CHAPTER 3

1347 Words
"Ano na naman? Akala ko ba okay na, Sir? Kailangan ko nang pumasok sa classroom!" singhal nito. "Bakit okay lang sa ‘yo na matanggal ka rito sa Unibersidad? Kung hindi ko pa sinabi sa Dean na misunderstanding lang ang lahat wala ka na dapat dito ngayon. Gusto kong malaman kung bakit okay lang sa ‘yo na tanggalin ka?" tanong nito. "Dahil ayaw ko rito lalo na sa 'yo!” singhal ni Maxine. Tumalikod na si Maxine at iniwan si Professor. Pag-uwi ni Maxine sa bahay niya ay agad siyan naghanap ng alak. "Yaya, gusto kong uminom! Gusto kong makalimot! Naiinis ako, Yaya! Bakit sa dinami-daming University dito sa Pilipinas sa ganiyan pa ako nakapunta! Yaya, ang professor namin nakakainis siya walang araw na hindi niya ako inaasar!" Sumigaw pa si Maxine sa galit. "Anong ginagawa sa 'yo ng professor mo? Hinalikan ka ba niya o hinipuan? Ano? Sabihin mo ang totoo, Maxine," tanong ng yaya niya. "Yaya, ang bad ng bibig mo! Hindi, Wala! Yaya, kapag nakikita ko po siya parang mawawala ako sa mundo. Hindi na ako makapagsalita dahil nahihiya na ako. Hindi naman ako ganito, Yaya, ‘di ba? Parang natatakot ako sa kanya. Tapos kanina muntik na akong paalisin sa school. Pero pinigilan niya po ang Dean. Tapos naramdaman ko na parang concern po siya sa akin," saad ni Maxine habang kinikilig. "Anak, may gusto ka ba sa professor mo? Kasi base diyan sa mga sinasabi mo, ganiyan din ako noon, eh. Nang natamaan ako ng asawa ko, kinakabahan din ako tapos kinikilig tapos bigla na lang akong na tahimik kapag nasa tabi ko na siya." "Yaya, baka gusto mong matamaan sa akin?" nakaismid siyang lumingon dito, tumakbo na si yaya Carmen dahil akmang hahampasin na siya ng kaniyang alaga. "Yaya! Yaya! Bumalik ka rito. Lagot ka sa akin kapag nahuli kita." Hinahabol niya ang kaniyang yaya. Nakita sila ni Manong Driver na naghahabulan. Natutuwa ito sa dalawa dahil kahit walang mommy si Maxine ay may nag-aalaga pa rin sa kanya. Mahal na mahal naman siya ng kaniyang Yaya Carmen. Kinabukasan pagdating niya sa classroom, may pinagtripan sila Clarissa. Isa sa mga kaklase nila, si Fatima. Naapakan kasi ni Fatima ang paa ni Clarissa kaya galit na galit siya. Sinampal niya si Fatima at hinila ang buhok nito. Wala man lang umawat sa mga kaklase niya dahil natatakot sila sa tatlo. Lumapit si Maxine sa kanila at sinipa niya si Clarissa. Tumalsik ito sa harapan. Lumapit ulit si Maxine at sinipa niya ulit ang tagiliran ng babae. Si Clara at Trisha naman ay agad na sinugod si Maxine pero agad niya itong sinalubong ng tig-isang sipa. Tumba silang dalawa. Bumangon si Clarissa at hindi ito makalakad nang maayos dahil sa sakit ng kanyang katawan. Umupo agad si Maxine at hindi nagsasalita. Pagdating ng professor nila ay galit na galit ito dahil sa kaguluhan ng kanyang mga estudyante. "Maxine, ano na naman ang ginawa mo? Ano plano mo? Babalian mo ba sila ng buto? Hindi ka na ba talaga magbabago? Kababae mong tao kung umasta ka daig mo pa si Bruce Lee!" sigaw ni Michael kay Maxine. "Professor, I'm sorry po. Ako po ang may kasalanan binugbog kasi ako ni Clarissa. Ipinagtanggol lang po ako ni Maxine. Mabait po siya, ang inaaway lang po niya ay ang mga masasama lang po,” paliwanag ni Fatima. "Ahhh. Kung ganoon, Fatima, masama na rin ba ako? Kasi pati ako nakatikim ng sipa ni Maxine?" Natawa si Fatima sa tanong ni Michael. "Sir, hindi po. Hindi po-" pinigilan ni Maxine na magsalita si Fatima at tinititigan ni Professor Michael si Maxine. “Maxine, mag-usap tayo mamaya.” "Hell no!" sagot ni Maxine sa kanilang professor. "Anong sinabi mo?" Tumaas ang boses ng professor dahil sa salitang lumabas sa bibig ni Maxine. Hindi na nagsalita si Maxine at nagsimula na si Professor magklase. "Maxine Rodriguez, sit down! P’wede ko bang mahingi ang address mo at contact number ng parents mo? Gusto ko silang makausap," saad ni Professor. "Sorry, wala na po akong parents," sagot ni Maxine pero hindi siya tumingin sa kaniyang professor. “I'm sorry. You mean patay na sila? Mag-isa ka na lang?" tanong nito. "Hindi, kasama ko ang yaya ko at ang driver namin. Sila na lang ang pamilya ko. Pero kung gusto mong kausapin ang parents ko. Wala akong parents. Si Yaya na lang ang tawagan mo." "Maxine, ganiyan ka ba talaga? Walang kinatatakutan? Lumaki ka na matapang at basagulero. Ilang taon ka ba noong namatay ang mga parents mo?" tanong ni Michael kay Maxine. "4 years old pa lang ako, wala na sila sa tabi ko. Ito ang number ng yaya ko." Tumayo na si Maxine at lumabas na siya sa kanilang classroom. Nakaramdam ng awa si Professor Michael sa kanya. Dahil sa sinabi ni Maxine na wala na siyang parents. Ngunit ang totoo ay hindi pa patay ang parents niya. Weekend nang puntahan ni Professor ang address na binigay ni Maxine sa kaniya. Gusto niyang makausap ang yaya nito about sa attitude ni Maxine. Bad kasi ang image ni Maxine sa kanilang University. Tinatanong niya kung bakit palagi na lang itong nambubugbog. Pagdating niya sa bahay ay agad siyang nag-doorbell. Pinagbuksan siya ni Manong at agad na pinapasok sa loob. "Good morning po, Ma'am. Sorry po sa abala. May mga katanungan lang po ako about kay Maxine." "Ah, so ikaw pala ang sinasabi niya sa akin na Sir na darating dito. Kaya pala umalis kasi alam niyang pupunta ka. Ang alaga ko talaga,” napailing na lang si Yaya Carmen sa kalokohan ni Maxine. “Pasensya na kayo kay Maxine, Sir. Wala kasi siyang parents kaya ganyan siya. Sa iba niya ibinabato ang kanyang galit." "Bakit po, Ma'am? Pati po ba kayo sinipa rin niya? Sinasaktan ka rin po ba ni Maxine?" tanong ni Professor kay Yaya Carmen. "Huh? Hindi, Sir. Di niya ginagawa sa amin ‘yan," nagulat si Yaya sa sinasabi ni Professor Michael. "Sir, bakit po? Sinipa ka ba niya? Sinaktan ka na ba ng alaga ko?" nag-aalala na tanong ni Yaya Carmen. "Opo, Ma'am. Kaya muntik na siyang paalisin sa school at ang mga kaklase niya ay ilang beses na ring nakatikim.” "Sir, I'm sorry po. Ako na ang humihingi ng paumanhin sa mga pinaggagawa ng alaga ko. Huwag n’yo po siyang paalisin sa school ako po ang malilintikan ng kanyang Mommy at Daddy." "Huh? Akala ko ba patay na po ang mga parents niya, Ma'am? Sabi kasi ni Maxine." "Huh? Sino ang may sabi, Sir? Buhay sila nasa America lang." "Ang alaga po ninyo. Iyon po ang sinabi niya sa akin." Napaubo si Professor Michael sa kanyang narinig mula sa yaya ni Maxine at napabuntong-hininga na lang siya. "Ma'am, I'm sorry. Ang sabi kasi ni Maxine, 4 years old pa lang daw siya ay wala na raw ang kanyang mga parents." "Nawala, Sir, dahil pinabayaan siya. May kanya-kanya na silang mga asawa. Kaya nagkaganyan si Maxine. Pero mabait ‘yan, lalo na kapag nakuha mo ang kaniyang loob,” saad nito. “Pero bakit po palagi siyang hyper sa classroom?” tanong ni professor. “Ayaw niya kasi ng kaibigan. Gusto niya mag-isa lang siya. Wala siyang mga kaibigan kasi natatakot na baka tulad ng kanyang parents, iwanan din siya. Kaya nga hindi ko siya pwedeng iwanan, eh. Kasi nakakaawa naman. Ako na lang kasi ang nag-iisa na nakakaalam kung gaano siya kabait. May busilak siyang puso, Sir. Natatakpan lang ng galit. Pero mabait po siya sana makita mo ‘yon para matulungan at maintindihan mo siya." Pagdating ni Maxine ay pawis na pawis ang kanyang buong katawan. Nag-bicycle kasi siya sa labas at paikot-ikot sa subdivision. Pagbalik niya sa bahay ay diretso siya pasok sa sala. Nagulat siya nang makita niya si Professor sa sofa at ang kanyang yaya. Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Michael. Naningkit ang mga mata niya dahil sa ngiti nito. Pakiramdam kasi niya ay inaasar siya ng kanyang professor. Ngumiti pa ito ng mas malapad dahilan para maasar na si Maxine. Napalunok siya at nagmamadaling umakyat sa taas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD