Chapter 46

1331 Words
Pagka-alis ni Drake sa opisina ni Miss Dahlia minabuti nyang pumunta sa Head quarters nila Damon. Kunot ang noo  nya habang naglalakad papunta sa parking lot. Hindi sya nagsasalita at mabilis din yung hakbang nya. Hindi nya ako nililingon kaya alam kong may problema nanaman sya sa akin. “Drake hintayin mo naman ako,” sabi ko sa kanya habang bahagyang tumatakbo para masundan ko sya. Hindi nya pa din ako kinikibo derecho lang ang tingin nya at hindi nagsasalita. Pagdating namin sa sasakyan nya hindi nya rin ako pinagbuksan ng pinto, oo pinagbubuksan nya ako ng pinto palagi kahit pa pwede naman akong tumagos nalang. Siguro iniisip din nya na parang mas normal yung sitwasyon kung hindi ako basta bastang tumatagos tagos nalang sa kung saan saan. Pagpasok nya sa kotse akala ko talaga pa aandarin nya na din ng hindi pa ako nakakasakay pero hinintay nya ako na pumasok. Diretso pa din ang tingin at hindi ako nililingon. “Drake ano ba wala ka bang planong makipag usap bakit ba ginaganito mo ako?” tanong sa kanya. He was dead serious while driving but when he looked at me, I saw his bloodshot eyes ad if it was having too much pain and anguish at the same time. “Look, wala akong maalala sa kahit anong sinabi ni Miss Dahlia okay? Hindi din nabanggit sa akin yon ni Nana kaya talagang wala akong alam. I have told you several times na pamilyar sa akin si Xander hindi ba? Baka- baka yon, baka noon kaya sya pamilyar sa akin kaya pakiramdam ko kakilala ko sya.” I said to him. Hindi ko kasi alam kung saan ba sya nagagalit nalilito ako, nagagalit ba sya kasi akala niya itinago ko sa kanya yung impormasyon na yon? Pero hindi ko naman talaga alam eh pano kong sasabihin yung bagay na hindi ko nga alam di ba? At isa pa sa tingin ba nya sa sitwasyon na to hindi ko sasabihin yung mga bagay na yon kung alam ko yung mga yon? Diretso lang ang tingin at patuloy pa din sya sa pagda-drive pero habang tumatagal papabilis nanaman sya ng papabilis. “Drake ano ba?!” galit na sigaw ko sa kanya at saka lang sya nag-slow down. Frustrated syang na pa tingin sa akin at saka gumilid sa daan. “I’m sorry, pasensya na Kiesh hindi ako mapalagay ugh1 Fck!” sigaw at saka kinuha yung cellphone nya. He was angrily dialing someone. After some time siguro sinagot na nung taong tinatawagan nya yung call. “Dude naka bantay ba kayo sa kanya ngayon?” tanong ni Drake sa kausap nya I’m guessing he’s probably talking to Wayne or to Damon. “Keep an eye on him. Siya na yung hinahanap natin. Pupunta ako sa hq ng mga bandang 6 pm may mga nakuha akong impormasyon sa St. Bernadette, Oo pare masyadong madaming lihim yung eskuwelahan na yon,” sabi ni Drake. “Oo pare mahihirapan yung mga tao mong kumalap ng impormasyon hindi basta basta makakapasok sa eskuwelahan na yon. I need you to keep your eyes on him. Delikadong tao yan pare, I’ll call you gain. May kailangan lang akong puntahan na ospital. Nasaan ba sya ngayon?” tanong ulit ni Drake sa kausap nya. “Dude I heard he’s an archeologist, find everything about that. Malaki ang kaugnayan ng pagiging archeologist nya dito. Sige pare basta bantayan nyong maigi wag nyong hahayaan na mawala sa mata nyo. Kailangan nating malaman lahat ng galaw at lahat ng lugar na pinupuntahan nya.” Sabi ni Drake at saka pinatay ang tawag. He looked at me again after he hanged up the phone. Hindi ako nagsasalita kasi ayokong may masabi na hindi maganda. Akala ko galit pa din sya sa akin pero ngayon mas kalmado na yung itsura nya, wala na ulit yung mga galit at nanlilisik nyang mga mata. Tahimik sya habang naka tingin lang sa akin na parang nangungusap yung mga mata. Yung galit sa mga mata nya napalitan ng pagaalala. “Kiesh I am sorry, hindi lang kayang tanggapin ng utak at ng puso ko lahat ng narinig ko kanina.” Drake honestly said to me. “Alin ang hindi mo matanggap na naging kaibigan ko palang yung Alexander na yon?” tanong ko naman sa kanya. Umiling sya at saka mataman na tumingin sa akin. “Yes. I f*****g hate it Kiesh, I hate that he’s been a part of your life kahit pa nakalimutan mo sya naging parte pa din ng buhay mo yung tanginang yon. Pero higit don Kiesh mas nagagalit ako kasi mas lalo akong natatakot. Sa lahat ng narinig ko kanina wala akong ibang naramdaman bukod sag alit kung hindi takot. Takot na takot ako na, nab aka sayo nya naman gawin yon. Tangina Akiesha mababaliw na ata ako sa kakaisip ko sa kung anon a yung nangyayari sayo.” Nagagalit na sabi nya. “Yung takot ko hindi ko na kayang ipaliwanag sa salita lang kasi putangina Kiesh, hindi ko na kayang isipin kung ano yung pwede nyang gawin sa katawan mo kase parehas nating alam na marami. Putangina na lang talaga. Pero wala akong magawa, wala pa akong magawa hayop.” Gigil na gigil na sabi nya. Napa iling nalang ako kay Drake habang na luluha, alam ko naman din talaga yung nararamdaman nya. Kahit ako natatakot sa kung anong pwedeng mangyari sa sarili ko pero wala akong magawa. “Drake I believe in you, alam kong hindi maglalaon mahahanap na din natin yung katawan ko. At darating din yung araw na, na mahahawakan mon a ako ulit, na mayayakap mon a ako ulit. Dadating pa yung araw na yon Drake kasi alam kong hindi ka susuko para satin.” Pagpapalaskas ko sa loob nya. Tamihik syang tumango at pinalis yung mumunting luha na namumuo na sa mga mata nya. “Oo Kiesha, hinding hindi na kita isusuko. Hindi ko na tayo isusuko.” Naka ngiti na sabi nya sa akin at saka ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Ilang minute lang ay nakarating kami sa St. Lewks Medical Center. “Anong ginagawa natin dito?” tanong ko kay Drake. “Kahit pa alam kong pinagkakatiwalaaan mo si Miss Dahlia Dela Fuente gusto ko pa ding maka sigurado kailangan kong malaman kung may record ka ba talaga ng pagkaka confine sa ospital na ito, we need to find out if everything that she said is true,” sagot ni Drake habang inaayos yung mga papel na dadalahin nya. “How can you do it? Sa palagay mo kung yung eskwelahan nga itinago yon sila pa kaya? Wala tayong mapapala dito Drake.” Malungkot na sagot ko sa kanya. Bahagyang huminto si Drake at saka nag-isip. “Don’t worry Kiesha, gagawa ako ng paraan walang nakaka hindi sa isang Drake Lacson.” Saagot nya sa akin at saka nagsimulang maglakad papasok ng ospital. Natawa nalang ako ng kaunti sa sinabi nya, may mga bagay pa din talaga sa pagkatao ng isang tao na hindi nawawala. And in Drakes case? Its his personality, his boastfulness. Inaamin ko na noong una asar na asar talaga ako sa kayabangan nya dahil sobrang hangin nya talaga. Yung tipong pag lumapit sya sayo alam mo nang magyayabang sya? Pero that attitude of him also makes him attractive, isa yung ugali nya na yon kung bakit ako nahulog sa kanya. Si Drake kasi yung tipo ng tao na gagawin ang lahat mapatunayan nya lang yung sarili nya. Siya yung tao na hindi tumitigil hanggang hindi nya naachieve yung isang bagay na gustong gusto nya makuha. His guts and aura makes him really special. Hindi katulad kanina nung pagbaba ni Drake pinagbukasan nya ako ng pinto at saka sya ngumiti, napalingon lingon nalang ako sa paligid dahil baka may tao dito na maka kita sa kanya na ganito isipin na baka nababaliw na sya dahil ngumingiti sya sa hangin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD