Chapter 50

1119 Words
Pagkatapos ng meeting sa head quarter napagdesisyonan ni Drake na bumisita kay Nana Gina sa bahay. Excited na akong makita si Nana, kamusta na kaya siya? Ilang araw na din nung huli ko syang nakita nung pumunta sya sa condo ni Drake baka ilang weeks na din. I was smilling the whole ride excited na excited na akong Makita si Nana Gina, miss na miss ko na rin yung bahay. I usually live on my condo dahil mas convenient for me pero whenever I have a chance as much as possible, I want to make sure that I will be able to go home even once or thrice a week. “Are you excited? I am sorry I know pinangako ko sayo na I will look after your Nana Gina,” Drake said as he look at me. I just smiled at him, I know he’s trying his best. “Ayo slang alam ko naman na ang d**o dami mo ng inaasikaso para sa akin, I am sure Daddy is also looking after her, and as well as Vanie.” I said to Drake. Tumango tango lang din sya sa akin. “By the way, I have my personal office, nandon lahat ng mga importanteng mga documents ko, we can check it out kapag may free time ka baka sakaling makahanap din tayo ng clue doon. You can ask  Vanie for the key, kung nasa bahay sya.” Sabi ko kay Drake. He just gave me a nod and continue driving. Pagdating namin sa bahay Nakita naming na may dalawang kotse na naka parade sa parking sabi na ng aba bumista si Vanie ulit kay Nana Gina. I guess I also found a good friend. “Nandito din si Dad?” I said out of the blue when I saw his car, so that is the reason why the car looked so familiar because it’s Dad’s car! “Okay lang ba na pumunta ka ditto kahit na nandito si Dad? Pwede naman tayong bumalik nalang muna sa ibang araw.” Sabi ko kay Drake. I remember the last time they saw each other my Dad beat Drake into pulp I am dead sure hindi sya lumaban hinayaan nya lang na bugbogin sya ni Daddy. “Okay lang sigurado akong lipas na yung galit ng Daddy mo ngayon at saka alam kong miss mo na din sya di ba?” nakangiti na sabi nya sa akin at saka ako pinagbuksan ng pintuan. Drake locked his car before he pressed the door bell. After some rings pinagbuksan din si Drake, ang nagbukas ng pinto ay si Vanie she was shocked but happy to see Drake. “Good evening Vanie, Im here to visit Nana.” Nakangiti na sabi ni Drake sa kanya. Ngumiti naman din si Vanie sa kanya at saka sya pinapasok sa loob. “Pasok po Sir Drake, nasa dinning po sila Tito Achilles at Nana Gina.” Sabi ni Vanie kay Drake at saka naunang maglakad. I was shocked nung narinig ko na tinawag ni Vanie na Tito si Dad, Drake also looked at me as if he was asking me the same thing. I just shrugged hindi ko rin alam. “Nana Gina nandito po si Sir Drake para bumisita sa inyo,” naka-ngiti na sabi ni Vanie kay Nana. Agad naman na tumayo si Nana Gina at sinalubong si Drake. Dad cleared his throat. “Good evening senator.” Bati ni Drake kay Dad. Dad just looked at him and gave him a nod. “Halika ijo sabayan mo kami sa pagkain, bakit hindi ka manlang tumawag sa akin na darating ka sana ay ipinagluto kita ng paborito mong pininyahang manok. Ditas iha makikisuyo nga ako ng plato para sa kuya Drake mo,” sabi ni Nana Gina. Kilala ni Ditas si Drake noong 13 years old pa lang si kasi si Ditas nagtatrabaho na sya sa amin ni Nana hindi sya stay in sa amin, kapag lang araw ng linisan at labahan pero pag hindi naman hinahayaan naming sya na wag ng pumunta ditto sa bahay para makapag-aral sya. Isa si Ditas sa mga bata na tinutulungan ko na makapagtapos. Ikinuha ni Ditas si Drake ng plato. “College ka na ba Ditas? Kamusta ka na?” tanong ni Drake ditto. “Mag-cocollege palang po kuya, ayos naman po.” Sagot nito sa kanya at tipid na ngumiti. Napangiti nalang ako kasi habang tinitignan ko si Ditas narerealize ko na may mga magagandang bagay din akong nagawa sa kapwa ko kahit pa yung ibang tao halos isumpa ako. “Ijo mabuti naman at nilibot mo ako,” masayang sabi ni Nana Gina habang ipinaglalagay ng pagkain si Drake sa plato. “Pasensya na po Nana ngayon lang ako naka libot sa inyo sobrang dami ko po kasing ginagawa at inaasikaso ngayon kaya ngayon lang po ako naka daan dito,” sagot naman ni Drake kay Nana. “Naku walang problema alam kong napaka busy mong bata ka, Salamat at kahit na sobrang abala mo ay iniisip mo pa din na silipin ako, alam mo ba Mabuti nalang at nandito si Vanie parati nya akong nililibot. Binibilihan nya din ako noong paborito kong cake na lagging binibili ni Avrielle sa akin tuwing umuuwi sya,” yung saya sa boses ni Nana Gina ay unti-unting Nawala noong mabanggit nya yung pangalan ko. Nalungkot din ako nung Nakita ko sa mga mata nya na kahit pa medyo okay na sya ngayon iniintindi nya pa din yung nangyari sa akin. Nung huling Nakita ko si Nana noong nagpunta sya sa condo sobrang nangayayat sya at  nangangalum  mata pero ngayon mas maayos na yung itsura nya. May kulay na ulit yung pisngi nya at medyo nagkalaman na ulit ang katawan. “Wala pong ano man yon Nana Gina, alam ko po na mahal na mahal kayo ni Miss Avie at isa pa po napamahal na rin po kayo sa akin kaya wag nyo po intindihin yung pagtingin tingin ko po sa inyo dahil binabalik ko lang din po yung kabutihang loob ninyo, ni Tito Achilles at higit sa lahat po ay ni Miss Avie.” Sabi naman ni Vanie habang hinawakan nya yung kamay ni Nana Gina. Napatingin nalang ako sa kamay nya, kasi bracelet ko yung suot nya. Yung Bracelet ko na ibinigay sa akin ni Nana Gina. Hindi ako pwedeng magkamali dahil sya mismo ang gumawa noon. Bakit suot yon ni Vanie? Tinignan ko naman si Nana na masayang masayang naka ngiti kay Vanie siguro ay iniisip ni Nana na isuot nalang yung ni Vanie kesa nga naman naka tago lang yon. I smiled happily but sadly kung sana nandito pa ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD