Chapter One
Halos takbuhin na ni Jade ang pagpunta niya sa pisina ng mapansin niyang naiwan pala niya ang kanyang cellphone sa canteen sa ibaba. Nagmamadali siyang bumalik pababa only to bump on her boss.
"Don't leave your things unattended, Ms. Castillo." Inabot ni Ethan ang phone sa kanya.
"I'm sorry Sir!" habol ang hiningang sagot niya dito. Napansin niyang hindi pa rin binibitawan ni Ethan ang kanyang kamay ng iabot nito ang phone. There's something about him na hindi niya matukoy.
" Sir, ang kamay ko po,"untag niya dito sabay hila sa kamay niyang hawak pa din nito. Matabang na natawa ang binata.
"Hmm...very soft hands. Yet this hands can hold a man's whole life," bulong nito.
She frowned, "What do you mean by that sir?"
Minsan ay hindi rin niya masakyan ang ugali nito.
Maingat na binitawan nito ang kanyang mga kamay. He smiled and then whisper in her ear, "Nothing important, Jade. Report to my office later this afternoon. Pakidala nalang din ng mga huling sketches mo sa interior ng hotel sa Batangas."
Napasinghap siya ng maramdaman ang mainit na hininga ng binata sa puno ng kanyang tainga. Ang init na nagmumula dito ay may kakaibang damdamin na pinupukaw sa kanya. Bago pa siya makapagsalita ay pumasok na ito sa opisina nito.
Isang buntunghininga nalang ang pinakawalan ni Jade. Isang araw na naman ito ng pakikidigma ng kanyang puso sa boss niyang ilan taon na din niyang palihim na iniibig at pinagpapantasyahan.
ALAS TRES na ng hapon ng matapos ni Jade ang plano para sa interior designs ng hotel na gagawin nila sa Batangas. Finishing touches na lang naman ang ginawa niya dahil noong isang araw pa niya iyon natapos iyon. So far, ito ang biggest break niya after graduating three years ago.
Makaraan ang ilang minuto ay tumatawag na si Ethan. Agad niyang dinampot ang telepono.
"Come to my oficce right now!" wika ng binata sa kabilang linya. Kaagad din nitong pinutol ang tawag.
"Patay! Parang may topak pa ata ang boss ko!" pabulong na sabi ni Jade. Napatayo siya bigla at agad nagtungo sa opisina nito.
Tatlong mahihinang katok ang ginawa niya bago pinihit ang pinto papasok sa opisina ng binata.
" Sit." Itinuro nito ang upuan sa harap ng mesa nito. "Can I see your designs?"
Tumayo ito mula sa kanyang swivel chair at huminto ito sa may likuran niya. She could sense his piercing eyes through her. Kinakabahan tuloy siya na hindi niya mawari. Kaagad niyang iniabot ang plano dito. Nakita niyang tumango-tango ito ng makita ang designs na ginawa niya. Sakto sa mga nais nito ang ginawa niya at alam niyang magkakasundo sila sa klase ng mga materyales na gagamitin.
"You did great Miss Castillo!" A smile broke on Ethan's face that she was momentarily stunned.
"Be prepared. We have lots of work to do. Susunduin kita sa linggo ng hapon. We will be staying in Batangas temporarily."
She cleared her thought, "Yes sir!"
Sagot niyang hindi makatingin dito ng tuwid. Umupo kasi ito sa katapat niyang upuan. Halos magbungguan na ang kanilang mga tuhod. Kay lapit lapit ng lalake at nararadaman na niya ang mainit nitong hininga.
"What?" tanong niya dahil sunod sunod na ang mabilis na t***k ng kanyang puso.
" W-hat, what?" he said huskily, smiling a little.
"What do you think your doing?" Sunod-sunod ang pagdagsa ng kaba sa dibdib niya. She could feel his breathing on her face. Ang mga kamay nito ay nakatukod sa magkabilang gilid ng kinauupuan niya. It's making her uncomfortable. Bago pa siya makakilos ay yumuko si Ethan at sakop na nito ang kanyang mga labi. Kung gaano katagal ang halik na iyon ay hindi na niya alam. Gusto niya ang sensasyong lumukob sa kanya ngunit may bahagi ng kanyang utak ang nagbibigay babala at nagsasabing hindi ito tama. Mabilis siyang kumawala dito.
" Jade," he whispered and then cupped her face. "Can we talk?
"There's nothing to talk about, sir!"
Napakunot ang noo ni Ethan sa narinig. "Yong paghalik ko sayo kanina? I love...
" Stop it!" Nanatiling nakatitig sa kanya ang dalaga. The corner of her lips twisted upward in a mocking smile but deep down inside her hides her true feelings. At natatakot siyang kumawala iyon anumang sandali.
"I love you..."sambit ng binata.
" Dont play games with me, okay? I now that I'm out of your league, kaya huwag naman ako ang pagtripan mo ngayon, ha? Alam ko ang reputasyon mo pagdating sa mga babae. Ayokong mapabilang sa kanila. " Hindi makapaniwalang iling ni Jade.
Huminga ng malalim si Ethan bago nagsalita, "I know you wouldn't believe me pero nagsasabi ako ng totoo."
Muling itinuon ng dalaga ang pansin sa kanyang report at piliit binalewala ang sinabi nito.
"Oh yes, hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. I heard you said I love you to Veronica? To Carmel? How about Shanelle? Maghanap ka ng ibang kakamot diyan sa kati mo! Kung wala ka nang kailangan ay aalis na ako."
Hindi na umimik ang binata. Akmang lalapitan nito ang dalaga ngunit agad itong humakbang palayo. He can't blaim her for not trusting him. He'd been an asshole when it comes to women.
Ethan gazed at Jade tenderly. So much inlove, confusion at pagkainis ang sama-samang nararamdaman niya. Sa kauna-unahang pagkakataon, he fell in love with a woman. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.
"You can go Jade. Be safe," he said sincerely. Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan ni Ethan pagkalabas ng dalaga. Alam niyang mahihirapan siyang kunin ang tiwala at pagmamahal ni Jade. Saksi ang dalaga sa lahat ng mga naging ex girlfriend niya at kung paanong parang nagpapalit lang siya ng damit kung makapagpalit ng babae. Mukhang dumating na nga ang karma sa buhay niya. Mahigit isang taon na rin siyang nagpaparamdam sa dalaga ngunit palagi naman siyang binabara nito. Ngayon niya pinagsisisihan ang mga ginawang kalokohan noon.
Pagkauwi sa kanyang bahay ay hindi pa rin makapaniwala si Jade sa kanyang nalaman mula kay Ethan. She rolles her eyes in disbelief but deep down inside her, how she wish that what he said was true. She wasn't expecting him to confess like that. Dahil kahit anong kumbinse niya sa kontrabidang puso,hindi niya maiwasang umasa na may katugon na ang nararamdaman niya dito. Alam ng Diyos na simula sa unang taon palang niya sa kolehiyo ng unang beses na makita niya ang binata ay nahulog na ang loob niya dito. Mas lumalim ang nararamdaman niya para sa binaya ng magtrabaho siya sa kumpanya nito. Dahil hindi man niya aminin alam niya sa sarili na mabait at maalaga si Ethan sa lahat. Isa lang ang ikinaiinis niya dito,ang pagiging babaero. Matagal na rin itong nagpaparamdam sa kanya kaya ay agad nga niyang binara ito sa takot na baka saktan lang siya nito.
Nasa kalagitnaan pa lang siya ng kanyang pagligo ng may narinig siyang kumakatok sa unit niya. Naiinis na minadali niyang tinapos ang pagligo dahil sa istorbong nasa labas. Kaagad siyang nagbihis at tiningnan kung sino ang nasa labas.
Agad niyang binuksan ang pinto ng makita si Ethan sa labas ng pinto. He looked gorgeous as usual.
"Anong meron?" tanong niya bago isinara ang pinto sa likuran niya. Wala siyang balak na papasukin ito sa unit niya.
"Labas naman tayo," saad nito habang nakapamulsa. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.
"Nasa labas na tayo boss," sagot niya.
"Let's go somewhere and have dinner. Alam kung hindi ka pa kumakain."
"Boss wala ako sa mood na magpunta kung saan," aniya at humawak sa may pinto.
"Look, Jade, alam kung hindi ka pa kumakain at gutom na rin ako. Kung ayaw mong mag-eskandalo ako dito, sumunod ka na lang sa sinasabi ko."
Sa sobrang inis ay tinalikuran niya ang binata nang bigla niyang maramdaman ang mga braso nito sa likod ng tuhod at taas ng baywang niya. Bago pa niya maisip kung ano ang nangyayari, he had scooped her up and was taking her to his car. Sinubukan niyang magpumiglas ngunit walang nangyari dahil naisakay rin siya ng binata sa sasakyan nito.
Kanina pa nagrereklamo si Jade but he just kept on driving, his eyes on the road. She could see his mischievous smile.
"k********g at harrassment na ito boss," banta niya. Hindi niya maintindihan ang sarili ngayon. Nagtatalo ang kanyang puso at isip pagdating sa lalaking ito. Nawawala siya sa matinong kaisipan kapag nas malapit ito.
He just smiled at her. Mukhang hindi siya mananalo sa kumag na ito kaya napagdesisyunan niyang manahimik na lang.
"Nandito na tayo.."
Sobrang ganda ng pinagdalhan sa kanya ni Ethan. Ang buong paligid ay napapalibutan ng iba't ibang klase ng mga bulaklak. Samut sari din ang mga ilaw na lalong nagpapadagdag sa ganda nito.
" It's beautiful!" she whispered.
"I'm glad that you like it. But you're more beautiful than this." Alanganin ang ngiti ng binata sa kanya. "Kay mommy ang farm na ito."
"Gutom na 'ko boss. Hindi pa kasi ako kumakain eh," untag niya dito at hindi niya napigilan ang mapangiti ng marinig ang pag-alburuto ng kanyang tiyan.
He looked at her and then smiled. Saglit itong umails sa tabi niya at may kinuha sa sasakyan nito bago siya hinawakan nito sa kanyang kamay at hinila papunta sa isang bahagi ng garden. Mukhang pinaghandaan ng siraulo ang gabing iyon. May mga kung anu-anong pagkain kasi sa dala nitong basket.Halos lahat at paborito niya.
She gazed at Ethan. How is it possible to hate and love him at the same time?
Nang mga oras na iyon ay pinakawalan niya lahat mg takot at pag-aalinlangan. Minsan lang siyang mabuhay sa mundong ito. Magaling ng maranasan mo ang lahat kaysa magsisi ka balang araw na hindi ka sumusubok.