Hindi alam ni Maxine kung masasabi ba siya ng totoo sa yaya niya, ayaw niya kasing mag-aalala ito sa kanya. Sumilay ang magandang ngiti sa labi niya at sinabi niyang hindi niya binugbog ang tatlo.
"Wala, Yaya. Iwanan mo na lang ako gusto kong mapag-isa at mag-isip." Naglalaro si Maxine ng mobile legends habang kumakain siya ng snacks. Tumawag ang kaniyang mommy at agad niya itong sinagot.
"Hello, Mommy. Gusto ko nang bumalik diyan sa America. Ayaw ko na rito! Ibalik
mo ako diyan! Please, Mommy." Pakiusap niya habang nakanguso.
"Anak, hindi p’ wede. D’yan ka muna hanggang magpakabait ka. Ayusin mo ang sarili mo. Kung mananatili kang ganiyan, kahit kailan hindi ka na makakabalik dito." Sinserong sagot ng mommy niya.
"Mommy, I hate you! I hate you! Kainis ka, Mommy!" sumigaw si Maxine sa
galit at narinig ito ng kanyang yaya.
"Hoy! Maxine, bakit ka sumisigaw?" tanong ng yaya niya dahil umabot kasi ang boses niya hanggang sa sala.
"Yaya, gusto kong pumatay ng tao! Ayaw ko rito, Yaya, eh. Gusto ko sa America." Malakas na sigaw ni Maxine.
"Tumigil ka nga d’yan! Mag-shower ka muna bago maglaro! Mamaya mag-dinner na tayo!" ganting sigaw ni yaya Carmen sa kanya. Spoiled si Maxine sa yaya Carmen niya. At ito na rin ang tumayong nanay niya mula noong pagkabata. Kulang kasi siya sa atensyon ng kaniyang mga magulang kay yaya Carmen na pinasa ang tungkulin nila na dapat silang mga magulang ang gagawa.
Kinabukasan, pagdating ni Maxine sa school ay agad niyang ipinatong ang kanyang bag sa armchair ng kanyang upuan at ipinatong niya ang kanyang ulo. Nakatulog siya dahil sa puyat sa paglalaro ng mobile legends magdamag. Pagdating ng tatlo niyang kaklase, sinipa ni Clarissa ang kanyang silya kaya nagising si Maxine. Nagalit si Maxine at tinalasan niya ang mga ito ng tingin.
"Hey! Clara, look at her. Galit yata na sinipa ko ang upuan niya!" sigaw ni
Clarissa at nagtatawanan pa sila. "Galit ka ba Maxine?" Pang-aasar na tanong ni Clarissa at nagtatawanan pa sila.
“Galit ka nga!" tumatawang saad ni Clara.
Sinubukan pa rin ni Maxine na magtimpi pa. Para hindi na magkagulo. Tumayo siya para pumasok sa restroom at maghilamos para malamigan ang ulo niya pero mabilis lumapit si Clarissa sa kanya at sinalubong siya ng malakas na sampal saka tumalikod agad ang tatlo.
Hinatak ni Maxine si Clarissa at sinipa niya itong malakas sa tiyan. Tumalsik ito at nakasubsob sa isa sa kanilang kaklase. Tumayo si Clarissa at lumapit si Clara para subukan din niyang saktan si Maxine. Hindi nagsasalita si Maxine at sinipa niya rin si Clara. Si Trisha naman ay nakaramdam ng takot kaya hindi na siya lumapit pa kay Maxine. Umupo ulit si Maxine na parang walang nangyayari. Tamang-tama naman dahil dumating na ang kanilang professor.
"Good morning, Professor," bati ng lahat maliban kay Maxine na nakapatong ang ulo sa kanyang bag. "Rodriguez? Nandito ka ba para gawin mong tulugan ang klase ko? Bakit hindi ka na lang umuwi at matulog sa inyo?" Umupo si Maxine nang maayos at hindi man lang niya tiningnan ang kanyang professor.
"Bakit ibang-iba ka sa lahat, Maxine?" mahinahong tanong sa kanya ng professor. Saan ka bang Unibersidad nag-aaral before? Mariin at seryosong usal nito.
"Wala ka nang pakialam doon, Sir! Kasama ba ‘yan sa mga ituturo mo sa amin? Ang tanungin ang estudyante mo kung saan lupalop ng mundo nanggagaling?" tanong niya habang nakaismid saka iginala ang paningin.
"Hindi, pero gusto ko lang malaman kung anong klaseng nilalang ka. Sa tingin ko wala kang kinakatakutan, eh. Nakita kita kahapon kung paano mo binugbog ang tatlo mong kaklase. Ngayon nakita rin kita kung paano mo sila sinipa. Ang galing mo, Maxine. Kunin na kaya kitang bodyguard?" saad ni professor habang nakatitig kay Maxine. Dahilan para magsalubong ang mga kilay ng dalaga.
"What!?" Tinitigan ni Maxine ang kanyang professor at pinandilatan niya ito ng mata. Nakaramdam siya ng kakaiba sa kanyang katawan nang lumapit ang professor sa kanya.
"Bakit, Sir? May problema ka ba sa akin? Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Maxine sa kanyang professor.
"Malaki ang problema ko sa 'yo, Maxine. Tingnan natin kung hanggang saan
ang tapang mo!" galit na singhal kanya ni Professor.
Lunch break.
Pumasok si Maxine sa canteen at pinagtripan na naman siya ng tatlo niyang classmates. Mag-isa lang siyang nakaupo sa mesa nang may lumapit sa kanya at tumabi sa kanyang upuan.
"Hi, Maxine. P’wede ba akong umupo?" Hindi nagsalita si Maxine at tiningnan niya lang ito.
"Ako nga pala si Albert. Albert Santos. Natutuwa ako sa ‘yo kasi ang tapang mo. Ang galing mo pang gumamit ng paa. Nag-aaral ka ba ng taekwondo?" sunod-sunod na tanong ni Albert sa kanya. Magsalubong na naman ang kilay ni Maxine.
"Kung kakain ka, kumain ka! Ayaw ko nang maraming tanong at hindi ka naman siguro reporter, noh?" galit na singhal niya.
"Grabe ang sungit mo naman. Gusto lang naman kitang maging kaibigan. Nahiwagaan lang talaga ako sa 'yo, eh. Para kang isang action star." Tititigan ni Maxine si Albert. Saka uminom ng tubig.
"Alam mo ba kung bakit ayaw ko ng mga kaibigan? Kasi ayaw ko ng maingay!" Pagkasabi ni Maxine ay agad siyang tumayo ngunit nakatayo na sa kanyang harapan ang tatlo niyang kalaban.
"Malandi ka pala? Kunwari ang tapang mo pero lumalandi ka rin pala? Alam
mo ba kung sino si Albert?" tanong ni Clara kay Maxine na nakataas pa ang dalawang kilay. Kulang na lang ay sapakin nito si Maxine.
"Hindi ako interesado, Clara, kaya huwag mo nang sabihin," singhal ni Maxine saka iginala ang paningin.
"Sasabihin ko pa rin sa 'yo para aware ka! Crush siya ng leader naming si Clarissa," saad ni Clara habang namilog ang mga mata sa galit. Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Maxine at pinaalis niya na parang pusa ang tatlo na humaharang sa dinadaanan niya.
"Tapos ka na? Tsupi! Tsupi! Huwag niyo nga akong harangan sa dinadaanan ko!" Pagtalikod ni Maxine ay biglang hinila ni Clarissa ang kanyang buhok. At tamang-tama nakita ito ni Professor Morales.
"Nagpumiglas si Maxine dahil nasaktan siya sa pagsabunot ni Clarissa sa buhok niya. Ano ba bitawan mo ang buhok ko!" Ngunit hindi pa rin binitawan ni Clarissa kaya ang ginawa ni Maxine ay inapakan niya ang paa nito kaya napasigaw si Clarissa sa sakit. Lumapit si Professor Michael at inawat niya ang kanyang mga estudyante.
"Professor, si Maxine ang nauna, eh. Gumanti lang kami. Ilang beses niya na kaming sinasaktan." Hindi nagsasalita si Maxine. Matapos niyang tingnan si Professor Michael ay lumabas siya agad sa canteen pero sinundan siya ni Professor Michael.
"Maxine, p’wede ba kitang makausap? Bakit hindi mo ipinagtanggol ang iyong sarili? P’wede mo namang sabihin ang totoo?" nag-aalala na tanong ni Michael sa kaniya.
"Bakit ko pa sasabihin nakikita niyo naman, 'di ba?" pasinghal na sabi ni Maxine habang nakasimangot.
"Maxine, bakit ba palagi kang galit? Kahit minsan hindi ka man lang ngumiti?" Tinititigan siya ni Michael.
"Sinong ngingitian ko? Kayo? Ano ka sinuswerte?" singhal nito.
Tumalikod na si Maxine nang bigla siyang hawakan ni Professor sa kaniyang braso. Tinulak niya ito at binigyan niya ang kaniyang professor nang malakas na sipa. Nakita ito ng ibang professor kaya pinatawag silang dalawa sa opisina sa taas.
Pagdating nila sa opisina ng Dean, palipat lipat ng tingin ang Dean sa kanilang dalawa. Nakayuko lang si Professor dahil nahihiya siya. Pero si Maxine ay taas noo na nakipag-titigan sa kanilang Dean.
"Professor Morales, paki-explain ang nangyayari?” saad ng Dean. Hindi nagsalita si Maxine at nakasimangot lang ito habang nakatingin kay Michael.
"Maxine Rodriguez? Transferee ka rito, ‘di ba? Bakit mo sinipa ang professor mo? Sa ginawa mo p’wede ka namin tanggalin dito sa Unibersidad." Mariin at seryosong usal nito.
"It's okay po, Ma'am. If ‘yan ang desisyon niyo, nirerespeto ko po. P’wede na ba akong umalis?" tanong ni Maxine sa Dean.
"What? Okay lang sa ‘yo na paalisin ka namin dito sa University? Ganoon lang ba kadali sa 'yo? I need your explanation!” singhal pa nito dahilan para magsalubong ang kilay ni Maxine. Halatang naguguluhan ang Dean sa ugaling ipinakita ng dalaga, bago pa man tanggalin nang tuluyan si Maxine. Si professor Michael na ang nagpapaliwanag sa buong pangyayari.
"Wait. Wait, Ma'am. Isang misunderstanding po ang nangyayari. Hinawakan ko po kasi ang braso niya kasi may gusto akong itanong. Feeling niya siguro binabastos ko po siya. Wala po siyang kasalanan. Kung p’wede po, ‘wag niyo siyang tanggalin dito sa Unibersidad."
"Okay. Pero warning mo na ito, Ms. Rodriguez! at ayaw kong magkakagulo pa ulit ng dahil sa asal mo!" sunod-sunod na singhal ng Dean kay Maxine.
"Okay po, Ma'am. Thank you po," tugon ni Maxine.
"Hindi ka ba hihingi ng pasensya sa iyong professor?" tanong ng principal.
"Walang dahilan, Ma'am. Wala naman akong kasalanan sa kanya. Sana, Professor, hindi na ulit ‘yon mangyayari dahil ni minsan walang humawak sa akin. Sige po mauna na po ako." Lumabas si Maxine sa opisina at sinundan siya ni Michael.
"Maxine, Maxine. P’wede ba kitang makausap?" tawag ni Professor kay Maxine. Pero nagmamadali itong tumakbo pababa sa hagdanan.