DUMAAN na ang isang oras at narito pa rin siya sa labas. Nililibak niya kasi si Larry sa alaga nitong si Casper na hindi naman siya magawang sagotin. Lumakas pa ang ulan at may kasamang pagkulog at kidlat. Natakot ang aso at nagsusumiksik ito sa ilalim ng lamesa. Hinayaan niyang matakot ang aso bahala siya sa buhay niya. Ngunit bumukas ang pinto kaya yumuko siya at nagkunwaring concern. “Come to Momma!” malambing niyang wika kay Casper at inabot ito. Parang nagrereklamo si Casper dahil dumadaing ito o siguro ay natatakot kaya sa inis niya ay hinila niya ang isang paa nito bagay na hindi nakaligtas kay Larry. “Don’t do that!” bigla itong nag-aalala sa alaga niya. Kinuha nito ang aso sa kanya at hinimas ang ulo. “Eh kasi ang tigas ng ulo niya. Natatakot kasi siya sa kidlat mabuti p