Julianna "I will tell Dad about this," matigas na saad ni Jeraine habang naglalakad kami pabalik sa kung saan nakaparada ang sasakyan. Halata ang panggigigil nito sa paraan ng pagpindot niya sa screen ng phone, at pati na rin sa bawat hakbang na ginagawa niya. "Rain, kahit huwag na. Hayaan na lang natin siya," tanggi ko saka marahang umiling. Halos yakapin ko na rin siya para lang mapigilan sa balak niyang sugurin iyong lalaki. Gusto ko rin naman iyong gawin. I felt so humiliated by what he did! Nakagagalit na may mga lalaking bastos. At hindi man lang siya nagdalawang-isip na gawin iyon kahit na nasa pampublikong lugar lang kami. Pero ano ba ang laban namin doon sa tao kung sakaling hahayaan ko siya? Malay ba namin kung may nakatago iyong bagay na pwedeng niyang gamitin na ikapapaham