Chapter 45

1990 Words
Pagka kita ni Miss Dahlia nung folder na binigay sa kanya ni Drake napa luha nalang sya habang tinitignan at binabasa nya yung mga files na inabot ni Drake. Tahimik na iyak lamang ang mga naririnig naming sa kanya. Matapos ang ilang minute pinalis nya ang luha nya at saka tumayo at kinuha yung bag nya. Pagka kuha nya sa bag nya may kinuha syang  isangn susi. Ginamit ni Miss Dahlia ang susi para buksan ang isang safety box sa likod ng isang painting. Akala ko pagbukas nya nung safe andon na yung kukunin nya, pero pagka bukas nya ng safe isa pang vault ang kailangang buksan. Tahimik na inilagay ni Miss Dahlia yung code doon sa vault. Akala ko mga pera ang laman ng vault na yon pero puro folder ang laman noon, mayroon ding mga cd’s at dvd’s na naka sama pero karamihan sa mga yon ay mga folders na may naka lagay na ibat ibang taon. Kinuha ni Miss Dahlia yung mga folder na yon at saka isa isa nyang hinagilap yung mga folder. “This safe is very important, nandito lahat ng pinaka importante at pinaka tatagong sikreto ng mga importanteng tao pati na rin yung mga sikreto na pilit itinatago ng paaralang ito. Si Mr. Alexander Siegfried De Torres ay isa sa mga pinaka nakakatakot na estudyante na nagkaroon ang paaralan na ito, sinubukan syang idrop nung mga nakaraan nyang professors at isumbong sa kinauukulan pero wala silang nagawa dahil prominente at makapangyarihang pamilya ang mga De Torres.” Kwento ni Miss Dahlia. “Noong panahon na nandito si Alexander isa sa pinaka naka gigimbal na ginawa nya ay noong nagdala sya ng daliri ng isa sa mga ninuno ng pamilya nila, buto lamang yon pero para sa edad nila hindi yon simple. Napansin naming noon na napaka hilig ni Alexander sa mga sinaunang bagay, mga bagay na hindi mo usual na makikita yung mga bagay na nagkaraoon ng value true time. Akala nga naming noong una na hobby lamang nya yong ganong pangongolekta ng mga bagay.” Napahinto si Miss Dahlia sa pagkukwento at saka seryosong tumingin kay Drake. “Akala naming na normal lang na libangan ang pangongolekta para sa kanya, pero isang araw natagpuan ang isang guro sa classroom nila. Walang buhay at may laslas sa leeg, hindi kumalat ang isyung yon. Walang naka alam at ni hindi lumabas sa media. Umabot pa sa puntong pinalabas na iba yung ikinamatay ng biktima para lang pagtakpan ang nagawa ni Alexander.” Nagigimbal na kwento nya. “Alam mo ba kung ano yung ginawa ni Alexander? Pinatay nya yung teacher nya sa P.E dahil hindi gustong ibigay sa kanya yung kuwintas na minana pa nung teacher sa mga lolo at lola nya. Natagpuan na may busal sa bibig yung guro, may mga parte ng katawan na binalatan at laslas ang leeg. Isa si Mr. Alexander Siegfried De Torres sa mga bangungot na nangyari sa paaralan na ito, kung kayat nung narinig ko na binanggit moa ng pangalan nya hindi lang dalawang isip ang ginawa ko. Nakaka takot at nakaka kilabot ang mga De Torres, para silang mga taong walang puso at kaluluwa. Puro kayamanan at kapangyarihan lang ang mahalaga sa kanila.” Natatakot na kwento ni Miss Dahlia. Napa yukom nalang si Drake sa mga naririnig nya, bilang isang graduate sa St. Bernadette Children’s Academy nakaka takot yung mga narinig ko kay Miss Dahlia, ngayon ko lang nalaman yung mga bagay na to. Alam ko noon pa na mas pinapaboran nila kung sino yung mas makapangyarihan kung sino yung mas may kaya at kung sino yung mas may pera pero hindi ko alam na umabot sa ganitong punto. Nakakatakot yung skwelahan na to, nagpapalaki at nagpapatapos sila ng halimaw. “Pilit na itinanggi ng mga De Torres yung nangyari, yung estudyante na lumutang para magsabi kung ano yung totoong nangyari nung araw na yon ay nawala rin at natagpuan nalang na lumulutang sa isang tulay. Ganoon kalupit at ka nakakatakot ang mga De Torres. Si Avie, si Avie yung kaisa isang tao na nakapagpakalma kay Alexander. Naging kaibigan sya ni Avie.” Sabi ni Miss Dahlia. Napa tingin naman si Drake sa akin na parang gulat na gulat. Para bang tinatanong nya ako kung totoo ba yung sinasabi ni Miss Dahlia. “Hindi ko alam, wala akong maalala na naging magkaibigan kami.” Sabi ko kay Drake. “Ano po yung ibig nyong sabihin? Kilala ni Avie si Alexander?” nalilitong tanong ni Drake kay Miss Dahlia. “Oo, pero dahil sa isang aksidente nawala yung ala-ala sa kanya ni Avie.” Sabi nito. Napa isip naman ako kung may naalala ba ako tungkol kay Alexander pero wala talaga akong maisip kaya umiling nalang ako kay Drake para sabihin na wala talaga akong maalala. “Bago lang noon si Avie dito, kalilipat nya lang galing sa home schooling hindi katulad ng ibang estudyante hindi pala sama si Avie sa iba, tahimik lang sya at madalas nasa isang tabi. Pero hindi din katulad nung mga tahimik na bata, matalino si Avie pag dating sa academics isa sya sa mga nangunguna sa exams, quizzes and recitations. Hindi sya nakikipag kaibigan at nakikipag kwentuhan pero madaming estudyante ang nagkakagusto at humahanga sa kanya. Dahil napaka ganda ni Avie, isa sya sa pinaka magandang bata na naging estudyante ko.” Naka ngiti na kwento ni Miss Dahlia. “Tahimik si Avie katulad ni Alexander or Xander kung tawagin nya. Naging malapit kami ni Avie dahil sa isang pagkakataon na iniligtas nya ako, bukod sa akin ang naging kaibigan nya ay si Xander. Maayos naman yung pagkakaibigan nila, madalas silang sabay kumain at mag-aral. Pero yung mannerism at ugali ni Xander ang sumira sa pagkakaibigan nila.” Malungkot na sabi ni Miss Dahlia. “Si Avie ang kaisa-isang estudyante na nagpakita ng kabutihan kay Xander sa kabila ng mga tsismis ng mga estudyante sa mga eskuwelahan na ito. May mga pagkakataon na ipinag-tatanggol nya pa si Xander at ipinaglalaban sa ibang tao. Nakikita ni Avie yung sarili nya kay Xander, katulad ni Avrielle parang wala din kasing mga magulang si Xander, nakita nya yung sarili nya kay Xander na parang parehas silang lagging mag-isa kaya naging magaan yung loob nya rito.” Kwento ni Miss Dahlia. “Pero katulad ng sinabi ko kanina, pinatay ni Xander yung isa sa mga professor nila. Sa totoo lang dalawang bata ang naka kita ng ginawa ni Xander, yung una ay si Tamika Uytingco yung batang natagpuan na palutang lutang sa tulay. At pangalawa ay si Avie.” Sabi ni Miss Dahlia na nagpa gulantang sa amin ni Drake pareho. Naka tingin sya sa akin na para bang sinasabi na marami akong kailangang ipaliwanag sa kanya pero nagtataka ko din syang tinignan, wala akong maalalang ganito na nangyari sa buhay ko. Imposibleng makalimutan ko yung ganito kahalagang pangyayari. “Ano po yung ibig nyong sabihin? Ibig sabihin kilala ni Avie si Alexander?” naguguluhang tanong ni Drake kay Miss Dahlia. Sa totoo langn kahit ako  gulong gulo sa mga kinukwentong ito ni Miss Dahlia parang pakiramdam ko hindi ako yung Avie na tinutukoy nya pero may perter in sa akin na gustong malaman pa din kung ano yung totoo kasi sobrang nalilito na ako hindi ko alam kung paano nya naikukwento lahat ng bagay nato gayong kahit isa sa mga ala ala na sinasabi niya ay wala akong maalala. “Oo Mr. Lacson matalik na magkaibigan sina Avie at Alexander.” Sagot ni Miss Dahlia kay Drake na talaga namaang nagpagulat sa aming dalawa. Hindi ko sya maalala hindi ko maalala na nagkaron ako ng kaibigan na Alexander and I am a hundred percent sure na kung magkakaroon ako ng kaibigan imposibleng makalimutan ko yon kakaunti na nga lang ang mga kaibigan ko kakalimutan ko pa? Sobrang imposible non. Sasabihin ko n asana kay Drake na umalis na kami pero nagsimula ulit na magkuwento si Miss Dahlia. “Nung araw na pinatay ni Xander si Miss. De Leon yung teacher nila nung tumakbo si Tamika para humingi ng tulong si Avie yung naka salubong nya. Sinabi nya kay Avie yung nakita nya pero hindi sya pinaniwalaan ni Avie dahil hindi na niniwala si Avie na kayang gawin ni Xander yung mga ikinwento ni Tamika. Pero pagdating ni Avie sa classroom nakita nya na totoo lahat ng kinwento ni Tamika. Ayon sakwento ni Tamika sinubukan pang lapitan ni Xander si Avie para magpaliwanag pero hindi nakinig si Xander, pilit syang lumalapit kay AVie para magpaliwanag.” Sabi ni Miss Dahlia. Napapikit ako sa kinukwento nya at habang nakapikit ako parang sumusulpot sa isip ko yung mga fragments of memories pero hindi ko maidenfity kung ano yung mga yon. “Sa sobrang takot ni Avie kay Xander hindi sya makatakbo, patuloy lang sya sap ag-atras habang patuloy rin si Xander sa paglapit sa kanya. Ayon kay Tamika nakikiusap pa noon si Avie na wag ng lumapit si Xander pero hindi ito nakinig, pinipilit nito si Avie na makinig sa paliwanag nya, sa kakapilit ni Xander kay Avie umatras ito ng umatras hanggang nahulog si Avie sa hagdan at tumama ang ulo nito sa isang metal trashbin. Pag gising nya, wala na syang maalala na kahit anong tungkol kay Xander.” Kwento pa ni Miss Dahlia. Naglabas din sya ng mga folder at ibinigay ito kay Drake, dokumento ito ng pagkaka confine ko sa ospital pati na rin ang mga photos at kopya ng MRI at CT-scan ko. May picture din doon kung saan nasa kwarto ako habang hawak hawak ni Nana Gina ang kamay ko. “Akala naming nung una sinusubukan ni Avriell na pagtakpan si Xander sa ginawa nya, akala naming na kaya sya nagkukunwaring hindi nya kilala si Xander ay dahil kahit papano tinuturing nya pa rin itong kaibigan at ayaw nyang maparusahan si Xander pero mali kaming lahat. Parang totally nabura si Xander sa isip ni Avie. Sya lang yung nabura sa utak nya na para bang bigla nalang nawala lahat ng ala-ala na mayroon silang dalawa. Nagkaron si Avie ng selective amnesia kung saan kusang kinalimutan at ibinlock ng isip nya lahat ng impormasyon na tungkol kay Xander.” Malungkot na kwento ni Miss Dahlia. “Noong una ay hindi na niniwala si Xander, parang walang nangyari na pumupunta pa rin sya para dalawin si Avie, pero isang araw nagkaron sya ng pagkakataon na kausapin si Avie at napatunayan nya na talagang hindi na talaga sya makilala at maalala ni Avie. Sobrang trauma ang inabot ni Avie kaya siguro naging ganon, umalis si Alexander sa school noon, pero kahit umalis sya nakasama pa din sya sa year book ng graduates sa batch nila.” Iniabot ni Miss Dahlia yung year book ng batch ni Xander kay Drake. “Ito si Alexander Siegfried De Torres, please Mr. Lacson alamin moa ng katotohanan. Hindi ko naisip na aabot sila sa ganito dahil inisip naming na kinalimutan na rin ni Alexander si Avie. Matagal ng panahon ang nakalipas kung kayat hindi ko naisip na maaring may kinalaman si Xander sa nangyari kay Avrielle. Ipinagkakatiwala ko na sa iyo lahat ng ito sana ay maka tulong ito sa paghahanap mo kay Avie. Ipagdarasal ko n asana ay makita mo sya Mr. Lacson,” sabi ni Miss Dahlia at saka inabot kay Drake yung folder kung saan naka sulat yung year at pangalan naming ni Xander. “Makaka asa po kayo Miss Dela Fuente na gagawin kop o ang lahat para makita si Kiesha, salamat po sa lahat ng impormasyon na ibinigay ninyo sa akin malaking tulong po lahat ng ibinigay ninyo sa akin na impormasyon. Oras oras minuminuto po ay naiisip ko si Akiesha, gagawin ko po ang lahat para maka balik sya sa atin.” Desididong pangako ni Drake kay Miss Dahlia. Tumango lang ito sa kanya at malungkot na ngumiti. Nagpaalam na rin si Drake para umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD