Chapter 6: Familiar

2478 Words
Julianna "Apo?" Mabilis kong pinunasan ang buong mukha ko nang marinig ko ang tinig ni Lolo kasabay ng mga katok. "Sandali lang, Lo. Patapos na po ako." Hindi ko ipinahalata na bumubuhos na ang lahat ng emosyon sa akin sa mga sandaling ito. "Oh, sige. Hihintayin kita sa sala," wika pa nito, at ramdam ko konting lungkot sa tinig niya. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi upang mapigilan ang ang panginginig nito, subalit ang hindi ko kayang pahintuin ay ang mga luha na sunod-sunod na tumulo. Akala ko ay magigig maluwag na sa dibdib ko ang pagsama kay Aljon pagkatapos kong sulitin ang mga araw na malaya pa ako. Nagawa ko pa ngang ibigay ang sarili ko sa isang estranghero, pero bakit parang hindi pa rin iyon sapat? Ngayong araw na kukunin na ako ni Aljon, parang mas lalo lang bumigat ang lahat. Bigla akong nakulangan sa mga araw. Muli kong pinahid ang mga luha ko nang makarinig ulit ng mga katok sa pintuan ng kwarto ko. "Jules?" Tinig ni Valerie. Hindi maikakaila ang pag-aalala nito—na siguradong para sa akin. "Wait lang," usal ko. Minadali ko ang paglalagay ng mga gamit sa bag. Hindi naman ganoon karami ang mga dadalhin ko. Sa katunayan ay sinabi ni Aljon na hindi ko na kailangang magdala pa ng kung ano dahil papalitan niya ang lahat ng mga gamit ng bago. Kaya rin daw niyang punuin ng mga mamahaling damit at mga sapatos ang closet ko—na alam kong hindi ko naman kakailanganin. Iyon nga lang, hindi ko siya pwedeng suwayin. Kailangan ko nang maging sunod-sunuran sa mga gusto niya kapag naroon na ako sa kanila. Wala na akong karapatang humindi, o magreklamo. Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko ay nagtungo ako sa harapan ng salamin para ayusin naman ang sarili ko. Masusi ko ring pinakinggan ang mga tinig sa labas nitong silid. Kahit na hindi ko nakikita si Aljon ngayong umagang ito, alam kong prente itong nakaupo sa sofa ng aming sala, na parang pag-aari niya ang lahat ng nandito sa bahay. At paglabas ko rito sa kwartong ito—sa mismong bahay—mag-iiba na ang magiging takbo ng buhay ko. Ibang tao na ang mga makakasalamuha ko sa araw-araw kapag umalis na ako rito. At ngayon pa lang, naninikip na ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay magiging preso na ako. Humugot ako ng isang malalim na hininga saka naglakad palapit sa kama. Dinampot ko ang isang bagpack saka isinukbit sa balikat ko. Binitbit ko na lang din ang isa saka na lumabas. Pagdating ko sa sala ay kaagad na gumuhit ang galit sa dibdib ko para sa lalaking nakaupo. Naka-de-kwatro pa ito habang nakaipit ang sigarilyo sa pagitan ng dalawang daliri. Amoy na amoy dito sa buong bahay ang mabahong usok ng sigarilyo. Malapad din ang ngiti nito sa akin—na para akong isang trophy na napanalunan niya sa isang paligsahan. "It took you a while, but I'm not complaining," pahayag ni Aljon. Sumenyas ito sa isa sa mga tauhan niyang narito upang lumapit sa kanya. Hindi ko naitago ang pagkasuklam sa mukha ko nang makalapit nga ang lalaki sa kanya dahil inutusan lang siya nito na kunin ang ashtray sa lamesita na abot naman niya. Basta na lamang din niyang inilagay doon ang sigarilyo nito. Ang tauhan pa niya ang hinayaan niyang mag-diin sa sigarilyo niya sa ashtray. Mukha siyang ka-respe-respeto sa suot niyang black suit pero hindi maikakaila sa hitsura niya ang kayabangan. Sobrang taas siguro talaga ng tingin ng lalaking ito sa sarili niya. Nakaka-bwisit. "Let's go, Julianna." Tumayo si Aljon saka inayos ang kasuotan. Muli siyang sumenyas sa mga tauhan niya, at hindi na ako nagulat nang lumapit ang dalawang lalaki sa akin upang kunin ang mga dala ko. Simpleng senyas lang, walang salitang ginamit, pero alam kaagad nila ang ibig sabihin ng lalaking ito. "Kakausapin ko muna ang lolo ko at kaibigan," pahayag ko sa matapang na tinig. Tumaas ang mga kilay nito sa akin, at pagkaraan ng ilang sandali ay tumango siya. "Make it quick, Julianna. Marami pa akong mga importanteng bagay na kailangang asikasuhin," seryoso nitong sabi saka na naunang naglakad palabas ng bahay. Pinigilan ko ang sarili ko na sumagot. Mas minabuti kong hindi na lamang iyon pinansin kahit na pakiramdam ko ay sinasabi niyang hindi ako importante. Nagmamadali kong nilapitan ang lolo ko na nakatayo sa may bandang dulong bahagi ng pahabang sofa. Nasa tabi naman niya si Valerie na naka-alalay sa kanya. "Aalis na a-ako, Lo." Nilunok ang lamparang bigla na lamang nabuo sa lalamunan ko habang nakatingin sa mukha ng lolo ko. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na labag sa kalooban ko ito. Ang alam niya ay gusto ko ring sumama kay Aljon—na bukal sa loob ko ang pagtanggap sa alok niyang kasal. Inilihim ko sa kanya ang tungkol doon sa kontrata, maging iyong mga pagbabanta ni Aljon sa amin. Walang ka-alam-alam si Lolo roon. Si Valerie lang at ang pamilya niya ang mga nakakaalam ng lahat. "Mag-ingat ka roon," habilin nito saka hinaplos ang buhok ko. "Huwag mong kakalimutan na may bahay ka rito. Tsaka, huwag mor in akong masyadong intindihin. Pakitunguhan mo nang maayos ang mga taong madadatnan mo roon. Sila na ang magiging pangalawa mong pamilya simula ngayon." Tumango lang ako. Ayokong magsalita dahil sa segundong bumukas ang bibig ko, siguradong sasabay ang mga luha ko. Humugot ako ng isang hininga saka yumakap sa kanya, na agad naman nitong ginantihan. Ibinaon ko nang husto ang mukha ko sa leeg niya. Ilang beses naman siyang humalik sa gilid ng ulo ko. Nang handa na akong magsalita ay ako na mismo ang humiwalay. "Huwag ka nang magpapakapagod sa gulayan, Lo. May mga magta-trabaho na roon para sa'yo." Pilit akong ngumiti. "Huwag mo rin sanang pasakitin ang ulo ng mga magbabantay sa'yo rito." Nasa early 70s na si Lolo. Hindi na bata ang katawan niya. Halata na ang katandaan sa balat at buhok nito, pero sa isip niya ay bata pa siya at malakas pa rin. Marami na rin siyang tine-take na gamot dahil may problema na sa kalusugan niya—na medyo lumala pa noong mamatay sina Papa. Kaya rin ako pumayag sa gusto ni Aljon ay dahil nangako siya na sasagutin ang lahat ng pangangailangan ng lolo ko na hindi alam ko sa sarili kong hindi ko maibibigay. Tutal naman ay ako ang kapalit, lahat ng benefits na pwede kong makuha para sa lolo ko, kukunin ko upang masigurado ko na nasa mabuti siyang lagay. Umismid si Lolo kaya tumawa ako. "Malakas pa ang lolo, Julianna." Pinakita nito ang muscle niya. Muli akong yumakap nang mahigpit sa kanya bago ko hinarap si Valerie. "Paki-tingan-tingnan na lang si Lolo, Val, ha? Pasyalan mo rito kapag hindi ka busy. Lagi mong banggitin ang pangalan ko." Humalo ang pakikiusap sa tinig ko. Sandali akong tintigan ni Valerie gamit ang mga malulungkot na mata. Hindi ganoon ka-emosyonal 'tong kaibigan ko, pero kapag importante ka sa kanya, makikita mo naman sa mga mata niya. "Ako na ang papalit sa'yo sa pagpunta sa palengke. Nauumay na si Mama sa mukha ko sa bahay," aniya. Tumango-tango ako habang nakangisi. "Mas mabuti 'yon. Hindi ka na tatawaging palamunin ni Millie," pang-aasar ko. "Gaga 'yon! Nahihirapan lang ako sa paghahanap ng trabaho!" Bumusangot ito. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hatakin palapit sa kanya at mahigpit na niyakap. "Sabi ni Papa at Mama, ingat ka raw doon. Huwag mo daw hayaang alipustahin ka ng Aljon na 'yon o kung sino man sa kanila," bulong nito upang hindi marinig ni Lolo. "Pero ang masasabi ko, Jules, kung kaya mong takpan ng unan si Aljon habang tulog siya, gawin mo hanggang sa mamatay. Sabihin mo na lang na binangungot." "Gaga ka rin!" Natatawa kong singhal sabay tapik sa likuran niya. "But at least, hindi na ang demonyong iyon ang makaka-una sa'yo." Malakas kong pinalo ang likuran niya na ikinadaing nito. Kumalas din ako sa kanya at kaagad ko inilibot ang paningin ko sa mga kasama namin dito dahil baka may nakarinig sa kanya. "Valerie, ha?" may pagbabanta kong wika nang masama ko siyang tingnan. Matamis lang itong ngumiti saka pa nag-peace sign. "Basta, ingat ka roon. Iwasan mo na lang na...makagawa ng against sa gusto ni Aljon para hindi ka masaktan o mapahamak. Walang magtatanggol sa'yo roon. Sarili mo lang ang kakampi mo." Sincere itong ngumiti. Sumimangot ako dahil nag-uumpisa na naman akong maging emosyonal dahil sa mga sinabi niya. "Ma'am, naghihintay na po si Sir," singit ng isang tinig. Muli akong yumakap kay Lolo at Valerie saka na nagpaalam na aalis na. Sobrang bigat ng mga paa ko habang naglalakad palabas. Alam kong nasa likuran si Lolo at ang kaibigan ko para ihatid ako sa labas subalit hindi ko na sila nilingon. Baka biglang magbago ang isipan ko at tatlo kaming mamamatay dito sa loob ng pamamahay namin. "Sino 'yang sinusundan natin, hija? Bakit tayo nakasunod sa kanya?" Sandali akong napahinto sa paglakad nang saktong makalabas na ako ng bahay dahil sa narinig kong iyon. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko upang mapigilan ang sarili na lumingon. "Si Julianna, Lo," ani Valerie. Tipid akong napangiti sa sarili saka na nagpatuloy sa paglakad nang wala na akong narinig na salita mula sa lolo ko. Iginiya ako ng isa sa mga tauhan ni Aljon palapit sa isa sa mga sasakyang nakaparada sa labas ng aming bakuran. Agad ding binuksan ang pintuan para sa akin. Hindi na ako lumingon pa sa mga taong iniwan ko at diretso nang pumasok sa loob ng sasakyan kung saan naghihintay si Aljon Esquivel. Kahit noong lumakad na paalis ang dalawang sasakyang nasa unahan, hindi ko na tiningnan si Lolo at Valerie. "Isang beses sa isang linggo ka lang pwedeng bumisita sa lolo mo, Julianna," ani Aljon nang umandar na rin ang sasakyan paalis. "At sa isang beses na 'yon, tama na ang isang oras." Mabilis ko siyang nilingon. "Isang beses na nga lang, isang oras pa?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi ko rin napigilan ang paghalo ng iritasyon sa tinig ko. Nahigit ko ang hininga ko nang bigla nitong sakmalin ang panga ko. Mahinang daing ang napakawalan ko nang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. "You don't have the right to question me. Ang bawat sasabihin ko sa'yo, iyon ang masusunod," aniya pa malapit sa mukha ko. "And if you ever try to defy me, you know what will happen. Hindi lang sa'yo at sa lolo mo. Naiintindihan mo ako?" banta nito. Wala sa sariling napatango ako. Marahas nitong pinakawalan ang panga ko, na halos mapasandal ako sa bintana ng sasakyan. "I'll throw a welcome party for you next week so my business partners and other family members can get to know you." Inayos nito ang suit niya saka prenteng sumandal. "Huwag na huwag mo akong ipapahiya sa ibang tao o sa kahit na sino, Julianna." Lumunok ako saka muling tumango. "Imbitado ba...ang lolo at mga kaibigan ko?" lakas-loob kong tanong. Nang-iinsulto itong tumingin sa akin saka pagak na tumawa. "What do your grandfather and friends know about rich people's parties? Siguradong kahihiyan lang ang ibibigay nila sa akin." Mahigpit kong naikuyom ang mga kamo ko at ilang mura ang bumuhos sa isipan ko para sa lalaking kasama ko rito sa likuran ng sasakyan. "Kung gano'n pala, bakit ako pa ang napili mong alukan ng kasal? Wala rin akong alam sa party niyong mayayaman!" Pasinghal kong sabi. Masamang titig ang ipinukol nito sa akin na matapang kong sinalubong. Kita ko ring nagtiim ang bagang nito ngunit wala akong takot na maramdaman. Galit at pagka-insulto lang. Ni hindi man lang talaga siya nagpalipas ng araw bago palabasin ang masama nitong ugali. "The reason why I chose you is none of your stupid business. Dapat nga ay magpasalamat ka pa," matabang nitong pahayag. Ngumisi ako saka umiling. Hindi na lang din ako nagsalita at minabuting nasa isipan ko na lang ang mga gusto kong sabihin sa demonyong ito. "I will take you to every event I go to." Pinigilan kong tabigin ang kamay niya nang humawak ito sa kulot na parte ng buhok ko. "I don't like your curls, Julianna. But I will let you wear your hair like that at home. Just make sure to straighten it whenever we attend a party." Pinakawalan nito ang buhok ko saka na tumingin sa unahan. Gustong-gusto ko siyang sigawan subalit mas pinili ko na lang na manahimik. Sa ugaling mayroon ang lalaking ito, sana pala ay itinuloy ko na lang ang pagtalon ko sa bangin. Ilang buwan o taon ko bang kailangang tiisin ang taong 'to? Maayos naman ang panlabas nitong anyo. Hindi siya pangit. Iyong ugali lang niya. Binuburan siya ng hitsura at yaman kaya siguro wala ng lugar sa kanya ang pagkakaroon ng magandang asal. At mukhang takot din sa kanya ang driver nitong sasakyan. Pasulyap-sulyap ito sa amin ngunit kahit naririnig na niyang iniinsulto ako ng lalaking ito at nakitang halos saktan, wala man lang siyang ginawa. Hindi na muli pang nagsalita si Aljon. Hindi na rin ako umimik hanggang sa makarating kami sa loob ng bakuran ng bahay nila. Sobrang laki ng mansiyon nila at nag-iisa lang ito rito sa mataas na bahagi ng lugar na ito. Wala kang ibang bahay na makikita. Sa madaling salita, wala silang mga kapit-bahay. Kung napadaan ka lang at natanaw mo ito, mamamangha ka. Pero hindi ko maramdaman ang pagkamangha sa sistema ko. Naunang bumaba ng sasakyan si Aljon nang buksan ang pintuan para sa kanya. Kumunot naman ang noo ko nang ilahad nito ang kamay sa akin nang akmang bababa na ako. Tumingin ako sa kanya nang may pagtatanong. "Don't keep me waiting." May hint ng warning ang boses nito saka pa iginalaw ang kamay. At kahit labag sa loob ko, ipinatong ko ang kamay ko sa palad niya. Gusto kong tumawa nang alalayan niya ako pababa. Inilagay pa nito ang isang kamay sa ulo ko para hindi ako mauntog. Mukhang nakalimutan niya ang pananakmal na ginawa niya sa panga ko. Hanggang sa ngayon nga ay ramdam ko pa rin ang mga daliri niya roon. Nang babawiin ko na ang kamay ko mula sa kanya pagbaba ko ay hindi niya ito pinakawalan. Mahigpit pa niya itong hinawakan na siyang ikina-asim ng sikmura ko. "Welcome to your new home, Julianna," wika ni Aljon habang matamis na nakangiti. Fuck you! "Thank you." Pinantayan ko ang ngiti niya. Iginala ko ang paningin ko rito sa labas nang magsimula kaming maglakad habang magkahawak-kamay. Nagtagal ang titig ko sa isang puting sasakyang nakaparada sa may bandang left side nitong magarbong driveway. Hindi ito kasama sa mga sasakyang gamit ni Aljon at ng mga tauhan niya dahil puro itim ang mga ginamit nilang sasakyan. But even though that car looked familiar to my eyes, I didn't bother myself to think where I saw it. O kung kanino at sino ang may-ari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD