Prologue

1971 Words
Julianna Taking away my own life never crossed my mind. Iniwan kami ng nanay ko noong kinse anyos pa lamang ako pero nakausad naman ako. Masakit, oo, lalo na't nakita ko mismo kung ano ang naging epekto niyon sa buhay ng tatay at kapatid ko—maging sa akin—pero 'di kalaunan naman ay natanggap ko. Namatay ang tatay, lola, at kapatid ko sa isang malagim na aksidente—isang taon pa lamang ang nakakaraan—na halos ikaguho ng mundo ko, subalit hindi ko naisip na wakasan ang sarili kong buhay. Naiisip ko ang mararamdaman ng mga taong iiwan ko dahil alam ko kung gaano kasakit ang mawalan. At alam kong kasalanan iyon. Kung nakasama lang siguro ako kina Papa noong araw na iyon, tatanggapin ko ang kamatayan nang maluwag sa dibdib. Pero ngayon...bakit ba ako nakatayo malapit sa bangin? Bakit ko naiisip na tumalon dito para mawala ang problema ko? Ngayon ay naiintindihan ko na ang mga taong ganito ang napipiling solusyon sa mabigat nilang dinadala dahil sa ganito na lang sila makakaramdam ng kapayapaan. Magiging magaan na ang lahat pagkatapos mong gawin kahit na alam mong kasalanan. Kapag tumalon ako rito, siguradong sasaluhin ako ng tubig dagat at iaanod ako ng malalakas na alon patungo sa kawalan. O pwede ring sumabit muna ako sa mga naglalakihang mga bato sa ibaba. Minsan ko lang mararamdaman ang sakit at pagkatapos niyon ay wala na. Magiging manhid na ako. Mawawala na ang mga suliranin ko sa buhay. Makakalaya na ako sa isang dagok na kinakaharap ko ngayon. Subalit ang problema ay may pumipigil sa akin. Sa tuwing hahakbang ako palapit sa dulo, kaagad na pumapasok sa isipan ko ang mukha ng lolo ko kaya kusang umaatras ang mga paa ko palayo. Sigurado akong masasaktan ko siya kapag ginawa ko ang ganito. At isa pa, wala na siyang kasama sa bahay. Wala nang mag-aalaga sa kanya. Mag-iisa na lamang siya nang tuluyan sa buhay. Ayokong maging makasarili. May solusyon naman na ang problema ko, subalit hindi iyong solusyon na pabor sa akin kaya ganito ang naiisip kong paraan ngayon. Kapag namatay ako, hindi matutuloy ang kasal na gusto ng lalaking iyon. Hindi ako tuluyang matatali sa kanya. Ngunit hindi rin ako sigurado kung mabubuhay pa ang lolo ko kapag nawala ako sa mundo. Baka isunod lang siya sa akin ng lalaking iyon. Iyon naman ang pinaka-rason ko kung bakit ako sumang-ayon sa gusto niya: ayokong mapahamak ang lolo ko. At kapag naituloy ko itong naiisip ko ngayon, siguradong makukuha na rin ng lalaking iyon ang gusto niya. Kami pa rin ang talo sa huli. Nagpakawala ako ng isang buntonghinga. Isiniksik ko rin nang tuluyan ang mga kamay ko sa loob ng bulsa ng hoodie na suot ko habang tinatanaw ang dagat. Kaninang bago ako umalis ng bahay, buong-buo na ang desisyon ko na tumalon dito. Lahat na ng mga posibilidad ay ikinonsidera ko na—maging ang mararamadam ng lolo ko pati ang mga taong malalapit sa akin. Pero bakit ngayon...ang lakas ng pwersang pumipigil sa akin? Muli akong bumuntonghininga saka pumikit. Dinama ko na lamang ang malamig at maalat na hangin na tumatama sa mukha ko. Parang naging musika rin sa pandinig ko ang malalakas na hampas ng mga alon. Hindi pa ganoon kataas ang sikat ng araw dahil maaga pa. Madilim pa noong nagtungo ako rito dahil ayokong may makasaksi sa gagawin ko. Ang kaso lang ay hindi ko maituloy-tuloy. "Hello." Bigla akong napamulat nang marinig ko ang malambing subalit may halong lamig na tinig ng isang lalaki sa may likuran ko. My first instinct was to turn my head towards him, but I stopped myself instantly. Humalo rin ang kaba sa dibdib ko nang maisip na baka isa ito sa mga tuhan ni Aljon Esquivel at pinasundan ako. Kaya ang mas mainam kong gawin ngayon, huwag siyang harapin upang hindi niya ako tuluyang makilala. Para hindi niya ako mamukhaan. Inalis ko ang isang kamay ko sa bulsa ng hoodie jacket kong suot para hilahin nang husto ang hood na nakataklob sa ulo ko. Kailangan kong maikubli nang maigi ang sarili ko dahil sa oras na makilala ako, baka isipin pa nilang magpapakamatay ako upang takasan ang kasunduan namin ni Aljon. At sigurado akong si Lolo ang malilintikan. Hindi naman lingid sa kaalaman ng ibang tao—lalo na sa mga nakakakilala sa akin—na ako mismo ay tutol sa sinang-ayonan ko. Alam nilang napilitan lang ako dahil sa kagipitan. Marahan akong humugot ng isang hininga upang i-kalma ang sarili saka na lang napakunot ng noon ang malanghap ang amoy ng usok ng sigarilyo na humalo sa hangin. Paniguradong itong lalaking lumapit sa akin ang naninigarilyo sa mga sandaling ito. "I don't mean to interrupt your innate inclination to nature, but I've been watching you for about an hour now," pahayag pa nito. "And I'm starting to get bored." Tuluyang lumamig ang tinig nito. Malalasahan mo na rin ang inip na sinasabi niya. "No one told you to watch me." Mabilis kong kinagat ang tip ng dila ko sa sandaling lumabas ang mga saitang iyon. Hindi naman nagsalita ang lalaki. At hindi na dapat ako nagsalita pa dahil baka ma-bosesan niya ako at isumbong pa sa Aljon na iyon! Mabilis akong yumuko nang maisip na baka bigla niyang tangkain na silipin ang mukha ko. Pero mabuti na lamang at hindi naisip ng lalaking ito na binabalak kong tumalong sa bangin. Ang akala niya ay mahilig lang ako sa kalikasan—ina-appreciate ang magandang tanawin. Iniisip niya sigurong payapa at komportable ako rito at walang balak na gumawa ng kasalanan. "Touche," aniya makaraan ang ilang segundong pananahimik sa tinig na hindi interesado. "But I did enjoy watching you. When you took your first step forward—closer to the edge—I was sure you were gonna jump. Bakit biglang nagbago ang isip mo?" Namilog ang mga mata ko at napatulala sa mga sapatos kong suot. Sobrang pagpipigil rin ang ginawa ko upang hindi lumingon sa kanya. So, alam talaga niya ang binabalak ko? At sa tono ng boses niya, parang nanghihinayang ito na hindi ako tuluyang tumalon. "Uh... Hindi naman ako t-tatalon," deny ko saka pa umiling. Tumawa ang lalaki na halatang labas sa ilong. "I told you I've been watching you for about an hour," saad niya—parang sinasabi na napakasinungaling ko. "Nakita ko ang bawat kilos mo; ang urong-sulong na galaw ng mga paa mo. Sigurado akong plano mong tumalon kaya ka nandito." Lumunok ako nang makita ang mga itim na sneakers na tumabi sa akin. Nakikita ko rin ang kamay niya kung saan nakaipit ang sigarilyong umuusok sa pagitan ng index at middle finger nito. I'm sure we're now standing shoulder to shoulder. Pakiramdam ko tuloy ay nasa bingit ulit ako ng bangin. "Taga rito ka ba?" Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. "Nope. Just passing by." Ini-angat nito ang kamay at mukhang humithit sa sigarilyo. Ayoko pa ring maging kampante sa sinabi niya kaya hindi ko pa rin siya tiningnan. Mukhang wala naman din siyang balak na silipin ang pagmumukha ko dahil hindi siya nangahas. "What made you stop jumping off the cliff?" Usisa nito nang hindi ako magsalita. Nakita ko ang pagkahulog ng sigarilyo sa lupa saka niya iyon inapakan. Naramdaman ko rin ang titig niya sa may hood ko. "Are you still thinking whether to do it or not? Perhaps you need a little push? I can help you with that." Humalo ang galak sa tinig nito, lalo na sa mga huling salitang binitiwan niya. Kaagad namang gumuhit ang takot sa dibdib ko. It doesn't take a genius not to know what he meant by the word 'push.' Kung sakali mang tanguan ko siya, literal na tulak ang gagawin niya sa akin para tuluyan akong mahulog. Hindi naman ako umasang may aawat sa akin kung sakali mang may makakita sa akin. Hindi ko rin naman hiniling na may pumigil. At mas lalong hindi ko naman gustong may tumulak sa akin para tuluyang mahulog! Mukhang mag-e-enjoy itong lalaking ito kung sakali mang tumalon talaga ako. Kaya na rin siguro niya ako nilapitan ay para sabihin iyon—o para ipa-tuloy sa akin ang plano ko. I didn't have to know this man very well not to know that it was such entertainment for him to see people wanting to end their lives. I could also say that he will encourage you to end your life completely. Or worse, he will do it himself to make sure you will die. How many ruthless creatures has this planet had? Umamba akong lalakad palayo sa kanya subalit kaagad kong naramdaman ang pagbalot ng isang kamay sa may braso ko. Hindi ko na nagawa pa ang balak ko dahil mabilis na nanginig ang mga tuhod ko dahil tumindi ang takot sa sistema ko. Kung anu-ano na ring mga posibilidad ang pumasok sa isipan ko habang palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Hahatakin ba niya ako at itutulak na talaga upang mahulog sa bangin? Siya na ba talaga ang magtutuloy sa plano kong hindi ko magawa-gawa? "B-bitiwan mo ako..." pumikit ako at halos kapusin na ng hininga dahil sa kaba. Mas matindi itong takot ko sa mga sandaling ito kaysa sa takot na naramdaman ko kanina noong magtungo ako sa edge ng bangin; noong nakita kong nag-unahan sa ibaba ang lupa at ang mga batong naapakan ko. At least kanina, alam kong may kontrol pa ako. Pero ngayon? Wala na. Ni hindi ko magawang alisin ang kamay niya sa akin. Pakiramdam ko ay isang maling galaw ko lang, ihahagis niya ako sa ibaba nitong kinatatayuan namin. Takot din akong tumingin sa kanya dahil paniguradong mukha ng demonyo ang masisilayan ko. Natuod ako sa kinatatayuan ko at mas lalo pang napapikit nang marinig ko ang mahina niyang tawa sa may malapit sa tainga ko. Naramdaman ko pang nilipad ng hangin ang hood paalis sa ulo ko na lalong nagpakabog sa dibdib ko. Sigurado akong exposed na ang mukha ko sa kanya ngayon. At wala akong magagawa upang ikubling muli ang sarili ko; katulad na lamang ng wala akong magagawa kung itutulak niya ako tungo sa kamatayan ko sa puntong ito. "Vulnerability and fear are reeking from you right now," he whispered in nonchalance against my ear. "But I'm just trying to save you from the sin you're about to commit. You know suicide is a sin, yes?" "Y-yes..." I breathe. He's too close—dangerously close I could feel his warm breath fanning my left cheek. "Should I assume Leiden City or the people here got their way inside that head?" May pag-aalangan akong tumango. "This place sucks, isn't it? It will make you wanna commit awful things." He chuckled. Tumama pa ang sa tingin ko ay tip ng ilong nito sa itaas na bahagi ng tainga ko. Nang maramdaman ko ang pagbitaw at paglayo niya sa akin ay doon pa lang ako nagmulat ng mga mata. Naglakas-loob din akong tumignin sa kanya, subalit natagpuan ko na siyang naglalakad palayo habang nakapamulsa ang mga kamay sa suot niyang dark blue na pantalon. Naka-puti rin siyang t-shirt at may itim na ballcap ang nakasuot sa ulo. Hindi pamilyar sa akin ang built ng katawan niya. Sinubukan ko pang kunin ang detalye ng mukha niya nang sumakay ito sa puting sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada ngunit dahil sa brim ng sumbrero niya ay hindi ko maayos na nakita. Pero tama siya sa kanyang sinabi. Leiden City sucks! Pati na rin ang ibang tao—lalo na ang mga Esquivels! Sa palagay ko ay hindi lang basta dumadaan ang lalaking iyon dito. Sa tono ng boses niya, parang alam niya ang ibang kaganapan sa lugar na ito. And I have no interest in knowing the story behind his accusative words. But sure, he got me intrigued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD