ATE, gising!
Napabalikwas siya ng bangon dahil hinahampas siya ng kapatid. Inis na inis siya kulang na lang ay tadyakan niya ito.
“Piste naman eh inaantok pa ako, eh!” napakamot siya sa ulo.
“Diba ngayon ang 4 phase natin nagpapagising ka sa akin tapos magagalit ka.”
“Oo na, ito na!” inis niyang sagot. Kinuha niya ang timba at sabonera patungo sa kapitbahay nilang may puso doon siya maliligo.
Marami-rami ang tao sa puso. Nag-iigib, naglalaba at naliligo rin. Napatingin sa kanya ang mga ito dahil nga sa sexy niyang suot. Sa simpling short at sando niya ay maraming nauulol sa alindog niya. Isa na nga ang anak ng kapitan na si Joel barkada ng nobyo niya.
“Tabi maliligo ang reyna!” turan niya.
“Napakasiga mo talaga Kendra kita mo may naglalaba pa.” Sagot ni Bikay isa sa mga may ingget sa kanya.
“Mas importante pa ba ang paglalaba n’yo sa 4phase? kapag hindi ako nakakuha ng pera malalagot kayo sa akin!” sumiklab talaga ang dugo niya. Kapag ganitong wala siyang pera mabilis uminit ang ulo niya.
Pinagbigyan siya ni aling Lilit ang napakabait nilang kapitbahay.
Naligo na siya nang mabilisan tapos umuwi na siya sa bahay nila. Nagbihis lang siya ng short na abot sa tuhod at T-shirt tapos bitbit ang eco bag niya.
“Babye, ate! tinapay po akin.” Sigaw pa ng kapatid niya.
“Oo bibili ako mamaya. Huwag kayong pasaway magagalit si Nanay!” pasigaw niya rin tugon.
Sumakay siya sa traysikel patungo sa bayan. Naroon sa compound ang pagtitipon at naroon na rin ang iba niyang kapitbahay. Naupo siya at naghintay na tawagin kasama ang mga kapitbahay niyang walang humpay ang pagti-tsismisan.
Ilang sandali pa ay nakatanggap na siya ng pera para ito sa mga kapatid niya. Hapon na rin nang matapos sila dahil ang dami pa nilang kaartehan.
Namimili siya ng tinapay sa bakery nang biglang may lumapit sa kanya at napaigtad siya nang may tumusok na bagay sa kanyang tagiliran. Pagtingin niya sa lalake ay nakangiti ito. Hindi niya kilala pero mukhang hindi siya bubuhayin.
“Parang awa n’yo na po maliit na halaga lamang ito kulang pa pangkain naming magkakapatid. May sakit pa ang tatay ko at ang nanay ko naman—”
“Sumama ka lang sa akin at huwag kang magpapahalata. Ang dami mong sinasabi!” putol ng lalake sa sasabihin niya.
Nanginginig ang tuhod niya inakbayan siya ng lalake papasok sa kotse nito. Kahit isa sa mga taong mamimili wala manlang nakahalata sa nangyari.
“Kidanapping itong ginawa ninyo. Nagkamali kayo ng hinuli wala naman akong pera! ito nga nakikiamot lang ako sa pantawid gutom program ng gobyerno!” umiyak siya agad at pilit na kumakawala pero hindi siya makalabas-labas.
“Busalan ang bibig niyan at napakaingay!” turan ng driver.
“Bitawan mo nga ako kundi sasampalin kita!” sigaw niya pero hindi siya pinapakinggan ng lalake. Sa halip ay pilit na nilalagay sa bibig niya ang tela at sa inis niya ay dinuruan niya ito sa mukha. Napikon ang lalake sinampal siya at parang naalog ang utak niya.
“Fernan!” mariing boses sa katabi niya.
“Eh, dinuruan ako. Nakakapikong ‘tong babaeng ‘to!”
Tumahimik na lamang si Kendra dahil naglabas na rin ng baril ang lalake. Binusalan nga siya at wala na siyang nagawa dahil baka iputok pa nito.
Matulin ang takbo ng van ang pinagtataka niya lang hindi naman kinuha ang pera niya. Apat sila dito sa loob ng sasakyan tas may mga baril pa sila.
Kahit hindi niya ugali ang magdasal pero ng mga sandaling ‘yon ay natawag niya na siguro ang lahat ng santo.
Hanggang sa pumasok ang sasakyan sa isang masukal na daan papasok sa mataas na bakod. Bumukas ang malaking gate at pumasok na ang van. Itinabi sa gilid at naunang lumabas roon ang dalawang lalake habang ang isa ay hawak siya sa braso. Tinulak pa siya palabas.
Tumingin agad siya sa paligid napakunot ang kanyang noo dahil mga tambakan ito ng mga semento at maliliit na bato na ginagamit sa paggawa ng semento.
“Dalhin na ‘yan sa loob. Kanina pa siya hinihintay!” sagot ng tauhan. Kinaladkad siya papasok sa sinasabi nitong loob. Bumukas ang pinto at basta na lang siya tinulak.
Napasobsob pa siya sa lamesa isang makinis na paa ang nakita niya at pag-angat niya ng tingin ay ang blankong mukha ng isang lalake. Namilog ang mata ni Kendra nang makilala ang lalake. Kaagad siyang tumakbo sa pinto pero hindi niya ‘yon mabuksan. Kinakalampag niya pero ayaw talaga.
“Sit!” maotoredad na turan nito. Dahan-dahan siyang tumingin sa lalake.
“Where’s the money?” diretsang tanong ng lalake. Alam niya ang ibig nitong sabihin ‘yon ay ang 100k na downpayment para sa kakambal nitong aakitin niya dapat pero ayaw naman sa kanya ng kapatid nito.
“Ano ba ang pinagsasabi mo? hindi nga kita kilala?!” Tumaas ang boses niya upang ikubli ang takot mas lalo lang nagalit sa kanya ang lalake at mabilis nitong nahawakan ang panga niya at sinakal siya. Hindi pa nakuntento ang lalake binitin pa siya sa ere at halos mabilaukan siya. Napahawak siya sa kamay nito at talagang Nakaya siyang ibitin sa isang kamay lng ng lalake. Kakaiba ang lakas nito.
“You fuckin’ with me?”
Nakanganga si Kendra at talagang kinakapos na siya ng hininga pero nagawa pa niyang igalaw ang ulo. Bigla siyang binitiwan ng lalake at nadapa agad siya sa sahig. Hawak niya ang leeg at napaubo-ubo siya. Muntikan na siya, mabuti pa at mabait pa rin sa kanya ang langit.
"Tell me where the money is. Your life depends on it." Kalmado na ang boses ng lalake ngunit pag-angat niya ng tingin ay tinutukan siya ng baril.
“I am asking you a question, lady.”
“N—nagastos ko na po,” nauutal niyang sagot. Umigting ang panga ng lalake sabay na kinalabit ang baril at pumutok ito at sobrang takot niya nandilim na ang paningin niya hanggang nawalan siya ng malay.