Julianna
"Jules, sayang 'yong mga drinks!" reklamo ng kaibigan ko habang hinihila ko siya pababa ng hagdanan.
"Pwede na tayo sa mga nainom natin," pahayag ko. "Nakakahiya na roon sa tao. Tsaka, baka malasing ka pa. Tandaan mo, uuwi pa tayo."
"So, hindi na tayo babalik doon?" gulat pa nitong tanong.
"Hindi na. Dito na lang tayo sa ibaba."
"Julianna, ang ganda na ng pwesto natin doon!" angal nito.
"Val, malapit na akong mag-asawa. Baka nakakalimutan mo ang tungkol kay Aljon? Ano na lang ang gagawin ko kapag nalaman niya ang tungkol dito?"
But of course, hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit nagpasya akong umalis. Ni hindi nga sumagi sa isipan ko si Aljon habang nararamdaman ko ang mga titig sa akin ni Jercie.
Hindi ko na lang talaga matagalan ang epekto ng mga titig ng lalaki. Baka kung ano pa ang katangahang magawa ko kung mananatili pa kami roon.
Ayoko iyong pakiramdam na parang kayang niya akong paikutin sa mga kamay niya sa pamamagitan lang ng tingin. Kaya nga ganito ang napili kong ayos ngayong gabi upang magmukhang intimidating at hindi basta-basta nakakaramdam ng epekto sa mga bagay-bagay, subalit wala pa ring silbi.
"Wala ka namang ginagawang masama, ah? Alam naman niyang nandito ka. Natural lang din na may makilala kang iba ngayong gabi. Iyon lang naman 'yon," katwiran pa ni Val.
Hindi na lang ako sumagot. Ayoko nang itanong sa kanya kung hindi ba niya napansin kung paano tumingin sa akin ang lalaki dahil baka ako lang ang nakaka-isip no'n. Mahirap nang mag-assume.
"Pero iba ang tingin ng lalaki sa'yo, Jules." Naging banayad ang tinig nito. Humalo rin ang pang-aasar. "Tapos, 'yong huling sinabi pa niya."
Kusa akong nagkunot ng noo sa kaibigan ko. Ngumisi naman ito sa akin.
So, napansin din niya. That means, sa akin lang talaga siya ganoon tumitig.
"Hayaan mo," pagtatapos ko sa usapan. Ayoko nang i-entertain pa ang ideya na interesado ang taong iyon sa akin.
Ang sabi nga ni Millie, huwag kaming magtitiwala sa kanya at huwag masyadong palagay ang loob namin. At isa pa, mukhang hindi naman namin ka-edad si Jercie. Parang nasa early 30s na siya na kanina ko lang napagtanto.
Aljon Esquivel is in his mid 30s kaya kung may magagawa lang talaga ako, hinding-hindi ako papayag sa gusto niya. Anglayo ng agwat ng edad ko sa kanya. Pero 'di hamak namang mas gwapo si Jercie, kaya sa hitsura niyang iyon, imposibleng wala pa siyang pamilya. Baka iyong tumatawag sa kanya kanina ay ang asawa niya kaya siya lumayo.
Nang tanggapin ni Valerie ang desisyon kong hindi na kami babalik sa table ng lalaki ay nag-aya muna siyang magtungo sa powder room upang makapag-retouch. Pagkatapos naming masigurado na maayos pa ang mga hitsura namin, dumiretso na kami sa dance floor.
Kahit parang wala nang space rito sa parteng ito ay pinilit pa rin naming makipagsiksikan sa mga hayok na hayok sa pagsayaw at pagsigaw. Kinakabog din ng tugtog ang eardrums ko subalit hindi ko iyon alintana.
Ngunit kahit mayroong malakas na tugtog at mga taong katulad namin ni Valerie na nagsasayaw, hindi pa rin maiwasan ng mga mata ko ang pagdako sa may second level. Wala naman ang gwapong mukha ng nag-imbita sa amin sa table niya sa mga taong nakadungaw upang manood sa mga ganap dito sa dance floor.
Ni hindi ko nga rin alam kung saan siya nagtungo para makausap iyong tumatawag sa kanya. At sa dinami-rami ng tao sa dance floor ngayon, imposibleng mahanap niya kami.
"Gusto kong umuwi nang lasing, Jules," medyo pasigaw at may halong pagkahingal na pahayag ng kaibigan ko habang sinasabayan ang remixes ng mga kilalang kanta. "Iyong tipong bitbit ko na lang ang mga heels ko."
Huminto ako sa pagsayaw saka tumawa.
"Please lang, Val! Ako ang may problema, hindi ikaw! Huwag mo akong pahirapan!" Sigaw ko pabalik.
Pinigilan ko ang sarili ko na pahiran ang mukha ko nang maramdaman ko ang pagtulo ng pawis.
Lumipas ang ilang minuto na panay lang ang tawa naming dalawa ng kaibigan ko at paminsan-minsang nagtatanungan tungkol sa mga hitsura namin. Baka hindi namin alam na mukha na kaming katawa-tawa habang nagsasayaw. Hindi rin namin pansin ang pagka-uhaw dahil nag-e-enjoy kaming dalawa.
Kung saan-saan na rin kami nagpalipat-lipat ng lugar upang maiwasan ang mga lalaking basta-basta na lamang dumidikit o humahawak sa amin.
Hindi na rin ako umasang hahanapin pa kami ni Jercie rito sa dance floor. Hindi naman siguro niya sasayangin ang oras niya para sa amin ng kaibigan ko.
Nang makaramdam kami ng pagod at pagka-uhaw ay nagpasya kaming magtungo muna sa bar counter, pero bago pa iyon ay naglaan muna kami ng minuto sa banyo upang ayusin ang mga sarili namin.
Sakto namang may mga bakante pang stools sa bar counter kaya umupo muna kami at um-order na rin ng ma-iinom saka nag-kwentuhan.
"Hey."
Sabay kaming napahinto sa pag-uusap ni Valerie at napalingon sa taong nakaupo pala sa tabi ko. Hawak nito ang bote ng beer na nakapatong sa countertop habang nakatuon ang namumungay na mga mata sa akin
"Hey," bati ko pabalik saka pilit na ngumiti. Sinulyapan ko ang kaibigan ko na nagkibit ng balikat, mukhang nakita ang nagtatanong kong ekspresiyon.
"Kanina ko kasi kayo pinapanood sa dance floor—from up there," anang lalaki saka pa tumuro sa itaas. "You girls look cute. Lalapitan ko na sana kayo pero bigla kayong nawala." Ngumiti ito nang tikom ang bibig.
"Oh, thanks!" Ginawa kong natural ang tinig ko. Dapat ay magmukha akong sanay sa mga ganitong klase ng interaction sa isang public na lugar.
"Yeah..." nagkamot ito ng ulo. "Wanna go to our table?" Diretso itong tumingin sa akin at pagkatapos ay kay Valerie.
"Sure!" Mabilis na sang-ayon ng kaibigan ko.
Tatango na rin sana ako ngunit hindi ko na naituloy nang may magsalita sa bandang likuran.
"There you are, Julianna."
Nang lumingon ako ay halos mamilog pa ang mga mata ko sa gulat nang makita ang pamilyar na mukha habang nakangiti sa akin. Dumoble ang pintig ng puso ko, at hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng excitement na makita siya.
Para rin niyang nilamon ang ingay sa paligid namin.
"I've been searching for you on the dance floor." Tuluyan itong nagtungo sa may likuran ko, hindi pinansin ang lalaking nasa tabi ko.
"Oh, my gosh, Jules!" Naramdaman ko ang paghawak ni Valerie sa may braso ko. Naroon din ang pagka-thrill sa mababa niyang tinig.
"Uh..." bigla akong nangapa ng mga salita. Kusa ring bahagyang tumingala ang ulo ko sa kanya.
Ano ba ang sasabihin ko?
Hindi ko inaasahang hahanapin mo talaga ako roon?
Salamat at nakita mo ako rito?
My god, Julianna!
Inalis ni Jercie ang paningin sa akin at itinuon sa katabi ko.
"Am I interrupting something?" Tanong pa niya. Muli itong bumaling sa akin, at pagkatapos ay kay Valerie.
May pagtatanong namang tumingin sa akin ang lalaking katabi ko.
"No, no!" Marahang tumawa ang kaibigan ko sabay siko sa akin.
"Um... Iniimbitahan niya kaming pumunta sa table nila," wika ko, at hindi ko alam kung bakit kailangan kong sabihin sa kanya ang bagay na 'yon. "Samahan muna namin siya." Hinila ko ang skirt ng dress ko saka marahang tumayo.
Tumayo rin ang katabi ko na may isang malapad na ngiti.
Tumaas naman ang mga kilay ni Jercie saka muling binalikan ng tingin ang taong sasamahan namin.
"Did you leave me for him?" Aniya nang ituon nito ang mga mata sa akin. Nakangiti pa ito, subalit iyong ngiti niya ay parang hindi friendly.
Umawang ang mga labi ko at hindi ko alam kung bakit bigla akong tinamaan ng kaba.
"Hindi, Jercie! Naku! Hindi gano'n!" Mabilis na sabat ni Valerie. Nalasahan ko pagkataranta sa tinig niya saka pa pekeng tumawa.
"Sige na, Jules, samahan mo muna si Jercie," saad pa ng kaibigan ko.
Nagsasalubong na kilay ko siyang tiningnan nang maglakad ito tungo sa lalaking nasa tabi ko.
"Ano?" Pinigilan kong humalo ang iritasyon sa tinig ko.
Hindi niya ako pinansin. Ikinalawit lang niya ang braso sa lalaking inaanyayahan kami kahit na hindi naman talaga niya ito kilala.
"Okay lang naman siguro sa'yo kung ako lang ang sasama, 'di ba?" Ngumiti si Valerie, iyong ngiting hindi mo kayang tanggihan.
Sa aming dalawa, mas magaling makitungo si Valerie sa mga lalaki. Ang problema nga lang ay kailangan mo siyang bantayan, lalo na kapag may dumadaloy nang alcohol sa sistema niya. Ang sabi nga ni Millie, ibubuka niya ang lahat.
"Oo naman." Ngumisi ang lalaki.
"Val..." tawag ko nang walang sabing hilahin nito ang lalaki palayo sa amin. "Valerie!" Taranta ko pang sigaw nang walang-lingon niya akong iwan.
Akmang susundan ko na sana sila ngunit biglang tumagilid ang takong ng sapatos ko. Muntik na akong sumubsob sa stool. Mabuti na lamang at mabilis akong nahawakan ni Jercie sa braso saka itinayo nang maayos.
"You really wanna go after them?" Tanong nito nang pakawalan ako.
Nginuya ko ang inner bottom lip ko. Gusto kong tumango at sabihing oo, subalit may parte sa akin ang nakakaramdam ng guilt.
"Hindi," usal ko. "Wanna hit the dance floor?" I offered because why not?
It's not like I wanna dance with him. Pero kung nandito kami sa harapan ng counter nang kaming dalawa lang, parang hindi ako makakahinga nang maayos. Mas mabuti na iyong maraming tao sa paligid, hindi tulad dito.
Sa gwapo niyang ito, siguradong maraming lalapit sa kanya at kukuha sa atensiyon niya. Doon, pwede ko na siyang iwan kapag naging abala na siya. Kahit hindi na ako magpaalam.
Tumaas ang mga kilay niya at umangat ang isang sulok ng bibig nito. Iniwas ko ang paningin ko dahil biglang nabuhay ang kung ano mang kinain ko sa loob ng tiyan ko.
Damn, he's hot!
"Not a dance floor, but sure."
Kumunot ang noo ko ngunit mas minabuting hindi na lang iyon pansinin.
Nauna akong naglakad patungo sa dance floor habang nakasunod siya sa akin. At napapangisi ako sa sarili nang mapansin na napapatingin ang ibang babae sa lalaking nasa likuran ko.
Iyong iba ay napapahinto pa at talagang binabalikan pa siya ng tingin—na mas mabuti. Pabor sa akin iyon.
Huminto ako sa may bandang gitna saka pasimpleng lumingon kay Jercie na nakahinto na rin. Nagkunwari akong hindi napansin nang agad siyang lapitan ng iilang mga babaeng sumasayaw. Ang iba ay nakatingin sa kanya nang may paghanga, at iyong iba ay may pagnanasa.
I couldn't blame them. The man looks expensively sexy. Simpleng nakatayo lang siya habang pinapaligiran ng mga babaeng magaganda at sinusubukang kausapin.
Nanatili muna ako ng ilang minuto malapit sa kanya para hindi mahalata sa balak kong gawing pag-alis. Umarte rin akong abala sa pagsabay sa tugtog.
"Hey, handsome. Would you like to dance with me?" rinig kong tanong ng isang tinig sa kabila ng tugtog. "I'm Rachel, by the way."
"Nice to meet you, darling."
Pinigilan ko ang sarili ko na tumingin kahit na alam kong si Jercie na iyong nagsalitang iyon.
Iilan pang mga pangalan ang mga narinig kong sinasabi, at halos pare-pareho lang ang tawag ni Jercie sa kanila.
Darling.
At mukhang ito na ang cue ko upang umalis dahil abala na siyang makipag-usap sa mga babaeng iniimbitahan siyang sumayaw o pumunta sa table nila.
Tuluyan nang nawala sa akin ang atensiyon niya. Mabilis lang palang ma-distract ang isang 'to.
Unti-unti akong gumawa ng hakbang palayo. Hindi na rin ako nag-abalang tumingin pa sa kanya—o sa kanila dahil baka mapansin pa niya ako.
Hindi ko napigilang mapangiti nang sa tingin ko ay medyo malayo na ako sa kinaroroonan ni Jercie. Tuluyan na siguro siyang na-trap sa mga babae.
Gusto ko sanang gayahin ang ibang babaeng nais siyang solohin subalit alam kong hindi ko kaya. Masyado akong na-a-apektuhan sa simpleng presensiya niya lang. Dapat sana ay hindi ako gano'n dahil hindi ko naman siya kilala at paniguradong pagkatapos ng gabing ito, hindi ko na rin siya makikita.
O baka hindi lang talaga ako sanay makitungo sa isang tao--lalaki--lalo na't gwapo siya?
Bigla akong napahinto sa paghakbang nang maramdaman ang isang braso sa mya tiyan ko, at napatili na lamang nang ipihit ako nito paharap.
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagkabog ng dibdib ko nang makita ang mukha ni Jercie na ilang dangkal lang ang layo sa mukha ko.
"That was rude, Julianna," nakangisi nitong sabi. Para ring nakikipag-laro ang tinig niya.
Namahinga ang isang kamay nito sa may balakang ko, samantalang iyong isa ay dinala niya sa may upper part ng likuran ko.
Ramdam na ramdam ko ang init ng mga palad niya kahit na may dress akong suot.
"A-Alin?" Utal kong tanong.
Sinubukan kong ilayo ang sarili ko mula sa kanya. Dikit na dikit ang mga harapan namin, at sa tingin ko ay inappropriate ito--lalo na sa akin. Baka maramdaman niya ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Mukhang nakuha naman ni Jercie ang gusto kong lumayo kaya hinayaan niyang magkaroon kami ng tamang distansya mula sa isa't isa.
"Weren't you the one who invited me to go here?" Wala sa sariling tumango ako. "Then why are you leaving me?"
Isang malutong na mura ang napakawalan ko nang kabigin niya ako palapit ulit sa kanya. Sa sobrang gulat ko ay napahawak na lang ako sa dibdib niya.
Gumuhit ang matinding kaba sa sistema ko nang makita ang seryoso nitong mukha. Pakiramdam ko ay muli akong bumalik sa bingit ng bangin habang nakatingin sa kanya.
"H-Hindi...naman," halos pabulong kong sabi nang mas lalo pa niya akong hinapit. "Naging abala ka na...kasi." Humalo ang hiya sa tinig ko kahit na alam ko sa sarili ko na kasinungalingan lang iyon.
Nagbago ang anyo ni Jercie. Nawala iyong ka-seryosohan at umukit ang isang ngisi sa mga labi.
"Don't worry, Julianna. You have my full attention." Mababa man ang tinig niya at maingay sa paligid, diretso namang pumasok ang mga sinabi niya sa parehong tainga ko.
At hindi ko maintindihan kung bakit ako natuwa roon.
Gusto kong mainis sa sarili ko sa kadahilanang ang lakas ng epekto nitong lalaking ito sa akin. Ayoko nang ganito.
Pinilit kong ngumisi. Kailangan kong umarte ng normal upang masabayan siya. Hindi pwedeng ako lang ang nagkakaganito.
"Well..." usal ko. Pinalakad ko ang mga kamay ko patungo sa may balikat niya. "You were starting to have some fun with those girls. At wala namang masama kung maghahanap din ako ng saya sa iba, 'di ba? Alam mo naman ang dahilan kung bakit ako nandito sa club na 'to." Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang mga salitang iyon.
Matamis akong ngumiti sa kanya sa kabila ng malakas na kabog ng dibdib ko.
"Yeah," usal ni Jercie habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Naroon pa rin iyong ngisi sa mga labi niya.
Matinding pagpipigil ang ginawa ko upang hindi mailayo ang ulo ko nang ilapit nito ang bibig sa may tainga ko.
Hindi ko na rin alam kung saan ko ifo-focus ang atensiyon ko nang maramdaman ko pa ang mga daliri niyang marahan na humahagod sa likuran ko. Bukod pa roon, may kung anong matigas akong naramdaman sa may puson ko.
Mahigpit akong napahawak sa may balikat niya dahil sa kiliti. May kakaiba ring init na gumagapang sa buong katawan ko.
"But if you want to make the most of your free days, Julianna, you will do it with me," bulong nito, at sa paraan ng pagkakasabi niya, para niya akong inaalisan ng karapatan na gawin iyon sa iba.
Peke akong tumawa. Hindi ko ipinahalatang nagkakabuhol-buhol na ang utak ko.
"Sure," sang-ayon ko saka tumango. "What do you have in mind?" Nanunukso ko pang dagdag malapit sa tainga niya.
Mahina itong tumawa.
"Let's get out of here. I prefer demonstrating rather than just elaborating," he said sensually.
Lumayo ito sa akin, at hindi na ako naka-angal nang hilahin niya ako paalis sa dance floor.