Chapter 51

1045 Words
Pinapanuod ko yung masayang kwentuhan ni Nana Gina at Vanie habang pinagmamasadan naman sila ni Drake. Natutuwa ako na kahit papaano ay nagiging masigla si Nana Gina. “Tito Achilles itry nyo po ito, ako po mismo yung naghanap ng pinaka masarap na recipe ng chicken lollipop sabi po kasi ni Nana Gina favorite nyo daw po itong appetizer,” sabi ni Vanie habang iniaabot kay Dad yung serving plate ng chicken lollipops. Mahilig nga talaga si Dad sa chicken lollipops, naalala ko pa noon si Tita Yelena na nagagalit sa tuwing nakikita nya na may dala akong lunch box kasi alam nya na ipinag-gawa ko si Dad ng chicken lollipops but then that day came. Masaya akong naglalakad papunta sa mansion pinatawag kasi ako ni Daddy, nung tumawag sa akin kanina yung personal assistant nya agada gad akong nagpunta sa kusina para humanap ng recipe para sa chicken lollipops, mahilig si Dad sa chicken lollipops naalala ko pa na kinukwento noon ni Nana na yung chicken lollipops daw ang may kasalanan kung bakit minahal nina Mama Eya at Daddy ang isat isa kaya sobrang hilig nya sa chicken lollipops. Halos isang oras din ako sa kusina na nagluluto, I want to make sure na maibibigay ko sa kanya ngayon yung chicken lollipops na gagawin ko, madalas kasi nakikita ni Tita Yelena kapag nagluluto ako kinukuha nya agad yon at sinisigurado na hindi ko yun maibibigay kay Dad, pero kahit na ganon pinipilit ko pa rin na subukan na ibigay yon sa kanya. Nang makarating ako sa opisina ni Dad ng hindi nakikita si Tita Yelena ay sobrang saya ko, alam ko kasi na pag Nakita nya nanaman tong dala kukuhanin nya nanaman at itatapon. “Kuya Santy wala po ba ngayon si Tita Yelena? Mukhang wala po ata sya?” tanong ko kay kuya Santy ang personal assistant at bodyguard ni Daddy. “Naku wag mon ang hanapin Avie please lang! Ngayon lang mapapahinga yung katawang lupa ko sa chaka mong madrasta!” sabi nya sakin habang umaarte na parang masayang masayang wala nga si Tita Yelena. Si Kuya Santy ay Bisexual, may mga nagging girlfriends syang mga modelo pero may mga nagging boyfriends din syang modelo hehehe ang gwapo kasi talaga ni Kuya Santy. Kahit pa anak lang ako ni Daddy sa labas hindi nya ako tinuturing na iba. Minsan kapag napapagalitan ako ni Daddy at siya ang paghahatidin sa akin pauwi sa bahay, idinadaan nya pa ako sa icecream parlor para icheer up ako. Sa edad kong 12 masasabi kong siya ang pinaka matalik kong kaibigan bukod sa Nana Gina ko. “Saan naman po sila nagpunta Kuya? Hindi po ba malapit na yung kampanya ni Dad?” tanong ko kay kuya. Pinaypayan nya yung mukha nya na para bang stress na stress sya sa nangyari. “Naglayas ang Tita mo, kaya nga pakiramdam ko kaya ka pinatawag ng daddy mo e dahil nanaman don may ginawa ka nanaman bang mali?” tanong nya sa akin. Napaisip naman ako kung may ginawa nga ba akong pagkakamali kay Tita Yelena para umalis ito. “Wala naman po kuya, hindi naman po ako lumalabas ng bahay kaya wala naman po akong ibang magagawa, isa pa po hindi na din po pumapayag si Dad na lumabas ako tuwing weekend, kaya wala po talaga akong ideya doon sa nagging dahilan ng pag-alis nila Tita Yelena,” sagot ko naman kay Kuya Santy. “Eh kung ganon ano nanaman yung dinadrama ng tita mo? Oh well basta pagpasok mo sa loob wag mo ng intayin na pauupuinn ka ng daddy mo ha, maupo ka na agad baka maulit nanaman yung nung nakaraan na unabis hindi ka umupo at saka Avie pag nahihirapan ka na magsabi ka ha,” sabi naman nya na concern na concern sa akin. Nginitian ko lang sya at saka ako tumango. “Sige po Kuya.” Sagot ko sa kanya at saka ako kumatok sa opisina ni Dad, nagpaalam naman si Kuya Santy na pupunta lang muna sya sa kusina para ipag-gayak si Dad ng tsaa. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto bago akong nagdesisyon na pumasok. “Good morning po Dad,” sabi ko kay Daddy. Bago pa sya sumagot ay mabilis akong naglakad palapit sa kanya at saka ako bumeso. Ibinaba ko na din sa lamesa nya yung dala kong pagkain para sa kanya. “Napatawag niyo po ako Dad?” tanong ko sa kanya. “Hindi mo ba talaga alam kung bakit Avrielle Akiesha? Matalino kang bata wag kang magtanga tangahan.” Malamig ang tono na sagot nya sa akin. Napalunok nalang ako bago ako sumagot sa kanya. Hindi ko talaga maisip kung ano ba yung dahilan kung bakit nya ako pinatawag. “Hindi ko po talaga alam Dad, may nagawa po ba akong mali?” tanong ko sa kanya. Imbis na sumagot sya ay inihagis nya sa harapan ko yung mga pictures ko kung saan nagapply ako bilang isang  teen model sa isang sikat na makeup line. “Ngayon alam mo na ba?” tanong nya sa akin. “D-dan hindi naman po Gomez ang gagamitin kong screen name at saka po hindi naman po ganoon ka bulgar ang buhay ng mga modelo hindi po katulad ng mga artista, pangarap ko po kasing maging isang modelo,” sagot ko kay Dad. Natawa sya ng mapakla ng marinig yung sinabi ko na pangarao kong maging isang modelo. “Hindi kita pinag-aaksayahan ng oras para lang maging isang modelo mag-aaral ka ng accountancy o business administration para makatulong ka sa kompanya. Hindi mo ba alam na dahil sa pag-apply mo dyan sa commercial na iyan ay hindi nakuha ang kapatid mo? Galit na galit ang Tita Yelena mo. Magmula bukas doon na muna kayo tumuloy ng Nana Gina mo sa Tito Carlos mo.” Sagot ni Dad sa akin. Napa luha nalang ako, kasi pakiramdam ko wala nanaman akong karapatan pati ba sa pangarap ko wala na din akong karapatan? “Dad kahit po ba sa pangarap ko kailangan ko pa din pong makiusap, hindi ko po ba pwedeng pangarapin kung ano yung gusto ko? Mabuti pa po yung mga ibang bata kahit pa ho nasa lansangan may karapatan na mangarap. Bakit po ako wala?” tanong ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD