Chapter 4: Limit

2134 Words
Julianna Malakas na kumakabog ang dibdib ko sa naging desisyon kong pagsama kay Jercie. Kahit na wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin sa gabing ito, kusang-loob akong sumakay sa sasakyan niya. Nakalimutan ko iyong sinabi ni Millie na huwag basta magtitiwala at huwag maging palagay ang loob. Nakalimutan ko rin ang tungkol sa kaibigan ko na paniguradong hahanapin ako sa sandaling mapansin niyang wala ako. Iyon ay kung mapapansin nga niya. "How old are you, Julianna?" Tanong ng lalaking nagmamaneho. Pinaglaruan ko ang zipper ng purse na nakapatong sa kandungan ko saka pasimpleng sumulyap sa gawi niya. "Twenty-three. Ikaw?" Ginawa kong kaswal ang tinig ko kahit na hindi ko na alam kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko. Halo-halo na. "Well, f**k. I hope 10 years isn't that bad." Ngumiwi ito, hindi ako nilingon. "Thirty-three?" Paninigurado ko sa edad niya. Tumango siya. "Okay lang." Wala nang problema sa akin ang edad. Malapit na nga kaming magsama ng mas matanda pa sa kanya. Itinuon ko ang paningin sa dinaraanan namin. "You seemed nervous," turan nito. Ramdam ko ang mga titig niya sa pisngi ko. I let out a laugh but ended up choking on it. Tumawa naman si Jercie. Tumikhim ako para maging tuwid at tunog normal ang tinig ko. "Normal lang namang nerybosin, 'di ba? Hindi naman kita kilala." Diretso akong tumingin sa kanya. Pero may isa pa talagang dahilan kung bakit ako ninenerbyos. Baka kasi makarating kay Aljon itong pagsama ko sa isang lalaki. Kaninang makalabas kami sa club ay sinuri ko naman nang maigi ang paligid dahil baka may mga mata si Aljon na nakasunod sa akin, ngunit wala naman akong nakita sa mga tauhan niya. Iyong sasakyang naghatid din sa amin ni Valerie ay hindi ko na nakita. Pero ano ba ang alam ko? Sa puntong malaman niya ang tungkol sa ginawa kong ito, hindi lang ako ang mapapahamak. Pati na rin si Lolo. "Wanna know more about me?" Ngumisi ito. Hindi ko rin maintindihan sa tono ng boses niya kung iniimbitahan niya ba akong tumango o binabalaan. Umiling ako. "No need." Dahil baka kapag tumango ako, magmukha lang akong interesado sa kanya. Tama na ang pangalan at hitsura niya. Although hindi ako sigurado kung Jercie ba talaga ang totoong pangalan niya. Tsaka, pagkatapos ng gabing ito, hindi na rin naman kami muli pang magkikita kaya mas mabuting wala na lang akong ibang malaman tungkol sa kanya. "Why not?" May pang-aasar ang tinig nito. "Dahil ito na ang una't huli nating pagkikita. Hindi na kita kailangang kilalanin pa nang husto," saad ko habang nakangiti. At kung sakali mang mag-krus pang muli ang mga landas namin, hindi na ako malaya. "You sound so sure about that, Julianna. Who knows, I might be knocking on your door one day," aniya nang hindi man lang inaalis ang tingin sa kalsada. Tumawa ako—iyong totoong tawa. Walang halong kaba o nerbyos, kahit na hindi naman niya pabirong sinabi iyon. Hindi rin naman siya mukhang seryoso. "Until then," biro ko. Alam ko namang hindi na mangyayari iyon. Unless sa pintuan ng mga Esquivel siya kakatok kung sakali mang totohanin niya. "Wait. Hindi pa kita natatanong. Single ka ba? Kasi kung hindi—" "Very single," putol nito sa sinasabi ko. "I won't let you sit there if I'm not." Inalis nito ang isang kamay sa manibela para ituro ang inuupuan ko. "Okay." Tumango ako. Subalit makalipas ang ilang saglit ay biglang sumagi sa isipan ko si Aljon at ang napagkasunduan namin. Alam ko namang single pa rin ako pero hindi ko maiwasang hindi isipin na nagchi-cheat ako. Matatawag na ba itong cheating kung sakali? Hindi naman siguro, 'di ba? Dahil una sa lahat, wala namang kami ni Aljon. Wala kaming pormal na relasyon. May kontrata man akong pinirmahan, nakasaad naman doon na hanggat wala ako sa puder niya, pwede ko pang gawin ang mga gusto ko—hindi lang ang ganitong sumama sa isang lalaki. Kaya ang dalangin ko na lang talaga ngayon ay hindi malaman ni Aljon ang tungkol dito. Baka madamay pa 'tong taong walang ka-alam-alam. "Do you have any idea what I will do to you tonight?" Biglang tanong ni Jercie. Sandali itong lumingon sa akin, hindi nabura ang ngisi sa mga labi. Ipagpapasalamat ko ba na gano'n ang katanungan niya o hindi? Dahil nanumbalik ang kaba sa dibdib ko saka na lang napalunok. Ano nga ba ang gagawin niya sa akin ngayong gabing ito? Basta na lang ako sumama sa kanya nang walang pagtatanong. May ideyang pumasok sa utak ko sa kung ano ang sa tingin kong gagawin niya—namin. Hindi lang ako sigurado kung iyon nga ba 'yon dahil bukod sa pasulyap-sulyap niyang mga tingin sa gawi ko, wala na siyang ibang ginawa. Ni hindi niya ako hinawakan...o hinalikan. Hindi naman sa gusto kong sunggaban na kaagad niya ako ng halik dito sa loob ng sasakyan, pero pakiramdam ko ay hindi naman siya ganoon ka-interesado katulad ng inaakala ko noong nasa club pa kami. "You will help me make the most of my remaining free days." Hindi ko ipinahalatang kinabahan ako. "Hindi mo naman siguro ako...papatayin." Ako mismo ay natakot sa sinabi ko. "Oh, I could almost taste the fear in your voice--again. Seems like you aren't really ready to die, huh?" He chuckled. "But, no, My Julianna. Killing you is not what's on my mind right now." My Julianna? Naglaho bigla ang pangamba ko dahil doon. Well, okay. Since kasama niya ako rito sa sasakyan niya, at may kung anong ipinapahiwatig ang mga mata niya, sa kanya ako ngayong gabi. Sa kanya muna. Alam ko namang walang ibang kahulugan iyon. Iyong mga babae ngang lumapit sa kanya sa club ay darling ang itinawag niya. Paraan siguro niya iyon upang maging panatag ako. "Mabuti naman." Ngumiti ako. Hindi na rin akong nagtanong kung ano man ang nasa isipan niya. Muling kumalampag ang puso ko nang ihinto ni Jercie ang sasakyan sa tapat ng isang enggrandeng hotel. Naramdaman ko pa ang paggapang ng init mula sa leeg ko, patungo sa mukha. Kailangan ko pa bang magtanong kung ano ang gagawin namin dito? Sinundan ko nang tingin si Jercie nang bumaba ito. Napansin kong sasalubungin dapat siya ng isang lalaki, subalit hindi natuloy nang i-angat nito ang kamay--universal sign ng 'huwag ka ng mag-abala pa.' Nang makalapit si Jercie sa pintuang nasa tabi ko ay parang gusto kong mahimatay. Ilang beses ko ring tinanong ang sarili ko kung sigurado ba talaga ako rito. "Let's go," anyaya nito nang buksan niya ang pintuan. Mas lalong tumindi ang kabog ng dibdib ko. May pag-aalangan pa akong ngumiti sa kanya subalit hindi ako kumilos. Tumaas ang mga kilay nito, halatang nagtatanong. At nang hindi pa rin ako kumilos ay yumuko siya saka mabilis na kinalas ang seatbelt ko. "Jercie!" Magkahalong gulat at tili kong sabi sabay dampot sa purse ko nang walang sabing binuhat niya ako palabas ng sasakyan. Kusa ring yumakap ang mga braso ko sa may likuran ng leeg niya dahil sa takot ko na mahulog. "Ayoko nang pinaghihintay," usal nito sa matigas na tinig. Sinipa nito ang pintuan pasara nang tuluyan na niya akong mailabas. Inayos pa niya ang pagkakabuhat sa akin, parang inipit ang skirt ng dress ko sa braso niya para hindi ako makitaan. "Maglalakad na lang ako!" Taranta kong sabi nang humarap na ito sa may entrance, mukhang desidido nang buhatin ako papasok. Matinding hiya rin ang naramdaman ko nang mapansin ang ibang taong nakatingin sa gawi namin. Pumalatak si Jercie pero tumigil naman ito sa paglakad saka ako marahang ibinaba. Kaagad kong inayos ang buhok ko at ang dress ko. "Come on." Hindi na niya ako hinintay na makasagot pa. Mabilis na niyang hinablot ang pulsuhan ko saka na nagsimulang maglakad. Inihagis na lang din niya sa isang valet boy na naghihintay ang susi ng sasakyan nito. Sunod-sunod akong napalunok nang makasakay na kami sa elevator. Hindi na siya nagtungo pa sa frontdesk kaya sa tingin ko ay naka-check in na siya rito. Pagkatapos pindutin ni Jercie ang floor ng room niya ay tumayo ito sa may likuran ko. Halos kilabutan pa ako nang bahagyang dumikit ang katawan niya sa akin. "What's inside that purse?" Tanong nito sa mababang tinig. Napasinghap ako nang maramdaman ang mga daliri niya na hinahawi ang buhok ko patungo sa may balikat. At kahit na alam kong kaming dalawa lang ang sakay nitong elevator, hindi ko pa rin naiwasan ang kabahan. Iyon pa nga yata ang talagang dahilan kung ba't ako kinabahan. "Cell phone...money, and wipes." Mahigpit kong hinawakan ang purse nang tuluyan na nitong idinikit sa akin ang sarili. Damang-dama ko na ang matigas na bagay sa may bandang itaas ng pang-upo ko. "Para saan ang wipes?" Nahigit ko ang hininga ko nang mabagal nitong ihagod pababa sa likuran ko ang mga daliri ng isang kamay. Tumagos hanggang sa mga buto ko ang kiliti. "M-Makeup remover," pabulong kong sabi. Pinigilan ko ring pumikit nang magtungo ang kamay niya sa may bewang ko. "Nice," ani Jercie. "Remove your makeup as quickly as possible when we get to the room. I don't kiss girls with lipstick." Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa balat nang humalik ito sa tainga ko. Parang bigla rin akong nahilo. Ito ang hinahanap ko sa kanya kanina habang nasa sasakyan kami. At ngayong mukhang ginagawa na niya at ramdam ko na ang pagiging interesado nito, para naman akong sasabog sa kaba. Pinigilan lang siguro nito ang sarili niya dahil sa makapal kong makeup. "Okay..." singhap ko nang lumakad pa ang kamay niya papunta sa may puson ko. Idiniin niya ang palad niya roon kaya mas lalong dumikit ang ibabang parte ng katawan niya sa likuran ko. Napapikit ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa may bandang leeg ko. Kusa ring tumagilid ang ulo ko para sa kanya. "I'm at my limit, Julianna," bulong pa nito malapit sa gilid ng leeg ko. "But I don't wanna f*ck you inside this elevator." Kakaibang init ang nabuhay sa loob ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa balat ng leeg ko. Mabilis akong napamulat nang ipasok niya ang kamay sa ibaba ng suot ko. Sa puntong tumama ang mga daliri niya sa inner thigh ko, wala sa sariling naitikom ko ang mga hita ko kaya naipit doon ang kamay niya. "Jercie..." sambit ko sa medyo nanginginig na tinig. Hindi ko alam kung gusto kong alisin niya ang kamay niya roon o hindi. Mahinang tumawa si Jercie saka pa muling humalik sa leeg ko. "Isn't this what you're expecting?" "I-It...is," utal kong tugon. Ang hindi ko lang in-e-expect ay ganito pala sa pakiramdam kapag may ibang taong humahawak sa'yo. I'm not a saint. Mulat naman ako sa mga ganito. Iyon nga lang, wala pa akong karanasan. Kinu-kwento lang ni Valerie sa akin ang lahat, at tama siya noong sinabi niyang mawawala ka sa huwisyo. Nagka-boyfriend man ako, pero noong senior high pa, at hindi naman kami umabot sa ganitong malapit na niyang mahawakan ang pagkab*bae ko. Mabilisang halik lang at yakap ang ginagawa namin. "Then spread those thighs for me and let me feel your sweet c*nt." Impit na daing ang napakawalan ko nang bahagya niyang kagatin ang tainga ko. Naging dahilan din iyon upang mapaghiwalay ko ang mga hita ko. Muli akong napapikit at napasinghap nang magtungo sa crotch ng underwear ko ang mga daliri niya. Tuluyan na rin niyang ipinulupot ang braso sa may tiyan ko habang iginuguhit niya pataas-pababa sa kaselanan ko ang tip ng dalawa nitong daliri. Mariin kong kinagat ang labi ko upang hindi makalikha ng anumang ingay. Nagsimula na ring mangatog ang mga tuhod ko at manuyot ang lalamunan ko dahil sa kakaibang sensasyong dulot ng ginagawa niya. Uminit ang temperatura rito sa loob ng elevator. Naging mababaw din ang paghinga ko. I can also feel dampness down there. "You're starting to get wet," he teased. And you are starting to grow big. Gusto ko sana siyang asarin pabalik ngunit natatakot ako na baka maging ungol lang iyon. Mas lalo ko na siyang ramdam sa may itaas ng pang-upo. Parang gusto nang kumawala ng kung ano man iyon mula sa loob ng pang-ibaba niyang suot. Tumawa si Jercie saka maka-ilang ulit na humalik sa may balikat ko. Nagmulat ako ng mga mata at nakaramdam ng pagkabitin nang biglaan itong huminto. Walang pagmamadaling inalis ni Jercie ang kamay mula sa loob ng dress ko. Pati ang braso niya sa may tiyan ko ay tinanggal din niya saka siya nagtungo sa may tabi ko. Namumungay ang mga mata ko nang tiningnan ko siya. Sakto naman itong nakatingin din sa akin, at hindi makakaila ang kakaibang emosyon na naglalaro sa mga mata niya habang nakangisi. "We will continue later, Julianna," nang-aasar nitong sabi bago inalis ang paningin sa akin Sumakto namang huminto ang elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD