CHAPTER 4

1111 Words
Hindi siya nakapagsalita. Nahihiya siya dahil sa kanyang suot na halos labas na kasi ang kanyang singit at naka- sleeveless lang din siya na damit. Hapit na hapit ito sa kanyang katawan, sanay kasi siya na ganyan ang suot dahil sa America na siya lumaki. Natulala si Professor Michael, at titig na titig siya kay Maxine. Nakita ni yaya ang reaksyon nang mukha ni Professor kaya napangiti ito ng palihim. "Maxine, dumating ka na pala." binasag ni yaya niya ang katahimikan. Puno nang pawis ang katawan ni Maxine pati na ang leeg at batok nito. Tumayo si yaya at kumuha ng towel para punasan si Maxine. "Yaya ako na po nakakahiya, ginagawa mo akong bata sa harap ng manyakis na 'yan." napalunok si Professor Michael at agad na itong nagpaalam dahil mayroon siyang kakaibang nararamdaman. Aminado siya na attracted siya kay Maxine. "Ma'am, aalis na po ako. Maxine magkita na lang tayo sa school sa Monday." Sabi ni Michael. "Okay po sir, maraming salamat po sa pakikinig. Sana matulungan n'yo po ang alaga ko, salamat. Ihahatid ko na po kayo sa labas." bago lumabas si Professor Michael tinitigan niya pa ulit si Maxine. Napalunok si Maxine sa titig ng kanyang Professor. Umupo siya sa sofa nang makita niya si Professor na nakasakay na sa kotse nito. Tinawag niya agad si yaya Carmen. "Yaya! Yaya! Hali ka dito lagot ka sa ‘kin ngayon." Pagbabanta ni Maxine. "Anak, Bakit ka tumitili diyan? Para kang sinasaniban!" sigaw ni yaya Carmen "Yaya, bakit ang tagal niyang umalis? Akala ko umalis na siya kaya umuwi na ako. Yaya naman eh," pinalo palo niya ang braso ng kanyang yaya at namula ang kanyang mukha. "Maxine ito lang ang masasabi ko sa ‘yo, crush mo ang professor mo. Pakinggan mo ang t***k ng puso mo. At ang titig mo sa kanya kanina, grabe parang natutunaw si Sir Michael. At nakita ko na napalunok siya ng laway at ikaw din hindi ka makagalaw. Oh my god! Sa wakas may nagustuhan na rin ang alaga ko thank you lord. Thank you!" tumakbo ang kanyang yaya at hinabol na naman niya ito. "Yaya! Yaya! Sige tumakbo ka. Kapag nahuli kita igagapos talaga kita!” naghahabulan na naman ang dalawa. "Maxine. . . Maxine. . . Gumising ka na, gising na anak! Late ka na! Hindi ka ba excited na makita si Professor Morales?" tanong ni yaya Carmen. "Yaya naman eh, puwede ba, huwag mong haluan ng pang-aasar! Kainis naman eh, ang aga-aga pa po eh." Saad ni Maxine. "Sige na, bumangon ka na. Ready na ang breakfast mo." "10 minutes yaya please, inaantok pa ako." kinuha ni Maxine ang unan at tinakip niya sa kanyang mukha. "Mag go-grocery na ako, walang gigising sa 'yo. Kapag ikaw na-late hindi mo na makikita si Professor Michael." Pang-aasar ni yaya Carmen. "Kainis ka naman yaya eh! hindi ka ba talaga titigil? Ookay na! Sige na, mag- sho-shower na ako." Wika ni Maxine. "Okay, huwag mong kalimutan ang gate. Isarado mo pag-alis mo!" Sigaw ni yaya Carmen. "Okay yaya bye mag-iingat po kayo." Wika ni Carmen. Pag-alis ng kanyang yaya. Nagmadali na siyang nag-shower at kumain nang breakfast. Nagmadali na din siyang pumunta sa University. Pagdating ni Maxine sa classroom wala pa ang Professor. Pero ang tatlong babaeng kalaban niya ay parang inaabangan siya sa pintuan at hinarangan nila ang pinto. "Puwede ba, huwag ninyong hinaharangan ang dadaanan ko! Alis! Alis! Ayaw ninyong umalis huh!" pagpasok ni Maxine, sinabuyan siya nang harina sa mukha. Lumapit si Fatima para tulungan siya. Hindi siya makakita dahil napasukan ng harina ang kanyang mga mata. "Maxine, okay ka lang ba?" tanong ni Fatima sa kanya. "Fatima thank you, okay lang ako." tinatawanan siya nang tatlo, marumi na ang kanyang uniform dahil napuno na ito ng harina. Pumasok si Maxine sa comfort room para maghugas. Umihi siya at kumuha siya ng tabo. Hindi na rin siya gumamit ng flash. Lumabas siya at tinawag niya si Fatima, siya ang babae na binugbog noon ni Clarissa. Lumapit si Fatima sa kanya. "Halika Fatima, may gagawin tayo. Bilisan mo!" hinila niya si Fatima papuntang cr." Bakit Maxine? Kailangan mo ba ang tulong ko? Handa akong tulungan ka." Saad ni Fatima. "Fatima kailangan ko ang tulong mo. Umihi ka bilisan mo." Utos ni Maxine,n "Huh, ‘Bat Maxine? Hindi pa ako naiihi eh." "Basta, umihi ka gusto mo akong tulungan di 'ba? Pilitin mong lumabas ang ihi mo bilis." Ani ni Maxine at umihi na rin si Fatima. Nang mapansin ni Maxine na tapos na itong umihi pinalabas niya na ito sa cr. "Maxine hindi ko pa na flash teka lang!" singhal ni Fatima, nataranta na rin ito dahil hindi niya alam kung ano ang plano ni Maxine. "Fatima, umupo ka na bilis!" nagtataka si Fatima pero ginawa pa rin niya ang gusto ni Maxine. "Huh? Ikaw, halika na umupo ka na rin baka dumating na si Prof." Utos ni Maxine, nahirapan si Fatima dahil nahihiya siyang umihi nasa kanyang harapan kasi si Maxine. "Fatima go! Tigas mo naman eh, lumabas ka na!" sigaw ni Maxine kay Fatima at kinuha ni Maxine ang tabo. Patuloy pa rin na nag tatawanan ang tatlo dahil nakaganti na daw sila kay Maxine. Dinagdagan ni Maxine ng kunti ang tubig sa bowl at sinandok niya ito gamit ang tabo. Paglabas ni Maxine galing sa cr may bitbit na siyang tabo na may lamang tubig. Lumapit siya sa tatlo at agad niyang binuhusan sa ulo isa-isa sina Trishia, Clara, at Clarissa. Nang maubos na ang tubig sa tabo hinampas niya ang tatlo sa mukha gamit ang tabo. Hindi sila naka ganti dahil napansin nila na mapanghi ang tubig na binuhos sa kanila. Hindi nagsalita si Maxine at umalis na siya bitbit ang tabo at binalik niya ito sa cr. Galit na galit ang tatlo at umiiyak sila sa galit. "Hayop ka Maxine! yucks! Clara, Trisha ang panghi!" tumayo si Clarissa para sana sundan si Maxine. Tamang-tama namang dumating ang Professor. Umiiyak si Clarissa at sinumbong nila si Maxine. "Anong nangyari sa inyong tatlo? bakit ang baho ninyo? At basang-basa pa kayo?" tanong ni Michael. "Sir, si Maxine po ang gumawa nito sa amin. Napakasama talaga ng babaeng 'yan. Kailangan na siyang maka-alis dito sa University!" sigaw nang tatlo. Tumayo ang isa sa kanilang mga kaklase at sinabi na silang tatlo ang nauna. Binuhusan nila ng harina si Maxine at gumanti lang ito kaya fair lang at hindi dapat paalisin si Maxine dahil hindi naman siya mananakit kung hindi lang sana siya inunahan nang tatlo. Hindi pa rin nagsasalita si Maxine dahil hindi niya ugali na ipagtanggol ang kanyang sarili. Nanahimik lang siya na para bang walang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD