Chapter 36

1806 Words
Nagising ako sa ring ng cellphone ni Drake pero sya mahimbing pa din na natutulog. Napatingin ako sa labas at nakitang maliwanag na pala, I looked at his phone and saw a lot of missed calls from Wayne and Damon. His phone keeps on ringing, hindi ko naman masagot or mabuksan kasi hindi ko mahawakan. Since the calls seemed to be very important I decided to wake up Drake. “Drake, Drake wake up your phone has been ringing non stop baka importante to. Wayne and Damon kept on calling you.” I said to him. Parang hindi naman sya nagising kaya napagdesisyonan ko na mas lumapit sa kanya at lakasan ang boses ko. Lumapit ako sa kanya at saka tumapat sa tenga nya. “DRAKE! WAYNE AND DAMON HAS BEEN CALLING YOU NON-STOP WAKE UP RIGHT NOW OR ELSE I WILL REALLY LEAVE YOU HERE.” Pagbabanta ko sa kanya na agad namang nagpadilat sa mata nya. Napangiti nalang ako sa kanya nung magsimula syang kusot kusotin yung mata nya na parang batang kagigising. “Inaantok pa ko Kiesha diba napuyat tayo kagabi? Hindi ba pwedeng matulog pa kahit mga 10 minutes lang? Nahihilo pa ako my head feels like it is still spinning. Ugh f**k hangovers!” iritang sigaw nya. Napa-cross arms nalang ako sa kanya at saka ko sya tinaasan ng kilay. Nag-ring nanaman yung cellphone nya and this time its not Axel who’s calling him. “Drake your phone is ringing again, wala ka bang naririnig? Axel is calling you answer it. Baka mahalaga yan kanina pa sila tawag ng tawag sayo,” sabi ko kay Drake habang naka cross arms pa din. Nakakainis tong lalaki na to hindi manong bumangon na, hindi lang ata 10 na missed calls ang meron ang mga kaibigan nya. “Okay okay! Eto na nga po Ma’am,” pagsuko nya at saka bumangon at sinagot yung call. “Hello, dude ano yon ang aga aga nyong nang-iistorbo.” Inis na sabi nya sa kabilang linya. Hindi ko alam kung ano yung sinabi ni Axel sa kanya pero nagbago yung itsura ni Drake. Pakiramdam ko may hindi magandang nangyare. “Sigurado ba kayo Pare? Kasama lang natin sya kagabi tangina!” nang-gigil na sabi nya. Yung kamao nya kine-clench nya nanaman sa sobrang galit. I was looking cluelessly at him, ano kaya ang nangyare. “Okay pare, pupunta na ko dyan.” Sagot ni Drake ulit ata saka pinatay yung tawag. “May problema ba?” tanong ko sa kanya. “Can you stay here?” Drake asked me. “Ha? Bakit? Ayoko sasama ko sayo.” Pagtanggi ko sa kanya. Napa-sapo sya sa ulo nya na para bang stress na stress sya sa nangyare. “Hindi pwede, please Kiesha magstay kana muna dito babalik naman ako agad eh.” Paki-usap nya sa akin. Tinignan ko sya ng masama. “Pag-tatalunan pa ba natin tong dalawa? Akala ko ba sabi mo ‘we’re in this together’? asan yung together ngayon? Akala ko ba aayusin na natin to? No more secrets right?” pangongonsensya ko sa kanya. Napa sabunot nalang sa sarili nya si Drake na frustrate na frustrate na ngayon. “Okay, okay stop giving me that face,” “Maliligo lang ako, sandali tapos tara na.” sagot nya sa akin at saka mabilis na nagpunta sa banyo. Sa palagay ko talagang importante yung tawag na yon kaya nagmamadali si Drake na gumayak, at base sa itsura nya mukang hindi nga maganda yung nangyare. After 10 minutes lumabas sya ng may nakatapis na tuwalya sa beywang nya. “Pwede ba don ka nga sa banyo magbihis! Bakit ba lumalabas ka ng ganyan ang istura?!” singhal ko sa kanya. Nakalimutan nya siguro na kasama nya ako dito kaya nagmadali syang bumalik sa banyo pagkakuha nya ng mga damit nya. Paglabas nya nakabihis na sya, simpleng boardshorts at plain black shirt lang ulit yung soot nya at saka sya nagwayfearers. “Hindi ka ba muna kakain?” tanong ko kay Drake kasi nag-aasikaso na sya ng pag-alis ni hindi pa sya nag-aagahan. “Hindi na kailangan ko nang makarating agad don eh mamaya nalang siguro saka hindi pa din naman ako nagugutom but thanks for asking though,” nakangiti na sabi nya sakin. Nakangiti si Drake sakin pero nakita ko na ang lungkot ng mata nya, parang may iniisip sya. Pagsakay naming ng sasakyan mabilis nya yong pinaharurot. Napansin ko na parang papunta kami sa bahay ni Mang Cando. I looked at the time and realized na alas syete pa lang pala ng umaga. “Hey, where are we heading to?” tanong ko sa kanya. “Pupunta tayo kay Mang Cando Kiesha,” sabi ni Drake habang nakatingin pa din sa daan at mas binilisan ang pagmamaneho. In just 10 minutes I think nakarating na kami sa bahay ni Mang Cando, Pero nasa kanto palangn kami malapit sa bahay ni Mang Cando nakita na naming na ang daming tao sa labas na mga naguusyoso. May mga sasakyan din ng pulis na nasa gilid ng daan, nakita din naming na nandoon na rin yung mga sasakyan ng mga kaibigan ni Drake. “Dito ka nalang Kiesha, babalikan na lang kita okay?” sabi ni Drake at saka nagtanggal ng seatbelt. Imbis na sumagot sa kanya, lumabas nalang ako ng sasakyan basta basta. “Kiesha!” sigaw ni Drake sa akin pero naglakad na ako papasok sa bahay ni Mang Cando. “Kawawa naman si Tata Cando! Grabe yung inabot, nakaka-kilabot!” sabi nong babae na nadaanan ko habang papunta ako sa loob. Napalingon ako sa kanya at kay Drake. “May nangyari ba kay Mang Cando Drake?” tanong ko kay Drake kahit pa alam ko na sa sarili ko na meron. “Kiesha, dito ka nalang please?” tanging sagot nya lang sa akin. Mabilis akong umiling sa kanya at naglakad papasok. Pagdating naming sa loob naabutan naming sina Wayne, Axel, Caleb at Damon na malungkot na nakaupo sa gilid. Pare-parehas silang halos hindi maipinta yung mukha. Makikita mo talaga yung galit at inis sa mukha nila. Si Damon na pinaka tahimik at siguro pinaka emotionless sa kanilang magkakaibigan ay kunot ang noo ngayon at naka yukom ang mga kamao. “Pare,” bati ni Drake sa kanila. “Tangina pare,” yun lang ang nasabi ni Wayne kay Drake. Parang wala silang lahat planong magsi-kibo. Imbis na tanongin yung mga kaibigan nya, mas minabuti ni Drake na pumasok sa loob ng bahay. Mabilis naman akong sumunod sa kanya. Pagpasok ni Drake sa pintuan para syang naestatwa sa kinatatayuan nya, kaya nilagpasan ko sya para makita kung ano yung nakita nya na nagpatigil sa kanya. At nakita ko nga kung ano yung kahindik hindik na nakita ni Drake. Napa-tutop nalang ako sa bibig ko. Si Mang Cando, naka-gapos sa upuan at walang buhay. Parang nanlambot bigla yung mga tuhod ko sa nakita ko. Naka-gapos yung matanda, punong puno ng pasa at duguan yung katawan. Makikita mo na talagang pinahirapan sya. Yung mga kamay nya puro’s dugo na para bang pinukpok yon ng paulit ulit. Puro pasa din yung katawan nya. Makikita mo na talagang pinahirapan sya. Ang sakit sakit, parang nagdudugo yung puso ko sa nakita ko. Gusto kong lumapit sa kanya pero bigla akong nahiya sa sarili ko. Kasi may kutob ako na may koneksyon sa nangyari sa akin yung dinanas na ito ni Mang Cando. Napatakbo nalang ako palabas habang patuloy sa pagtulo yung luha sa mga mata ko. Para akong tatakasan ng bait sa nakita ko, Oh God why? Bakit kailangang pagdaanan yon nung walang kamalay malay na matanda? Bakit si Mang Cando? Tumakbo ako palabas at dirediretsong pumasok sa kotse ni Drake. Kagabi lang kasama lang namin sya, masayang nakikipag-kwentuhan, kantahan at biruan kanila Drake tapos ngayon isa na syang malamig na bangkay. At ang pinakamasakit sakin na isipin ay yung inabot nya sa kamay ng taong gumawa sa kanya nito. Paulit ulit kong sisihin at dadalhin sa konsensya ko lahat ng tao na nagsakripisyo ng buhay nila dahil sa akin. Si Mang Ernesto at yung anak nya, at ngayon si Mang Cando. Ilang buhay pa baa ng kailangang isakripisyo dahil sa akin? Bakit kailangang ganito? Bakit naman ganito karahas? Hindi deserve ng kahit sinong tao yung ganitong klase ng pagkamatay. Napakasakit tignan para sakin. Parang gusto ko nalang na kainin ng lupa at mamatay nalang ng tuluyan para matapos na ang lahat ng to… Inabot ng halos dalawang oras bago dumating si Drake. Pagpasok na pagpasok nya palang ng saksakyan tumingin sya kaagad sa akin. “Kiesh are you okay? Sabi ko naman kasi sayo na wag ka ng bumaba ako nalang, ayokong makita mo yung itsura ni mang Cando,”  “Please Kiesha, wag mo muna tong isipin ha? Ako na ang bahala kami na ang bahala okay?” Drake said again trying to console me. “Namatay ba si Mang Cando dahil sa akin?” tanong ko sa kanya ng walang kaemo-emosyon. “No Kiesha, hindi dahil sayo.” Drake said trying to convince me. “I want the truth Drake, please tell me the truth ayoko ng sugarcoated words. Sabihin mo sakin kung ano yung totoo.” Matigas na sabi ko sa kanya. At this point in time, hindi ko kailangan na pagaanin ang loob ko. Ang gusto ko lang, malaman ko kung ano yung totoo. “Wala pang final na imbestigasyon yung polisya, kahit sina Wayne at Damon kumikilos din, sa ngayon hindi ko din alam kung ano yung isasagot ko sayo Kiesh, I am not telling you this to ease the pain o para hindi mo sisihin yung sarili mo, pero kaya ko to sinasabi is for us not to conclude anything hanggang hindi pa nagsisimula yung imbestigasyon,” sabi ni Drake sa akin while looking intently into my eyes. “Wag kang magaalala Kiesha, hindi kami titigil hahanapin natin kung sino yung may gawa nito kay Mang Cando at pagbabayarin natin sya okay?” pangungumbinsi  nya sa akin. “Sa ngayon hintayin muna natin kung ano yung lalabas sa imbestigasyon na gagawin  ng polisya, at pati na rin nina Damon at Wayne kasi I’m sure hindi nila palalampasin to Kiesha, trust me okay? Malalaman natin ang katotohanan sa nangyari kay Mang Cando.” Sabi nya sa akin at saka sinimulang ii-start ang engine ng sasakyan. Kahit pa anong sabihin ni Drake na hintayin naming yung imbestigasyon at na wala pa namang siguradong dahilan kung bakit nangyare to kay Mang Cando, alam ko sa sarili ko at malakas ang pakiramdam ko na may koneksyon yung pagkamatay nya sa akin. Sino k aba talaga? Bakit mo ba to ginagawa? Tao ka pa ba? Pano mo yon nagawa sa isang walang kalaban laban na matanda?    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD