CHAP-1 ( San Vicente)

2664 Words
ANDREA Tanaw na namin ang plaza, puno at siksikan na ang mga tao. Sa paligid ng plaza ay may mga ibat-ibang stalls na nakatayo para sa mga nagtitinda ng ibat-ibang pagkain. Nakakagutom. Nangingibabaw ang amoy ng iba’t ibang kakaning gawa sa gata. Napatingin ako sa dalawang stalls kung saan naka-display ang mga bagong lutong kakanin. Suman, bibingka, latik, pinipig, sapin-sapin puto at marami pang iba. May nagtitinda ng popcorn at balut. Sa isang tabi ay may manong naman na nagtitinda ng mga tusok tusok tulad na lamang ng kwek kwek, fishballs and kikiam. Bawat maglalako ay may mga mamimiling inaasikaso. Nakita ko ang ilang mga batang pinagkakaguluhan ang nagtitinda ng lobo at cotton candy. Napangiti ako. Nakakatuwa silang pagmasdan. Naalala ko tuloy noong bata pa ako tulad nila. Madalas akong bilhan ni Mommy at Daddy paglabas namin ng simbahan tuwing linggo. Nakaramdam ako ng kaunting lungkot, nakaka-miss din talaga ang mga panahon na iyon. Naaakit tuloy akong lapitan ang tindiro para bumili sana pero parang nagmamadali ang mga kasama ko. “Tara, tara!” ang yakag ni Jef. “Wala na yata tayong mapupuwestuhan, sobrang dami na ng tao! Baka madumihan pa ang damit ko. Ang mahal nito ha, tapos tingnan niyo naman, mga mukhang mababaho pa halos ng mga nanonood,” ang maarteng reklamo agad ni Luiza. “I got you Babe, makakahanap tayo ng magandang puwesto nang hindi man lang nadadapuan ng dumi yang balat mo, hahawiin ko ang mga kutong yan para saiyo,” ang mayabang na ngisi ni Bryan. Ang isa sa mga kaibigan rin ni Jeffrey. Lihim ko siyang inirapan, ano na naman kaya ang balak ng mga ito? Puwede naman kami sigurong humanap ng puwesto nang hindi na nakakasaga pa ng ibang tao. Pero alam kong hindi ganun ang grupo nila Jef at wala akong pagpipilian kun ‘di ang magpatangay lamang sa agos. Kung gusto kong makasilip man lang sa masayang piyesta ng bayan namin dito sa plaza ay kailangan kong sumama kila Jef dahil alam kong hindi ako papayagang lumabas man lang kung hindi rin lang sila ang aking kasama. Si Jef ay anak ng tumatayong Governor namin dito sa Antique province at ang ama niya ay matalik din na kaibigan ng aking ama. Dinig na dinig mula sa kinaroroonan namin ang malakas na boses ng dalawang MC. “Dito tayo,” hinila ako ni Jef. Halos pakaladkad na yata ang paghatak niya sa akin. Napatakip agad ako sa dibdib gamit ang isa kong braso. Sa dami ng tao, baka mabangga nila ang dibdib ko. “Tabi nga! Sisipahin ko kayo!” ang banda agad ni Jef sa mga taong nakaharang sa daraanan namin. Napalunok ako. Nanulak nga siya at nanipa. Naaawa man ako sa mga nasaktan niya ay wala naman akong magagawa. Pero nagulat na lang ako nang pati matanda ay hindi nito pinalagpas. “Jeff, ano ba!” Ang biglang reaksyon ko. Nanlalaki ang mga mata kong napadalo sa lalaking medyo may edad na, na walang pakundangan niyang sinipa. “Nasaktan po ba kayo?” Ang agad kong tanong at inalalayang makatayo. “O-okay lang hija,” ang anitong tumabi na rin. Humihingi ng paumanhin ko itong tiningnan at medyo gumaan ang pakiramdam ko nang bahagya naman itong ngumiti ng tipid. Napasubsob kasi ang matanda at halatang nasaktan talaga sa ginawa niya. Tiningnan ko ng masama si Jef. Nginisihan niya ako. “Bakit mo ginawa yun?!” Ang inis kong tanong. “Come on, Andrea. Pati ba naman yang mga hampas lupang yan, pag aaksayahan mo ng panahon?! He deserved it, alam niyang daraan tayo paharang harang pa!” Ang maangas at malakas niyang sabi. Gusto ko man siyang sawayin pa at pagsabihan pero alam kong hindi rin naman ito magpapaawat at makikinig sa akin. Kahit noon pa man ay maangas at mayabang na talaga ito. Para itong hari. Wala itong sinisino sino. Masyadong abusado at walang pakialam kung makasakit man ng ibang tao. At mas lalo pang lumala ang ugali nito nang matanghal at maupo ang ama niya bilang gobernador ng bayan namin. Kinaiilagan talaga ang grupo nila dito sa probinsya namin. Wala silang pakialam sa batas dahil para sa kanila, hawak nila ang batas. Ni hindi nila ginagalang ang mga pulis. Sa katunayan, kahit nga pulis ay kayang kayang batokan ni Jef sa harapan ng maraming tao at dahil sa impluwensya ng pamilya nila ay walang nangangahas na sumalungat or pumalag man lang sa mga maling gawain nila. A lot of abuses by Jef, I witnessed it. At nang makarating ang pangyayaring iyon sa kaniyang ama ay wala rin naman itong ginawa para diseplinahin ang kaniyang anak. Bawat miyembro ng grupo nila ay galing sa may kayang pamilya. Hindi ko alam kung tama bang mapasama ako sa grupong ito pero parang ganun rin naman ang labas ko di ba? Dahil sa ayaw ko man o, gusto, sila lang naman ang laging kasa-kasama ko. Sila lang ang puwede kong samahan. Bawal akong makipagkaibigan sa iba, tanging si daddy at ang madrasta ko ang nagpapasya at siyang pumipili kung sino ba dapat ang mga taong sasamahan at pakikitunguhan ko. I don’t have any freedom, kapag sumuway ako, siguradong matitkman ko rin ang hagupit ng latiko ni Daddy tulad ng ginawa niya sa kapatid ko. Bata pa lamang kami nang mamatay ang mommy namin at mag-asawang muli ang daddy. At nag iba ng tuluyan ang pamumuhay naming magkapatid nang mapunta sa aming madrasta ang pangangalaga sa amin. Ang daddy at ang madrasta na namin ang siyang tanging nasusunod. Lumaki kaming ganun. Pero sa aming magkapatid lang naman sila mahigpit. Sa mga anak naman ng madrasta namin ay hindi sila ganito. Kami lang magkapatid yung dapat may sinusunod na batas. Hindi tulad noong buhay pa ang mommy namin. Damang dama namin ang kalayaan kahit sa murang edad. Lahat ng mga batang trabahador sa aming hacienda ay malayang nakakasalamuha namin. Pero ngayon ay iba na, hindi na puwede. Hampas lupa daw sila, hindi dapat namin sila kinakaibigan at tinuturing na kauri namin. Alipin daw namin sila sa hacienda. Alam kong mali pero sa tuwing susuway naman kami, kaming magakapatid ang napag-iinitan ng aking madrasta. At kahit anong paliwanag ko kay Daddy ay hindi naman ito nakikinig, simula nang maging asawa niya ang madrasta namin, nag-iba na rin ito ng pag-uugali. “Dadaan kami tabi kayo!” Napaangat ang tingin ko. Walang pakundangang hinawi rin ni Xander ang mga taong nakaharang sa may unahan namin. Ngumisi sa akin si Jef. “Oh, hindi na ako ang gumawa nun, si Xander baka sa akin ka pa ulit magalit niyan,” ang nakakaloko niyang sabi. Inirapan ko siya. Babae or lalake, matanda or bata, wala siyang pakialam. Basta hinawi lang niya ang mga iyon na parang dumi. May mga nasaktan at umangal sa kaniyang ginawang pag hawi at pagtulak ngunit nang makita siya, agad din silang nagsi urong at parang nalunok ang mga dila. “Ano ba yan! Kung makatulak naman parang—“ napahinto ito at napalunok nang makita si Xander. Walang awang binatokan siya ni Xander. “Aangal ka?” Mayabang niyang tanong. Agad na umiling ang kawawang lalake. Haplos haplos ang ulong nasaktan. Nakayuko. Sinapok siyang muli ni Xander kahit hindi na siya naimik pa at nanatiling nakayuko. “Xander tama na yan, ano ba?!” Ang inis kong awat. Ngumisi ito sa akin. Binalingan ang panganay na anak ng aking madrasta. “Ricky, pagsabihan mo nga tong ate atihan mo—“ “Fvck you, Xander! You’re pointing at my girl!” Ang putol at babala ni Jef sa kaniya. My girl? Nasa isip ko ang matinding protesta, lagi niyang sinasabi iyan. Lagi niyang ina-address ako bilang babae niya. Ang kasama kong si Myrna at Luiza ay parang wala rin naman pakialam. Parang proud pa nga ang mga ito sa pinaggagawa ng mga boyfriend nila. “S-Sorry, boss. Hindi ko po kayo napansin,”ang agad na hingi ng lalake ng paumanhin. Tarantang taranta. Halos lumuhod na. Kita sa mga mata ng bawat taong naroon ang takot at pagkailag kaya walang imik na nagsi-urong na lamang ang mga ito at kusa kaming binigyan ng daan. “Haay, salamat. Ang babait rin naman pala ang mga hampas lupang ito,” ang nakaismid na ani Luiza. May nilabas itong sanitiser sa dalang mahahaling bag at maarting naglagay sa mga palad. “Ang babaduy naman!” Kapag kuway nakaismid na ani Myrna. “Parang si Jacky lang naman ang maganda at may class na kalahok sa kanila,” ang dagdag na tukoy nito sa panganay na anak ng aking madrasta. Sumali kasi ito bilang mutya ng San Vecente. “Nagsasayang lang tayo ng oras dito, Jef. Kung nag jamming na lang tayo sa mansyon niyo di masaya pa tayong lahat,” ang ani Bryan. “Hmm.. I like that! Byran is right!” Ang masayang sang-ayon ni Luiza at Myrna. “What do you think about the candidates hm, Ricky?” Nakangising ani Luiza. Napatingin ako sa step brother ko. Ngumisi siya, “mga walang panama ang mga iyan, siguradong kapatid ko lang din ang mananalo,” ang tila siguradong sigurado nitong sabi. Napairap ako sa hangin. Napahinga ako nang malalim nang makitang nakapuwesto ang upuan ng aking madrasta sa mismong likod ng mga tumatayong hurado. Damn, right. Kinimkim ko na lamang ang paghihimutok ng dibdib ko. Nang maihayag ang nanalo sa beauty contest ay nabawasan ang kapal ng tao sa plaza. Kitang kita ko ang matatamis na ngiti ng aking madrasta nang tanghaling mutya ng San Vecente ang anak niyang si Jacky. Sumunod naman ngayon ang iba’t ibang pa-contest ng sayaw. “Alis na tayo guys?” tanong ni Myrna. “Mamaya na, tingnan niyo yun oh. Parang magagaling yata ang mga kalahok ngayon,” ang ani Xander. Ngumisi si Bryan. Makahulugan ang tininginan nila ni Ricky. “Gagu, nasa mga grupong babae na ang iiksi ng suot naka-focus mga mata mo e,” ang ani Ricky. Agad na nagmaktol si Myrna. Agad naman siyang sinuyo ni Xander. At habang nanonood ang mga ito ay tumayo naman ako para bumili ng maiinom dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw. Nag-uusap na noon si Ricky at Jef kaya hindi nila ako napansin. Hindi na ako nagpaalam pa, hindi rin naman ako magtatagal at babalik rin ako agad sa puwesto nila. Palinga linga ako sa paligid, hinanap rin ng mga mata ko ang cotton candy vendor kanina. Hindi ko napansin ang medyo pagkakalubak ng lupa, napilok ako. Napatili ako. Napapikit sa takot at gulat. Akala ko babagsak ako sa lupa pero pagmulat ng mga mata ko ay sa isang malapad na dibdib ako nakayakap. “Okay ka lang ba Miss?” ang mahina at magaan nitong tanong. Mahihimigan rin ito ng pag-aalala. Ewan ko pero may kakaibang dating ang timbre ng boses niya. Masarap sa pandinig. Tono pa lang kahit hindi mo pa nakikita ang mukha ay alam mong guwapo na. Para bang lalaking lalake sa pandinig, baritono ang kaniyang tinig. Napaangat ang mukha ko sa kaniya, nakahiga siya sa lupa at nakapatong naman ako sa kaniya. Natigilan ako. Parang nablanko ang mukha ko. Para akong namalikmata ng makita ko ang napakaguwapo niyang mukha. Sabi ko na nga ba. Damn. Buong buhay ko ngayon lang ako nakita ng ganito kaguwapo. Yun ko pa lamang siya nakita sa lugar namin, bagong salta ba siya? Or bakasyonista kaya? “O-Okay ka lang ba?” Ang natitigilan na ulit niyang tanong habang titig na titig kami sa isa’t isa. Ewan ko pero napatingin ako sa labi niya. Kita ko pa nang mapalunok ito ng sunod sunod habang titig na titig rin sa akin. “Kung may masakit saiyo dadalhin kita sa ospital—“ “What fvck are you doing to my girl?!” Agad akong hinablot patayo ni Jef. Nataranta ako bigla sa galit na galit na boses niya. Hindi ako agad nakahuma. Namalayan ko na lang hawak na ni Jef ang kuwelyo ng lalakeng sa sandaling iyon ay nakahiga pa rin. Inundayan niya ito ng sundok. Napatili sa pagkabigla ang mga babaeng nakakita. “Senyorito, maawa naman po kayo kay Kuya Akie, wala po siyang ginawang masama!” Ang hestirikal na ani Rowena. So, kasama at kilala siya ni Rowen? Doon pa lamang ako natauhan, “senyorita Andrea pigilan niyo po si Senyorito!” Agad akong napakilos. Hinila ko si Jef at pinigilan. Galit niya akong nilingon, “bitiw ka Andrea!” Ang utos nito sa akin. Napaawang ang mga labi ko nang makitang duguan din ang bibig nito. “Jef, tama na! Wala siyang ginawang masama! Tinulungan niya lang ako!” Ang malakas kong pigil sa kaniya pero hindi siya nagpapigil. Niwaksi niya ako at mas nanggigil na harapin ang lalaking sa sandaling iyon ay kabunuan niya pa rin. Sinipa siya ng lalakeng nakahiga pa rin sa lupa. Pinagkaguluhan na rin sila ng mga tao sa paligid. “Tulungan niyo po kami, awatin niyo po sila.” Ang pakiusap ko sa mga naroon pero walang nagtangkang umawat. s**t. Nasaan ba sila Xander. Oh, damn. No! Mas lalong hindi makakatulong kapag nakita nila ang kumusyon, pagtutulungan lang nilang bugbugin ang lalaking ito. Parehong matangkad at malaki ang katawan nilang dalawa. Pero sa palagay koy mas matangkad ang lalaking Akie ang pangalan nang tawagin ni Rowena. Mas matangkad ito at malaki rin ang katawan kumpara kay Jef. Kaya naman nakaya nitong bigwasan si Jef at masipa palayo sa ibabaw niya. Sumadsad si Jef. Then, tumayo si Jef at muling sumugod pero doon ko na iniharang ang katawan ko. Niyakap ko si Jef. “Jef tama na! Please, tama na!” Naiiyak kong pigil. Pumagitna rin si Rowena. “Senyorito, aksidente lang po ang nangyari, wala pong ginawang masama ang kaibigan namin. Pasensya naman po kung—“ “Bakit ka humihingi ng pasensya Rowena e, wala naman akong ginawang masama. Itong gagung to pa nga ang nanuntok sa akin—“ “Ano kaba shut up ka nga okay!” Diin na pigil ni Rowena sa lalaking kasama niya. Pinangdidilatan niya rin ito ng mga mata para tumigil at huwag nang magsalita. “Pasensya na po talaga kayo senyorito, aksidente lang po talaga ang nangyari.” “Ikaw! Kilalanin mo ang binabangga mo ha!” Ang duro at maangas na ani Jef. Hindi nito pinansin si Rowena at nasa lalaking si Akie ang focus ng galit na galit nitong mga mata. “Wala siyang kasalanan, natapilok ako at sinalo lang niya ako!” Malakas at mabilis kong paliwanag nang tila susugod na naman ito. Nanlilisik pa rin ang tingin ni Jef sa lalake. Basag ang labi ni Jef, ganun rin naman ang lalake pero I think, mas malala ang pagkakawasak ng kay Jeffrey. Maangas siyang dumura, dinuro niyang muli ang lalakeng kasama nila Rowena. Ngumisi si Jef. “Tatandaan ko yang pagmumukha mo,” puno ng babalang anito. Bago pa kami masundan nila Byran, Xander at Ricky, hinila ko na agad si Jef at nilayo roon. “Please, Jef. Tama na wala talaga siyang kasalanan,” ang pigil ko sa tila pagtanaw pa niya kila Rowena. “Tauhan niyo yung babae sa hacienda niyo di ba? Magkru-krus pa ang landas namin—“ “Jef ano ba?! Sinabi ko nang wala siyang kasalanan!” “Hindi mo ba nakikita ang ginawa niya sa mukha ko?!” Ang balik na sigaw nitong tanong sa akin. Natural lang naman na gumanti yung tao dahil una siyang nanuntok. “Sinuntok mo siya, natural lang na gumanti siya di ba? Ikaw ang nauna-“ galit niyang sinamsam ang isang braso ko at hinawakan ng mahigpit. Mabangis niya akong tiningnan. Nanlilisik ang mga mata niya. Tinitigan niya ako. “Wala pang gumawa sa akin nito! At alam mong hinding hindi ko ito palalampasin!” Ang masama niyang banta. Hindi niya matanggap na nasuntok rin siya, nasanay kasi siyang walang pumapalag sa mga pananakot at panggagagu niya. Ngayong nakatikim ito ng sundok sa taong hindi siya kilala parang natapakan ang iniingatan nitong imahe bilang kinakatakutan ng lahat. A/N: unedited pa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD