Julianna
"Okay na ba 'yan?" tanong sa akin ng kaibigan ko kasabay nang paghinto ng makeup brush sa paghagod sa lid ng right eye ko.
Nagmulat ako ng mga mata, at ang unang bumungad sa akin ay repleksiyon ko sa salamin.
Burgandy smokey eyes and bold red lips.
My makeup is quite heavy—katulad ng gusto ko. Katulad ng hiniling ko sa kaibigan ko.
Sa paningin ko ay parang hindi ako ang nakikita kong babae ngayon sa salamin na nakatingin din sa akin.
Hindi ko mapigilan ang isang ngiti.
I have soft facial features: round face, narrow bridge with subtle-looking tip nose, curved brows, almond-shaped eyes, and bottom-heavy lips. Pero nagawa ng kaibigan ko na maging sharp at wild ang hitsura ko. My face is contoured in the right places.
Straight na straight din ang itim at medyo may kanipisan kong buhok—na kulot talaga sa bandang ibaba kapag normal na araw.
But tonight is different—just like how I look in the mirror, and this is exactly what I want. Kahit ngayong gabi lang.
I always adore women with sharp facial features because they look attractive and intimidating. Parang si Valerie. Her bone structures are well-defined. She has more angles than curves.
Hindi katulad ko na mukhang maamong tupa. Iyong tipong kahit sadyain mong itulak nang malakas at mapahiga na sa lupa, hindi lalaban at ngingitian ka lang. 'Yong tipong isang sorry lang, okay na ang lahat.
"Thanks, Val!" masaya kong sabi.
Akmang yayakapin ko na sana siya ngunit bigla itong lumayo. Maliit akong ngumuso at hindi na siya pinansin pa.
Tiningnan ko ang suot kong red wine dress sa full-length mirror dito sa kuwarto ng kaibigan ko. Sa sobrang iksi nitong dress, hindi na umaabot ang hem sa tuhod kahit na hilahin mo. Loose rin ang neckline nito kaya konting yuko ko lang, makikita na ang mga dibdib ko. Pero may n****e tape naman ako para maiwasan ang talagang pagbakat ng mga dibdib ko sa suot ko.
I look slutty, but who cares?
Sa edad kong twenty-three, ngayon pa lang ang unang beses na magsusuot ako ng ganito—pati na rin ang pagkaka-ayos ko ngayon ay bagong-bago sa paningin ko.
Kahit bago man lang ako makulong sa isang sitwasyong hindi ko gusto, magawa ko man lang ang mga bagay na hindi ko naisip gawin noong hindi pa limited ang kalayaan ko.
Hindi ko nakahiligan ang pag-aayos o ang pagsu-suot ng mga pang-sexy na damit. Mag-mu-mukha lang akong katawa-katawa sa palengke dahil doon ako madalas. Tama na sa akin iyong nakaligo ako nang maayos.
Kaya ngayon...susulitin ko na ang masasabi kong huling araw ng kalaayan ko.
"Sigurado ka bang gusto mo talagang lumabas na gan'yan ang histura mo?" paninigurado ni Valerie.
Pumihit ako upang maharap siya.
"Oo naman!" maligalig kong tugon.
Umiling naman ito, halatang hindi kumbinsido.
Paano nga naman siya magiging kumbinsido kung simula noong mga bata pa lang kami ay alam na niyang hindi ako mahilig sa ganito? Ni lipstick o lip gloss nga ay wala akong pag-aari. Mas gusto kong isuot ang maluwag na t-shirt kaysa sa sexy na top. Mas gusto kong isuot ang pajama kaysa sa skirt.
"Ang wish ko, makakilala ka ng lalaking mas mayaman pa sa Aljon na iyon sa club na pupuntahan natin. At siya sana ang maging sagot sa problema mo!" Mariin nitong pahayag pero maya-maya lang ay napa-buntonghiniga siya.
Alam niya kasing malabo pa sa usok na mangyayari iyon.
"Hayaan mo na. Wala na rin naman akong magagawa. Naka-pirma na ako ng kontrata." Tipid akong ngumiti.
Last week--pagkatapos kong magkaroon ng suicidal thoughts—nagtungo si Aljon Esquivel sa bahay, bitbit ang marami niyang tauhan at ang kontratang ipinagawa niya sa isang lawyer. At ang sinasaad ng konrata ay hindi na niya pakikialaman ang lupain namin at ang lolo ko kapalit ng pagpayag kong magpakasal sa kanya.
Salita lang iyong napagkasunduan namin noong una, pero siguro ay gusto niyang makasigurado na totoong pumapayag ako. Hindi niya naisip na wala naman akong choice kung hindi. With or without a legal contract. Pero mas mainam na iyong mayroon para may hawak din ako.
Hindi ko alam kung bakit interesado ang lalaking iyon sa lupain namin. Hindi naman iyon kanya—sa kanila. Hindi ko maintindihan dahil hindi naman kalakihan ang inaangkin niya. Kung tutuusin ay mas malaki pa ang lupang kinatitirikan ng mansyon nila kaysa sa pilit niyang kinukuha sa amin.
Bukod pa roon, kilala ang mga Esquivels dito sa buong lugar dahil sa taglay nilang yaman. Halos sa kanila ang mga naglalakihang sakahan. Mayroon pa nga silang rancho, at may mga malalaki rin silang negosyo sa syudad na tinatangkilik ng mga tao.
Pwede naman sana naming ibigay sa kanya ang gusto niya subalit iyon na lamang ang mayroon kami. Doon ako lumaki at nagka-isip. Naroon pa ang masasayang alaala namin noong buo pa kaming pamilya.
Doon din kami kumukuha ni Lolo ng panggastos namin dahil sa mga tanim niyang iba't ibang gulay na itinitinda namin sa palengke.
Pero kahit naman sabihin namin sa kanya na kanya na ang gusto niya, siguradong may gagawin pa rin siya sa amin—katulad na lang ng ginawa niya roon sa pamilyang inagawan niya ng lupa. Lahat sila, wala nang buhay na nakita sa loob ng bahay nila.
At binigyan naman ako ni Aljon Esquivel ng dalawang pagpipilian: ang puwersahan niyang kukunin iyon sa amin kasama ang buhay naming mag-lolo, o magpapakasal ako sa kanya at hindi na niya pakikialaman pa ang lupa—maging si lolo. Ipinangako pa niyang ibibigay niya ang mga kailangan para mapalago pa ang mga pananim ng lolo ko.
I was torn and scared so when I chose the latter, I wasn't thinking straight.
"Natatakot ako para sa'yo, Jules." Humalo ang matinding pag-aalala sa tinig ng kabigan ko.
Maliit akong ngumiti dahil maging ako, natatakot sa papasukan ko—sa sinang-ayunan ko.
Ang sabi ng ibang tao, ang swerte ko dahil natipuhan ako ng isang Esquivel. Mukhang nakalimutan nilang sa loob ng isang taon, anim na beses nang na-i-balita rito na magpapakasal na ang lalaking iyon.
Subalit sa anim na beses at sa iba't ibang babae, ni minsan ay walang naganap na kasalan. Puro engagements lang. Ni minsan ay hindi umabot sa balitang ikinasal na siya, at totoong nag-asawa na. Puro pangako lamang ang mga sinabi niya sa mga babeng natipuhan niya. At pagkaraan ng lang ng ilang buwan, may iba na naman siya.
Pagkatapos ka niyang gamitin, itatapon ka na lang niya na parang basahan.
At ang malala pa, lahat ng mga babeng naibalitang pakakasalan niya, halos hindi na ma-mukhaan kapag iniwan niya. Iyong isa ay muntik na raw mamatay dahil sa pambubugbog niya.
Aljon Esquivel is an abuser.
Pero bulag ang mga tao roon. Wala sa kanila ang ka-hayupan niya dahil mayaman ang pamilya niya. Madalas makalimutan ng mga tao rito na demonyo ang lalaking iyon.
Malaya lang niyang nagagawa ang mga gusto niya dahil tinatapalan niya ng pera ang lahat. At isa pa, may balita na ang isang miyembro ng pamilya nila ay kabilang sa isang organisasyon at halang din ang kaluluwa. Kaya rin walang may gusto na kalabanin sila. Para bang hawak nila sa leeg ang bawat tao rito.
Kaya iyong sinasabi ng iba sa akin na ang swerte ko dahil nagustuhan ako ng isang Esquivel? Siguro ay pinagtatawanan lang talaga nila ako dahil alam naming pare-pareho kung ano ang kahahantungan ko sa oras na magsawa na siya sa akin.
"May kontrata kaming pinirmihan, Val. Sa oras na saktan niya ako, mawawalang bisa ang lahat." Ngumiti ako sa kanya.
Duda rin akong pakakasalan niya kaagad ako. Baka matulad lang ako sa mga nauna niyang nakasama na hindi nauwi sa kasalanan ang pagsasama nila, na mas okay para sa akin.
Ang malaking posibilidad lang na pwedeng mangyari sa akin ay ang makaranas ng pambubugbog dahil tatlong araw simula ngayon, doon na ako sa kanila titira hanggang sa ma-engaged kami at maikasal.
Muling bumuntonghininga si Valerie, subalit wala nang sinabi. Alam naman kasi niyang wala na kaming magagawa kahit na ano pa ang gawin namin.
Naisip ko na ngang umalis na lang kami ng lolo ko rito sa lugar na ito, subalit mas nauna iyong naisip ni Aljon at tinakot kami na kung saan niya kami matatagpuan, doon na niya kami babawian ng buhay.
"Nandoon na si Millie sa club. Gusto mo nang pumunta roon?" pahayag ng kaibigan ko, at ang pinatutungkulan niya ay ang panganay niyang kapatid na nagta-trabaho roon sa club. Sa kanya ko rin hiniram itong suot kong dress, at siya ang dahilan kung bakit afford naming makatungo roon sa club na iyon ngayong gabi.
Isiningit niya kami sa guest list.
Mabilis akong tumango. "Tara na! Sayang ang oras."
Kinuha ko ang purse na dadalhin ko mula sa kama at sinuri kung narito ba lahat ng mga kailangan ko kung sakali. Ganoon din si Valerie. Sabay kaming naglakad palabas ng kanyang silid nang ma-check na namin ang lahat. Nagpaalam din ako sa nanay niya nang madaanan namin siya sa sala.
Agad kaming sumakay sa sasakyang pinadala ni Aljon na maghahatid sa amin sa club. Dapat ay sasama siya sa amin ngunit mariin akong tumanggi. Pati iyong balak niyang ipa-reserve kami ng table sa vip booth ay inayawan ko. Kahit ano ring alak ang gusto naming inumin ay gusto niyang bayaran pero hindi ko tinanggap. Kung hindi lang din sinabi ni Valerie na wala kaming sasakyan patungo roon, hindi ko rin hahayaan na gamitin ang sasakyan niya. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya.
Pagdating namin sa Custom Wild, isang high-end club ay halos mahilo ako sa mga laser lights. Samu't sari na rin ang amoy at sobrang ingay dahil na rin sa tugtog at mga taong sumisigaw, halatang masaya ang lahat.
Noong una ay gusto ko na lang hilahin ang kasama ko palabas at hindi na ituloy ito dahil bigla akong nakaramdam ng hiya sa suot at hitsura ko, subalit nilunok ko ang lahat. Inisip ko na lang na wala namang makakakilala sa akin dahil na rin sa ayos ko. Marami rin namang mga gaya kong ganito ang suot—at isa na si Valerie. Mas malala lang ako.
Sandaling huminto sa may gilid si Valerie kaya maging ako ay napahinto na rin.
Inilapit nito ang bibig sa may tainga ko.
"Nasa VIP area si Millie, second level." Tumuro ito sa may itaas—parang o mezzanine talaga nitong club. "Doon na tayo."
"Val, wala tayong pambayad sa VIP!" Nahihintakutan kong wika. Hindi naman kasama sa plano namin ang kumuha ng table.
"Alam ko. Pupuntahan lang natin siya!" Tumawa ito.
Hindi na ako nagsalita saka na lang sumunod nang lakad sa kanya patungo sa second level.
Ilang minuto naming hinanap ang kapatid niya hanggang sa matagpuan namin siyang nasa may bandang dulo ng area, nag-si-serve ng alak sa isang guest na lalaki na solong-solo ang pinakamalaki yatang booth.
Hindi muna kami lumapit. Nanatili lang kami sa may gilid, at habang naghihintay na mapansin kami ng taong ipinunta namin dito, sinuri ko ang lalaking pinagsisilbihan niya.
Prente itong nakaupo sa couch, bahagyang nakatingala ang ulo sa kisame habang nakapikit ang mga mata, at naka-de-kwatro ang binti. Nakapahinga sa itaas ng sandalan ang mga braso niya habang hawak ang isang basong may laman sa isang kamay.
Casual lang ang suot nito: black longsleeves, pencil grey pants, at kulay puting sneakers.
Hindi tulad ko na mukhang in-exaggerate itong gabing ito.
Halata ang medyo kalakihan niyang katawan dahil bakat ang dibdib at biceps nito sa suot, lalo na't ganito ang posisyon niya sa pag-upo. At mukhang nasa ibang kalawakan ang isipan, hindi rito sa maingay na lugar.
Parang may hitsura itong lalaking ito. Side profile pa lang, alam mo na. Nakatulong pa nga yata ang dimly lit na lugar at iba't ibang kulay ng ilaw para ma-highlight ang matalim niyang panga, ang straight, narrow, at mataas na bridge ng ilong niya.
Kaagad na nag-excuse si Millie sa kostumer nang mapansin kami. Mabilis ko namang iniwas ang paningin ko sa kostumer nang magmulat ito ng mga mata. Kunwari kong pinagmasdan ang mga ilaw.
"Wow, Jules!" Pigil ang halakhak ni Millie nang lumapit ito sa amin. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa.
Ngumuso ako at nahihiyang hinila pababa ang skirt ng dress. Ngayon pa lang yata talaga nag-sink in sa akin ang lahat, at kung ano ang ginawa ko.
Tumingin-tingin ako sa kung saan, at muling dumapo ang paningin ko sa kostumer na sandaling inabandona ni Millie.
Mas lalo akong nakaramdam ng hiya nang mapansin na sa akin nakatuon ang mga mata nito. Hindi rin maipagkakaila ang pilyong ngisi sa mga labi niya, at wala akong ideya kung para saan iyon.
Dahil ba sa histura ko? Mukha ba akong clown dahil sa makapal kong makeup ngayon?
At binabawi ko na iyong sinabi ko na parang may hitsura siya dahil may hitsura talaga siya!
Hindi ko na siya kailangang lapitan pa para masigurado iyon.
The man is beautiful with his thick, dark brows, deep set of eyes, high cheekbones, and thin lips that are now smirking at me. Maitim ang buhok nito na medium ang haba at halatang magulo, lalo na sa bandang itaas. May sidebangs din siya kaya medyo natatakpan ang kalahati ng noo nito.
He is achingly beautiful, looking too expensive, and so out of my league.
"Huwag mo nang asarin. Panghuli na niya 'yan," rinig kong bawal ni Valerie sa kapatid.
Inalis ko ang paningin ko sa lalaki at itinuon sa magkapatid. At kahit na may humihila sa akin upang balikan ng tingin ang taong nakaupo, hindi ako nagpahila.
Muling tumawa si Millie na medyo malakas, at pagkatapos ay hindi na niya pinuna pa ang ayos ko, na mas mabuti.
"May table na kayo?" Tanong niya makaraan ang ilang sandali.
"Wala kaming planong kumuha ng table, sis." Umiling si Valerie. "10k ang isang cocktail table? No chair to sit on? No, thanks."
"Hihintayin na lang namin na may mag-invite sa amin na umupo sa table nila," biro ko. Nakipag-high five sa akin si Val.
"In that case, I'm inviting you to sit at my table."
Pare-pareho kaming nagulat sa nagsalita, at halos sabay-sabay na napatingin sa may malapit sa gilid ni Millie, kung saan nakatayo ngayon ang guest niya habang nakapamulsa ang isang kamay.
Mariin kong itinikom ang bibig ko kasabay ng bahagyang pagkabog ng dibdib ko.
Ni hindi man lang namin siya napansin sa paglapit niya.
"I'm sure we can fit in," saad pa ng lalaki saka iminuwestra ang isang kamay sa table niya. "This booth has greater legroom for us." Ngumiti ito sa akin.
Sa akin lang.
Hindi niya inabala ang sarili na tingnan o tapunan man lang ng tingin ang mga kasama ko.