Kabanata 3

2025 Words
NAGISING si Kendra dahil sa maingay na paligid. Pagbangon niya ay hindi siya nagkamali. Maingay dito sa loob pero napakalamig. Napansin siya ng isang lalake kaya kinalabit nito ang kasama. “Boss, gising na ang babae.” Napahigpit ang hawak niya sa kumot dahil nakakatakot ang mga ito. Pero ang kinainis niya ay may sofa naman pala do’n bakit dito pa siya hiniga sa bilyaran. May kumot siya pero wala naman unan. “Hi, how are you feeling?” nagimbal si Kendra dahil ang lambing ng boses ng lalake. Kanina lang ay halos patayin na siya nito sa sakal. “You’re awake!” boses pa mula sa likod. Nang lumapit ito ay agad siyang napatingin sa harap niya. Naguguluhan siya kung sino ang masama sa dalawa dahil iisang mukha lang sila. Ngunit nang makita niya ang hawak nitong baril at nilapag lamang sa lamesa kaya nakilala niya ang lalake. “I’m Lyndon and he is Larry my twin brother. Do you remember, me?” kalmado lang ang boses ng lalake. Ito na si Lyndon at ‘yong masama ang ugali ay si Larry. “Brother? bakit dito mo siya dinala may room naman?” Baling ni Lyndon sa kapatid. Napatingin siyang muli kay Larry na madilim lamang ang mukha. “Hindi ko dudungisan ang kama sa mga katulad niya. Mabuti nang makaiwas sa mga viruses.” “Aba’t putangina mo pala, eh!” malakas na sigaw ni Kendra kay Larry. Napatingin sa kanila ang mga tauhan at walang pakialam si Kendra. “Akala mo naman kung sino ka eh duwag ka naman. Kumakapit ka lang sa baril pero ang totoo maikli ang buntot mo. Bakla ka, bayo—” hindi niya natapos ang sasabihin dahil tinutukan na naman siya ng baril. Talagang umatras ang kaluluwa niya at dali-dali siyang tumago sa likod ni Lyndon. “Easy brother. Hindi mo mareresolba ang problema kung init ng ulo ang pinapairal mo.” Wika ni Lyndon sa kapatid. Mabuti pa itong isa kalmado lang at mukhang magkakasundo sila. Bumuntong hininga si Larry tapos umupo ito sa couch. May lumapit na sexy na babae at binigyan ito ng alak sa baso. Hindi niya alam kung anong tawag sa mga ganoon anak mahirap naman siya. “Kendra, right?” Napatingin siya kay Lyndon ang bango ng hininga nito nalanghap niya. Tumango-tango siya sa binata. “Alright, Kendra. Mabuti pa magpakumbaba ka na lang kasi ikaw ang may kasalanan kaya humantong sa ganito. Tinakasan mo rin ako 2 months ago. Makipag-settle ka na lang kay Larry para matapos na itong problema at makauwi kana sa inyo.” “Oo nga po, tiyak kong umiiyak na ang pamilya ko sa kakahanap sa akin.” “Harapin mo na siya lalabas lang ako—” “Huwag po. Dito ka lang baka barilin niya po ako, eh!” sumabay pa siya sa pagtayo nito tapos nakahawak siya sa braso ni Lyndon. “Seriously, brother?” untag ni Larry sa kapatid niya. Bumuntong hininga lamang si Lyndon at talagang kapit tuko siya sa binata. “Huwag mo kasi siyang sisindakin puwede naman mag-usap nang mahinahon.” Muling wika ni Lyndon. Bumuntong hininga nang malalim si Larry tapos ay pinaupo siya sa harap. Napatingin pa si Kendra kay Lyndon tumango lang ito sa kanya. Natatakot man siya kay Larry pero kailangan niyang umupo sa harap nito. “Sabihin mo sa akin kung anong nangyari no’ng gabing ‘yon at bakit ka tumakas?” Kahit kalmado na ang binata pero kinakabahan pa rin siya. “A—no po sir… ‘yong kambal n’yo po kasi ayaw niya sa akin. Binaril niya ako pero nakailag ako sa sahig ang tama. Nakabangon agad ako at nakalabas ng room. Tapos nakasalubong si sir Lyndon sabi niya pulis daw siya kaya mas lalo akong natakot. Nagtago po ako ng isang linggo sa ilalim ng tulay.” “So, bakit hindi mo sinauli sa akin ang pera?” tanong muli ni Larry. “Dala po ng matinding kahirapan kaya tinangay ko po ang pera at umuwi dito sa probinsya namin. Pero sir malaking tulong ‘yong pera napagamot ko si Itay tapos napaayos ang bubong namin. Sir isipin n’yo na lang po na—” “Hindi ako social welfare para hingian ng tulong. Businessman ako Kendra kaya hindi puwede sa akin ang dahilan mo.” Mariing turan ni Larry. “I have a suggestion, brother.” Sumingit na si Lyndon dahil sa nakikita niyang walang patutunguhan ang pag-uusap ng dalawa. Tumingin si Larry at Kendra kay Lyndon naghihintay sa sasabihin nito. “Kunin mo na lang na maid si Kendra then ang sahod niya—” “Teyka, sandali!” umalma agad ang dalaga dahil alam na niya ang susunod na sabihin ni Lyndon. “Kailangan ako ng mga kapatid ko. Hindi ako puwedeng magpaka-alila na walang sweldo! ako na nga lang ang inaasahan ng pamilya ko, eh!” mangiyak-ngiyak niyang tinig. “So, kami pa ang may kasalanan ganoon ba?” si Larry na pinagsiklop ang mga bisig. “Baka may iba pang paraan para makabayad ako. Susubukan kong akitin uli ‘yong suplado ninyong kakambal.” Suhestyon niya pero umiling-iling lang si Larry. “No need dahil nagkabalikan na sila ng girlfriend niya. He’s happy at ‘wag ka ng magpapakita pa sa kanya kakambal mo pa naman ang malas.” Sagot ni Larry. Sinimaan niya ito ng tingin pero walang epekto ‘yon kay Larry. “Kung gano’n baka… ano, kuan—” hindi niya masabi dahil kailangan niyang humugot ng lakas. Tumungga naman ng alak si Larry kaya nagsalita na siya. Buong tapang na inalok niya ito. “Ikaw na lang ang akitin ko, kahit ilang gabi pa ang gusto mo hanggang mabayaran ko ang—” Naibuga ni Larry ang alak sa bibig nito. Napamura pa si Lyndon dahil natapunan ito sa manggas. “What the f**k did you f*****g say?” Napalunok si Kendra. Hanggang tumawa na si Larry aminadong guwapo ito dahil sa perpekto niyang ngipin pero nakakaasar ang tawa nito. “Ako,” tinuro pa ni Larry ang sarile. “Papatol sa katulad mo? look at yourself in the f*****g mirror and ask me again.” Muling tumawa si Larry. Yong tawang nanunuya at aminado siyang napahiya siya do’n. Pinagsisihan ang nasabi niya. Tumingin siya kay Lyndon salubong lang ang kilay nito habang pinupunasan ng panyo ang manggas niya. “Edi wow! kala mo naman kung sinong magaling sa kama. Baka nga wala ka pa sa dila ng boyfriend ko!” dinaan niya na lang sa pagsusuplada upang matakpan ang pagkapahiya niya. “You have a boyfriend?” si Lyndon na seryosong nagtanong sa kanya. Kung si Larry lang siguro ang nagtanong baka sinupalpal niya. “Opo, Sir. College student siya at mayaman.” Pagmamalaki niya. Tumaas ang kilay ni Larry. “Mayaman, huh? so bakit hindi ka manghingi ng pera sa boyfriend mo at ibayad mo sa akin?” “Mahal ko ang boyfriend ko hindi ko siya peperahan. Isa pa—” “Enough. Wala nang sense ang mga sinasabi mo. I want my money back next month wala akong pakialam kung saan at paano ka makakakuha ng ganoong halaga ang gusto ko lang ay maibalik ang pera ko at kapag tumakas kang muli magpasensyahan tayo dahil may madadamay sa pamilya mo. Ayoko sa lahat ang ginagago ako, naiintindihan mo?” “I expect to receive my money back next month. I don't care where or how you obtain the funds. I simply want my money returned. If you attempt to escpae again, beware that someone in your family will feel remorse on your behalf. Ang ayoko sa lahat ay ang ginagago ako. Do you understand?” Nakatingala si Kendra kay Larry ni hindi niya magawang pumiyok. Hanggang sa nilagpasan siya ni Larry at narinig na lamang niya ang papalayong sasakyan. “Are you okay?” si Lyndon na nag-aalala sa kanya. Gusto niyang umiya, humagolhol at sumigaw pero hindi niya magawa. “Puwede kitang mapahiram ng pera.” Saad ni Lyndon at mabilis siyang napatingin sa binata. Ngumiti ito sa kanya tapos giniya siya palabas. Napayakap siya sa sarile dahil sinalubong sila ng malamig na simoy ng hangin at gabing-gabi na pala. Hindi na niya alam kung ilang oras ba siyang nakatulog. “Talaga ba? pahihiramin mo ako ng 100k?” pagkukumpirma niya. Hindi naman siya siguro nabingi. “Yeah. But hindi aabot ng 100k. 50 thousand lang ang mapapahiram ko sa ‘yo para hindi ka mabigatan.” Napangiti siya at dapat na magpasalamat siya pero mas desperada siya kaya humirit siya kay Lyndon. “Bakit hindi mo na lang gawin 100k para eksakto? promise ko sa ‘yo babayaran kita. Kahit magpunta pa tayo ng barangay at magkapermahan babayaran talaga kita. Hindi ko lang talaga kayang maghanap ng ganoong kalaking pera sa loob lang ng isang buwan.” “Honestly, puwede naman kitang bigyan ng tseke ngayon rin para mabayaran mo na ng buo si Larry. Pero nag-aalangan pa rin ako dahil hindi kita kilala—you know what I mean.” Napangiti siya sa binata. Kahit mahinahon itong magsalita pero prangka rin pala. “Pasenya ka na sir Lyndon masyado lang akong desperada pakiramdam ko kasi ay nabibilang na lang ang araw ko. Sa tingin mo ba magagawang pumatay ng kapatid ninyo dahil lang sa utang? mukhang barya lang naman sa inyo ang 100k.” “He’s a man with his words. Ibig sabihin ginagawa niya ang binitiwan niyang salita. At saka tama ka, barya lang sa amin ang 100k pero tinuruan kami ng Ina namin na pahalagahan ang bawat sentimo. Sumakay kana ihahatid kita sa inyo.” Muli siyang nagpasalamat kay Lyndon. Sumakay siya sa sasakyan at ito ang nagmaneho. Napapatingin siya sa binata. “Kailan ko makukuha ang 50 thousand? sorry kung apurado ako kasi nasa bingit ako ng kamatayan. Kasi kung hindi ko mabuo ang 100k atleast may maipakita ako sa kapatid ninyo kahit kalahati at puwede po ba huwag ninyong sabihin na pinahiram n’yo ako? baka kasi mas lalo lang magalit, eh.” “Alright pero wala akong pera dito. Kung gusto mo sumama ka sa akin sa mansion para mabigyan kita. Hindi ko kasi dala ang wallet ko.” Sagot ni Lyndon. “Opo naman po. Maraming-maraming salamat po sir— sandali, may mansion kayo dito? ibig sabihin iisang probinsya lang tayo?” “Yup. What a small world.” Ngumiti lang si Lyndon. “Oo nga po. Eh ‘yong isa mo pang kapatid?” “Si Leo ba?” “Opo. Leo ba ang pangalan no’n? mas nakakatakot po kasi ‘yon kaysa kay Larry. Baka barilin niya na naman ako.” Ngumisi na si Lyndon sa sinabi niya. “Hindi ka niya binaril dahil kung gugustohin niya talaga tiyak kong nasa sementeryo kana ngayon. Saka, ‘wag mo na siyang isipin dahil maayos na ng bunso namin. Nagkabalikan sila ng girlfriend niya kaya wala ng magiging problema kung makita ka man niya sa mansion.” “Talaga? mabuti naman ho kung ganoon. Grabi pala talaga kung magmahal ang isang matapang na tao ano? eh kayo po may girlfriend din ba kayo?” “Yeah. I’m getting married by next month.” “Sanaol na lang ako sa gedli.” Asik niya. Tumawa si Lyndon halatang excited ito sa nalalapit niyang kasal. “Eh ‘yong salbahi ninyong kambal na pinaglihi sa sama ng loob?” tanong niya pa. “He’s from a long-term relationship but his girlfriend got pregnant by someone else." Pumalatak si Kendra sabay na tumawa. “Ang bilis ng karma. Buti nga sa kanya at kung ako pa ang babaeng ‘yon kukunin ko pa siyang Ninong ng anak ko.” Litanya niya at muling bungisngis. Natigil lang ang pagtawa niya dahil tumunog ang phone ni Lyndon at sinagot nito. Boses ng babae sa kabilang linya kaya napaayos siya ng upo kahit pa hindi naman siya nakikita. Nagpatuloy sa pagmamaneho si Lyndon habang nasa side lang ang phone nito at kausap ang fiancée niya. Si Lyndon ang pinakamabait sa Triplets kaya kung sino man ang mapapangasawa nito, siya na ang pinagpala sa babaeng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD