Tuluyan nang umiyak si Aime pero mabilis itong tumalikod. Simula’t sapol kasi ay ngayon lang siya pinagalitan ng ate niya. Hindi siya sanay na sinisigawan. Binaling na ni Kendra ang atensyon sa mga nilabhan. Nilalagay niya ang hanger sa damit saka isasabit sa mga sanga ng aratiles. Mahangin dito kaya mabilis lang na tumuyo ang mga damit. “Tulungan na kita—” “Huwag na!” mariin niyang pinutol ang sasabihin ni Lyndon. Muli niyang hinanger ang iba pero hindi nakinig ang binata at ginagaya siya. “Sabing ‘wag na, eh! hindi ka naman marunong pangulo ka lang!” Singhal niya rin kay Lyndon. Nilagay na lang ang damit sa planggana at kinuha ang mga hanger at paisa-isang inabot sa kanya. “Hi, pogi. Dalaw ka bukas magbi-birtde itong si Lucia magpapansit kami.” Napalingon bigla si Kendra kay