ANDREA
Pagdating ko sa hacienda mansion ay agad kong namataan ang sasakyan ng mga Benites.
Nagkalat rin ang mga body guards nila sa paligid, napalunok ako at medyo kinabahan. Sana naman ay mali ako ng naiisip at hinala.
Hindi kaya ang sadya nila ay si Rowena dahil sa nangyari kagabi? s**t.
Mas sumasal pa ang kaba sa dibdib ko. Damn it.
Dali dali akong pumasok, natigilan ako nang madatnan si Jef at Jacky. Nakayakap ang huli sa isang braso ni Jef. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag-ismid ni Jacky nang makita ako.
Pasimple namang binaklas ni Jef ang kamay ni Jacky mula sa pagkakayakap at sinalubong ako.
“Saan ka galing?” he immediately asked. I silently composed myself. I smiled a little.
Ginaya ko ang ginawa kanina ni Akie. Tinaas ko ang plastik kong dala na may lamang hinog na mga mangga.
“ Usual, nag libot- libot ako sa buong hacienda at kumuha na rin nito,” ang pinakaswal kong sagot.
“I-Ikaw, bakit naparito kayo ni Tito Juancho?” hindi ko pinahalata ang pag-aalala ko at kaba.
Ngumisi siya. Hinaplos ng mga daliri niya ang basag na labi at ang panga na nagkulay ube pa dahil sa pasang inabot kagabi.
“Nadatnan ko na si Dadddy dito, they will maybe talking about this coming election or about the business. Alam mo naman ang dalawang ‘yun,” ang anitong haplos pa rin ang panga.
Di ba parang napakaaga pa upang pag-usapan ang susunod na election? May isang taon pa naman sila. “I-Ikaw?” alanganin kong tanong sa kaniya.
“A-Anong sadya natin?” pinilit kong lakipan ng pagkagiliw ang boses ko kahit pa nga never akong nakaramdam ng ganun sa bawat punta nito rito sa amin.
Nasulyapan ko pa ang pag-irap ni Jacky at walang sabing pag martsa nitong lakad papuntang hagdanan.
Gustong mapatirik ng mga mata ko, dahil sa kinilos niya. But well, sanay na ako.
Lagi siyang ganyan, sa totoo lang hindi naman kami naging malapit sa kanilang magkapatid kahit na kailan. Wala lang akong choice kun ‘di pakisamahan sila dahil ako yung naiwan dito.
Pero ang kapatid ko ay hantaran niyang hinahayag kay daddy na ayaw nito ang bago niyang pamilya. Yun din ang isang dahilan kaya mas pinili ng kapatid ko ang lisanin hindi lamang ang hacienda kun ‘di ang bansa.
At isa pa kaya ganyan ang pakikitungo ni Jacky sa akin dahil alama na alam ko naman kasi na matagal na siyang may gusto kay Jef.
Hindi ko lang alam kung napapansin ba yun ni Jef or sadyang nagpapakamanhid lamang ito dahil wala siyang interes kay Jacky.
Bagkus ay sa akin ito laging nakabuntot.
Sa akin naka-focus ang atensyon niya bagay na ayaw ko pero wala naman akong lakas para salungatin ang kagustuhan ng daddy ko. Isa sa mga utos na dapat kong sundin ay ang pakitunguhang maigi si Jef.
“Sinadya ko rin si Tito, gusto ko siyang kausapin tungkol sa nangyari kagabi. Gusto kong hanapin ang lalakeng yun—“
“Come on, Jef. Interesado ka pa bang mahanap ang lalakeng yun?” Kunway bugnot kong sabi.
Pero ibang iba naman ang naghahari sa dibdib ko. Pinaghalong takot at kaba ang bigla kong naramdaman nang mga sandaling iyon.
Sinasabi ko na nga ba, hindi talaga matatahimik ang kaluluwa nito hanggat hindi niya nahahanap at nagagantihan si Akie.
“Hindi ko papayagan na ganun na lamang ako maagrabyado, Andrea. Na ganun na lamang kung takasan ng lalaking iyon ang ginawa niya sa akin. Alam mong wala pang nakagawa nito sa akin o, kahit magtangka lamang!” ang malakas na boses na niyang sabi.
Nangangalit ang ugat niya sa leeg dahil sa galit, mabagsik na rin ang ekpresyon ng mukha niya.
Mas tumitindi ang kabang nararamdaman ko dahil sa nakikita kong puot sa mga mata niya.
“At masuwerte ang lalaking iyon dahil siya pa lamang ang namumukod tanging nagkalakas loob para gawin yun sa akin. And it is my privilege and pleasure na ako mismo ang magdadala sa kaniya sa impyerno!” Parang bigla ako ng kinilabutan sa tinuran niya.
Ang ngisi niya ngayon ay para bang taong tila punong puno ng kademonyohan.
Kilala ko siya at nasaksihan ko ang kalupitan niya sa mga taong ang turing niya ay kaaway.
Muntikan na nga itong makapatay noon dahil sa pagbubugbog niya sa lalaking hindi naman sinasadya ang pagkakabangga sa kaniyang sasakyan. Kung wala lamang mga tao at hindi siya inawat ng mga tauhan ng ama nito ay baka nga natuluyan na niya ang kawawang dyip driver.
Pinarinig ko sa kaniya ang malakas na buntong hininga ko.
“For me naman kasi, hindi mo na dapat pinag-aaksayahan ng panahon iyon lalo na’t nailigtas naman niya ako sa pagkakasubsob sa lupa. Wala siyang kasalanan. I feel bad na nagkasakitan pa kayo pero natural na reaksyon lamang ang ginagawa ng lalaking yun dahil hindi ka niya kilala. Just leave it Jef hindi worth it ang pag-aaksaya mo ng oras sa pagahahanap sa lalaking yun,” nilambingan ko ang boses saka kumapit sa braso niya. Humilig pa ako sa balikat niya.
Nakita ko ang pagkabigla sa kaniyang mga mata dahil sa aking kinilos. Never ko pa talagang ginawa ito sa kaniya at ito pa lamang ang unang beses.
Maski nga magdidikit dito ay hindi ko ginagawa. Ayaw na ayaw ko kahit ang mahawakan ako.
Kung maaari lamang umalma
sa mga pasimpleng hawak nito sa akin ay ginawa ko na.
Pero wala naman akong choice. Pinapayagan lamang ako nila daddy na lumabas kapag siya ang kasama ko.
“Just think about me Jef, imbes na sayangin mo ang panahon sa taong iyon bakit hindi mo na lang ako ipagpaalam kay Daddy para makalabas tayo for dinner,” mas nilambingan ko pa ang boses at kinindatan siya. Tinamisan ko rin ang ngiti ko sa kaniya.
Nakita ko ang matinding pagkasurpresa sa mukha niya. Tila hindi siya makapaniwala sa kinilos ko.
But then, bigla niya akong hinapit sa baywang padikit sa katawan niya. Nahigit ko ang paghinga ko sa pagkabigla.
Halos masuka ako sa sarili kong ginawang pagkapit kanina sa kaniya pero mas gusto kong masuka ngayon ng tuluyan dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. Damn it!
I hate how close are faces to each other. Pigil ko ang paghinga. Pigil ko ang hindi mapangiwi.
Pigil ko ang sarili huwag mapaduwal sa mukha niya.
Marahan kong hinarang ang palad ko sa dibdib ni Jef para magkaroon ng espasyo sa pagitan naming dalawa.
Hindi ko masalubong ang mga mata niyang tila biglang nag-apoy sa pagnanasa.
Gusto ko siyang itulak palayo sa akin pero nangangamba akong baka ma-offend siya kapag ginawa ko ‘yun.
“Y-You’re asking me for a date?” parang hindi siya makapaniwala. Ako naman ang natigilan dahil sa tanong niya.
Date? Me, asking him?
Shit! Damn s**t. I realised now what I did.
Parang ganun na nga ang mangyayari ngayon di ba?
Ako ang nagyaya then, parang date na yun sa kaniya? Pinili kong huwag umimik.
Kapag sinabi kong hindi baka mas ika-offend niya at magalit pa siya.
Pero at the same time parang nandidiri akong isipin na siya ang magiging first date ko.
Never in my wildest dream na makasama siya sa mga ganoong event. Tapos ako pa yung magyaya?
Pero kung hindi gagawin ito, diverting his attention into me, baka nga i-pursue niya ang paghahanap kay Akie at sakyan niya talaga ito.
At least kung magpapanggap ako at pakikitunguhan ko siya ng tulad nito, maging sweet sa kaniya na kahit kailan ay hindi ko ginagawa ay maari ko siyang mapasunod sa ano mang hilingin ko.
“Tell me you’re asking me for a date?” nangungusap ang mga mata niya, tila nasasabik sa magiging sagot ko.
Wala na akong mapagpipilian, tumango ako ng marahan, umaliwalas ang mukha niya.
Nabigla ako nang bigla na lamang niya akong yakapin. Humiwalay siya, hawak niya akong sa magkabila kong balikat.
“Na-realised mo na rin ba? Na tayo rin talaga ang itinakda Andrea?” Ang masayang masaya niyang tanong. Hindi ako makapagsalita.
Pilit na ngiti lang ang tangi kong nagiging sagot at reaksyon sa mga sinasabi niya.
“Kapag nalaman ni Tito ito, matutuwa yun! Siguradong matutuwa sila ni Daddy!” Ang masaya niyang sabi. Parang nawala ako sa sarili, naglakbay ang isip ko kung paano ko pa siya maiiwasan.
Paglabas nga nila daddy sa study room kung saan sila nag-usap ni Tito Juancho ay agad na pinaalam ako ni Jef upang magdinner sa labas.
Siyempre, nagulat ang daddy ko nang malaman nitong ako pa ang nagyaya kay Jef.
Dati kasi pinipilit pa nila akong sumama kay Jef sa mga party na gusto nitong daluhan na kasama ako.
Matsaga siyang naghintay sa baba, aligaga naman ako at gulong gulo sa kakaisip kung paano ko malulusutan ang dinner date na ito pero sa huli tinanggap ko na lamang.
Wala na akong lusot. Magiging gulo lang kapag umatras pa ako. Kaya sa huli ay lulugo lugo akong bumaba ng hagdan suot ang simpleng bestida para sumama sa kaniya.
PARANG wish fulfilled ang nangyari. Sa nakalipas na araw na nagkita kami pagkatapos ng dinner date na iyon kung ituring niya ay hindi na niya nabanggit pa ang tungkol sa pag ganti kay Akie.
Like it was an instant, nakalimutan niya bigla ang tungkol dun. Inaraw-araw na rin niya ang yaya sa akin para lumabas.
Pinagbigyan ko siya sa dalawang magkakasunod na araw. Kung baga nilunod ko muna siya sa galak.
Iparamdam sa kaniya na gusto ko rin naman ang lumabas kasama niya. Okay naman si Jef.
Nakikinig nga siya sa akin sa tuwing pagsasabihan ko siya. May isang beses lamang na may ginawa siyang hindi ko nagustuhan yun ay nang tangkain niyang halikan ako.
Kabang kaba st nakaramdam ako ng takot noon. Akala ko ipagpipilitan niya ang gusto niya.
Hindi talaga si Jef ang nakikita kong lalake na siyang pag-aalayan ko ng una kong halik.
“Hindi pa ako handa sa mga ganyan Jef, ang bata pa natin. Isa pa magnobyo lang ang gumagawa ng mga bagay na yan—“
“Di maging magnobyo na tayo para magawa na natin. Ikaw lang naman e, ayaw mo pa akong sagutin.” Pinigilan ko ang inis ko. Noong mga sandaling iyon kasi ay nasa loob kami ng kotse sa may parking lot.
Kung hindi ako maiingat at magalit siya baka mas lalo kong ikapahamak.
“Hindi pa ako handa sa bagay na yan di ba? Napakabata ko pa Jef—“
“You’re already eighteen, Andrea! Isa pa, nagkasundo na naman ang mga magulang natin na magpapakasal din tayo in the future!” Magpapakasal ako pero siguradong hindi saiyo.
Tinangka niya muling ilapit ang mukha niya pero iniwas ko ang mukha ko.
“Hindi pupuwede Jef. I promised to my mom and to myself na hindi pa ako papasok sa ganiyan hanggat hindi ko natutupad ang pangarap ni Mommy para sa akin, at alam mong yun ay ang makapagtapos.”
“Halik lang naman Andrea, anong mawawala saiyo?” What the heck. Oo, para saiyo halik lang, wala lang yun. Pero para sa akin ay napaka importante para sa akin ang bagay na iyon na siyang gusto kong ialay sa lalaking mamahalin ko, at hindi ikaw yun Jef.
“At kahit pa nga lumampas tayo sa halik ay okay lang din dahil magpapakasal rin naman tayo pagdating ng panahon.” Para akong masusuka sa mga naririnig kong lumalabas sa bibig niya. There’s no fvcking way na magpapakasal ako sa kaniya.
Muli siyang sumubok, “Jef, alam mong hindi na ako magiging okay pa kapag pinagpilitan mo ang gusto mo.” Ang babala kong kinatigil niya.
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang hampasin niya ng malakas ang manibela.
Sobrang kabog ng dibdib ko, nasulyapan ko ang matalim niyang mga mata.
Tumunog ang phone niya, nakita ko ang pag popped up ng pangalan ni Ricky sa screen.
Akala ko ay babaliwalain niya ang tawag ni Ricky pero sinagot niya iyon.
Nag usap sila, “okay, we’re coming.” Yun lang ang dinig ko. We’re coming? Gusto ko nang umuwi ayaw ko nang pumunta pa kahit saan.
Na-drained na ang lakas ko sa pagpapanggap para lamang mapakisamahan siya ng maayos.
Ngayon ay gusto ko na lamang magpahinga.
Sinulyapan niya ako, “they are all at Xander’s place. Hinihintay nila tayo—“
“Masakit ang ulo ko at pagod na ako Jef. Gusto ko nang umuwi, ikaw na lang ang pumunta roon, puwede ba?” agad ngunit maayos ko namang tutol. Umigting ang panga niya.
Kita ko rin ang mahigpit na hawak niya sa manibela. Lumalabas ang ugat ng kamao niya.
Nag-aalala lang naman ako e.
Siguradong inuman ang madadatnan namin doon.
May mga bisyo rin ang grupo na siyang iniiwasan kong masaksihan. Ilang beses na nila akong hinimok at niyayang subukan pero hindi ako sira ulo para pumayag sa gusto nila.
The group are also exposed in illegal drugs like cocaine and m*******a.
The girls are rampantly using party drugs.
Iniisip ko marami ang maaring mangyari kapag sumama ako.
Nagtalo kami at alam kong nasaling ko ang ego niya dahil tinanggihan ko siya.
Kung sasama ako sa kaniya mas lalong manganganib ako, malalasing siya at alam kong mas mahirap siyang pigilan kapag nakainom siya.
Kaya never talaga akong sasama pa ngayon sa kaniya. “Alam mong mapapalayo pa ako kung ihahatid pa kita sa inyo bago ako sumunod kila Ricky—“
“I could take a taxi,” ang agad na sabi ko.
Pero masama niya akong tiningnan. “Ganyan mo ba talaga kagustong takasan ang makasama ako?” ang akusa niya. Saglit akong natigilan, napalunok ako.
“Pagod na kasi talaga ako Jef. Isa pa dalawang araw na tayong magkasama naman di ba-“
“Baba.” Napaawang ang mga labi ko. Tama ba ang narinig ko?
“Bumaba ka Andrea.” Madiin niyang utos.
Hindi agad ako nakahuma, pinuproseso ko pa
kung tama ang narinig ko.
“Gusto mo nang umuwi di ba? Sige, umuwi ka!” Ngising demonyo niya. Minsan, naiisip kong nawawala na lamang ito sa sarili kapag sinasapian ng galit.
Napapikit ako nang muli niyang hampasin ang manibela.
Agad kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at bumaba ako. Gumilid ako. Deritso lang ang masamang tingin niya sa kalsada. Binuksan niya ang makina ng sasakyan at pinaharurot ito paalis.
Naiwan akong medyo tulala pa. Wala akong dala kun ‘di cellphone lang. Wala akong pera.
Naglakad ako palabas ng parking lot at pumunta sa kalsada. Nagpalinga linga ako kung may taxi na nagdaraan pero wala talaga.
Medyo malalim na rin ang gabi, nakaramdam ako ng matinding takot. Paano niya naatim na iwan ako rito?
Nasa kabilang bayan pa ako. Tinawagan ko ang driver namin pero hindi niya sinasagot.
Naglakad lakad pa ako hanggang sa matanaw ko ang bukas na fast food resto. Masakit na ang mga paa ko.
Huminto ako sa harap ng fast food resto na iyon at muli akong sumubok na tawagan ang driver namin pero hindi niya talaga sinasagot.
“Senyorita Andrea?” agad akong napalingon sa pamilyar na boses na iyon,
si Rowena.. kasama nito si Akie.
A/N: Unedited