ng ingay ang dibdib ko, na kinailangan ko pang pekein ang ngiti ko sa mga taong nasa loob.
Apat silang nandito ngayon. Dalawang babae at dalawang lalaki, pero iyong isang lalaki ay nakaharap sa big glass window sa may bandang sulok nitong silid, halatang may kausap sa phone habang nakapamulsa ang isang kamay sa suot niyang jeans. Ang tikas pa ng pagkakatayo niya at mukhang hindi pa alam ang pagdating namin.
Itinuon ko ang mga mata ko sa dalawang taong magkatabing nakaupo sa couch habang parehong may ngiti sa mga labi na nakatingin sa gawi namin.
May suot na salamin sa mata ang lalaki at obvious nang may edad na siya. Subalit kahit gano'n, hindi maitatanggi na gwapo siya noong kabataan niya—hanggang sa ngayon—kahit na halos kulay abo na ang buhok niya. Pormal din ang suot nito, katulad ni Aljon. Hula ko ay ito ang tatay ni Aljon kahit na hindi sila magkamukha. May kahawig ang ginoo, subalit imposible naman iyon.
Ang nasa tabi naman niyang babae ay maganda. Morena ito at hanggang balikat ang haba ng buhok. Maiksing denim shorts at maroon na crop top lang ang suot niya pero halata pa rin ang pagka-stylish niya.
Dumako ang paningin ko sa babaeng nakaupo sa single seater couch, sa harapan ng dalawang magkatabi. She is in an elegantly crossed-leg sitting pose, smiling at us. May katandaan na rin siya, subalit naroon pa rin ang pagka-classy sa histura at suot nitong puting button down dress. Malinis din ang pagkaka-ayos ng buhok niya kahit na mayroon ng mga silver strands. Walang dud ana ito ang ina ni Aljon dahil may hawig ito sa kanya. Pare-parehong magagaspang ang tabas ng mga mukha.
"Welcome home, hija," anang matandang lalaki saka tumayo nang makalapit kami sa kinaroroonan nila.
Kusa itong humakbang tungo sa akin. Inihanda ko ang kamay ko upang makipag-shakehands subalit iba ang plano nito.
Pinakawalan ako ni Aljon nang bumeso sa akin ang lalaki. Tumayo naman ang dalawa pang taong nandito.
"Magandang araw po, Sir," may pag-aalangan kong bati.
"I'm Abdiel Esquivel, Aljon's father," pakilala nito. "Nice to have you here, Julianna. And please, do call me what my kids call me: Dad." Sincere itong ngumiti.
Pinwersa ko naman ang sarili ko upang makaganti ng ngiti sa kanya.
Nagtungo naman sa tabi ni Mr. Esquivel ang sa tingin ko ay asawa niya.
"Hello, sweetheart," bati ng matandang babae saka rin bumeso sa akin. "Estelle Esquivel. I can't wait to shop with you." She smiled warmly at me.
"You're right, Aljon. She's pretty," wika naman ng babaeng maiksi ang buhok habang nakangiti sa akin. "Jeraine." Nagulat ako nang yumakap ito sa akin. Para naman akong tanga nang yumakap ako pabalik.
Nang humiwalay sa akin si Jeraine ay muling ibinalik ni Aljon ang braso sa balikat ko. At kahit nabibigatan ako, hindi ko iyon inalis. I just thought of it as an anchor that's keeping me in place.
Natuon ang atenisyon namin sa lalaking naglalakad tungo sa amin mula sa likuran ng pamilya ni Aljon. Walang ibinibigay na kahit na anong emosyon ang eskpresiyon ng mukha nito.
Sandali kaming nagkatitigan, at nang rumehistro sa utak ko ang hitsura niya, biglang nanlamig ang dugo ko, hanggang sa mag-yelo na.
Parang may bigla na lamang sumakal sa akin. Wala rin akong tinig na naririnig, at hindi na naging malinaw ang takbo ng isipan ko habang kumakalampag ang puso ko sa dibdib ko.
Napuno ako ng takot at mga pagtatanong sa kung bakit siya nandito. Ngunit kahit gano'n, alam ko sa sarili ko na wala akong balak na magtanong.
Pagkatapos ng gabing iyon—pagkatapos niyang umalis nang walang paalam kinakabukasan, hindi ko na naisip na muli pa kaming magkikita ng lalaking ito.
"Jercie," aniya nang makatuntong sa harapan ko. "Your soon-to-be husband's brother." Inilahad nito ang kamay. Ilang segundo akong tumitig doon dahil wala akong balak na kunin iyon.
Paano ba ako makikipag-shakehands sa lalaking kahit na hindi ko kilala, hinayaan kong may mangyari sa aming dalawa? At ngayon malalaman ko pa na kapatid siya ng lalaking mapapangasawa ko?
"You don't do handshakes, Miss?" tanong nito, nakataas ang mga kilay.
I do! I shook your hand inside the club, and we did more than that!
"S-Sorry!" taranta kong ini-abot ang kamay ko na biglang nanginig. "J-Julianna," utal ko pang pakilala.
Ilang mura rin ang bumuhos sa isipan ko, hindi para sa kanya, kundi para sa sarili ko.
Sa dinami-rami ng lalaki roon sa club, bakit ba ako nagpatangay sa kanya noong gabing iyon? s**t!
Ano na lang ang iisipin ng lalaking ito ngayon?
"Welcome to the family, Julianna." Ngumiti sa akin si Jercie na parang ngayon lang kami nagkita.
Parang hindi kami nagkasama sa iisang kama.
Parang hindi ko minsang ipinaubaya ang sarili ko sa kanya.
Pero gano'n naman talaga iyon. Isang gabi lang naman may nangyari kahit na hindi lang isang beses.
Hindi ko naman inasahang makikilala pa niya ako, o maalala ang ginawa namin kung sakali.
Hindi ko lang lubos maisip na magkikita pa kami, at dito pa talaga!
"T-Thank you." Pinilit ko siyang nginitian.
Nakangiti pa rin ito sa akin nang tumango siya saka na naunang umupo sa couch.