PROLOGUE (Dark Romance story)

2051 Words
THIRD POV Kahit ilang beses na niyang sinubukang kalmahin ang sarili, ganun pa rin kalakas ang kabog sa dibdib niya. Namamawis at nanlalamig ang mga palad niya. Medyo nanginginig din siya sa nerbyos at kaba habang nagtitimpla ng kape para sa kaniyang amo at sa hindi inaasahang bisita nito na ngayon ay kausap nito sa loob ng kaniyang opisina. What is he doing in here? Hindi niya napaghandaan ang sandaling ito. Ni sa hinagap nga ay hindi niya inaakalang mangyayari pa ang pagkakataon na ito sa kanila. Ang muling pagku-krus ng landas nila ng lalake’ng nag-iisa niyang minahal noon. Mula nang lisanin nito ang San Vecente kasama ang ina ay wala na siyang balita pa rito. Hindi na rin sila nagkita pang muli. Napahinga siya nang malalim, what she have to do now is to ignore him. Yun na lang ang tanging magagawa niya. Pasasaan ba’t hindi rin magtatagal ay aalis na rin ito at hindi na ulit sila magkikita. Babalik na ulit ang lahat sa dati. Alam rin ni Andrea na labis siyang kinamumuhian nito dahil sa ginawa niyang pagtalikod noon sa lalakeng ito. Pero matagal na iyon, siguradong may asawa na naman ito ngayon. He should also moved on from the past, right? Dala ang dalawang tasa ng kape ay pumasok siya sa loob ng opisina ni Sir Klient. Tumikhim siya, napatigil ang dalawa sa pag-uusap. Maybe it was a confidential. Lumapit siya sa mesa “kape niyo Sir,” ang mahina niyang sambit. Kay Klient lamang niya pinukos ang atensyon. Maingat niyang nilapag ang isang tasa sa harap ng amo at ganun rin sa bisita nito. Dama niyang nakasunod at nakatitig ang mga mata nito sa kaniya pero pinilit niyang binaliwala. Iniwasan na lamang niyang magtama ang mga paningin nila ng bisitang simula pa lamang nang mabunggaran siya sa harap ng pintuan kanina ay madilim na madilim na ang mukha sa kaniya. Damang dama ni Andrea sa kaniyang balat ang matalim nitong titig. Dinampot nito ang tasa. Hindi niya napigilan mapasulyap sa kamay nito. Napadako ang mga mata niya sa suot nitong wedding ring. Tama siya, He’s already married. Humigop ito ng kape sa tasa. He smirked loudly, parang sinadyang iparinig talaga ang ngisi nitong may bahid ng pang uuyam. Muli ay natapunan niya ng tingin si Akrim, napalunok siya nang makitang pailalim rin siyang tiningnan nito. Agad niya itong iniwasan. “N-Nasa labas lang ako kung may ipag-uutos pa kayo—“ “Mumurahin.” Ang agad na saad nitong kinatugil niya. Para siyang itinulos sa kinatatayuan. Sa kapeng nasa tasa na ito nakatingin ngunit damang dama ni Andrea na may pinagtutungkulan ang salitang iyon ni Akrim. “Hindi ako bumibili ng mumurahin Akrim, ang kapeng iniinom mo ngayon ay isa sa pinakamahal na kape sa buong mundo—“ “Hindi kape ang tinutukoy ko Fuentaville.” Ang agad niyang putol at muli tumingin ito ng matalim sa dalaga. Napalunok naman siya at umiwas na lamang ng tingin. Mas tumindi ang nerbyoos niya. Sasabihin ba nito sa boss niya ang naging ugnayan nila? Matagal na panahon na iyon, binaon na niya sa limot ang lahat. Dapat ganun rin siya. Nagsisi na siya at pinagdusahan na niya lahat ng pagkakamaling nagawa niya noon. “Actually, masasabi kong pagdating sa kape ay mataas nga ang taste mo. And I hope you also maintain that kind of taste when it comes to choosing people you can trust especially if it has to do with your office,” hindi manhid si Andrea para hindi mahimigan ang pangungutya na naman sa boses ni Akrim habang pailalim na naman siya nitong pinaraanan ng tingin. “Maraming taong mapagsamantala at sa panahon ngayon mahirap bumasa ng tunay na motibo ng isang tao, may mga iba akala mo tunay pero tratraydurin ka rin pala sa huli.” May pait ang sambit nito sa huling mga salita. Malakas na tumikhim si Klient, napasandal ito sa swivel chair. Kahit na wala siyang ideya kung bakit nasasabi iyon ni Akrim ngayon ay hindi naman siya bulag para hindi mapansin kung paano nito tingnan ang sekretarya niyang si Andrea. Akrim is very dangerous, kilala siya bilang walang kinakatakutan. Nakatanggap si Klient ng maraming pagbabanta mula rito at ang hindi nito inaasahan ay ang pagpunta nito ng personal sa kaniyang opisina. “Mapili ako sa mga taong tatapak sa bakuran ko, at sinisiguro kong lahat ng tao ko rito ay mapagkakatiwalaan, Ramirez.” Ang deritso at may tapang nitong sagot habang nakikipagtagisan ng tiim na titig kay Akrim. Lalong dinadagsa ng nerbyos ang dibdib ni Andrea at ramdam iyon ng kaniyang amo na ngayon ay aware na aware sa biglaan niyang pagkataranta. Kapag kuway binalingan siya nito. “Andrea, puwede ka nang umuwi. Ilang minuto na rin naman ay oras na ng uwian.” Ang magaan na sabi ng kaniyang boss. “S-Sigurado po ba kayo Sir? Baka po may ipag-uutos pa po kayo-“ “Wala na. Isa pa, pupunta ka pa ng ospital ngayon hindi ba?” ang tanong ng amo niya sa kaniya. “A-Ah.. e, opo Sir.” Ang taranta niyang sagot. Bigla siyang nag-alaala na baka maibulaslas ng hindi sinasadya ng kaniyang amo ang malaking bahagi ng kaniyang nakaraan na pinakatago tago niya hanggang sa sandaling iyon. Kaya naman nang tila ipagtabuyan na siya nito pauwi ay hindi na siya tumanggi pa. “Then, you may go Andrea. Kaya ko na ang mga naiwang trabaho rito and I’ll see you on Monday.” Ang pagdi-dismissed nito sa kaniya. Nagpaalam na siya at hindi man niya gusto ay kailangan din niyang bigyang galang ang panauhin nila kaya pati rito ay simple siyang nagpaalam. “Maiiwan ko na po kayo,” ang mahinang aniya nang hindi ito tinitingnan sa mga mata saka na siya lumabas. Sa kaniyang mesa ay agad siyang nag-ayos ng mga gamit niya. Halos magkumahog na siya para lamang makaalis agad sa opisina. Paglabas ng Royalty Empire building ay pumara agad siya nang taxi kahit pa nga ang nakasanayan niya ay mag commute araw-araw dahil nasasayangan siya sa pamasahe. Tipid na tipid si Andrea lalo na ngayon na mas nagmamahal ang mga bilihin. Though, malaki rin naman ang sinasahod niya sa kompanyang pinagtratrabahoan ay marami pa rin siyang isinaalang-alang na bayarin. Tulad na lamang ng bayad niya sa apartment buwan buwan, tubig at kuryente. Pasuweldo kay Aling Nora na siyang tanging pinagkakatiwalaan niya sa pag-aasikaso kay Angel. Pinagkakagastusan rin niya ang buwanang check-up ni Angel at mga gamot, vitamins nito. Maituturing na niyang suwerte ang pagkakapasok niya bilang sekretarya ng isa sa mga kilalang personalidad sa bansa. Kahit pa nga may pagkabugnutin at pagka estrikto ang boss niya sa lahat ng bagay ay nagawa ni Andrea na ma-maintain ang magandang record nito sa kompanya. Hindi siya tapos ng kolehiyo ngunit ganun pa man laking pasasalamat niya at binigyan pa rin siya ni Klient ng pagkakataon para makapagtrabaho sa kompanya nito. At dahil doon ay mas naging masigasig si Andrea na pagbutihin ang trabaho. Hindi rin siya basta basta lumiliban kung hindi lang din kailangan na kailangan. Sinisiguro niyang pulido niyang nagagawa ang bawat binibigay na trabaho sa kaniya ng Boss. Dinaanan nga niya si Angel sa ospital, naisugod ito ni Aling Nora noong isang araw dahil sa taas ng lagnat nito. Inatake rin ito ng hika kaya pinayo ng doktor na manatili muna ito ng ospital. At gustuhin man ni Andrea na manatili sa tabi ni Angel ay kailangan nitong pumasok sa trabaho. Ayaw niyang makahanap ng dahilan ang kanilang boss or ang kahit na sino para matanggal siya sa kaniyang trabaho. Ang totoo niyan, madalas niyang marinig na laging papalit palit ang boss niya ng sekretarya at tanging siya pa nga lang ang nag-iisang tumagal dito. Kahit na bugnutin at mukhang suplado ang boss niya ay masyado talaga itong lapitin ng mga babae at nuknukan rin ito ng pagka babaero. Madalas nga ay napagkakamalan siyang isa sa mga babae nito kahit pa nga medyo bata ito sa kaniya. Kahit sa trabaho ay napanghihinalaan din siya noon na isa siya sa mga babae rin ng kaniyang boss. Hindi na lamang niya pinapansin ang mga tsismis na naririnig at mas nagfo-focus siya na mas pagbutihan pa ang kaniyang trabaho. And finally, ito lamang ay napatunayan naman ng lahat na wala talagang namamagitan sa kanila ni Sir Klient dahil ito ay madly in love talaga sa isang babae’ng inaayawan naman siya. Napansin ng buong kompanya ang pagbabago ng kanilang boss mula ng pansamantalang magtrabaho roon ang kapatid ng asawa ni Vince Villamar, isa sa mga kaibigan ng kaniyang amo. And after that, napansin ni Andrea na parang umiiwas na ang amo niyang ma-involve pa sa kahit na sinong babae. And there, alam niya na natamaan talaga ni kupido ang puso ng kaniyang boss. PAGDATING niya sa ospital ay binalita kaagad sa kaniya ni Aling Nora na mabuti na ang lagay ni Angel. Kinumpirma naman iyon ng doktor at sinabing maari na nila itong iuwi kinabukasan. Napatitig siya sa maamo at inosenting mukha ni Angel. Hinaplos niya ang buhok nito at masuyong hinalikan ito sa noo. Kapag kuway, muling sumagi sa isipan ni Andrea ang nangyaring pagkikita nilang muli ni Akrim. Nakaramdam siya ng takot at pangamba. Sa tagal ng panahon ay muli siyang nakakita ng taong magpapaalala sa nakaraan niya. Ang nakaraan na tinatakasan niya magpahanggang ngayon. Siguro naman ay hindi na muli pang magkru-krus ang kanilang landas. Baka nagkataon lamang na may transaksyon ito sa kompanya ng kaniyang Boss. LUNES, pinakiramdaman niya ang kaniyang boss, nakailang tangka siya pero umuurong ang dila niya. Humanap siya ng pagkakataon. Papasyaw at magaan niyang pinasadahan ng tanong ang amo niyang kanina pa salubong ang kilay habang tutok na tutok ang mga mata sa screen ng laptop nito. “Sir, yung bisita niyo noong nakaraang araw sino po siya?” Nanantsa niyang tanong. Mas sumama ang tabas ng mukha ng boss niya. Mukha yatang hindi maganda ang naging pag-uusap ng dalawa nang iwan niya ang mga ito. “Bakit ka interesado?” ang balik tanong nito sa kaniya. Para siyang biglang napipilan. Sasabihin ba niya? Sa huli, nakapagdesisyon siyang tumahimik na lamang. “Natanong ko lang Sir, ngayon ko lang po kasi siya nakita,” ang natitigilan niyang sagot. Sinulyapan siya nito. “Hindi kaba talaga naliligaw sa social media?” Umiling siya. Wala siyang panahon at isa pa natatakot rin siya na baka sa pamamagitan ng social media ay matunton siya ng mga taong gusto na niyang ibaon sa limot kaya iniwasan niya talaga ang mga iyon. Pati ang panonood ng tv ay madalang na madalang din. Nilapag niya ang kape nito, agad naman dinampot iyon ng kaniyang boss at humigop. Nakita niya agad ang pag lukot ng mukha nito. “May nilagay ka ba dito? Ang pangit ng lasa,” masama ang timpla niyang puna. Gustong mapanguso ni Andrea, ganyan na ganyan naman lagi ang timpla niya sa kape nito. Wala naman siyang binago simula ng magtrabaho siya rito. Ngayon madalas na niyang punahin na masama ang lasa ng timpla niya sa kape nito na labis niyang pinagtataka. “Sir, ganyan na ganyan pa rin po ang timpla ko sa kape niyo, walang pinagbago. Yan pa rin yung kape na pinupuri niyo noon pero ngayon parang nag-iba bigla ang panlasa niyo,” ang medyo biro niyang sabi. Nagpaalam na siya rito. Patalikod na siya nang magsalita muli ang boss niya. “The guy from friday,” bigla ay sabi nito, so she paused. “He’s Akrim Ramirez.” Bigla ay sabi nito. Natigilan siya. Akrim Ramirez? Akrim De Lapaz ang alam niyang pangalan nito. Paano naging Ramirez ang apilyedo niya? “He’s the half brother of Eloida, the eldest and illegitimate son of Ebraham Ramirez.” Ang dugtong at bigay niya ng impormasyon na medyo kinagulat ni Andrea. Of course, kilala niya ang napakayaman at politiko na si Ebraham Ramirez pati ang international model na anak nitong dating naging nobya ni Sir Klient pero hindi niya akalain na may anak pala ito sa labas. “Akrim is dangerous. Kung nababalitaan mo ang reputasyon niya bilang governor ng Antigue, you’ll understand why I said that.” Napalunok siya. Bago sa pandinig niya ang mga katagang iyon patungkol sa dating lalake’ng ang pagkakakilala niya ay napakabait at mapagmahal na anak at nobyo. Anong nangyari kay Akrim? A/N: ♥️♥️♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD