"Maxine, Maxine. Gumising ka na, late ka na sa school."
"Yaya, five minutes. Please. Inaantok pa ako, eh," sigaw nito habang nakapikit ang mga mata.
"Ano ba kasi ang ginawa mo kagabi? Nag-mobile legends na naman ba? Kapag
nalaman ito ng mommy mo, ako na naman ang mapapahamak," sabi ng yaya niya.
"Yaya, huwag mong isali si Mommy sa usapan natin! I hate her!" singhal ni Maxine.
"Halika, bumangon ka na! First day mo sa Unibersidad na 'yon, eh!"
"Okay, Yaya! Okay! Ang ingay-ingay mo! Para kang si Mommy!"
"Hoy! Huwag mo akong itulad sa mommy mo dahil never kitang pinabayaan! Siya, inaalagaan ka ba niya? Ako ang nandito para sa 'yo kahit sobrang salbahe mong bata. Hindi kita iniwan! Tumayo ka na at maligo! Nakahanda na ang breakfast mo," sabi nito.
"Yaya... Huwag ka nang magalit sa akin, please. I love you, Yaya," paglalambing niya.
"Hindi ako galit, Max. Gusto ko lang na makatapos ka sa pag-aaral. Wala kang
makukuha sa mobile legends na 'yan. Kung darating man ang araw na wala na ako sa mundo at least nakatapos ka na 'di ba? Hindi na ako mag-aalala sa ‘yo."
Tumayo na si Maxine at naligo para sa unang araw niya sa Unibersidad. Transferee kasi siya at lumaki siya sa ibang bansa. Pero mula nang maghiwalay ang parents niya ay pinabayaan na siya ng kanyang mommy. Ang kanyang yaya na lang ang nag-alaga sa kanya.
"Manong, ihatid mo na si Maxine sa school," saad ni Yaya Carmen.
"Yaya, anong ihatid? Huwag na nga, Yaya! Hindi na ako bata," singhal ni
Maxine.
"Anong huwag? Unang araw mo sa Unibersidad na 'yon. Baka ma-bully ka
ng mga classmates mo. Transferee ka pa naman,” saad nito.
"Yaya, ako? Mabu-bully nila?” tumatawang sagot ni Maxine.
“Subukan lang nila baka gusto nilang balian ko sila ng kamay!" pagmayabang nito.
"Bye, Yaya! Mag-iiscooter na lang ako. Hindi na ako bata para ihatid pa,” humalik siya sa yaya niya bago umalis papuntang school gamit ang kanyang scooter.
Pagdating niya sa University lahat ng mga students nakatingin sa kaniya. Pero
diretso lang siya nang lakad papunta sa kaniyang classroom. Pagpasok niya, kahit good morning hindi niya ginawa. Dinaanan lang niya ang kanyang professor.
"Class, may aso yatang nakapasok sa classroom natin. Kahit good morning
hindi man lang magawa," saad ng professor. "Maxine Rodriguez stand up and please introduce yourself!" singhal ng kanyang professor. Hindi kumibo si Maxine at naglaro pa ito ng mobile
legends. Lumapit ang professor sa kanya at kinuha ang cellphone niya.
"Excuse me, sir! Ibalik mo sa akin ang cellphone ko," singhal ni Maxine. At namilog pa ang mata.
Tumayo si Maxine at nag-attempt pa siya na hablutin ang kanyang cellphone
sa kamay ng professor niya ngunit hindi niya ito nakuha.
"Kung hindi ka tatayo at magpapakilala sa mga classmates mo hindi ko 'to
ibabalik sa 'yo," banta nito sa kanya. “Hindi ko ito ibibigay sa 'yo! Saang University ka ba galing at hindi na ituwid ang attitude mo?"
Hindi pa rin natitinag sa pagkakaupo si Maxine.
"Tumayo ka!" Walang nagawa si Maxine. Tumayo siya dahil mukhang seryoso
talaga ang kanyang professor na hindi ibabalik ang kanyang cellphone kapag
hindi niya sinunod ang gusto nito. Pagkatapos niyang magpakilala lumapit sa kanya si Professor Michael at ibinalik na sa kanya ang kanyang cellphone.
"By the way, I am professor Michael Morales. Medyo mahaba-haba pa ang
pagsasama natin. Kaya umayos ka," nakangiting saad nito kay Maxine.
Umupo si Maxine at tinalasan niya ng tingin ang professor. Ang iba sa kanyang mga classmates ay halatang naiinis na rin sa kaniya at parang gusto siyang sabunutan ng mga ito. Pagkatapos ng klase ay tumayo agad si Maxine. Excited na siyang umuwi para maglaro ng ML. Pagdating niya sa labas kung saan naka-park ang kanyang scooter ay galit na galit siya dahil natumba na ito at may vandal pang dead sign.
May lumapit sa kanya na tatlong babae at minumura siya ng mga ito. "Alam mo ba na kami ang reyna sa classroom natin? Dumating ka lang feeling mo siga ka! May gana ka pa na inisin si Professor Morales!" galit na singhal ni Clarissa.
"Excuse me! Huwag kayong humarang sa dinadaanan ko p’wede?" Pinatayo ni
Maxine ang kanyang scooter pero sinipa ulit ito ng tatlong babae kaya natumba ulit. Tinali ni Maxine ang kanyang buhok dahil hindi na niya kayang magtimpi pa. Sa school niya sa America walang sino man ang p’wedeng gumawa nito sa kanya.
Dahil siya ang gumagawa ng ganito sa kaniyang mga kaklase kaya nga siya pinaalis sa school na ‘yon. "Maxine right? Siya pala si Trisha, siya naman si Clara at ako naman si Clarissa.
Mabuti ng alam mo ang mga pangalan namin para naman hindi ka na magtanong pa sa iba. At ito ang tandaan mo, kami ang astig sa classroom natin. Hindi ikaw, kaya huwag kang pabida!"
"Dinuduro mo ba ako? Hindi ako interesado sa mga pangalan ninyong tatlo! Pare-pareho lang kayo mga basura!" sigaw ni Maxine sa kanila.
"Anong sinasabi mo?" tanong ni Clarissa habang namilog ang mata.
"Bakit, Clarissa, bingi ka ba? Hindi ka lang pala basura. Bingi ka na rin! Mula ngayon, huwag na huwag ninyong pakialaman ang scooter ko kung ayaw ninyong manghiram ng mukha sa aso!" malakas na sigaw ni Maxine. Habang namilog ang mata niya sa galit, ayaw niyang manakit pero ang tatlong babae na ang lumalapit sa kaniya. Kahit ano'ng pilit niyang umiwas sa gulo pero bakit ang gulo ang humahabol sa kaniya. Galit na baling ni Maxine sa tatlo nangulimlim ang mukha ni Maxine sa sobrang galit.
"Grabe, girls. Narinig niyo ba ‘yon?” tumatawang tugon ni Clarissa saka matalim na tinitigan si Maxine. “Matapang ka, ha! Sige nga subukan mo kaming balian ng buto." Tumalikod si Maxine at kinuha niya ang kanyang scooter pero lumapit ang tatlo at sinipa na naman ang scooter at natumba na naman ulit ito.
Lumapit si Maxine sa kanila at binigyan niya ito ng tig-isang suntok sa mukha at
sinipa sila nang sabay-sabay. Lumaban si Clarissa, nag-attempt siya na sampalin si Maxine pero hinawakan ni Maxine ang kaniyang kamay at pinaikot niya ito sa likod. Hindi makagalaw si Clarissa at napasigaw ito sa sobrang sakit ng kaniyang kamay.
Binitawan ni Maxine ang kamay ni Clarissa na parang walang nangyari. Kinuha niya ang kaniyang scooter at pinaandar niya pauwi ng bahay.
"Clarissa, okay ka lang, girl?" tanong ni Trisha kay Clarissa namimilipit pa rin ito sa sobrang sakit ng kaniyang kamay.
"Tinatanong mo ako kung okay ako? Halos baliin niya ang kamay ko!" galit niyang singhal sa kaibigan.
"Ang tapang niya at ang astig niya." Sinampal ni Clarrissa si Clara na siyang ikinagulat nito. Galit na galit si Clara dahil pinupuri nito si Maxine.
"Pinupuri mo siya? Gaga ka! Let's go! Makakaganti rin tayo sa babaeng ‘yon!" sigaw ni Clarissa sa kaniyang mga kaibigan.
Pagdating ni Maxine sa bahay ay kaagad nitong hinanap si Manong.
"Yaya, Yaya. Nasaan po si Manong? Pakisabi naman na linisan niya ang scooter ko,” saad nito, akmang umakyat na sana siya sa taas pero tinawag siya ng kaniyang yaya.
"Maxine, may nangyari ba sa school mo? Bakit ka ba nagkaganyan? Nakasimangot ka na naman!" tanong niya kay Maxine nag-aalala ito sa kaniyang alaga.
"Yaya, ayaw ko sa school na ‘yon! Tawagan niyo po si Mommy. Sabihin niyo na gusto ko nang bumalik sa America," sigaw ni Maxine.
"Maxine anong ginagawa nila sa ‘yo? Bukas ay pupuntahan ko ang school mo. Okay? " Nag-aalalang sabi ni yaya Carmen.
"Yaya, pinakialaman nila ang scooter ni Daddy! Sinipa nila at itinumba. Gusto ko silang kainin nang buhay! Ang sama ng ugali nila, Yaya, eh," Sumbong nito, habang nakasimangot ang itsura.
"Anong ginawa mo sa kanila? Maxine, may ginawa ka ba sa kanila? Sana hindi
mo pinatulan." Hindi umimik si Maxine dahil binugbog niya lang naman ang tatlo.