Chapter Twelve

1682 Words

Umaga palang ay hinihintay niya ang tawag ni Ethan ngunit inabot na ng hapon, wala man lang paramdam galing sa binata. Kanina pa gustong manubig ng kanyang mata pero pinipigilan niyang bumagsak ito. Namiss niya ito buong maghapon. Gusto niyang makasama ito lalo na at monthsary nila ngayon. Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa kanyang isipan. Isipin pa lang niya na may iba itong kasamang babae, parang pinipilipit ang kanyang puso sa sobrang sakit. Huminga siya ng malalim at hinamig ang sarili bago lumabas. "Kung ayaw mo akong makasama, bahala ka sa buhay mo!" sigaw ng isang bahagi ng isip niya. Dali-dali siyang lumabas. Agad siyang dumiretso sa kanyang kwarto. Masama pa rin ang loob niya. Dumapa siya sa kama at doon ibinuhos ang sama ng loob na kanyang nararamdaman. Umiiyak na pala siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD