Chapter 38

2107 Words
Alas dose impunto nung dumating sina Wayne sa condo. Imbis na mag-usap usap sila dire-direcho sila sa kusina para kumuha ng tag-iisang bote ng beer. Walang nagsasalita sa kanila basta dumerecho lang sila agad sa kusina para kumuha ng maiinom. Malungkot na umupo sa dinning si Wayne. Makikita mo talaga sa kanila na apektadong apektado sila sa nangyare kay Mang Cando, ibang klaseng tao din kasi talaga si Mang Cando. I think yung mga taong katulad ni Mang Cando ang pambihira talaga at mahirap makalimutan, sya yung tipo ng tao na once in a million mo lang makikilala. “Nasaan si Damon at si Axel?” tanong ni Drake kay Wayne at Caleb. Naglabas sya ng mga pagkain na ipang-pupulutan siguro nila. Ang weird ng mga to, alas dose talaga ng katanghalian mag-iinuman? Pwede naman mamayang gabi nalang at pag-usapan nalang muna nila yung problema. “Hinahanap pa din nila si Chase hanggang ngayon, kanina pa nga nila tinutugis yung mokong na yon,” sagot ni Wayne habang umiinom ng beer. “Baka mahirapan tayong mahanap si Chase, iniiwasan nya si Damon ngayon dahil may atraso pa sya kay Damon, kilala nya naman si Damon. Mahirap talagang magkautang don dahil minsan sagad maningil, buti sana kung pera lang ang sinisingil ni Damon.” Dadagdag pa nito. Napaisip naman ako kung ang tinutukoy ba nilang Chase ay si Chase na kakilala ko? Pero come to think of it, maliit lang ang pilipinas at hindi malayong si Chase na pinsan ko ang tinutukoy nila. Si Chase na puro computer ang kaharap at mukang pakakasalan nya na din yung mga computer nya. Anak sya ng pinsan ni Daddy, pero hindi siya Gomez if I remember it correctly, Gonzales ata sya. “I’m sure mahahanap ni Damon si Chase, hindi papayag yon na hindi nya makikita si Chase ngayon, at sa palagay ko chance na ito ni Chase para maka bawi kay Damon. Kung gusto nyang mabuhay ng matagal kung ako sa kanya magpapakita na ako,” sabi ni Caleb habang nagsindi ng sigarilyo. Habang tinitignan ko sila ngayon, narerealize ko na ibang iba yung aura nila ngayon, parang seryosong seryoso yung aura nila at saka mukang stress sila sa nangyare. “Chase Gonzales ba yung tinutukoy nyo na hinahanap nyo?” tanong kay Drake. Tumingin sya sa akin at saka tumango. “I think I know where he’s hiding,” sabi ko kay Drake na nagpatingin sakanya sa akin. “Saan?” tanong nya sa akin. Napatingin naman sa kanya si Wayne at saka si Caleb. “Anong saan?” tanong sa kanya ni Wayne. “Ha? Wala!” palusot ni Drake sa kanila. Eto ang sinasabi ko sa kanya wag syang nakikipag-usap sa akin ng may iba syang kaharap. Napa-face palm nalang ako sa kanya. Ang kulit kasi, ilang beses ko na din syang sinabihan tungkol dito. I tried to recall the place that I was talking about, “Carlos baka pwedeng sa resthouse mo nalang muna si Gina at si Avrielle?” tanong ni Daddy kay Tito Carlos. “Pinsan alanganin tayo jan, nasa resthouse yung pamilya ng misis ko galing sa ibang bansa,” sagot naman ni tito. Nandito ako ngayon sa mansion dahil birthday ng Lola Consuelo ang Nanay ng daddy ko, and yes luckily kapag ganitong mga family occasions may mga pagkakataon na pinapapunta ako ni Daddy o kaya naman ay ipapasundo nya kami ni Nana para maka dalo kami. “Hanggang kalian ba sila dito sa pilipinas?” tanong ulit ni Daddy. “Kailangan kasi munang lumipat ni Avrielle at ni Gina, lalo na at malapit na yung eleksyon.” Sabi nya pa kay Tito Carlos. Ahh yun pala ang dahilan, tumakbo kasi ang daddy bilang isang congressman at mukang mahigpit ang magiging laban nya ngayon parating na eleksyon. “Bakit naman kailangan mo pang ilayo sina Avrielle at Gina e hindi naman naka publiko ang pagiging anak nya sayo, wag ka ng masyadong kabahan insan,” sagot ni Tito Carlos at saka ti-nap ang balikat ni Daddy. Yun din ang tanong ko, bakit kailangan pa naming umalis ni Nana Gina eh hindi naman alam ng mga ibang tao na anak nya ako? Sa labing dalawang taong buhay ko dito sa mundo iilang tao lang ang nakakaalam ng existence ko, hindi din naman ako nagkaroon ng mga ibang kaibigan dahil since kinder naka homeschooling naman ako, kaya hindi ko din maintindihan si Daddy kung bakit pa naming kailangang umalis ni Nana Gina. “Mahirap na Carlos, masyadong maruming lumaro ang mga Alvarez. Hindi ko pwedeng isugal yung buhay nina Gina at Avrielle,” sagot ni Daddy kay Tito. Kahit papaano, medyo lumuwag yung loob ko na nag-aalala din pala sya para sa akin, kahit papaano pala ay iniisip din ng daddy ang kaligtasan ko, lihim akong napangiti at sumaya, aalis na sana ako at hindi na makikinig sa usapan nila nung biglang may itinanong si Tito Carlos. “Sigurado ka ba na dahil sa kaligtasan ng anak mo kaya gusto mo silang itago? O baka dahil natatakot na lumabas yung katotohanan na anak mo si Avrielle at nag-iisip ka nab aka pagnalaman ni Alvarez na may anak ka sa labas ay gamitin nya yon laban sayo sa kampanya?” tanong ni Tito Carlos kay Daddy, Parang huminto yung pagtibok ng puso ko at yung mundo ko sa itinanong na iyon ni Tito. Masaya na ako sa narinig ko na sinabi ni Daddy kanina, ayoko ng masira pa yun gusto ko nalang na umalis na at wag makinig pero ang tigas talaga siguro ng kukote ko, hindi ako umalis at inantay ko pa din kung ano yung isasagot ni daddy kay tito. “Maruming lumaro ang mga Alvarez, kaya isa din yon sa dahilan. Ayokong malaman ng mga tao na may anak ako sa labas, hindi naman natin alam kung ano ang magiging reaksyon ng publiko oras na kumalat ang katotohanan na anak ko si Avrielle, baka maka-apekto sa kampanya ko, hindi ako pwedeng matalo ngayong huling termino ko bilang isang kongresista, kasi plano kong tumakbo bilang isang senador sa susunod na national election,” sagot ni Daddy kay tito na nagpalungkot nanaman sa akin. Sabi ko na ng aba, para pa rin akong multo na kailangang itago. I was like a ticking time bomb that is waiting to explode. “Achilles habang panahon mo bang planong itago yung bata? Hanggang kalian mo ba sya planong itago? Gumagawa ka ng sarili mong multo, sa palagay ko kung buhay lang si Catleya iiwanan ka na noon, at kung nakikita ka man nya ngayon baka naliligo ka na ng mura sa kanya,” natatang biro ni Tito Carlos kay Daddy. “Dalhin mo sina Avrielle at Gina sa Casa Verde sa aurora, ako na ang bahala sa kanila. Walang makakahanap sa kanila doon dahil tagong-tago yung islang yon. Kabibili ko lang doon nung nakaraang buwan at hindi tapos na ilipat sa pangalan ko yung titulo nung isla, pinaka dulo iyon ng Baler at isa pa hindi madaling mahanap yung isla kasi naka taklob yung Dalawang malaking isla sa kanya, kung hindi mo alam yung lugar hindi yon makikita. Sigurado akong hindi yon mahahanap nina Alvarez, pero sana Achilles one of these days, mapalaya mo na yung sarili mo at yung anak mo,” payo ni Tito Carlos kay Daddy. “Nakaka awa yung bata Achilles, hindi nya kasalanan na namatay yung nanay nya sa kagustuhan na ilabas sya ng ligtas. Alam kong yon din ang hiniling ni Catleya sayo, kaya sana yun man lang kalayaan wag mong ipagkait don sa bata. Pinagkaitan mo na ng pagmamahal yung sarili mong anak, baka pwedeng yung kalayaan ipaubaya mon a sa kanya? Alang alang nalang sa pumanaw nyang ina,” dagdag pa nito. “May dahilan ako sa lahat ng bagay Carlos, alam ko ang ginagawa ko at naiintindihan kita dahil kaibigan ka ni Catleya, salamat sa tulong mo,” sagot ni Daddy sa kanya at saka tumango. Bigla kong naalala yung lugar na sinabi ni Tito Carlos, maaring doon nga nagtatago si Chase kaya hirap na hirap sina Damon na hanapin sya, napuntahan ko na yung lugar na yon kaya alam kong mahihirapan talaga silang hanapin yon, nasa likod yung ng dalawang mas malaking isla. “Drake nasa Aurora si Chase, sa dulo ng Baler, sa Casa Verde.” Sabi ko kay Drake. “Sigurado ako na dun sya magtatago kung talagang takot na takot syang mahanap ni Damon, iilang tao lang ang nakakaalam sa islang yon. Pag-aari yon ng daddy nya si Tito Carlos.” Siguradong sabi ko kay Drake, agad naman syang tumango sa akin. “Pare alam ko kung san nila pwedeng makita si Chase,” sabi ni Drake kay Wayne. “ha? Saan naman? At saka pano mong nalaman? Matagal mo na bang kakilala si Chase?” nalilitong tanong ni Wayne sa kanya. “May kakilala ako na malapit kay Chase at naikwento nya na sa akin dati na may lugar nap ag-aari ang pamilya nila Chase na hindi basta bastang napupuntahan ng kung sino lang, sa palagay ko kung talagang nagtatago ngayon si Chase doon sya pupunta,” sagot ni Drake kay Wayne. Agad na i-dinial ni Drake ang number ni Damon. Napahawak nalang ako sa ulo ko, hindi ako sigurado sa ala-ala ko, at hindi din ako sigurado kung doon nga ba nagpunta si Chase pero malakas yung pakiramdam ko na don nga sya nagtago. After some rings Damon finally picked up the phone. “Pare alam ko na kung saan natin makikita si Chase Gonzales,” bungad ni Drake kay Damon. Niloudspeaker nya naman yung tawag para marinig nina Wayne at Caleb yung magiging usapan. “Saan Pare? Nandito kami sa bahay nila sa taguig, nakapasok na kami sa security nila kahit pa mahigpit yung security ni Mayor Gonzales pero wala pa din dito si Chase, mukang wala sya sa maynila. Tangina talaga ni Scooby,” sagot ni Damon sa kanya. “Sinong Scooby?” tanong naman ni Caleb kay Wayne. “Si Chase si Scooby, isa si Chase sa mga tao ni Damon, at ang naging utang ni Chase kay Damon ay yung kaso ng anak ng congressman na hindi naging tagumpay dahil shinota ni Chase yung anak ng congressman, ang pagkakaalam ko hanggang ngayon kasama pa ni Chase yung anak ng congressman,” sagot naman ni Wayne kay Caleb. Nagulat naman ako sa sinabi na yon ni Caleb, sa pagkakaalam ko puro computer lang ang kaharap ni Chase magmula nung pagkabata naming, kahit minsan hindi sya nakipaglaro o kwentuhan sa mga pinsan namin, At isa pa, tauhan sya ni Damon? Panong nangyari yon eh parang pag hinangin yon ng kaunti tatangayin na sya sa sobrang patpatin nya at mahina. Baka naman nagkamali kami ng akala? “ Nasa Aurora si Chase, sa dulo ng baler sa Casa Verde,” sabi ni Drake kay Damon. “Hindi madaling mahanap yung isla kase nasa likod yon ng dalawang mas malaking isla,” dagdag pa niya. “Sige pare ako na ang bahala. Dadating kami dyan ng alas onse ng gabe, kasama ko na si Chase non. At hahanapin natin ang putanginang pumatay kay Mang Cando. Bubunutin ko isa isa yung mga kuko nya at at puputulin ng paunti-unti yung bawat daliri nya at saka ko ipapakain sa kanyang putangina sya.” Gigil sabi ni Damon at saka pinatay yung tawag. Bigla naman akong kinilabutan sa sinabi nya, ganong klaseng tao ba si Damon? Sa kabila ng napaka-gwapo nyang mukha ay may isang halimaw na nakatago. Natawa nalang si Wayne ng mapait na parang bang sanay na syang marinig yon kay Damon. “Galit na galit si Damon,” sabi ni Caleb at saka shumot ng beer. “Lahat naman tayo nagagalit,” sagot naman ni Wayne. “Pero iba yung galit ni Damon, na para bang personal sa kanya yung nangyari kay Mang Cando.” Sabi ulit ni Caleb. “Kahit ako personal na din saken.” Sagot naman ni Drake. “Sakin man, putangina nya magtago na sya sa kailaliman ng impyerno kung kaya nya dahil pagnahanap natin sya, sya na ang pinaka-kawawang tao sa mundo,” nakaka-kilabot din na sagot ni Wayne. Nakakatakot palang makabangga yung magkaka-ibigan na to, parang pag nakabangga mo sila isa lang ang pwede mong kalagyan. Kaya pala malakas ang loob at sigurado si Drake na mahahanap naming yung katawan ko. Kasi hindi sila basta bastang mga tao. I have known he’s friend during our relationship, pero hindi ko nakita yung side nila na ito, puro ang nakita ko lang na side nila ay yung makulit, pasaway at masaya nilang barkada.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD