ANDREA
Nang tanungin ni Rowena sa akin kung anong nangyari, hindi ko sinabi ang totoo. Nasa tabi lang si Akie, matamang nakatitig sa akin.
Ayaw kong magkuwento sa totoong nangyari kanina then, sa harapan pa ni Akie.
Ewan ko kung bakit tutol ang isip kong malaman nito na nakipag-dinner date ako kay Jef. Baka isipin pa niya may relasyon kami.
Kahit pa nga hindi ko naman sigurado kung may pakialam siya sa akin. Kung naririnig lamang niya ang laman ng isip ko, baka sabihin pa nga niyang, ano naman ngayon kung nagdate kayo, pakialam ko? Hindi kami personal na magkakilala kaya siguradong wala siyang paki talaga sa akin.
Pero itong dibdib ko, hindi talaga maatim na ipaalam pa ang mga bagay na iyon sa kanila— I mean, sa kaniya.
Ayaw kong malaman rin niya na pinagtangkaan akong halikan ni Jef. Umayaw ako kaya nainis ito sa akin at nagkaroon kami ng argumento.
Na mas lalo itong nainis at napikon sa akin nang yayain akong pumunta sa condo ni Xander dahil naroon silang lahat pero tumanggi rin ako at mas pinili kong umuwi na lang. Nakakahiyang ikuwento pa iyon.
“May pinuntahan akong kaibigan malapit lang dito pero nang magpapasundo na ako sa driver namin hindi naman sinasagot ang tawag ko. Nakalimutan kong magdala ng pera at maski taxi wala akong makita,” ang pagdadahilan ko.
Matiim pa rin akong tinitigan ni Akie, nag iwas ako ng tingin. Kinakabahan ako, ganito siguro kapag alam mo sa sarili mong hindi ka nagsasabi ng totoo.
“Pero hindi ka dapat nagpapa-abot ng ganitong oras sa labas lalo na kung mag-isa ka lang,” ang seryosong anito. Nasurpresa ako sa tono niya.
Nakita kong salubong din ang mga kilay niya. Galit ba ito dahil ngayon ay makakasabay ako sa kanila?
He tsked. “Pagala gala pa kasi, paano kung may mga loko-lokong nakakita saiyo at hindi kami..” parang inis niyang bulong. Napalunok ako.
Though, hindi ako nagsalita, napayuko na lang ako ng bahagya.
“Buti na lang pala at nakita ka namin Senyorita. Balak ko pa naman sana kanina e, bukas na lang ng maagang maaga ibibyahe ang mga huling isda nila Kuya. Mabuti na lang at kinulit ako nitong si Akie na ihatid na iyon kaninang magtatakip silim. At mabuti na lang po dumaan kami diyan sa fast food kun ‘di hindi ka namin makikita.” Ang mahabang turan ni Rowena. Tipid akong napangiti.
“Kaya nga nakahinga ako ng maluwag e, nagpapasalamat ako at nariyan kayo. N-nakita niyo ako,” ang nahihiya kong sabi.
Niyakag na nila ako sa nakaparadang traysikel sa may gilid lamang ng fast food na iyon. Nagulat ako nang hubarin nito ang suot na kupasing maong na jacket at iabot sa akin.
Napatingin lamang ako dun, alanganin kong tanggapin. “Lalamigin ka, traysikel to at hindi kotse tulad lagi mong gamit. “ kumirot ng bahagya ang puso ko. Parang sinadya niyang diinan yung huling anim na salitang sinabi niya.
“Medyo mahaba ang biyahe natin, lalamigin ka.” Ang seryoso pa rin na anito saka pinasadahan ang suot ko.
“Ang nipis nipis pa ng suot mo,” he murmured. He sounded like annoyed.
“Tanggapin mo na Senyorita, lalamigin ka talaga mamaya lalo na’t medyo mabilis magpatakbo nitong si Akie,” ang ani Rowena.
Pilit ang ngiti ko, “paano ka? Baka ikaw naman ang lamigin?” ang alaganin kong turan.
“Kaya ko. Hindi naman ako lamigin,” ang kaswal na saad nito. Pilit ang ngiti kong tinanggap ang jacket niya at sinuot iyon.
Pasimple kong inamoy ang kuwelyo ng jacket niya. Napanguso ako. Lihim akong kinilig.
Ang bango. Parang amoy ng natural na mabangong sabon niyang gamit pang ligo.
Ngayon pa lamang ako nakasakay ng traysikel. At tama nga sila kung wala akong jacket ay siguradong lalamigin ako ngayon.
Mabilis ang takbo, malakas ang tama ng malamig na hangin sa mukha ko. At kung hindi ko suot ang jacket nito, malamang na talagang lalamigin ako.
Pero nakokonsensya naman ako habang iniisip naman ang kalagayan niya habang nagmamahino. Hindi kaya siya naman ang nilalamig? Nakaramdam ako ng awa.
Sa bukana ng hacienda lamang ako nagpahatid sa kanila. “Dito na lang ako, lalakarin ko na lang mula hanggang gate namin,” agad nagsalubong ang mga kilay niya.
Mula sa gate kasi ay malayo layo pa talaga ang lalakarin bago marating ang mansion namin.
Gusto sanang tumutol ni Akie at nais pa nitong ihatid ako hanggang sa mismong harapan ng hacienda mansion namin pero agad akong tumutol.
I was about to take his jacket off of me pero agad siyang tumutol.
“Saka mo na lang ibalik, malayo layo rin ang lalakarin mo, malamig na ang simoy ng hangin. Isa pa, sigurado kabang maglalakad ka sa daan ng mag-isa—“
“Magpapahatid ako sa guwardya,” ang agad kong putol sa kaniya. Parang may kung anong humahalukay sa tiyan ko sa nakikita kong tila pag-aalala niya.
Ibig sabihin, kaya siya naiinis kanina kasi may pakialam siya. Nag-aalala talaga siya.
Gusto kong mapakagat sa ibabang labi ko, hindi ko alam pero may kung anong galak ang nararamdaman ng puso ko.
Ito ba yung sinasabi nilang kilig? Damn. Ramdam na ramdam ko ang maya’t mayang pagsipa ng puso ko sa loob ng dibdib ko.
“Sabihan mo kami kung nakarating ka ng ligtas,” ang mahinang bilin pa niyang lihim na kinangiti ko. Tumango lamang ako ng marahan.
I’ll maybe text Rowena later kapag nasa kuwarto na ako.
Hindi sila umalis hanggang sa makapasok ako sa loob. Nang maisara ng guard ang mataas at malapad na gate ng hacienda ay saka ko naman narinig ang ingay ng pagbuhay ni Akie sa makina ng traysikel.
Hinatid nga ako ng isa sa mga guwardya hanggang sa harap ng mansion namin. Tahimik na ang buong paligid. Pagkaakyat ko sa aking silid ay agad kong in-text si Rowena.
Pinaalam ko rito na nakarating ako ng ligtas at nagpasalamat akong muli sa kanila sa paghahatid sa akin.
“Pakisabi rin kay Akie, maraming salamat.”
Ang lagay ko sa huli kong mensahi. Napakagat pa ako sa ibabang labi nang i-send ko iyon kay Rowena.
Nang tumunog ang cellphone ko, agad kong binasa ang text back niya. “Nakauwi na po si Akie pero ipaparating ko sa kaniya, Senyorita,” ang simpling sagot niya.
KINABUKASAN sa may hapag kainan ay paninita ang agad na naging almusal ko.
“Sinabi sa akin ni Jeffrey na hindi ka sumama sa kaniya at mas pinili mong umuwi, nasisiraan ka na ba ng bait ha, Andrea?” ang pasermon na ani Daddy.
Nakaramdam ako ng inis. Ako na yung pinabayaan ng gagung yun tapos ako pa ngayon ang tila lumalabas na may kasalanan.
“Hindi niyo po ba tatanungin Daddy kung anong ginawa sa akin ni Jeffrey kagabi? Pinababa niya ako ng sasakyan at iniwanan sa daan—“
“Yun ang napala mo sa katigasan ng ulo
mo! Kahit naman siguro kung ako yun, talagang paglalakarin kita ng madala ka!” Ang singit na tuya ng madrasta ko.
“Kung hindi ka ba naman tatanga tanga, imbes na sumama ka sa kaniya nag-inarte ka
na naman! Pinili mong saktan damdamin ni Jef kaya tama lang ang ginawa niyang pang-iiwan saiyo!” Hindi na ako nasaktan nang marinig iyon mula sa madrasta ko
Pero hindi ko naiwasang mangilidan ng luha tila pananahimik ni Daddy. Sa bawat pagmamaltrato ng madrasta ko emosyonal man or pisikal ay nanatiling tahimik si Dad.
At yun ang mga nakakasakit sa akin, hindi na ako nagsalita pa para ipagtanggol ang sarili ko.
Sa kanila naman ay ako na ang mali agad. Pigil ang emosyon kong pinagpatuloy ang pagkain.
Gusto ko na sanang tumayo, pero kilalang kilala ko na ang bawat patakaran sa mansion na ito.
Kapag nasa harap ng hapag ay hindi ka basta basta makakatayo hanggang wala silang pahintulot. Para akong manikang may baterya.
Halos hindi ko malunok ang pagkain ko, nakangisi sa akin si Jacky. Parang tuwang tuwa sa nasasaksisang pangangastigo naman ni Daddy at ng ina nito.
Si Ricky ay wala sa hapag, siguradong may tama pa iyon sa mga oras na ito kaya hindi nakasalo. Pero kay Daddy at sa madrasta ko ay siguradong okay lang. Sa akin lang talaga ang lahat mali. Ako lang talaga ang maraming bawal.
“Ang sabi ng kuwardya may naghatid saiyo sino naman iyon?” pagkuway ani Daddy.
Natigilan ako saglit, parang biglang nataranta ang dibdib ko. Masisinungaling ba ako or masasabi ng totoo?
Hindi ko alam kung nakita ng mga kuwardya kung sino talaga ang mga naghatid sa akin. I mean, hindi ako sure kung nakita ba nila sila Rowena or hindi.
“Akong tinutunganga mo riyan? Tinatanong ka ng daddy mo!” Ang malakas at tila pikon agad na untag sa akin ng madrasta ko.
“I-Isang traysikel driver po ang nagmalasakit sa akin at hinatid po ako,” ang kinakabahan kong sagot. Naging maingay ang kalansing ng kubyertos ng madrasta ko.
Ngumisi siya, may halong panunuya niya akong tiningnan saka bilanginan ang daddy.
“Pagsabihan mo itong anak mo ha, desiplenahin mo. Dahil kung nagkataon at napahamak iyan, magiging kahiya-hiya tayo sa pamilya Benites!” padamog nitong binitawan ang kubyertos na gamit. Pati ang pagtayo nito sa hapag ay naglikha rin ng malakas na ingay.
Napapikit pa ako sa pagkagulat, kabang kaba ako. Si Jacky ay tila mas naaliw sa takot na nakikita sa akin.
Nanatiling tahimik si Daddy sa ginawa ng aking madrasta, mas sa akin ipinukos ang matalim na mga mata niya.
“Hindi na mauulit ang ginawa mo kagabi Andrea—“
“Ilang beses kong tinawagan ang driver natin pero hindi naman niya sinasagot,” nanginginig ang mga labi kong subok na pangangatuweran at hindi na napigilan pa ang pag iyak.
“Pero kung sumama ka na sana kay Jef ay hindi mo na kailangan pang—“
“Masama nga po ang pakiramdam ko kagabi dad. Alam ko pong aabutin ng magdamagan ang inuman nila kaya mas pinili ko po talagang umuwi,” ang pilit na paliwanag ko sa pagitan ng tangis ko. Baka sakaling kahit paano ay maawa sa akin si Daddy.
Matagal na sandaling hindi siya nagsalita, hindi ko siya tiningnan dahil lalo lamang akong maiiyak.
“Hindi naman kami inabot doon ng magdamag no! Anong magdamag ang pinagsasabi mo? E, Ala tres pa lang umuwi na kami ni Ricky,” ang irap sa akin ni Jacky. Alas tres pa lang? Gosh.
Ni lang pa niya ang ganoong ka-des oras ng gabing pag-uwi. Madaling araw na yun no!
“Sige na, umalis ka na sa harapan ko. You’re still grounded Andrea. Hindi ka lalabas ng hacienda!” Ang madiing ani Daddy.
Agad akong tumayo. Mabilis kong pinunasan ang mga luhang nag uunahang pumatak mula sa mga mata ko saka may pagmamadaling tinungo ang hagdan.
Papasok na ako sa silid ko nang marinig ko ang boses ni Jacky.
“Mabuti nga at hindi ka sumama kagabi.
Panira ka lang ng moment dun. Mag-iinarte ka na naman para maagaw ang buong atensyon ni Jef,“ masama ang tingin niyang akusa sa akin.
Masyadong masakit pa sa dibdib ko ang ginawang pangangastigo sa akin sa hapag kanina kaya imbes na patulan ito ay hindi ko na lamang siya pinansin at agad sinara ang pintuan ng aking silid.
“Tontang babae! Balang araw aayawan ka rin ni Jef at mapupunta siya sa akin! Hindi ka karapat dapat sa kaniya!” Dinig ko pang malakas na sigaw niya bago ko mailapat ang pinto mula sa pagkakasara.
Madiin kong naipikit ang mga mata pagkatapos. Hindi ko mapigilan ang pagkawala ng mga hikbi ko sa sama ng loob.
Wala naman akong interes kay Jef. At kung maaari ko lang ilipat ang pansin nito kay Jacky ay ginawa ko na.
Mas gusto ko nga na malipat ang pansin nito sa ibang babae. Noon pa lang, ay naririnig ko na ang madalas na pag-uusap ni Daddy at Tito Juancho tungkol sa amin ni Jef.
Gusto raw akong pakasalan ni Jef upang maging asawa pagdating ng panahon. Kinilabutan ako. Though, hindi ko naman iyon masyadong sineryoso.
Noon una ay pinagwawalang bahala ko iyon, pero habang tumatagal ay mas nakikita ko at mas nararamdaman ang pagka-obsesses ni Jef sa akin. At dun ay nag-umpisa akong mabalot ng takot at matinding pangamba.
A/N: Unedited pa.