Chapter 37

2123 Words
Habang papunta kami pabalik ng condominium ni Drake pinilit kong wag nalang magsalita. Alam kong pilit nyang pagagaanin yung loob ko pero sa palagay ko hindi yon ang kailangan ko ngayon. Hindi ko alam kung sino baa ng nagawan ko ng kasalanan na kailangan na umabot sa ganito, parang hindi na sya tao. Parang halimaw na yung hinahanap naming. Parang walang puso. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang may magsakripisyo ng buhay para sa akin. Kung gusto nya kong patayin, bakit hindi nya nalang ako patayin ng matapos na lahat ng to kasi parang hindi na worth it na mabawi ko pa yung buhay ko kung ganito lang din na may ibang taong nagsasakripisyo ng buhay nila para sakin. Parang hindi na sapat yung buhay ko para sa tatlong buhay na nasakripisyo ng dahil sa akin. Tahimik akong nakamasid lang sa labas habang nararamdaman ko ang pagsulyap sulyap nya sa akin. “Kiesh malapit na tayo,” sabi nya sa akin na syang nagpalingon sa akin. “Yeah, sige.” Sagot ko lang sa kanya. I know hindi na rin alam ni Drake kung ano yung sasabihin nya sa akin, siguro dahil na rin pareparehas kaming nabigla sa nangyare. Kasi kagabi lang ang saya saya nilang nagkukwentuhan, nagkakantahan at nagtatawanan tapos ngayon wala na si Mang Cando. Inisip ko pa naman na kapag nahanap na namin yung katawan ko at okay ang lahat bibisitahin ko sya at bibili din ako ng kape nya, yung kape na pinag-aagawan agawan ng mga mamayaman na to. Yung kape nyang mas masarap pa sa starbucks at mga kwento nyang masasaya at malulungkot na talagang kapupulutan mo ng aral. I was thinking about our happy moments last night when I suddenly remember Mang Cando’s bruised face and beaten body. Parang nanginig ako sa galit. “Kiesh, Kiesha!” Drake said trying to catch my attention. Mukhang kanina nya pa ako tinatawag hindi ko lang naririnig. “Ha? Ano yon?” tanong ko sa kanya. “Kanina pa kita tinatawag andito na tayo,” sabi nya sa akin na sya namang nagpabalik sakin sa realidad. Napatingin ako sa labas at nakitang nasa parking area na ami ng condominium. “Ah sorry sorry, tara na?” tanong ko sa kanya. He just nodded and walked out side. He pressed a button on his key lock to ensure that his car is safely locked and then walked inside. Pagdating namin sa condo unit nya, imbis na kumain umupo lang muna sya sa sala at tahimik na nag-isip. Hindi din sya umiimik at napapahilot nalang sa ulo nya. Drake’s phone suddenly rings, he looked at the screen and saw Wayne’s name on it. He immediately answered the call. “Pare kamusta?” tanong nya kay Wayne. “May kinalaman ba to sa nangyare kay Kiesha?” tanong nya kay Wayne. Sinusubukan ko na pakinggan kung ano yung sinagot  ni Wayne sa kanya pero hindi ko narinig since hindi din kasi talaga niloudspeaker ni Drake yung call. Napa-tingin sya sa akin at saka umiwas ng tingin nung makita nya na nag-aabang ako sa sasabihin nya. “Sige bro, hintayin ko nalang kayo dito sa condo. I will also have Chase come here, Malaki ang maitutulong nya satin dito. Salamat pare hintayin ko nalang kayo.” Sagot ulit ni Drake bago pinatay muli yung tawag. “Ano yung sinabi Wayne? May lead na ba sila?” tanong ko sa kanya. “Wala pa namang nacoconfirm, malalaman natin mamaya Kiesh pagdating nila hinihintay pa din naman yung resulta ng autopsy at saka yung intel ng mga tauhan ni Damon, don’t worry okay? Inaasikaso din kasi nila Caleb yung mga papel na kailangan para sa death certificate ni Mang Cando, naghahanap din kami ng posibleng pamilya nya na natitira pa. Wag ka ng mag-alala magpahinga ka nalang muna okay?” Nakangiti na sabi sa akin ni Drake pero kahit pa naka ngiti sya sa akin hindi non naitago yung lungkot na meron sya. Tumango lang ako sa kanya at saka bumalik sa pagkakaupo ko. Tahimik akong nakaupo sa sofa nung pagbalik ni Drake ay may dala na syang pagkain nya na naka lagay sa isang tray. “Kiesh look what I got,” naka ngiti na sabi nya sa akin habang inilalapag nya yung tray ng pagkain nya. Pagtingin ko dito feeling ko bigla akong naglaway, ang sarap ng ulam nya. Piniritong danggit, sunny side up egg, fried rice at dalawang tuyo. “Akala ko baa yaw mo ng tuyo at danggit dahil mabaho?” tanong ko sa kanya. Naalala ko pa kasi dati na nakikain sya sa amin  ni Nana Gina ng breakfast at ganito yung ulam naming ni Nana noon. Pinalaki kasi ako ni Nana na hindi sunod sa luho; kahit pa supportado naman ako ni Daddy financially pinakalaki ako ni Nana na katulad lang din ng mga normal na bata. I even know how to cook and do household chores. Kaya yung mga ganitong pagkain talagang naeenjoy, naalala ko pa noon na yung kapartner ng champorado ko ay piniritong tuyo. “Mag mula nung nagkahiwalay tayo, hindi ko alam kung dahil lang ba broken hearted ako haha o baka dahil namimiss kita. Kaya yung mga bagay na hilig mong gawin at kainin naka sanayan ko din na gawin at kainin. Remember before I had a made here in my condo? Nung naghiwalay tayo sinabi ko kanila Mom na I want to be alone ayaw pa nga nila ako non na payagan,” Kwento nya habang natatawa pa ng kaunti. “Ayaw nila akong payagan na tumirang mag-isa sa condo kasi iniisip nila nab aka daw magsuicide ako,” sabi nya na sya namang nagpatawa sa akin. I can already picture Tita Darlene in my mind, saying that to Drake. Ugh namiss ko bigla si Tita Darlene, nung naghiwalay kami ni Drake pinutol ko lahat ng koneksyon ko sa kanya, kaya kahit sila TIta Darlene hindi ko na din talaga na-contact pa. Although I know na maiintindihan nya yung sitwasyon ko, I don’t want any connection that time with Drake. Siguro natakot din kasi ako nab aka makiusap sa akin si Titan a bigyan ko ng chance si Drake tapos umoo ako, tapos hindi ko naman magawa. I don’t want to fail her, she’s been like a second mom for me. “Wala naman noon sa isip ko na magpakamatay, kahit pa pakiramdam ko noon na gusto ko ng mamatay sabi ko sa sarili ko ‘tangina mo Drake gago ka babawi ka pa kay Akiesha wag kang gago’” kwento nya na sya namang nagpatawa sa akin. “Saka baka ako ang sisihin ng pamilya mo pag nagpakamatay ka no,” sabi ko sa kanya ng medyo natatawa. “Baka mamaya ipashoot to kill ako ng pamilya mo.” Biro ko pa ulit sa kanya. Drake smiled at me. “I am glad na medyo napapangiti na kita,” sabi nya at saka tumingin sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano yung meron sa mga mata ni Drake pero tuwing tinitignan nya ako pakiramdam ko para akong hinihigop ng mata nya papasok sa pagkatao nya. Si Drake yung tipo ng tao na mababasa mo yung iniisip at nararamdaman sa pagtingin lang sa mga mata nya. Transparent syang tao at hindi mapagkunwari. “Kiesha please remember this, may mga bagay na nangyayari na hindi natin kayang hawakan o pigilan may mga tao na nawawala, isang bagay na kahit kalian ay hindi natin kayang kontrolin, pero may isang bagay akong alam na kaya mong controlin,” nakangiti nya na sabi sa akin. Sinubukan ni Drake na hawakan yung kamay ko, pero gaya ng dati tumagos lang yung kamay nya sa akin na para bang humawak lang sya sa hangin. Napatawa nalang sya ng mapait. “Tulad nito, hindi ko makontrol to Kiesha, hindi ko macontrol yung sitwasyon natin pero hindi ako sumusuko kasi hindi kita gustong isuko. Ang hirap hirap para sa akin na nakakausap kita at nakikita pero hindi kita mahawakan. Kapag nakikita kitang nasasaktan gusto kitang yakapin pero hindi ko magawa, sa tuwing umiiyak ka gusto kong punasan yung luha mo pero paulit ulit lang na tumatagos yung kamay ko sayo. Nakaka frustrate. Nakakagalit at nanakainis.” Dagdag nya pa. “Pero Kiesha kahit hindi ko macontrol yung sitwasyon natin hindi ako sumusuko. Kasi yong pagsuko ko? Yon kayang kaya ko yung kontrolin Kiesh, pwedeng pag pagod na ako sumuko na ako, o pag nakikita kong walang pagasa sumuko na ako pero hindi ko ginagawa kasi kaya ko yong kontrolin. At siguro kamatayan lang yung makakapigil sakin na hanapin yung katawan mo at ibalik sayo yung buhay mo.” “Kaya sana Kiesha kahit ano man yung pagdaanan natin, sana wag kang sumuko kasi ako hindi kita gustong isuko. Hinding hindi kita isusuko Kiesha. Kung kailangan na isakripisyo ko yung sarili kong kaluluwa o sarili kong buhay para sayo gagawin ko Kiesh, handa akong gawin ang kahit ano para sayo. Sana, sana kiesha sana wag ka ng bumitawa sakin ulit ha? Kasi ako hindi na ako papayag na bumitaw ka pa sa akin,” naka ngiti nyang sabi sa akin. Sasagot sana ako kay Drake nung biglang nag-ring yung door bell nya, “Tignan ko lang baka sila Damon na yung dumating,” paalam nya sa akin at saka pumunta sa pinto para buksan yon. Pagbukas ng pinto pamilyar na boses ni Nana Gina ang narinig ko. “Drake iho pasensya ka na sa istorbo ha?” sabi ni Nana kay Drake pagpasok nila. Sobrang laki ng ipinayat ni Nana, makikita mo sa kanya na hanggang ngayon dinadamdam nya yung nangyari sa akin. Sobrang nahulog yung katawan nya. “Wala pong problema Nana, napalibot po kayo? Kamusta na po kayo?” tanong ni Drake kay Nana Gina. “Upo po muna kayo Nana, kukuha lang po ako ng maiinom ninyo,” sabi ulit nito at saka pumunta sa kitchen. Pagbalik ni Drake may dala na syang isang baso ng juice at isang sandwich. “Meryenda po muna kayo Nana,” offer nya sa matanda at saka umupo din sa katabi nitong sofa. Tinanggap naman ni Nana yung juice na inabot ni Drake at saka ngumiti dito. “Salamat iho, ayos naman ako. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa iho nagpunta ako rito para ipakita itong mga ito sa iyo,” abot ni Nana kay Drake ng mga papel na kinuha nya sa bag nya. Tinanggap naman iyon ni Drake at saka tinignan isa-isa. Puro yon mga cards at letters na mukang haling sa mga regalo at mga bulaklak. “Sana makatulong ang mga ito sa iyo iho,” sabi nito kay Drake. “Nana alam ko po na nag-aalala po kayo kay Akiesha, wag po kayong mag-alala Nana ginagawa ko po ang lahat para magkalead po tayo sa kung ano po yung totoong nangyari sa kanya at kung sakali man po ay mahanap natin sya.” Paninigurado ni Drake kay Nana Gina. “May mga nalaman ka na ba iho? Nasaan na kaya ang Avrielle ko,” mangingiyak ngiyak na sabi nito kay Drake. “Sabihin mo kay Nana na okay lang Drake ayoko ko syang nagaalala,” malungkot na sabi ko kay Drake. Tumingin sya sa akin at saka tumango. “Wag po kayong mag-alala Nana magiging okay din po ang lahat, isa lang po ang sigurado ko ngayon. Hindi po si Akiesha yung ibinurol sa mansion ng mga Gomez, hindi po yun si Akiesha Nana, hindi po ako titigil haggang makita po natin sya,” sabi muli ni Drake kay Nana na syang nagpa-iyak dito. “Sana nga ijo, hindi ko talaga kayang mawala si Avrielle, sya lamang ang mayroon ako Drake. Alam mo kung gaano ko kamahal si Avrielle.” Malungkot na sabi nito kay Drake. Hinawakan naman ni Drake ang kamay ni Nana at pinapatahan ito. “Buhay po si Akiesha Nana, kailangan lang po natin syang makita sa lalong mabilis na panahon bago pa po maging huli ang lahat. Aaralin ko po itong mga ibinigay ninyo sa akin na mga papel at baka po sakaling may makita tayo ditong maaring makatulong sa atin, wag na po kayong mag-alala Nana, ayaw po ni Kiesha ng nakikita kayong malungkot.” Sabi ni Drake habang hinahagod ang likod ni Nana para tumahan ito. “Nana, sana po wala po munang makaalam na nag-iimbestiga po ako sa nangyari kay Avrielle kahit po sana si Senator,” sabi ni Drake kay Nana. Marahan naman na tumango ang matanda. “Oo ijo, ikaw na ang bahala kay Avrielle Drake umaasa ako sayo, sana ay mahanap moa ng alaga ko,” umiiyak na paki-usap nito kay Drake.                                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD