Chapter 52

1453 Words
“Hindi ka bawal mangarap Avrielle hindi lang yan ang dapat mong gawin sa buhay mo. Mag-aral ka ng maigi at ng makatulong ka sa kompanya ipaubaya mo na sa kapatid mo iyang pagmomode-modelo na iyan dahil sya naman ang mas nababagay diyan. At isa pa gusto mo ba akong malagay sa alanganin? Gusto mo bang lumantad sa publiko? Alam mo naman na mahigpit ang kompetisyon ngayon para sa pagka kongresista tapos sasabayan mo pa ng ganyan?!” galit na sigaw nya sa akin. “Hindi po ako magsasabi na Gomez po ako Dad,” malungkot na sabi ko sa kanya. “ imposibleng hindi malaman ng kalaban ko sa posisyon kung sino ka talaga kung hindi natin iingatan. Kung ayaw mong manirahan mag-isa sa ibang bansa susundin mo ako. Dahil kung hindi ipadadala kita sa ibang bansa at saka ko pauuwiin sa probinsya ang Nana Gina mo.” Sagot nya sa akin habang seryoso syang nakatingin sa akin at pagkuwan ay napatingin sa dala kong lunch box. “Ano to?” tanong nya sa akin. “Chicken lollipop po Dad, pang appetizer nyo po sana nabanggit po kasi sa akin ni Nana na mahilig daw ho kayo sa Chicken lollipops,” sabi ko sa kanya. “Hindi ako kumakain ng Chicken Lollipop na hindi luto ni Catleya! Sino ang nagsabi sayo na pwedde mo tong lutuin ha?!” galit nag alit na sigaw nya sa akin at saka nya tinabig yung lunch box dahilan para mahulog lahat ang laman niyon sa carpet. Umiiyak na pupulutin ko sana yung mga chicken lollipop nung sumigaw ulit si Dad sa akin. “Labas!” malakas na sigaw nya na parang nag-echo hindi lang sa buong kuwartong iyon kung hindi sa buong pagkatao ko. Mabilis akong tumakbo palabas ng opisina nya hindi na din ako nagpaalam pa at hindi ko na pinulot pa yung mga chicken lollipops na itinapon nya. Iyak ako ng iyak noong araw na iyon. Magmula rin noon ay hindi na ako kumain unabis ng chicken lollipops, hindi ko alam kung dahil ba bitter ako dahil hindi tinanggap ni Dad iyong niluto ko o dahil ba ang sakit noong sinabi nya na hindi sya tumatanggap ng hindi luto ni Mama Eya, anak naman din ako ni Mama. Anak naman din nya ako. “Nakaka-tuwa ka talagang bata ka, kung nandito lang si Avrielle matutuwa sya panigurado dahil inaalagaan mon a ang Nana Gina nya ay binubuhay mo pa ang mga ala-ala nya. Alam mo bang noong bata si Avrielle ay lagi syang nagdadala ng ganito sa mansion?” kwento nya kay Vanie. Alam nya pala na noon palang ay nagdadala na din talaga akong ng chicken lollipops sa mansion. “Bata pa noon si Avrielle siguro ay nasa 10-12 taong gulang pa lamang sya noon, pero nagsisikap sya na ipagluto ako ng chicken lollipops,” naka ngiti na kwento ni Dad. “Alam mo kasi Achilles noong bata pa lang si Avie lagi na nya akong tinatanong tungkol sayo, kung ano ba ang paborito mong kulay, ang paborito mong numero pat inga ang paborito mong pagkain. Natandaan ko pa yung kwento mo at ni Catleya noon kung pano kayo nagkakilala dahil sa chicken lollipops, kaya’t yun nalang ang sinabi ko kay Avie kahit pa alam kong mechado at menudo ang paborito mong pagkain,” natatawang kwento ni Nana Gina. Si Nana Gina ay matalik na kaibigan ni Mama Catleya at ni Dad kaya sa kanya ako ipinagkatiwala ni Dad, dahil din alam nya na nangako si Nana Gina kay Mama Catleya na hindi nya ako pababayaan. “Kaya pala siguro noong natuto syang magluto tuwing nagpupunta sya sa mansion ay nagdadala sya ng mga ganito,” nakangiti ulit na sabi ni Dad habang inaalala ang mga iyon. Pasulyap sulyap naman sakin si Drake na para bang binabantayan nya ako. Ngumiti lang ako sa kanya para ipakitang okay lang ako. “Naalala ko pa, noong mga panahon na yon matatanaw ko sya papasok ng mansion naka ngiti habang hawak hawak yong pink nyang lunch box, pero gaya ng sabi ng mga katulong kinukuha yon sa kanya ni Yelena at saka ipinatatapon sa mga kanila. Nong malaman ko naman yon ay agad kong pinapakuha yung mga niluluto ni Avrielle. Napaka sarap na magluto ng anak ko, manang mana sya sa Mama nya. Sa tuwing nakikita ko si Avrielle para kong nakikita ang mama nya sa kanya. Nakakalungkot lang na hindi manlang nalaman ng anak ko na nagustohan ko lahat ng niluto nya para sa akin.” Malungkot na sabi ni Dad. “Alam ko ho Tito na nasa langit na po ngayon si Miss Avie at nakikita at naririnig nya po tayo. Alam ko po na masaya na sya roon kapiling po ng lumikha. Mas magiging masaya po sya for sure kapag nakikita nya po kayo ni Nana Gina na masaya dahil mahal na mahal po nya kayong dalawa.” Sabi naman ni Vanie sa kanya. Napangiti nalang ako ulit dahil ang saya ko, kahit na papaano merong isang Vanie na naka bantay at umaalalay sa Nana Gina at Daddy ko. “Alam ko ija, alam mo bang nakikita ko sayo ang anak kong si Avrielle? Hindi ka nga lang katulad nyang buong buo dahil alam mo naman ang Maam Avie mo, may pagka masungit, istrikta at perfectionist, she’s also a very frank kid of person she doesn’t like sugar coated words pero sa mga galaw mo at kilos at ugali nakikita kong parang katulad ka ng anak ko, kaya maraming Salamat ija. Sa pagmamalasakit mo sa amin ng Nana Gina nya at pati na rin sa kompanya ni Avrielle.” Masayang sabi ni Dad kay Vanie. “Wala pong ano man iyon Tito Achilles basta po para sa inyo ni Nana Gina lagi lang po akong nandito. Maraming Salamat din po sa pagtitiwala ninyo sa akin ng kompanya ni Miss Avie, hindi ko po pababayaan ang kompanya napaka laki po ng utang ko sa kanya, sya lang po ang nagbigay sa akin ng tiwala at pagpapahalaga kung kaya po handa po akong gawin ang lahat para sa mga tao at bagay na mahalaga rin po sa kanya,” naka ngiti na sagot ni Vanie kay Dad. Natutuwa talaga ako na nakikita sila ngayon kahit pa naiisip ko na mas masaya sana kung kasama nila ako. Andoon pa din iyong panghihinayang ko pero mas nangingibabaw yung saya ko habang nakikita kong pinipilit nilang ituloy yung buhay kahit pa wala na ako, kahit pa nahihirapan sila pinipilit pa din nilang kayanin at tanggapin ang nangyare sa akin. Ayos na din siguro na ganito, kasi sa totoo lang wala naming kasiguradohan na makakabalik ako, ang pinanghahawakan ko lang ay iyong pangako sa akin ni Drake at yung tiwala ko sa kanya. Lumingon ako kay Drake at napansin kong mataman lang syang nakikinig at nagmamasid sa kwentuhan nila Vanie, Nana at Dad. “Nakakatuwa silang tignan hano?” naka ngiti kong sabi sa kanya ngunit isang tipid na tipid  na ngiti lang ang isinagot nya sa akin. Tumingin si Drake sa akin na para bang sinusuri nyang Mabuti yung reaksyon ko at yung nararamdaman ko. “Ano ka ba? Bakit ka ganyan tumingin? Ayos lang ako I just feel bad kasi namimiss ko na silang lahat, I miss my Nana Gina’s warmth, my Dad’s rage towards me with everything that I do, namimiss ko din yung pagiging mabait at efficient na emplaydo ni Vanie. I felt bad that I wasn’t with them to share this happy moment. But I am also happy knowing that they are trying to continue life kahit pa sobra silang naapektohang lahat sa pagkawala ko.” Sabi ko pa kay Drake just to show him that I am really okay. Kahit na nalulungkot ako I am still very grateful and happy to see them together like this. Drake was about to say something pero siguro narealize nya na hindi sya pwedeng sumagot sa akin habang kaharap nya sila Nana. “Kamusta na iho?” tanong bigla ni Dad kay Drake na nagpalingon sa aming dalawa kay Dad. “Maayos naman po ako Senator, kayo po kamusta po?” tanong nya kay Dad. “Maayos naman, pwede ba tayong mag-usap sa labas?” tanong ni Dad sa kanya. Napatingin si Drake sa akin at saka tumango. “Sige po Sir, labas lang po kami ni Senator Nana Gina. Babalik po ako mamaya,” nakangiti na paalam nya  kay Nana Gina. “Sige ijo, dito lang kami  ni Vanie sa sala at magkukwentuhan.” Naka-ngiti naman na sagot ni Nana Gina. Pagtayo na pagtayo ni Dad at ni Drake ay agad akong sumunod sa kanila.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD