CHAP-2 (Ang muling Pagkikita)

2027 Words
ANDREA Dahil sa nangyari nang gabing iyon, napagsabihan at kinagalitan ako ni Daddy. Gumatong pa ang aking madrasta kaya pinagbawalan akong lumabas ng hacienda. I was grounded. “Hindi ka makakaalis hanggat hindi namin sinasabi,” ang matalim na matang sabi ng madrasta ko sa akin. Ako ang sinisisi. Dapat daw hindi ko hinayaang makaalis yung lalake. Bakit ko naman gagawin yun e, alam kong mas lalala lamang at mapapahamak siya. Sigurado akong bagong salta ang lalaking yun sa lugar na ito, nakakaawa kung hahayaan kong magulpi siya ng grupo ni Jef e, wala naman talaga itong kasalanan. Dapat daw tinawagan ko agad sila Ricky, Bryan at Xander para napagtulungan nila ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung bakit sila ganito mag-isip. Ang gusto lang nila makaganti at makapanakit. “Naagrabyado si Jef, nakita mo naman yung nangyari sa mukha niya di ba? At ngayon pinagtatanggol mo pa yong lalake na yun-“ “Dahil wala naman po siyang kasalanan Daddy. Bibili po sana ako ng maiinom nang matisod ako’t hindi sinasadyang bumagsak ako dun sa lalake. Buti nga at nasalo niya pa ako. Sinuntok siya agad ni Jef nang hindi man lang nagtatanong kung anong nangyari natural lang naman po siguro na gumanti yung lalake para ipagtanggol ang sarili niya. It was self defence—“ “I can’t believe this! Tonta ka! Hindi ka nag-iisip!” Agad na bulyaw sa akin ng madrasta ko. Napakislot ako sa lakas ng boses niya. Umurong ang dila ko. Nanalim na rin ang mga mata ni Daddy sa akin. Bakit ba madali na lang siyang maimpluwensyahan ng madrasta ko ngayon? “Yung lalaking sinasabi mo ay isa sa mga hampas lupang maari nating tapalan ng pera malumpo man siya ni Jef. Pero si Jeffrey ha? Kung siya ang napuruhan?” Sarkastikong tanong niya. “Napakaimportante niyang tao. Paano kung may nangyaring masama sa kaniya? Ano na lamang ang sasabihin ni Juancho?” Ang patuloy na paninirmon nito. Wala na ba silang pakialam sa kung sino ba talaga ang totoong naagrabyado? Porket si Jef ba ang mas nagkaroon ng pinsala sa mukha ay siya na ang nadihado? “Hindi naman po siguro makitid ang pag-iisip ni Tito Juancho para—“ “Andrea!” Napapikit ako at nakislot muli sa dagundong ng boses ni Daddy. Napakagat ako sa ibabang labi. Nakita ko sa sulok ng mata ko si Rowena. Kita ko ang takot at tila kinakabahan niyang mukha. Dito siya sa hacienda nagtratrabaho sa ngayon upang pansamantalang pumalit sa kaniyang ina na kasalukuyang may sakit. Nilapag niya ang dalang tray sa center table. Tiningnan niya ako, nanatili siya sa kinatatayuan. Nag aalala akong baka umamin siya bigla. Hindi lang siya ang mapapahamak, pati ang lalaking iyon na sinasabi niyang kaibigan niya. Pasimple ko siyang inilingan, sana makuha niya ang ibig kong sabihin. “Namukhaan mo ba kung sino yung lalakeng iyon? Kilala mo ba siya-“ “Hindi ko po siya kilala. Pero sigurado po akong hindi siya taga rito, yun ko pa lamang po kasi siya nakita. Baka taga ibang bayan po,” ang agad kong sagot. Gusto kong mapapikit. Sana man lang ay hindi na mabanggit pa ni Jef ang pagkaka-ugnay ni Rowena sa lalaking iyon. Dahil kung mabanggit niya, baka pati si Rowena ay madamay. “Ano pang tinatayo mo diyan? Alis! Imbes na tumunganga ka kumilos ka at maraming naghihintay ngayon na gawain sa kusina!” Ang taboy ng aking madrasta kay Rowena. Malamlam ang mga mata ko siyang tiningnan, taranta siyang napabalik sa kusina para tulungan roon sila aling Petra. AT DAHIL grounded nga ako, ay wala akong ginawa maghapon kun ‘di ang mag-aral. Though, bakasyon pa naman at sa susunod na buwan pa ulit ang simula ng pasukan. Nakaramdam ako ng pagkainip kaya pinahanda ko ang kabayo sa isang tauhan namin sa hacienda. Sakay ng kabayo ay lumibot ako sa hacienda, naligo ako sa tagong talon na sakop ng hacienda namin. Yun ang madalas kong ginagawa kapag gusto kong mapag-isa at makapag-relax. Halos isang oras din akong nagbabad sa talon. Noong bata pa ako, madalas kaming mag picnic rito nila mommy. Kung may pinapasalamat man ako ay ginawang sagrado ni Daddy ang lugar na ito. This area is forbidden for everyone except me and for my little brother na kasalukuyan ngayong wala sa hacienda namin. Nasa puder siya ngayon ng tita namin na kasalukuyang nakatira sa America. Kung ako ang tatanungin, ay gusto ko rin makawala na sa lugar na ito at sumunod na lamang sa kapatid ko. Pero binalaan ako ni Daddy, kung aalis din ako at susunod sa kapatid ko, ay pareho niya raw kaming kakaladkarin pabalik at ikukulong sa haciendang ito. Naisip ko rin, hindi ko kayang talikuran ang alaala rito ng mommy ko at tuluyang ipaubaya at angkinin ng bagong asawa ni Daddy. Alam ko kasi, mas magiging masaya ang madrasta ko at mga anak nito kapag tuluyan kaming nawala ng kapatid ko sa haciendang ito. So, imbes na sumunod sa kapatid ko ay mas pinili kong manatili na lamang. Mas mabuti na yung ako na lang ang mag-sakripisyo at hayaang mabuhay ang kapatid ko ng normal. Madalas kaming magkabalitaan, naging working student siya sa abroad pero sa bawat kuwento niya, ramdam kong masayang masaya siya sa buhay niya. So, masaya na rin ako. Pagkatapos kong maglunoy sa talon ay dumaan ako sa manggahan. Anihan ngayon at karamihang trabahador ay abala ngayon sa pag-aani. Ang iba ay nag-aani rin ng pinya, saging at pakwan. Ngunit sa kabilang bahagi naman iyon ng hacienda namin. So, abalang abala talaga ang lahat ng tauhan namin at trabahador sa hacienda. Pamilya namin ang halos nagmamay-ari ng mga lupain dito sa San Vecente. Isang bayan na nasasakupan ng Antique Province. Halos hanap buhay rito ng mga tao ay pagsasaka at pangingisda. Mahigit kalahati naman ng populasyon rito ay sa hacienda yata namin nagtratrabaho. Agad akong sinalubong ni Mang Pilo nang mamataan akong paparating. Napatingin ako sa mga lalaking pasan pasan ang bawat kaing ng na-harvest na mangga. Natigilan ako saglit nang mapansin ko ang napakatangkad na lalaking iyon. Ibang iba ang itsura niya sa mga pangkaraniwan. Agaw pansin siya, dahil bukod sa nangingibabaw ang tangkad niya ay nangingibabaw rin ang kaniyang magandang itsura. Nakakupas na maong itong pantalon. Naka t-shirt ng light blue na halatang lumang luma na dahil sa nipis nito. Medyo hapit pa yun sa katawan niya. Napalunok ako, halatang pawisan siya. Dumidikit ang manipis na t-shirt sa maskuladong katawan niya dahil basa ng pawis. Abalang abala sila sa pagkakarga ng kaing kaing na mangga sa isang malaking truck. Napatingin siya sa dereksyon namin. Natigilan siya. Parang hindi rin niya inaasahan na makikita ako. Ramdam ko ang biglang pag bilis ng t***k ng puso ko nang magtama ang mga mata namin. Ano bang meron sa lalaking ito. Kagabi pa siya laman ng isip ko, ngayon naman muli nitong ginagawang abnormal ang t***k ng puso ko. Sandaling naghinang ang mga paningin namin. Parang nakakawala ng wisyo ang makipagtitigan sa kaniya. Nakakalunod ang mga mata niya. Tinapik siya ng isa niyang kasama at binulungan. Pansin ko ang simpling pagturo gamit ang nguso ng tauhan naming si Joseph sa dalawang tauhan ni Daddy na nasa gilid lang din at nagbabantay ng mga tauhan sa pag-aani. Tiningnan niya akong muli pero agad na ring kumilos para magpatuloy sa trabaho. “Magandang araw po sa inyo Senyorita, napadaan po kayo?” doon ay naagaw naman ang pansin ko. Tipid ang ngiti ko kay mang Pilo. Napansin kaya niya ang naging tinginan namin ng bagong tauhan? Sana ay hindi. “Magandang araw rin po mang Pilo. Gusto ko po sanang kumuha ng ilang hinog at bagong pitas na mangga,” ang medyo kimi kong sabi. “Sige po. Saglit lamang po at ipagpipili ko po kayo ng mga malalaki at matatamis na bunga,” ang magiliw nitong sabi. Napangiti ako. Buti at nakakangiti ito ngayon kapag kausap ako, kapag nariyan kasi ang madrasta ko at ang dati, pormal na pormal sa pakikipag usap sa akin si Mang Pilo. Matagal nang nagtratrabaho sa amin si Mang Pilo. Buhay pa si Mommy ay tauhan na namin ito rito sa manggahan. Malapit siya sa pamilya namin noon. Sa katunayan ay lagi ako sa bahay nila noon at nakikipaglaro sa mga anak niya. Pero simula ng mamatay si Mommy at maging bago naming ina ng kapatid ko ang aming madrasta ay nag-iba na ang lahat. May patakaran na kaming dapat sundin ngayon.. At kabilang na roon ang iwasang mapalapit sa aming mga tauhan. May katapat na parusa ang bawat pag suway. At nasaksihan ko kung paano parusahan ni Daddy ang kapatid ko sa bawat pagkakamali. Kahit naman ako ay nakaranas na rin kaya ngunit mas malupit ang natanggap ng kapatid kong ang tanging gusto ay mamuhay ng normal tulad noong mga bata pa kami. Habang nakatayo ay pasimple kong sinulyapan ang lalakeng sa pagkakatanda ko ay Akie ang pangalan. So, bagong tauhan siya rito sa hacienda?Nakaramdam ako bigla ng pangamba. Hindi malayo kasing muling magkrus ang landas nila ni Jef. Baka mapahamak siya. Kailangan ko siyang mabalaan, pero paano? Nasa isang tabi lamang ang dalawang personal na tauhan ni daddy. Paano ko siya lalapitan? Hindi ko pa nga siya nakakausap tungkol sa nangyari kagabi. Kung dapat ba akong magpasalamat sa ginawa niyang pag salo sa akin. Kailangan ko rin ihingi dapat ng paumahin ang ginawa ni Jef pero papaano ko iyon gagawin? Nahuli ko ang pagsulayap niya sa akin, kita ko ang bahagya niyang pag ngisi. Napaiwas ako ng tingin. Lumapit ang isa sa mga personal na tauhan ni Daddy. “Senyorita, kakatawag lamang po mg daddy niyo, pinapauwi na po kayo.” Blanko ang ekpresyon na anito. “Uuwi na rin ako, hinihintay ko lamang ang mga manggang hinog na hinihingi ko kay Mang Pilo,” ang simpling sagot ko. Tumango lamang ito. “Kayo diyan! Bilis bilisan niyo ang kilos! Dapat matapos na natin ito bago magtakip silim!” Ang mando nito sa dalawang tauhan na napahinto para uminom ng tubig. Umalis at iniwan na ako ng tauhan ni Daddy. Nakita ko ang muling panakaw na sulyap sa akin ni Akie. Medyo kinakabahan ako sa mga ngisi niya. Tumingin na lamang ako sa ibang dereksyon at pilit na iniwas ang mga mata sa kaniya. Napaangat lamang ang paningin ko nang marinig ko ang pamilyar na baritono niya. “Ang matamis na mangga niyo Senyorita, pinapaabot ni Mang Pilo.” Ang baritonong anito. Napaawang ang mga labi ko. Titig na titig siya sa mukha ko, napalunok ako dahil agaw pansin sa akin ang mapupulang labi niya. Ganun ba talaga iyon? Natural lang ba yon sa isang lalaking tulad niya? Mapupula ang maninipis niyang mga labi na binabagayan ng perpektong tangos ng ilong niya. Though, kita ko ang sariwang sugat doon na alam kong nakuha niya sa pakikipagsuntukan kay Jef. Napatitig ako sa mga mata niya, sobrang attractive din ang mga iyon— ay hindi! Attractive talaga ang kabuuan ng mukha niya— “Baka sa matunaw nyan ako sa titig mo, magandang Senyorita,” may halong biro ang tono niya. Napakurap kurap ako. Parang may humalukay sa tiyan ko nang malapitang makita ang pagngisi niyang tila bagay na bagay sa kaniya. Tumikhim ako. “Hoy ano yan!” Ang malakas na sita agad ng tauhan ni Daddy. Naglakad ito palapit sa amin. Pinakita at tinaas agad ng lalake ang plastik na may lamang ilang hinog na mangga. “Pinaaabot lang ni Mang Pilo,” ang anito. Kinuha ko na iyon sa kaniya, bago pa makalapit ang tauhan ni Dad. Medyo napaawang ang mga labi ko nang sadyain niyang hawakan ang mga kamay ko pagkaabot niya sa plastik na iyon. May nilagay siya sa palad ko, napalunok ako. Agad ko iyong binulsa. “Umuwi na po kayo Senyorita baka mapagalitan kayo ni Don Andres.” Ang anito. Tumango ako. “Ikaw balik sa trabaho,” ang baling na mando niya kay Akie. Nakita ko pa ang muling pagngisi niya nang talikuran ako’t bumalik sa ginagawa. Agad na rin akong napakilos at sumakay sa kabayo. Damang dama ko pa ang malakas na pagtibok ng puso ko hanggang makabalik ako ng hacienda. AN: unedited
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD