Kabanata 4

3051 Words
NAKAKALOKA! Bulalas ni Kendra nang makalabas siya ng kotse. Tumambad kasi sa kanya ang napakaganda at napakalaking mansyon. “Come with me.” Saad sa kanya ni Lyndon. “Dito na ako sa probinsya nabuhay at nagkaisip at sa tagal ko dito ngayon lang ako nakakita ng palasyo.” Sambit niya kay Lyndon. “Ang yaman n’yo pala sir. Beke nemen!” hirit niya pero napailing lang si Lyndon. Naglakad na ito at mabilis siyang sumunod. “Sa parents ko ito sila ang mayaman at hindi ako.” Paglilinaw ng binata. “Eh gano’n na rin po ‘yon kasi anak ka. Sino pa ba ang magmamana kapag natsugi na sila? kaya ang swerte ng mapapangasawa mo. Magiging reyna siya sa isang iglap.” Biglang huminto sa paglalakad si Lyndon at humarap sa kanya kaya bumangga siya sa dibdib nito. “Bakit ka ba nangugulat, sir? pero ang tigas ng dibdib mo kurba-kurba—” “Listen to me, Kendra.” Putol ni Lyndon sa sasabihin niya. Tiningala niya pa ito dahil ang tangkad. “Please speak in a professional way. If you can’t be polite, be a professional.” “Sorry po, sir.” Paumanhin niya sabay na yuko. “Look, Kendra, hindi kita pinapahiya gusto ko lang maging aware ka sa paligid. Hindi kasi lahat ng tao ay pare-perahas at kaming magkakapatid ay hindi ordinaryong tao. Hindi tayo tropa, Kendra. I hope you get my point.” Napaawang ang bibig niya. Akala niya ay iba si Lyndon sa kapatid nito pero parang walang pinagkaiba. Gayunpaman ay nangako siya at sisikapin niyang makisabay. Siguro nga ay naging padalos-dalos siya sa pananalita hindi niya naisip ang painagkaiba ng katayuan nila sa buhay. Muling naglakad si Lyndon at ngayon para siyang alila nito na sumusunod sa bawat paghakbang niya. Naging malikot ang kanyang mga mata sobrang ganda kasi talaga dito sa mansyon. Wala siyang nakitang alikabok o kahit dahon na galing sa mga halaman. Mas maganda pa nga ang trapo nila Lyndon sa sahig kaysa sa kurtina nila sa bahay. Parang display lamang ‘yon dahil walang bakas ng dumi. Hindi na siya magtataka kung plantsado pa ang trapo. “Pumasok kana, Kendra. Dito ka na rin mag-dinner.” “Salamat po pero sa bahay na lang po. Gusto ko lang talagang kunin ang pera etse hiramin pala po.” Sinubukan niyang maging magalang. Mabuti na lang at walang naging mali sa sinabi niya. “Okay. Give me some more time.” Tumango lang siya at tumalikod na si Lyndon. Sinundan niya ang likod nitong papalayo hanggang pumasok ito sa elevator. May sarile silang elevator napakayaman talaga nila. “Bhe pumasok ka daw sa loob para kumain. Suotin mo ito para may sapin ka sa paa.” Ang kasambahay na lumapit sa kanya. Kinuha niya at nagpasalamat at sumunod siya dito. Halos malula siya sa loob ng mansion bukod kasi sa napakaganda ay napakalinis pa at ang bango. Biglang bumuhos ang malakas na ulan at mas lalo siyang nag-aalala. “Ate sandali lang,” tinawag niya ang babae. Lumingon ito sa kanya. “Puwede bang ipabalot na lang sa bahay na lang ako kakain saka puwede pakibilisan?” Pakiusap niya. Tumango ang babae kaya muli siyang nagpasalamat. Pinaupo siya nito sa sofa ang sarap sa puwet dahil napakalambot at mas lalo niyang napasadahan ang paligid. Permanente lang siyang nakaupo sa sofa nang marinig niya ang boses ng kasambahay sa pinto. Paglingon niya ay isang matangkad na lalake at inabot nito ang payong sa kasambahay. Bago pa siya nito makita agad niyang binawi ang tingin. Siya namang pagbukas ng elevator at lumabas na roon si Lyndon. Napatayo siya at ngumiti sa binata dahil hawak na nito ang sobre na naglalaman ng pera. “What’s up, bro?” ang boses ng lalake sa likod niya. “Who is she?” tanong pa ng lalake. Napatingin na siya sa lalake at para bang bumalik na naman ang takot niya noong gabing binaril siya nito. “She’s a friend of mine.” Sagot ni Lyndon. Kahit papaano ay natuwa siya sa sinabi ni Lyndon. Tumingin pa sa kanya ang lalake mabuti na lang at hindi siya namukhaan sabagay ibang-iba ang hitsura niya ngayon kaysa noong pinasok niya ito sa kuwarto. Isa pa, lasing ang binata noong gabi kaya hindi talaga siya nito matatandaan. “I don't believe because you haven't brought a woman here, even Fatima you haven't brought here yet. So, who the f**k is she?” kumunot ang noo ng lalake. Muli na naman siyang natakot at bago pa siya magawang saktan ng lalake mabilis siyang nakalapit kay Lyndon at tumago sa likod nito. Tumingin pa sa kanya si Lyndon bago sinagot ang kapatid. “Fine. Siya si Kendra ‘yong babaeng binayaran ni Larry para akitin ka noong gabing naghiwalay kayo ni Mariel.” Sagot ni Lyndon. “And?” mas lalong kumunot ang noo ng lalake. “Since na hindi niya nagawa ang trabaho niya, tinakbo niya ang perang binayad ni Larry ngayon pinahanap siya ni Larry at kinukuha niya ang pera pero nagastos na ni Kendra. Kaya pahihiramin ko siya para makabayad kay Larry sa susunod na buwan.” “Seriously, Lyndon? tatablahin mo ang kakambal mo para lang sa babaeng mukhang pera?” don’t tell me you—” “No, no, no. Of course, not Leo mali ka ng iniisip. I am loyal to Zia. I wanna help her.” Nakikinig lamang si Kendra sa dalawa at kahit high school lang ang natapos niya naiintindihan niya ang magkapatid. Akala siguro ni Leo na binayaran siya ni Lyndon para paligayin kapalit ng pera. “50 thousand lang po ang pinapahiram niya sa akin saka babayaran ko naman po siya.” Sumingit na siya sa mga ito. Tumingin siya kay Leo pero hindi ito nakatingin sa kanya para bang pati tingin ay nandidire ito.” “Bahala ka bro pero remind ko lang sa ‘yo, iba ang galawan ng mga street girls baka malinlang ka.” Saad pa ni Leo sa kapatid tapos tinapik lang ang balikat ni Lyndon at tumalikod na ang binata. Sinundan niya ito ng tingin hanggang pumasok ito sa elevator. “Maupo ka, Kendra.” Saad ni Lyndon kaya binawi niya ang tingin. Muli siyang naupo sa sofa at umupo rin si Lyndon. May nilapag itong papel at pen sa glass table kasama ang pera. Pinabasa sa kanya at pinapirma. Kahit wikang ingles ay naiintindihan naman niya at agad siyang pumirma. Kinuha niya ang pera at binilang. Eksatong 50 thousand at muli siyang nagpasalamat. “Ano ang sasakyan mo pauwi?” “Magtatraysikel na lang po sir Lyndon. Salamat po talaga dito.” Nakangiti niyang wika. “Kumain ka na muna bago ka umuwi.” “Hindi na po saka kailangan ko nang umuwi kasi lumalakas po ang ulan baka umapaw sa tulay hindi ako makatawid.” Sagot niya at tumayo. “Wait? dadaan ka ng bridge?” tanong pa ni Lyndon at tumayo na rin ito. “Opo, sir. ‘Yong tulay po kasi ay kahoy lang tas may kawayan na hawakan minsan kapag ganitong maulan delikado kasi malakas ang agos ng ilog.” Sagot niya. “Kung ganoon ‘wag ka na lang umuwi. Dito ka na lang magpalipas ng gabi at bukas nang umaga ihahatid kita sa inyo para malaman ko rin kung saan nakatira. Paano kita masisingil kung tatakasan mo na naman ako?” “Hindi ko na po ‘yon gagawin sir kasi may pinirmahan na ako, eh. Kahit na mukha akong pera hindi naman ako gano’n kasama katulad ng iniisip mo. Pero sige, dito na lang ako matutulog po.” “That’s my girl.” Napangiti siya sa sinabi ni Lyndon. Pagkatapos ay pinasabay na siyang kumain sa kasambahay at doon sila sa kusina dahil magsasabay naman ang magkapatid. Pinaupo siya ni Aling Mileng ang kasambahay. Naghugas lang siya ng kamay at saka kumain na. Magkaharap sila ng kasambahay. “Ikaw ba hindi marunong gumamit ng kubyertos?” tanong sa kanya. “Hindi po pero kutsara marunong ako. Eh sa ganitong adobong manok mas masarap magkamay. Kain po kayo.” Sagot niya. Hindi na lang nagsalita ang babae at nagpatuloy sila sa pagkain. “Yaya Mileng do we have— why are you still here?” Nabaling sa kanya ang tingin ni Leo at hindi niyya ‘yon akalain na papasok pala siya dito sa kusina. Nakita pa siya sa ganitong ayos puno ng kanin ang kamay niya tas nakataas pa ang isa niyang paa sa bangko. “Ano ‘yon hijo?” tanong ni Mileng. Napayuko si Kendra hindi niya kayang salubungin ang mata ni Leo. “What’s for dessert?” tanong ng binata. Nagpatuloy siya sa pagkain narinig niyang nagtanong si Leo kung bakit nandito pa siya at si Yaya Mileng ang nagpaliwanag. Akala niya ay palalabasin siya ng binata pero hindi na ito nagsalita pa at bumalik na sa loob. “Puwede po ba ako makahingi niyan?” tanong niya kay Mileng pero umiling ang babae. Hindi niya alam kung ano ‘yong dessert na kinuha sa ref pero sa hitsura palang ay kaysarap na. Hindi naman siya nagpumilit wala naman siyang magagawa. Pagkatapos nilang kumain ay nagpresenta na siyang maghugas. Tumango ang babae kaya siya na nagdala sa lababo. Pumasok sa loob si Mileng nang bumalik ay bitbit nito ang ibang hugasin. Naghugas siya ng kamay at pumasok sa loob para sana’y tulungan ang babae ngunit laking gulat niya nang makita ang napakagandang babae. Napakaputi niya at kulay pula ang buhok. Maiksi ang buhok niya hanggang leeg lang pero napakaganda niya. Palaban ang dating niya dagdagan pa ng kilay nitong mapagmataas. Matangos ang ilong kaya malaki rin ang butas pero ang payat niya lang. Nakatopless lang siya kaya halata ang buto-buto sa dibdib niya at hindi na siya magtataka kung wala siyang dibdib. Nasobrahan siguro siya sa diet—” “Ano na?” “Huh?” napapitlag siya nang magsalita si Mileng. Napatingin siya dito. “Ano po uli ‘yon?” tanong niya. “Ang sabi ko, pakikuha ng ice sa ref at mag-iinom sila sir. Aayosin ko lang ang kuwarto ni Señorito at dito matutulog si Madam Mariel.” “Ah. S—sige po.” Sagot niya agad at bumalik sa kusina para kumuha ng ice. Ngunit hindi naman niya alam kung paano buksan ang ref kasi para siyang de remote walang hawakan hindi katulad ng ref nila aling Nena na mukhang pinto lang madaling buksan. Pagtingin niya kay aling Mileng wala na ito. At ang magandang babae ay lumapit doon sa inupuan niyang sofa kanina at tumabi kay Leo. Mabuti na lang at natanaw niya si Lyndon sa labas kaya nilapitan niya ito. May kausap pa ito sa phone pinatapos niya at hindi niya maiwasan na makinig sa sinasabi nito. “I can’t wait to be your husband, babe. Kung puwede lang hilahin ang calendar ay ginawa ko na para bukas ay kasal na natin agad.” Hindi niya maiwasan humanga kay Lyndon. Napaka-sweet nito at bakas ang senseridad sa kanyang tinig. Naalala niya si James sweet rin naman ang boyfriend niya kaya lang isip bata pa ‘yon. Mahilig sa barkada kahit nga pag-aaral niya hindi maayos-ayos ano pa kaya sa usaping pamilya? nakadepende pa rin siya sa mga magulang. “Hey!” Napapitlag siya ng pinalagatik nito ang dalire sa mismong harap niya. “Are you okay?” tanong nito sa kanya. “O—opo. Ano kasi…” “Kasi?” “Kasi po magpapatulong sana ako pagbukas ng ref ninyo kukuha ako ng ice inutusan ako no’ng katulong ninyo.” Sagot niya. “Ano ang gagawin mo sa ice?” “Mag-iinom daw po kayo, eh.” Sagot niya uli. “Ako na ang kukuha magpahinga kana.” Nakangiti pa si Lyndon tiyak ay dahil ‘yon sa nobya nito. “Hindi ko rin ho alam kung saan ako matutulog.” “Oh, yeah. Sumunod ka sa akin.” Tugon ni Lyndon at nauna itong naglakad sumunod lamang siya hanggang sa pumasok sila sa elevator. Nang umandar ‘yon ay bigla siyang natumba pero mabilis ang kamay ni Lyndon at nahawakan siya. Napayakap siya sa binata at para bang nasa pelikula lamang sila dahil sa kanilang ayos. “What the heck?” Napakurap silang dalawa nang bumukas na pala ang pinto at bumungad si Leo. Papasok ito sa elevator pero naabutan sila sa ganoong tagpo. Mabilis siyang itinayo ni Lyndon at talagang nailang siya. Tumingin siya kay Leo na ang tingin ay nasa kapatid. May halong panunukso at pandidire rin ang tingin ni Leo sa kapatid. “No, brother—” “That’s normal sa mga ikakasal, bro. I told you, iba ang galawan ng mga ‘yan. Don’t forget to use protection, bro.” Seryosong saad ni Leo. “Grabi naman ho kayo, hindi naman po ako pokpok na kung sinu-sino lang ang tumitira. ‘Yong boyfriend ko lang po ang nakagalaw sa akin wala ng iba. Huwag naman po kayong manghusga agad.” Pinagtanggol na niya ang sarile dahil kanina pa siya nagtitiis sa pang-aalipusta ng kapatid ni Lyndon. Tanggap naman niyang hindi ang katulad niya ang tipo nito sa kama pero ang masakit bakit kailangan saktan siya ng masasakit na salita? “I’m sorry, Kendra.” Si Lyndon pa ang humingi ng paumanhin samantalang ang kapatid nitong si Leo ay tila ba walang narinig. Ni hindi nga siya tinapunan ng tingin. Pumasok na ito sa loob at agad nagsara ang pinto ng elevator. “This way,” giniya siya ni Lyndon patungo sa isang pinto. Napakaganda rin dito pero hindi niya masyadong ma-appreciate dahil sa sama ng loob. Binuksan ni Lyndon ang pinto at pumasok sila. Lumabas si Lyndon ilang sandali ay bumalik ito na may dala ng damit. “Sa ate ko ‘to I think kasya sa ‘yo. Ang boxer pala sa akin ‘yan pero never ko pa nagamit. Magpahinga kana at bukas ihahatid kita sa inyo.” “Sir Lyndon thank you po, ah. Ibang-iba ka kaysa sa dalawa mong kapatid.” “Don’t mention, it. Have rest.” Hindi na siya nagsalita hanggang sa lumabas na si Lyndon at sinara niya ang pinto. Pinasadahan niya ang paligid para siyang nasa hotel lang. Mas maganda pa nga ito kaysa sa hotel na madalas nilang puntahan ni James dahil doon walang elevator. Nilapag niya ang damit sa kama at pumasok sa banyo. Binuksan niya ang shower mabuti na lang at hindi siya ignorante pagdating sa banyo dahil kay James. Pinakilaaman niya ang sabon at shampoo pero nainis lang siya kasi hindi nagbula. Tinapos niya na lang ang paliligo at nagbihis na siya. Nanginig siya bigla dahil napakalamig ng kuwarto nasobrahan yata ang pa-aircon. Pinasadahan niya ang kabuuan sa harap ng salamin. Masyado siyang sexy sa suot niyang ito bahala na. Total ay hindi naman siya kaakit-akit sa paningin ng magkapatid kaya lumabas siya sa ganoong ayos. Ang kaso ay hindi niya alam kung paano gumamit ng elevator kaya naghanap siya ng hagdan. Pero wala siyang makita. Palakad-lakad siya sa koridor hanggang buong tapang siyang nagtungo sa elevator at pinindot ang pulang bilog. Bumukas ‘yon pumasok siya at pinagpipindot niya ang number 3 kaya sumara ang pinto. Humawak siya nang mabuti sa gilid ilang segundo lang ay bumukas ‘yon. Lumabas siya agad ngunit napakunot ang noo niya dahil iba itong pinagdalhan sa kanya ng elevator. “Woah!” Napalingon siya sa pinangalingan ng boses. Napalunok siya dahil sa kanya ang tingin ng limang lalake. Nakaupo ang mga ito sa itim na sofa at itim rin ang floormat. Maraming alak at sigarilyo sa mesa. Ang tatlong lalake ay naglalaro ng baraha habang ang dalawang lalake ay kakaiba ang ginagawa. Para silang may inaamoy na isang bagay tapos umuusok iyon at sarap na sarap ang kanilang mukha. “Oh, hi, gorgeous.” Natakot ang dalaga nang mapagtanto niyang gumagamit ng pinagbabawal na gamot ang dalawang lalake at isa sa kanila ang nagsalita. “S—sir… naliligaw po ako. Doon po—huwag po kayong lalapit!” umiyak na siya nang biglang tumayo ang lalake at ang tangkad niya rin at ang laki ng katawan. Higit sa lahat may baril ito sa gilid ng pantalon. Pero hindi natinag ang lalake at suminghot pa ito na para bang asong naglalaway sa pagkain. “Sir Lyndon tulong po!!!” malakas niyang sigaw at umiyak na siya. Ngunit nagtawanan lamang ang mga lalake. “What’s your name, darling?” mapang-akit ang boses ng lalake. Tumakbo siya patungo sa pinto ng elevator at pinokpok niya ‘yon ngunit hindi ito bumubukas. Hanggang nakalapit na ang lalake at hinawakan siya sa puwet winaksi niya ang lalake pero sinampal siya. Tuluyan na siyang umiyak pinagsisihan niyang lumabas pa siya sa kuwartong ‘yon. Wala siyang laban lalo na nang na-corner na siya ng lalake na walang kahirap-hirap tapos binuhat siya at naglakad ang lalake pabalik sa mga kasama nito tapos hinagis lamang siya na parang walang kuwentang bagay. Nasalo siya ng tatlong lalake na nagbabaraha. “Bitawan n’yo ako, bitawan ninyo ako!” sumigaw siya ng malakas pero ikinatuwa lamang ‘yon ng kalalakihan. Hanggang sa hinawakan siya sa dalawang paa tapos binaba ang boxer niya. Nagtawanan ang mga ito dahil ‘yon ang suot niya. Ang kanyang damit na manipis lang ay mabilis na napunit ng dalawang lalake at dahil wala siyang bra kasi hindi naman kasya ang bra na binigay ni Lyndon sa kanya dahil malaki talaga ang hinaharap niya. Lumantad sa mga mata ng mga siraulong kalalakihan ang alindog niya. Walang nakalusot dahil nahawakan agad ang kanyang dibdib. Umiiyak siya at sumisigaw ngunit hinalikan siya ng isang lalake pero kinagat niya lang ang labi nito. Sa sobrang diin dumugo ang labi ng lalake napabitaw ito at sasampalin sana siya ngunit bumalagta ang lalake sa sahig. Ang isa pang lalake na naglabas na ng ari nito ay sumunod naman, bumalagta rin ito. Sunod-sunod na natumba ang limang lalake. Hindi siya nakagalaw sa pagkatihaya sa sofa. Hanggang narinig niya ang yabag ng sapatos sa kanyang likod at humarap sa kanya. Hindi niya ito matingnan dahil nasa paanan siya nakatingin kung saan ay lumuwa ng dugo ang lalaking nagbuhat sa kanya kanina. Napaangat na siya ng tingin. Ang hindi niya akalain na nagligtas sa kanya, si Larry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD