Chapter 35

2589 Words
I was suddenly stopped from reminiscing the past when Drake called my name several times. “Hey sobrang lalim naman ata ng iniisip mo?” nakangiti nyang tanong sa akin. Instead of answering him that I was reminiscing our past I just gave him a small smile and a nod. “Tara na,” he said. I looked around and realized that were here in his safe haven, after so many years ngayon lang ulit ako nakapunta dito. I checked the place out and noticed that nothing much changed in his tree house ang nabago lang siguro dito ay yung pagkakaayos ng gamit, as well as the furnitures. May mga bagong furnitures such as sofa and cabinets. Bago din yung airconditioner niya at fridge, yung mga frames nya noong unang punta naming andito pa din pati yung mga pictures naming dito. The picture of our first anniversary, our first out of town trip, graduation and dates. This tree house has been the nest of our love, dito kami nagsimulang maging magkaibigan and soon enough naging magka-ibigan. Kita mo nga naman, kani-kanina lang nagrereminisce ako nung mga panahon na nandito kaming dalawa and now heto na nga kami, magkasama ulit sa umpisa at huling parte ng love story naming dalawa. Drake decided to lie down the bed and looked at the stary sky outside, this is also my favorite feature of this treehouse, the transparent roof where you can clearly see the beautiful sky in the evening. Drake used to bring his telescope here and we do star searching and waiting for a shooting star. “I had a great time today,” he said to me smiling. “Did you have fun?” he asked me. I nodded my head in response to him. “Nakakatuwa kayo ng mga kaibigan mo, namiss ko sila. I never thought that I will be able to see and be with them again. Kahit pa hindi nila ako nakikita, I was happy to know that they supports you and that they are willing to go through all the trouble just to help you find my body. Please tell them I was very grateful for their help.” I genuinely said to him. “Pag-okay na ang lahat makakasama mo naman na ulit sila, you should extend your regards to them personally, they will surely appreciate it more,” he said to me while smilling. Drake got himself a bottle of beer. And started opening it I just looked at him and watch him drink his beer. “Hindi ko alam na dadating pa pala yung araw na makakasama kita ulit sa lugar na to,” nakangiti nyang sabi sa akin habang pinaglalaruan yung bote ng beer nya. “Yung huling beses na nandito tayong dalawa yun yung pinakamasakit at pinakamalungkot na pangyayari sa buhay ko. Alam mo ba kung ano yung pinakamasakit para sakin? Itong lugar  nato, dito tayo nagsimula nandito lahat ng mga importante at magagandang ala-ala na meron tayong dalawa. Nung araw na nagmakaawa ako sayo na magkita tayo dito, umasa ako,” malungkot na sabi nya at saka tumingin sa langit. “Umasa ako na bakasakali, baka pwede mo pa akong bigyan ng chance baka sakali na yung mga magaganda at mahahalagang ala-ala natin sa lugar nato ay mabigyan ka pa din ng dahilan para kahit papaano bigyan ako ng pagkakataon.” Malungkot na kwento ni Drake habang nakatingin pa din sa langit. Hindi nya ako tinitignan kahit manlang sulyap. Patuloy lang sya sa paginom. I suddenly realize that maybe, this is the day. Eto na yung araw na kinakatakutan ko. Yung araw na inakala kong hindi na dadating. Yung araw na tatanongin nya ako kung bakit. Yung araw na tatanongin nya ako kung bakit ang bilis kong bumitaw. Everthing that happened between us has passed almost four years now, but for me it still feels like yesterday. Akala ko ako lang, akala ko ako lang yung hindi makalimot. Drake looked at me with so much sadness in his eyes and utter the words that I have been avoiding since then. “Bakit parang nabalewala lahat sa isang pagkakamali? Pagkakamali na ni hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na ipaliwanag yung sarili ko? Bakit ang bilis mong itinapon lahat? Bakit ang bilis mo kong binitawan? Hindi ba ako mahalaga? Minahal mo ba ako talaga?” He asked me with so much emotions. Para akong nalulunod sa tingin nya, na kahit gusto kong iiwas yung tingin at mata ko hindi ko magawa. Ang sakit, ang sakit na kailangan naming balikan yung pagkakataon na yon. Yung pangyayari sumira parehas sa pagkatao naming. I looked at him with so much pain in my eyes. I didn’t said anything, I just looked at him cause I really can’t find the right words to say to him. Ang hirap hirap. Parang ang sakit sakit. “Hindi mo pa din ba kaya?” malungkot na tanong nya sa akin. Namumula na yung mukha nya, hindi ko alam kung dahil ba sa sitwasyon naming o dahil naka-inom sya. “Hindi mo pa din ba kaya ha Avrielle Akiesha?” tanong nya sakin habang nagsisimulang mamuo yung mga luha sa mata nya. “Drake lasing kana, umuwi na kaya tayo?” Pagiwas ko sa mga tanong nya. “Ha, so this is how you wanted to do this?” Naiinis na natatawa nyang sagot sa akin. “I don’t know what to say, nung gabing yon. Nung gabi na pumunta ako dito nasa isip ko na. Nasa isip ko na napapatawarin kita,” “Pero nung nakita kita. Nung nakita kita ang naalala ko nalang yung gabi na nakita kita sa kama kasama yung kapatid ko. Nasaktan ka? Nasaktan ka nung hindi kita binigyan ng pagkakataon? Ako ba naisip mo? Pinipilit mo ako na kalimutan yung nangyari, na bigyan ka ng pagkakataon.” Umiiyak na sabi ko sa kanya. “Nagmamakaawa ka sakin na bigyan kita ng pagkakataon, pero pano naman ako Drake?” tanong ko sa kanya. Nag-iwas sya ng tingin sa akin at saka nya itinapon ng malakas yung beer na hawak nya dahilan para tumapon lahat ng laman non sa sahig. “ Drake naisip mo ba kung gaano ka kasakit yon para sakin? That night I was ready! I was planning to say Yes to you even if you won’t asked me. I wanted to forget everything in my past and start a life with you. Handa na ako non Drake. Handang handa na kong bitawan at talikuran ang lahat para sayo, handa na kong sumugal Drake.” “Handa na akong isugak lahat sayo, pero hindi pa man tayo nagsisimula tinalo mo na ako.” Umiiyak ko sabi sa kanya. Drake wiped away his tears. “But Kiesh all I am asking is another chance, hindi na yun ulit mangyayari. That night was a total mistake. Hindi ko yung plinano Akiesha! Hind ko yun ginusto. Bakit ang hirap para sayo na bigyan ako ng pagkakataon? Ilang beses ba akong nagkamali sayo? Hindi non lang Kiesha? Noon lang! Pero bakit napakahirap sayo na bigyan ako ng isa pang pagkakataon?” umiiyak na tanong nya sa akin. Napahilamos nalang ako ng palad sa sobrang frustration. “Hindi mo ba ako naiintindihan Drake? Gusto ko! Gusto ko okay? Gusto kitang bigyan ng pagkakataon, nung araw na yon sinubukan ko, sinubukan kong wag isipin sinubukan kong kalimutan para sayo, para satin pero Drake hindi ko kaya, hindi ko kinaya kaya pasensya kana. Pero I am telling you, kung nasaktan ka noon? Sana alam mo sa sarili mo na hindi lang doble hindi lang triple yung sakit na ipinaramdam mo sakin.” Patuloy pa din yung luha ko sa pag-agos. Eto yung dahilan kung bakit ayoko tong pag-usapan kasia lam ko sa sarili ko na hindi ko mapipigilan kung ano yung mga sasabihin ko hindi ko macocontrol kung ano man yung nararamdaman ko kaya hanggang maari ayoko sana na umabot kami sap unto na to; pero ganon siguro talaga may mga bagay na kahit anong takbo o iwas mo hahabulin at hahabulin ka pa rin. “Drake alam mo ba kung ano yung pinagdaanan ko pagkatapos nung araw na yon? Para akong nawalan ng direksyon ulit sa buhay, I even committed suicide,” mapait na tawa ko sa sarili ko habang nagkukwento sa kanya. Gulat na gulat syang napatingin sa akin. “Oo, I committed suicide and thank God Nana Gina was there to help me out. Dinala niya ako sa ospital without informing my Dad, ilang buwan din akong pabalik balik sa psychologist at psychiatrist cause I really thought that I needed medical help, but I was wrong because even though I drink all the medicines that they gave me nothing really changed Drake, I am still that lost broken little girl that you shattered the heart into pieces.” Napasabunot nalang si Drake sa sarili nya habang nagkukwento ako, tutop tutp nya yung kamay nya na para bang ayaw nyang marinig ko kahit konti hikbi manlang nya. “Drake nung niloko mo ako, please don’t tell me na hindi mo ako niloko na hindi mo yon sinadya dahil hindi yun totoo, gusto mo ng totohanan na usapan hindi ba? Pwes ibibigay ko yun sayo ngayon.” Sabi ko sa kanya sa nanghahamon at seryosong tono. “Drake that night when I entered your condo I saw you and Alanna lying on your bed, you are both naked under that sheet of cover. She was leaning on your chest and you are hugging her,” Umiiyak kong kwento sa kanya. I wanted to stop myself from crying cause I want him to see how painful this is to me but not because of my tears. “I was late for merely three hours, and that was what happened. You f**k with my sister because I wasn’t there. Because you thought I failed you. But no I didn’t if you only knew everything that I did just to catch the earliest flight back to Philippines maybe you might have thanked me. Drake I thought I was over in the part of my life, alam mo yon? Kasi all mylife lahat ng pinagsawaan lang ni Alanna ang napupunta sa akin. Para akong aso na nagtatyaga sa tira tira at namamalimos ng sobrang pagmamahal na para sa kanya.” I was now crying like a cow. I couldn’t even recognize my own voice. Drake was punching the wall beside him, kahit nakikita ko nang may dugo na yung kamay nya hindi ko sya pinigilan kasi gusto kong ituloy at sabihin na sa kanya lahat ng gusto kong sabihin ngayon. I will end this s**t now. “Drake akala ko kasi ikaw sakin ka eh, umasa ako. Umasa ako na sa akin ka talaga. Alam mo yon? Na minsan may isang lalaki na handing mahalin at tanggapin ako sa kung sino at ano lang ako. Yung lalaki na walang pakialam sa mga panget na bagay na mayroon ako, yung lalaki na ipaglalaban ako kahit na kanino, yung lalaki na nagparadamdam sa akin na buo ako at may saysay yung buhay ko. Na dapat hindi ko paikutin yung buhay ko para lang patunayan yung sarili ko at para lang mahalin ako ng Daddy ko kasi enough na yung pagmamahal mo para icover lahat ng yon. Drake andon na ako eh, andon na tayo!”  Punong puno ng galit at hinanakit na sigaw ko sa kanya. “Kiesha stop, stop please naiintindihan ko na Kiesh tama na. Hindi natin alam kung ano ang magiging epekto sa physical body mo sa nangyayare na to please Kiesha tama na.” paki-usap sa akin ni Drake habang umiiyak pero umiling ulit ako sa kanya. “Drake after 2 months of mending myself I was ready to talk to you, hoping that we can fix the things between us. I though to myself na baka nong mga panahon na yon eh kaya ko nang patawarin at harapin ka. Pero putangina mo! Putangina nyong lahat! Ang gagago nyo, pagpunta ko ng mansion andon ka hawak mo yung kamay ng kapatid ko, masaya kang kumakain kasama silang mag-ina tapos ngayon sinusumbatan mo ako kung bakit hindi kita nabigyan ng pagkakataon?! Ang gago mo lang!” frustrated na sigaw ko sa kanya. “Kiesh kaya lang ako nagpunta non I was hoping to see you there, sinabi din sakin ni Alanna na pupunta ka don I didn’t know that she told her mom that I was her boyfriend. Hindi ko hinawakan yung kamay nya! Damn it! This is all a misunderstanding! Kiesha believe me after all these years I have intention of lying to you. All I ever wanted was to know why you didn’t gave me a chance. Hindi ko alam na ganito Kiesha babe im sorry.” Drake said while crying, he was trying to hold me but this damn situation makes is super imposible. Paulit ulilt lang na tumatagos sa kaluluwa ko yung kamay nya. I couldn’t help but cry even more, this is really frustrating. “My dad even told me na dapat nalang kitang palayain, at hayaan kay Alanna kasi wala naman akong ibang kayang ibigay sayo at hindi ako bagay dahil wala naman akong kwentang tao. That made me stop Drake, yung sinabi na yon ni Dad ang pumatay ng puso ko.” Malungkot kong kwento sa kanya. “No Kiesha hindi totoo yon, alam mo. Alam kong alam mo kung gano kita kamahal. Handa akong ibigay ang lahat para sayo kahit pa yung buhay ko. As corny as it may seem kung pwede lang na ako nalang yung nasa sitwasyon mo ngayon I am very much willing to take over for you Kiesha, mahal kita. Mahal na mahal kita. Si Alanna? Nagtyatyaga lang ako sa kanya kasi sya lang yung nagkukwento sa akin tungkol sayo. Tuwing umuuwi sya ng Pilipinas napakarami nyang kwento tungkol sayo, kahit pa karamihan don nakakalungkot ayos lang sakin basta tungkol sayo,” he said while bitterly smilling. “Hindi ko sya fiancé, may boyfriend sya sa Ohio. Hindi nya lang masabi sa Mom and Dad nyo dahil alam nyang hindi nila sya matatanggap. Kapalit ng pagpayag ko na magpanggap na fiancé nya nalalaman ko yung schedules mo, kapag nag-oout of town ka o nangingibang bansa andon ako palagi kasama mo. Hindi mo man ako nakikita pero lagi mo akong kasama Kiesha. Hindi kita kahit kalianman iniwanan. Hindi ko lang yon magawa dito sa Pilipinas kasi sobrang higpit ng mga guards mo. Yes I know hindi moa lam pero your Dad have you guarded sa totoo lang mas marami ka pang guards kaysa kay Tita Yelena kaya minsan napapaisip ako kung talaga bang hindi ka mahal ng daddy mo o itinatago nya lang” Napa-iyak nalang ako sa kwento nyang yon. Kaya pala minsan sa mga fashion shows ko parang nakikita ko sya pero akala ko talaga na imagination ko lang lahat ng yon. “I love you kiehs, ikaw lang yung minahal ko ng ganito at mamahalin ko ng ganito. Gagawin ko ang lahat para makita natin yung katawan mo. Babawi ako sa lahat ng sakit na naibigay ko sayo, please please let me do this again Kiesh, please let me freely show my love to you again” Drake pleads while looking intently into my eyes, I couldn’t help but nod at him. Baka may dahilan kaya kami ulit pinagtagpo. Sana ito na yon.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD