KUNG gaano kabilis dumating si Larry ay gano’n rin ito kabilis umalis. Parang kidlat lang na dumaan ni hindi niya naitanong kung anong pakay niya. Si Leonard naman ay kakaalis lang susunduin umano ang parents nila sa Manila dahil dumating na kahapon at gusto nang umuwi dito sa Probinsya. “Ate ito na po.” Napakurap siya nang binigay na ni Aime ang isang bareta ng sabon. Nandito siya sa bakuran nila nagkukusot tas babanlawan niya na lang ito sa balon madalas ganito ang ginagawa niya lalo pa at marami-rami rin ang labahin nila. Bumalik sa paglalaro ang mga kapatid niya at siya naman ay nagpatuloy sa paglalaba. Eksaktong tinapon na niya ang bula sa planggana nang muling may humintong sasakyan sa tapat nila. Napatingin silang magkakapatid sa labas. Si Lyndon ang dumating at marami itong