ANDREA
Nakapikit akong hinintay ang mga labi niyang lumapat sa mga labi ko. Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.
Siya ang magiging una kong halik kung sakasakali. And I know, it maybe feels weird to the others.
Kahit sa akin din naman e. Imagine, kailan lang kami nagkakilala pero heto at binibigay ko na ng buong puso ang isang bagay na hindi ko kayang ibigay kay Jef? Anong nangyayari sa akin? Para akong nagayuma.
At ang mas nakakawendang, ay hindi ko man lang makapa sa dibdib ko ang pag-aalinlangan na sa kaniya ko ibigay ang unang halik ko at marahil ay hindi ko na makakaya pang ibigay pa iyon sa iba.
Nagugulahan ako, ni hindi ko maramdaman ang pagiging stranger niya sa akin. Para pa ngang matagal na kaming magkakilala pero ngayon lamang kami dumating sa buhay ng isat isa. He’s like a soulmate to me.
Naghintay ako sa halik niya. Nakakahiya kung iisipin dahil bahagya pa akong napanguso. s**t. Pero nang sandaling iyon ay blanko talaga ang isip ko. Mas sinusunod ko ang bawat dikta ng katawan kong tila may sariling pag-iisip.
Pero halip na sa labi, ay naramdaman ko ang mainit na mga labi niya sa aking noo kaya marahan akong napamulat ng mga mata.
Nagtatanong ang mga mata ko siyang tinitigan, bakit hindi niya tinuloy? Ewan ko pero nakaramdam ako ng panghihinayang.
At sa huli, ay bigla rin akong nahiya sa sariling naisip. Ako yata yung mas atat at mas sabik na mahalikan niya. This is not really my normal self.
Pero hindi ko itatanggi sa sarili kong attracted talaga ako sa kaniya, sa tanang buhay ko siya pa lang ang lalake’ng nakilala ko na ganito kaguwapo. Sobra! Ibang iba ang dating niya.
Parang wala na yatang tatalo pa sa kakisigan niya. Ang personalidad niyang napakalakas ng dating.
Ibang iba ang awra niya sa mga katulad ni Jef at sa kahit sino mang kaibigan nito. Wala sila sa kalingkingan ni Akie.
Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi niya. Hinaplos niya ang balikat ko at doon bahagya akong nagising sa pagkatulala.
Then, masuyo niyang pinagdikit ang mga noo namin. Bahagya siyang hinihingal. Napapikit siya. Hinaplos muli ng thumb niya ang labi ko.
“Alam mo ba kung gaano kahirap ‘tong ginagawa ko ngayon? Sobrang hirap magpigil Senyorita,” ang tila nahahapo niyang anas sa akin. Dama ko ang init ng kaniyang hininga na dumadampi sa mukha ko.
Mas nagliyab yata ang pakiramdam ko. Kahit na kailan hindi ko pa naransang maging malapit sa isang lalake— as in, ganito kalapit!
Hindi ako makapagsalita, parang spell sa akin ang bawat binibitawan niyang kataga at nawawala ako sa sarili. Nabablanko ang isip ko.
Titig na titig siya sa buong mukha ko. “Napakaganda mo, wala kang katulad..” Bakas na bakas ang matinding paghanga sa mga mata niya. I was flattered. I was speechless.
At sa sobrang lapit ng mukha namin parang binubulong na lang niya ang bawat niyang sabihin.
Then, wala sa sariling nakagat ko ang ibabang labi dahil sa sinabi niya. He hissed.
“Please, don’t bite your lips mas lalo lang akong naaakit na halikan ka,” ang medyo frustrated niyang sabi kaya napabitaw ang ngipin ko sa labi ko.
“Kapag hinalikan kita at gumanti ka, ibig sabihin nun ay akin ka na. Hindi na kita pakakawalan kahit gustuhin mo pa,” seryoso na niyang sabi. Napalunok ako.
“Kapag namarkahan ko ang katawan mo, wala ni sino man ang maaaring umangkin pa saiyo bukod sa akin, akin ka lang.” Ang patuloy nitong turan. Medyo napabuka ang labi ko sa tila mapag angkin niyang hayag.
Mas tumiim ang naging titig niya sa akin at may diin ang sambit niya sa bawat salita.
“Pero hindi ko kayang samantalahin ang pagkakataong ito na parang nasa stage of shock ka pa, Love. Baka biglang matauhan ka mamaya at pagsisihan mo pa ang magiging halikan natin,” and there, he chuckled. Naging soft na naman ang ekpresyon ng mukha niya.
Mas lalong napaawang ang mga labi ko, pakiramdam ko ay biglang naglagablab sa init ang mukha ko. Palakas nang palakas ang pagserko ng puso ko sa tila lambing ng boses niya.
At ang endearment na ginamit niya sa akin ay may kakaibang hatid na sarap at kiliti sa kaibuturan ko. Parang isang musika na kay sarap pakinggan kahit paulit ulit. Ngayon ko lang naramdaman at naranasan ito. Hindi ko maitatanggi na sa isang saglit ay nalulunod agad ako sa kakaibang karanasan. Bagong bago sa pakiramdam.
“Ayaw ko rin na isipin mong mapagsamantala akong tao lalo na’t ang sabi ni Rowena, napakalungkot mo sa araw na ito,” sa parting iyon naging malamlam at mapang arok ang mga mata niya sa akin. Naramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko at masuyong pumisil. Hindi ako pumiksi. Gusto ko ang bawat dantay ng palad niya sa balat ko.
“Kaya bibigyan kita ng pagkakataong mahimasmasan muna. Pero sa susunod Love, hindi ko maipapangako kung makakapagpigil pa ako. Baka hindi ko na kayang rendahan ang sarili ko at hindi lang halik ang kunin ko sa ‘yo,” ang pausahan niyang anas habang magkalapat pa rin ang mga noo at ilong namin.
Mas hinapit niya ako sa katawan niya. He murmured a curse. Dumikit ang dibdib ko sa dibdib niya. “You’re a goddess,” walang kurap niyang sambit.
Imbes na takpan pa ang mga dibdib ko tulad ng ginawa ko kanina ay hindi ko na naisipan pang gawin iyon. I was totally lost.
Nahayaan kong mahantad iyon sa kaniyang paningin. Tinitigan niya ang mga iyon. Nakita ko ang pag alon ng lalamunan niya. I felt his body tensed.
“Fvck. Para kang anghel pero napakadali mo akong demonyohin,” ang napapikit na saad nito. Kapag kuway mas hinapit pa niya ako sa katawan niya sa paraang halos maging isa na kami.
Kumapit ako sa leeg niya at mas nilapat pa ang dibdib ko sa kaniya. I pressed my breast to his chest. Nagliyab ang mga mata niya sa tindi ng pagnanasa. Hindi ko rin alam kung bakit ko yun ginawa.
Siguro dahil nilulukob na rin talaga ako ng init. Patunay ay ang pagtigas ng magbilang u***g ko at yun yata ang nakapag trigger ng pagtitimpi niya.
“Damn feels so fvcking good,” hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa ginagawa niya sa akin. Naging mapagbigay lamang ang katawan ko. Naging marupok ako sa kaniya.
Mas lalong nablanko ang isip ko. Dahil sa pagkakadikit namin ng husto. Kahit nakalubog ang katawan namin sa tubig, at kahit mainit init ito sa balat ay mas nangingibabaw pa rin ang init na sumisingaw sa katawan namin.
Though, I really like our skin contacts ever since before. Kahit nang una pa lamang naming encounter ay parang ibang iba na talaga ang pakiramdam ko nang maramdaman ang balat niya sa balat ko. It wasn’t just a body contacts but I felt like he also touched my soul.
Mula sa malayo ay may naulanigan ako, ewan ko kung narinig rin ba niya iyon. Medyo nahimasmasan ako. Pinakinggan ko pang mabuti ang tila boses na iyon pero wala na akong narinig pa. Guni guni ko kaya?
So, nang mga sandaling iyon, hindi ako makapagdesisyon. Itutulak ko na ba siya or hahayaan ko na lang din talaga dahil nagugustuhan ko ang pakiramdam na nararamdaman ko ang masilan na bahaging iyon ng katawan niya sa balat ko.
Kiniskis niya sa balat ko ang matigas na iyon na nasa ibaba ng pusod ko. Paulit-ulit niyang ginawa. Every rub, he groaned laudly.
Ako naman ay unti unti na ring nalalasing sa ginagawa namin.
Para bang sinasadya niyang iparamdam sa akin ang tinutukoy niyang pagpipigil.
At wala sa sariling napasinghap ako nang mas maramdaman ko na ang matigas na iyon sa halos pinakagitna ng katawan ko. Patuloy ang ungol niya.
“Stop me Love, maaangkin kita rito,” lasing na lasing na niyang sambit. Mapupungay na ang mga mata. Alam kong gahibla na lang ang natitira sa pisi niya at mapipigtas na.
Tumingkayad ako para ako na sana ang kusang humalik sa kaniya ngunit sa di matukoy na dereksyon ay narinig ko ang pagtawag sa aking pangalan.
“Senyorita Andrea?! Nasaan po kayo? Naririnig niyo po ba ako?!”
“Senyorita?! Nasaan po kayo?!” Agad kong naitulak ni Akie palayo sa akin.
Boses iyon ni Aling Rosita at Aling Soling. Bakit sila narito? Bakit sila napasugod? Naalarma akong bigla.
“Bilis, alis ka na! Baka makita ka nila!” Ang taranta at agad kong taboy sa kaniya.
“Gusto mo akong halikan kanina, di ba? Halikan mo na muna ako mahal ko, hindi nila tayo makikita malayo pa sila,” ang lambing na ungot niya. Parang may mga alitaptap na nagsiliparan sa loob ng tiyan ko dahil sa paraan ng pangungusap niya. Pero, pinigilan ko pa rin ang kilig at pinantay ko ang sariling isip. Kapag hindi siya umalis ngayon ay baka maabutan pa siya.
“Ano ka ba, paparating na sila kapag nakita ka nila rito mapapahamak ka,” ang naalarma kong sabi. Pero ni hindi ko makitaan siya ng pangamba.
“E, paano ang halik ko?” Ang hirit pa niyang talaga.
“Sa susunod!” Ang natataranta kong sagot. Pinagtulakan ko na siya paahon. He chuckled.
“Sa susunod. Yes! Tatandaan ko yan, mahal kong Senyorita!” Ang pilyong aniya sabay pisil sa puwet ko. “Akie!” Madiin kong saway. Napaawang ang labi ko sa ginawa niya.
“Aahon na ako, umahon ka na rin dahil hanggat nasa tubig ka mag-aalala ako, baka malunod ka walang magliligtas saiyo, mamatay ang puso ko kapag may nangyaring masama sa mahal kong Senyorita,” ang sigla ng boses niya ay nababahiran ng kapilyuhan. Panay pa ang kindat niya.
Imposible naman mangyari na malulunod ako rito dahil gamay na gamay ko na ang lugar na ito. At hindi naman talaga kalaliman ang tubig.
Umahon na nga siya pero napanganga naman ako nang makita ko ang kabuoan niya. Para akong namamalikmata nang buong kisig siyang naglakad na parang modelo.
Napahaplos ako sa pisngi kong tila sinabuyan na naman ng apoy sa init nang mapatutok ang mga mata ko sa tila malaking sanga ng kahoy na nasa gitna ng mga hita niya.
Tayong tayo ang kaniya at ni hindi man lang niya inabala ang sariling takpan. Napakahaba at napakataba!
“Ano pang hinihintay mo diyan, hindi ako aalis rito hangga’t nakalusong ka pa,” ang tila seryosong aniya. Nahimasmasan ako bigla.
Sira ba siya e, nakahubad ako?!
“Nakakalimutan mo yatang nakahubad ako?” pigil ang boses kong turan sa kaniya.
“E, ano naman? Ako nga hubad rin pero libre mo akong nakitaan,” puno ng kapilyuhan niyang biro. At that point, sinamaan ko siya ng tingin.
Kahit na nakita na niya ang dibdib, ang halos kabuan ko, ay nahihiya pa rin akong tuluyang ihandad sa kaniya ang lahat ng kabuuan ko.
“Senyorita?! Nasaan po kayo? Lahat po ay nag-aalala sa inyo!” ang boses ni Aling Soling na ramdam kong napakalapit na sa kinaroroonan ko.
Sinamaan ko na ng tingin si Akie. Seninyasan ko siyang umalis na. Ngumisi siya sa akin. Ngumuso pa sa akin na parang humalik sa hangin. Saka mabilis nang umalis. Nakahinga ako ng maluwag.
Then, doon pa lamang ako nakaahon. Agad akong nagbihis.
“Senyorita!”
“Narito po ako Aling Soling!” Ang malakas na sagot ko na.
“Okay ka lang ba hija? Nag-alala kaming lahat nang sabihin ng dalawang trabahador na parang narinig nila ang sigaw mo, hindi ka nila mapuntahan dito dahil alam na alam mo naman na pinagbabawal sa amin ang lugar na ito. Pero wala kaming pagpipilian ni Rosita, hindi namin puweding ignorahin ang sinabi ng dalawang trabahador kaya pinuntahan ka na namin rito,” ang mahaba nitong paliwanag.
Nakaramdam ako ng hiya at konsensya, napatili ako kanina nang bigla na lang lumitaw sa harapan ko si Akie.
At malamang na narinig nga iyon ng kung sinong trabahador na mas malapit sa lugar na ito.
“P-Pasensya na po Aling Soling, k-kasi po.. Uhm.. napasigaw po ako, k-kasi akala ko po ay may ahas akong nakita,” ang utal utal kong sabi sa paghahagilap ng dahilan.
Kasunod nun ay tila tukso naman ang palitaw ng ahas ni Akie sa aking isipan. Damn it.
Unang beses ko pa lamang makakita ng kasarian ng lalake. At kung ang lahat ng ari ng lalake ay sing laki ng kay Akie, hindi talaga ako sigurado kung hindi nao-ospital ang bawat matuhog ng nun na tahong.
Nagulat talaga ako sa laki ng ari niya. Parang hindi naman ganun ang inaasahan kong haba at taba ng isang ari.
A/N: Unedited