Chapter 44

2245 Words
I was ready to run for my life in just a second when I heard a man’s voice. I stopped packing my things and listen quietly. I heard another voice of the woman again and she’s pleading I realized that this isn’t a ghost at all! Alangan naman na babae at lalaking multo? E ang alam ko isa lang naman ang nagpakamatay sa rooftop na ito. My  detective instincts suddenly kicked in. Dahan dahan akong naglakad papalapit doon sa lugar kung saan ko narinig yong mga boses. Habang naglalakad ako palakas ng palakas yung iyak nung babae, parang tinutukop yung bibig nya kaya mabilis kong sinundan yung mga tunog an naririnig ko. At the end of this floor I saw a fire exit, narealize ko na parang doon nagmumula yung mga boses na naririnig ko kaya minabuti kong magdahan dahan sa paglapit doon. Hindi naka saradong mabuti yung pinto kaya makakasilip ako kahit dito lang ako sa labas, dahan dahan akong lumapit at sumilip sa pinto. Laking gulat ko nang makita si Principal Spencer, hawak hawak ang kamay ni Ms. Dahlia habang sapilitan n hinuhubaran ito. Yung damit ni Miss Dahlia may mga punit na, tapos yung pisngi nya namumula na para bang sinampal sya ng sobrang lakas. For a moment I thought na baka mag boyfriend at girlfriend sina Principal Spencer at Ms. Dahlia baka trip lang nila yung mga nagsasakitan tulad nung napa nuod ko na movie yung 100 shades of black kung saan yung lalaki parang mas naeexcite at nasasatisfied sya kapag nasasaktan yung babae habang nagjujugjugan sila. Paalis na sana ako nung bigla kong narinig yung sabi ni Ms. Dahlia. “Paki-usap po Principal Spencer wag nyo poi tong gawin, hindi po ako magsasalita at wala pong lalabas na kahit ano tungkol dito please lang po wag nyo poi tong gawin, nakiki-usap po ako Principal Spencer ikakasal na po ako, wag nyo poi tong gawin nakikiusap po ako sa inyo,” umiiyak na pakiusap ni Ms. Dahlia kay Principal Spencer. Imbis na pakinggan sya nito sinagot sya ni Principal Spencer ng malakas na sampla na parang nagimbal yung pagkatao ko nung narinig ko. Narealize ko na hindi ito normal na pangyayari, hindi sila mag boyfriend at girlfriend at mukang inaabuso ni Principal Spencer si Ms. Dahlia. Nagisip ako kung paano ba ang pwede kong gawin, tatawag ba ako ng mmga pulis o ng security? Pero tatakbo pa ako pababa? Nasa fifth floor kami ng building at hindi gumagana ang elevator ngayon. Hindi rin naman ako sigurado na paniniwalaan ako ng mga security kapag sinabi kong nirerape ni Principal Spencer si Miss Dahlia. Imbis na humanap ng tulong napagdesisyonan ko na pigilan nalang si Principal Spencer. Sinipa ko ng malakas ang pinto at saka iwinagayway ang baseball bat na hawak hawak ko. Oo may baseball bat akong dala dahil yon ang subject naming sa P.E ngayon and thank God I brought this today. Tinatamad talaga akong bitbitin to kanina nung papasok pero naisip ko na baka magpa-practical exam ngayon yong prof ko kaya binitbit ko na. Hindi ko naman ineexpect na sa ganitong paraan kop ala to magagamit today. “Principal Spencer bitawan nyo po si Miss Dahlia.” Matapang na sabi ko kay Principal Spencer. Laking gulat nya nung makita nya ako sa pinto at hawak hawak ang baseball bat ko. “Ija, umalis ka na dito habang naiisip ko pa na anak ka ni congressman Gomez, umalis ka na habang nakakapagtimpi pa ako. Kung ayaw mong pati ikaw madamay dito.” Nakaka kilabot na banta nya sa akin. “Hindi ako aalis ng hindi ko kasama si Miss Dahlia.” Matigas na sabi ko naman. Hindi ko kayang sikmurain at matulog ng mapayapa sa gabi kung iiwanan ko si Miss Dahlia rito. “ Avie, Avie umalis ka na please iligtas mo yung sarili mo anak, tumakbo ka na.” umiiyak na sabi sa akin ni Miss Dahlia kahit pa hirap na hirap syang magsalita. Samantalang si Principal Spencer naman ay lalong nagalit sa isinagot ko sa kanya. “Sino ka ba sa akala mo ha?! Isa ka lang bastardang anak ng congressman kaya ka dito ipinasok ng tatay mo kase ayaw nyang lumabas yang pagkatao mo sa palagay mo ba may maniniwala sayo ha?! Sa palagay mo ba maniniwala sayo yung ama mo?! Hinde! Dahil wala kang kwenta! Ayaw mong umalis?! Pwes sige pagbibigyan kitang sumali sa laro ko!” galit nag alit na sabi ni Principal Spencer. Bigla nyang binitawan si Miss Dahlia at itinulak ito. Mabilis syang lumapit sa akin at akmang sasakalin ako nung mabilis naman akong naka ilag sa kasamaang palad ay nahablot nya yung necktie ng uniform ko dahilan para ma-choke yung leeg ko. Pero sahalip na tumakbo palayo, pinili ko na lumapit pa lalo sa kanya para hindi mabigti yung leeg ko. Hindi nya ineexpect na lalapit ako sa kanya kaya ginamit ko na yung opportunity na yon para sikmuraan sya. Dahilan para mabitawan nya yung pagkakahawak nya sa necktie ko. Napaubo ng malakas si Principal Spencer nong sinuntok ko yung sikmura nya. Ganon pala ang pakiramdam ng sumuntok ng isang tarantado. Mas masarap pa lang sumuntok ng totoong gagong tao kesa punching bag. Regular akong nagtetake ng taekwondo lessons at jiujitsu, nagboboxing din ako at isa akong black belter pero ngayon ko lang nagamit sa totoong buhay lahat ng natutunan ko. Akma pang tatayo si Principal Spencer nong hinampas ko ng malakas yung baseball bat ko sab inti nya dahilan para mapaluhod sya sa sakit. Hindi pa ako nasiyahan sa ginawa ko sa kanya at nagipon ako ng lakas at saka ko sya muling hinampas sa likod dahilan para matuluyan syang mabuwal at hirap na hirap na pilit tumatayo. “P*tang*na mo kang bata ka papatayin kita!” nang gigil na sabi ni Principal Spencer sa akin. “Oras na makaligtas ako dito papatayin kitang ptngna ka!” gigil na gigil na sabi nya habang nagsisimula nang sumuka sya ng dugo. Imbis na sumagot pa kay Principal Spencer mabilis kong nilapitan si Miss Dahlia na patuloy lang sa pag iyak. “Miss tara na po, ligtas na po kayo wag na po kayong matakot.” Sabi ko kay Miss Dahlia habang tinutulungan sya na tumayo. Hindi sya makatayo ng maayos dahil na rin siguro nanghihina sya sa nangyari, inalalayan ko sya na tumayo at saka kami nagsimulang maglakad. Palabas na kami ng pinto nung biglang naramdaman ko na may humawak sa paa ko at narealize ko na si Principal Spencer yon. Naka dapa sya habang pilit na gumagapang at pinipigilan kami na maka-alis hawak hawak nya yung paa ko, nanlilisik ang mga mata at sobrang higpit ng kapit nya sa akin. Asar na asar na itinadyak ko yung paa ko para mabitawan nya. Inalalayan ko si Miss Dahlia na tumayo at kumapit sa door knob para makakuha sya ng  pwersa. “Sandali lang po Miss Dahlia ha? Kapit lang po muna kayo dito sa pinto. Kailangan ko lang po bigyan ng leksyon tong panot na principal na to.” Matapos kong alalayan si Ms. Dahlia para maka-kapit sa door knob lumapit ako kay Principal Spencer at saka sya tinignan ng masama. Ibinigay ko sa kanya ang pinaka nakakakilabot na tingin na kaya kong ibigay sa isang tao. Natatakot na unti unti syang umatras. “Anong sabi mo? Bastarda lang ako at walang kahit na sinong maniniwala sa isang tulad ko?” naka ngising kong tanong sa kanya. Natatakot na unti unti syang lumalayo sa akin, na sya namang mas nagpasigabo ng damdamin ko para mas lapitan sya. Nong nacorner ko sya sa pader mabilis kong hinablot ang kuwelyo nya at pilit syang iniupo ng maayos sapat para sa kamao ko. “Etong bastardang to ang tatapos sa career mo naiintindihan mo ba? Hindi man ako tulungan ng daddy ko at ng ibang tao sa palagay ko naman ang korte naniniwala pa din sa ebidensya hindi ba?” Kinuha ko yung cellphone ko na itinayo ko kanina sa gilild ng pader bago ako pumasok, naka video iyon. Nagsiguro na ako na may makukuha akong ebidensya dahil nakaka sigurado ako na hahanap at hahanap ng paraan si Principal Spencer na maka lusot sa ginawa nyang ito. Inis-top ko yung video at saka ko ipinakita sa kanya. Nagsimula itong magplay magmula nung pagpasok ko, rinig na rinig yung mga sinabi nya sa akin oati na rin ang pagmamakaawa ni Miss Dahlia sa kanya. “ Ngayon mo sabihin na bastarda lang ako at walang kwenta. Panot ka na at lahat manyak ka pa, Pwe!” malakas kong sabi sa kanya at saka ko sya sinuntok sa mukha dahilan para lalo syang mawalan ng malay. Mabilis kong nilapitan si Miss Dahlia at pinasuot sa kanya yung coat ko, wasak wasak yung uniform ni Miss Dahlia yung mga butones ng damit halos natanggal lahat may mga punit din ito tanda na sapilitan syang hinuhubaran ni Principal Spencer. “Miss Dahlia gusto nyo po bang tumawag ako ng pulis?” tanong ko sa kanya. Umiiyak na umiling si Miss Dahlia. “Hindi na AVie, alam ko na hindi mo rin gustong makarating pa ito sa kanila.” Umiiyak na sagot nya sa akin. “hindi po miss ayos lang po ako, mag aanonymous call nalang po ako Miss, kailangan po natin na ireport to para maparusahan itong panot na principal na to at masiguro po natin na mabubulok na sya sa kulungan pagkatapos ng ginawa nya nato.” Sabi ko kay Miss Dahlia kahit pa sa totoo lang ay nag-aalanganin din talaga ko. Sa totoo lang nag-aalanganin ako na tumawag ng pulis una dahil sangkot ako sa nangyare, witness ako dahil andon ako sa crimescene. Mauungkat ang pagkatao ko at aalamin pa ng mga pulis lahat ng tungkol sa akin. Hindi pa natatapos yung eleksyon, ilang buwan nalang naman na kailangan kong magtiis. Hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi ni Daddy na pagkatapos ng eleksyon hindi na naming kakailanganin na magtago ni Nana Gina. Para akong garot na kailangang lagi itago, parang bomba na kahit anong oras ay pwedeng sumabog. Ayokong tumawag ng pulis pero sa pagkakataon na ito alam kong kailangan kong magsakripisyo. “Hindi na kialangan Avie, alam kong hindi pwedeng malaman ng iba yung pagkatao mo. Malaking tao si Principal Spencer, kung pararatingin pa natin to sa mga pulis sigurado kong hindi malabong lumabas din to sa media. Utang ko sayo yung buhay ko Avie, hindi ko alam kung ano ang pwedeng nangyari sa akin kung hindi ka dumating.” Umiiyak na sabi ni Miss dahlia. “Hindi na natin kailangang ireport ito Avie, magfa-file nalang akong resignation bukas na bukas rin. Hindi ko gustong kumalat pa ito at malaman ng ibang tao dahil sigurado kong madadamay ka. Ayokong magalit sayo ang daddy mo at ayokong masaktan ka ng dahil lang sa kagustohan mong mabigyan ng hustisya ang nangyari sa akin. Alam kong gusto mong panagutin si Principal Spencer pero Avie sobrang thankful na ako para sa nagawa mo sa akin. Salamat na hindi ka nagdalawang isip na tulungan ako sa kabila ng panganib na pwede mong kaharapin.” Umiiyak na sabi pa din nya sa akin at patuloy na pagpapasalamat. Hindi ko na sya pinilit na magsumbong pa kami sa pulis. Pinilit naming ni Miss Dahlia na makalabas ng school ng walang nakakapansin sa itsura at pinagdaanan nya. Dumaan kami sa fire exit at nung makababa sya mabilis akong tumakbo sa parking lot para kuhanin ang kotse ko. Pagkadating ko sa ground floor ay mabilis ko syang inalalayan para maka sakay sa sasakyan. “Saan ko po kayo pwedeng ihatid Miss?” tanong ko sa kanya. “Hindi mo ako pwedeng ihatid sa bahay naming dahil siguradong magwawala ang itay ko pag nalaman nya kung ano yung nangyari sa akin. Baka pumunta sya presinto at magsampa ng kaso. Pwede bang sa bahay nalang ng kaibigan ko ako mo ihatid Avie?” tanong ni Miss Dahlia sa akin. Mabilis naman akong tumango sa kanya ta ipinatype ang address ng bahay ng kaibigan nya sa waze. Sa kasamaang palad ay pagdating naming sa bahay ng kaibigan nya, sarado yon at walang tao. “Miss wala po yung kaibigan niyo sa apartment nya, sabi po nung landlady nila umuwi daw po ng probinsya,” sabi ko kay Miss Dahlia na lalong nagpahina sa kanya. Nanlulumo syang napaiyak habang naka tingin sa akin. “Wag po kayong mag-alala Miss sa bahay nalang po muna naming kayo magstay. Kami lang po ng Nana Gina ko ang nakatira doon kaya hindi nyo po kailangang mag-alala.” Sabi ko sa kanya habang tipid nan aka ngiti. Hindi ko kayang pabayaan si Miss matapos ang nangyari sa kanya and besides Malaki naman yung bahay, may dalawa pang guest room na extra na pwede naman niyang pagstay-an. Hindi na ako pumasok sa afternoon class ko at nagdesisyon na umuwi nalang muna. Pagdating naming sa bahay ay agad kong kinausap si Nana Gina na tulungan muna si Miss Dahlia na tumayo at maglinis ng katawan. Mabilis naman syang pinuntahan ni Nana Gina at tinulungan. Hindi ko alam kung dapat ko ba tong gawin pero pakiramdam ko kailangan, kahit na nagdadalawang isip idinial ko yung number ni Daddy. Personal number nya ito kaya sigurado kong hindi ang sekretarya nya ang sasagot. Mabilis naman syang sumagot sa kabilang linya. “Congressman kailangan ko po yung tulong nyo.” Agad na sabi ko sa kanya nung sinagot nya ang tawag ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD