CHAP-5 (NGITI)

2309 Words
ANDREA Mas pinili kong magkulong sa silid ko buong maghapon. Wala akong ganang lumabas ng mansyon kahit pa nga ang mag-lakad lakad man lang tulad ng lagi kong ginagawa sa tuwing masama ang loob ko. Kapag naaalala ko ang mga nangyari kanina sa hapag ay parang nanariwa lamang ang kirot sa dibdib ko at hindi ko mapigilang tumangis dahil sa sama ng loob. Tinawagan ko ang kapatid ko sa America, hindi niya sinasagot. Mag 10pm pa lang naman doon pero marahil maaga siyang natulog o di kaya’y gumala siya kasama ng mga pinsan namin. Laging ganun daw ang ginagawa nila kapag walang pasok. Laging namamasyal at gumagala. Sana maranasan ko rin iyon, gumala at mamasyal ng malaya. Hindi ko maiwasang mahiling na sana ako rin. Napayakap ako sa sarili. Mas naramdaman ko tuloy ngayon ang pag-iisa. At sa isang saglit ay binalot ng matinding lungkot ang buo kong sistema. Kailan kaya ako muling sasaya, kailan kaya muling babalik ang sigla sa hacienda namin? Babalik pa ba? Parang wala nang pag-asa. Mula ng mamatay ang mommy, kasabay nun ay ang tila pagkatamlay at pagkulimlim ng lahat ng bagay dito sa hacienda. At tila tuluyang nabalot ng kadiliman ang lahat mula ng dumating ang angkan ng aking madrasta. Minsan hindi ko maiwasang hindi mainggit sa kapatid ko, may pagkakataon talaga na gusto ko nang sumunod sa kaniya. Pero paano ang hacienda, ang mommy ko? Isa pa, sa tuwing naiisip kong gulo lamang ang hatid noon sa aming lahat ay naduduwag talaga akong gawin. Binalaan na nila ako, hindi ako puweding umalis sa hacienda. Kakaladkarin nila ako pabalik kasama ng kapatid ko kapag nagtangka akong umalis. Mas mananaisin kong ako na lamang ang magsakripisyo kaysa madamay pa siya. Nakarinig ako ng sunod sunod na katok sa labas ng pintuan. Nagambala ang naglalakbay kong isip. Napatingin ako sa pintuan pero hindi agad ako kumilos. Nakiramdam ako. “Senyorita?” ang magaan na tawag sa akin ni Rowena. Medyo napaawang ang mga labi ko. Ang akala ko kasi hindi na siya makakapagtrabaho ngayong araw dahil babalik na ang kaniyang inang si Aling Rosita. Mabilis akong nagtungo ng pintuan at binuksan iyon. Sa dala niyang tray ng pagkain agad ako napatingin. Then, napalinga ako sa dalawang dulo ng pasilyo. “Umalis sila Seyorita kaya wala kang dapat ipag-alala.” Ang nakangiting anito. Nakahinga ako maluwag. Kapag nagkataon kasi talagang mapapahamak siya. Agad ko siyang pinapasok. Hindi ko na nga inaasahan na dadalhan pa ako ng pagkain ng sino man. Naging patakaran na sa mansyon na kung ayaw mong bumaba para kumain ay hindi ka talaga makakain. Dahil pinagbabawal na nila ang pagdadala ng pagkain sa kuwarto.. I mean, sa akin lang naman nila pinagbabawal. Sa akin lang implemented ang patakarang iyon. Kay Jacky at Ricky ay hindi naman bawal. Para pa ngang lumpo ang mga iyon kung mag-utos sa kahit na sinong kasama namin dito sa hacienda. Makakain lamang ako sa kuwarto ko kapag may sakit talaga ako. Yung tipong nakaratay ako sa kama. “Bakit mo pa ako dinalhan niyan? Baka makarating sa kanila, mapahamak ka pa,” ang may pag-aalala kong sabi. “Hindi ka bumaba kanina para kumain ng tanghalian kaya hito dinalhan kita, isa pa mamayang gabi pa raw sila uuwi kaya huwag ka nang mag-alala Senyorita. Kaya sige na kumain ka na,” ang nangiti niyang sabi. “Salamat sa pag-aalala, Rowena.” Ang matipid kong sabi. Kumakalam na rin ang tiyan ko kaya kumain na rin ako. Niyaya ko siya pero tumanggi siya. Sa halip nakita ko siyang dumukot sa bulsa at nilabas ang cellphone nito. Isang maliit na lumang cellphone na nokia. Nakita kong tila nagta-type siya. Napatikhim ako, naalala ko yung kagabi. Nasabi na ba niya kay Akie ang pinapasabi ko? Nagpasalamat ako pero nakauwi na raw siya bago pa natanggap ni Rowena ang text ko. “R-Rowena,” ang kuha ko sa atensyon niya. “Po, Senyorita? Pasensya na po, isang text na lang po at itatago ko na ang cellphone ko. Binabalitaan ko lang si Kuya Akie,” ang aniyang tiningnan ako pero gumagalaw pa rin sa pagta-type ang daliri niya. Napaawang naman ang mga labi ko, binabalitaan niya si Akie? Tungkol saan? Pagkatapos niyang mag-text ay agad na nga niyang binalik ang cellphone sa bulsa. “Kausap mo si Akie?” ngumiti siya. “Opo, tinatanong lang po ni Kuya Akie kung nakakain ka na, nabanggit ko po kasi na hindi ka bumaba kaninang tanghalian para kumain, nag-alala po siya,” ang mahina niyang sabi. Naramdaman kong muli ang pagbilis ng t***k ng puso ko at ang tila paghalukay ng kung ano sa tiyan ko. “Nasabi mo ba ang pagpapasalamat ko sa kaniya?” Pinakaswal kong tanong. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng saya kahit paano. Yung tipong kanina lang ay parang malo-low bat na ako sa matinding lungkot pero dahil sa narinig kong sinabi ni Rowena ay para bang biglang na-recharge ang buong sistema ko. “Ang sabi ni Kuya Akie, ikaw daw mismo ang magsabi nun sa kaniya huwag daw ako,” nakanguso niyang sabi pero puno ng panunukso. Napalunok ako. Paano ko naman yun sasabihin? Alangan naman puntahan ko siya sa manggahan at lapitan, delikado yun no! Maraming bantay. “Ang sabi ni Kuya Akie, binigay daw niya number niya saiyo pero hindi mo pa siya tini-text,” ang pasegundang ani Rowena. Napaawang muli ang mga labi ko, namilog ng bahagya ang mga mata ko. Binigay niya ang cellphone number niya sa akin? Kailan— Aha! Tama! Ang papel na palihim niyang nilagay sa palad ko. Nilagay ko iyon sa bulsa ng suot kong jacket at dahil nadatnan ko rito sila Jef at Tito Juancho ay nawala na rin sa isip ko ang tungkol roon. Hindi ko pinahalata kay Rowena ang excitement kong kunin agad ang papel sa bulsa ng jacket kong nasuot kahapon. Kanina lang wala akong ganang kumain kahit kumakalam ang simukra ko pero ngayon parang gusto kong kainin lahat ng pagkaing iniakyat ni Rowena para sa akin. Pag alis ni Rowena ay agad kong kinuha ang papel sa bulsa ko. Napakagat ako sa ibabang labi, nagdadalawang isip pa ako kung ite-text ko na siya or bukas na lang. Sa huli, namalayan ko na lang ang sariling nagtitipa sa cellphone ko. Pinasalamatan ko siya sa paghahatid sa akin kagabi kasama ni Rowena. At bago pa ako mahimasmasan ay nag- sent messages na ang screen ng cellphone ko. Naghintay ako ng ilang sandali sa reply niya pero wala akong natanggap na sagot. Baka abala na yun sa pagtratrabaho at magre-reply rin naman kapag nakauwi na. KASABAY ng pagsigla ng pakiramdam ko ay ang pagnanais kong lumabas ng hacienda mansion upang mangabayo. Mangangabayo lang ba talaga ang nagtulak sa akin para lumabas, or gusto ko lang talaga siyang makita? Tulad ng dati ay naglibot libot ako. Nakaramdam ako ng pagkasabik na sumilip sa manggahan. Abalang abala silang lahat sa pagha-harvest. Tinanaw ko sila mula sa distansya. Hinanap ng mga mata ko si Akie at agad ko nga siyang nakita. Hindi niya ako napansin pero nasumpungan ko ang sariling napapangiti habang pinagmamasdan siya mula sa aking kinaroroonan. Seryosong seryoso ang kaniyang mukha habang pasan pasan ang dalawang kaing ng mangga sa magkabila niyang balikat. Basang basa ng pawis ang kaniyang manipis na t-shirt. Ilang sandali rin akong nanatili sa aking kinaroroonan nang magpasya akong bisitahin ang puntod ni Mommy. Nakalibing lamang ang mga labi ng namayapa kong ina sa pinakapusod ng hacienda. Sa lugar kung saan mahigpit na pinagbabawal ang kahit na sinong tauhan upang makapasok. Nag-alay ako sa puntod ng mga napitas kong bulaklak. Saglit kong tinitigan ang lapida kung saan nakaukit ang pangalan ng aking ina. “Sobrang nami-miss ko na po kayo ni Daddy, mommy..” wala sa loob na sambit ko kasabay ng paglabo ng mga mata ko. Pakiramdam ko kasi nang mawala si mommy, kasabay din niyang nawala ang daddy namin. Parang sinama ni Mommy ang daddy namin sa kaniyang libingan. Hindi na kasi naging tulad ng dati si daddy, parang nawalan siya ng buhay nang mawala si Mommy. Nang makilala niya ang madrasta namin lihim akong umasa na babalik siya sa dati at magiging masaya. Ngunit mas nag-iba si Daddy, para bang hindi na siya ang ama namin. Parang hindi na namin siya kilala ng kapatid ko. Parang tuluyan nawala ang kaluluwa ng ama namin sa katauhan niya. Magtatakip silim na nang maisipan kong lisanin ang puntod ni Mommy. Ang sabi ni Rowena, gabi na makakabalik sa hacienda ang aking madrasta at ang aking ama. So, kahit mahuli ako ng uwi ay alam kong okay lang. Kailangan ko lamang makauwi bago sila makabalik. Kailangan ko lang silang unahan. Ang isa sa pinaka espesyal ng haciendang itoo ay ang pagkakaroon nito ng malinaw at malinis na ilog na siyang komukonikta sa dagat. Mayroon itong nakakamangha sa gandang water fall at ‘yun ang pinakapaborito kong spot ng hacienda mula pa pagkabata. Pagdating sa water falls ay agad akong naghubad ng aking mga damit. Wala akong tinira maski kaliit liitan ng aking saplot. Marahan akong lumusong, mainit init ang kagat ng tubig sa aking balat. Napakasarap sa pakiramdam. Medyo maliwanag pa naman pero kampanti akong walang sino mang mangangahas ang magpupunta sa lugar na ito. Sumisid ako sa napakalinaw na tubig. Umahon ako at tumuntong sa napakalaking bato. Mula roon ay nagdive ako sa napakaliwanag na tubig. Mula sa pagkakasisid ko sa ilalim ng tubig ay tila may naaninag ako at naramdaman. Nataranta ako, umahon ako mula sa pagkakasisid at halos mawalan ako ng ulirat nang may bigla na lang bumulagang bulto sa harapan ko. Ang tili ko ay narinig yata sa buong lugar, hinawakan niya ako at parang pinapakalma pero sa takot ko at sa pagkabigla dahil sa unang pagkakataon ay may taong nangahas na pumunta sa lugar na ito. “Seyorita! Ako lang to, si Akie!” Bigla akong napatigil. Napamulat ng aking mga mata. Then, siya nga ang nasa harapan ko. Kumurap kurap ako upang siguraduhin hindi lamang ako namamalik mata. Kita kong awang din ang mga labi niya. “Anong ginagawa mo rito?” Ang lito kong tanong rito. Hindi ba sinabi ng mga tauhan namin lalo na si Mang Pilo na bawal na bawal ang sinumang pumasok sa bahaging ito ng hacienda? Ang pagakaka-alam ko kasi kapag may mga bagong tauhan awtomatikong sinasabihan ang mga ito sa mga patakaran at tungkol sa mga lugar na hindi dapat nila puntahan. “Anong ginagawa mo rito?” Ang muli kong tanong. Pero parang wala siya sa wisyo. Nakita kong tila mulat na mulat ang mga mata niya habang napalunok ng sunod sunod. Then, doon ko lamang napansin kung saan nakatitig ang mga mata niya. Pigil ko na naman ang malakas na tiling napatakip sa aking mga dibdib. Parang nag apoy ang mukha ko. Nakita niya ang kahubaran ng mayayabong na dibdib ko. “Tatakpan mo pa ba e, nakita ko na?” Ngisi niyang sabi. “Bastos!” Ang utas ko sa kaniya. At napatalikod rito upang itago ang mga dibdib ko sa paningin niya. He tsked. “Nakita ko na nga itatago pa,” ang tila angal na bulong nito. “Anong gingawa mo rito? Hindi mo ba alam na pinagbabawalan ang lugar na ito sa inyong mga trabahador—“ “Naliligo ako. Ang init-init kasi kaya napapunta ako rito.” Simple at tila wala lang nitong sagot. “Pero alam mong pinagbabawal rito di ba?” Ang mahina kong tanong. Nakatalikod pa rin ako sa kaniya. Narinig kong muli ang ngisi niya. “Mayroon nga raw napakagandang talon sa bahaging ito ng hacienda na hindi pupuweding puntahan, I got curious. Sabi kasi nila paborito mo itong lugar. E, lahat ng tungkol saiyo interesado akong malaman,” ang walang bara niyang hayag. Hinawakan niya ang balikat ko, parang gusto niya akong pihitin paharap sa kaniya. Medyo napapiksi ako, siyempre wala akong suot na maski ano tapos gusto niya akong humarap sa kaniya. “Ano kaba, hindi mo ba nakikita wala akong saplot maski isa,” ang inis kunwari inis kong sabi. Sa totoo lang ay hindi ako nakakaramdam ng inis sa kaniya. Mas lamang ang kaba ko at ang excitement ko dahil kasama ko siya. Ganito na ba ako ka vulnerable sa buhay ko? Dahil sa lungkot parang madali akong nadadala ng kapusukan? Ngayon lang ako sumaya ng ganito, sa kaniya lang ako nakaramdam ng ganitong klasing pakiramdam. Nang maiharap niya ako sa kaniya ay hindi ako makatingin ng deritso. Masuyong tinaas ng daliri niya ang aking baba, so patingin ako sa kaniya. Titig na titig na naman siya sa aking mukha lalo na sa aking mga labi. Kita ko ang kakaibang kinang sa mga mata niya. Hindi ko mawari kung para saan pero maihahambing iyon sa tila lagablab ng apoy. Wala sa loob na napatitig din ako sa mga labi niya. Ang mga labing iyon na tila nang aakit sa aking mga mata. Hinaplos ng daliri niya ang labi ko. Nang mga sandaling iyon nablanko ang isip ko. Wala na ako sa sariling wisyo. Para akong nalunod sa mga titig niya, ang tanging naririnig ko ay ang sariling t***k ng aking puso. “Ang mga labi ‘to na sa una palang ay gustong gusto ko nang angkinin,” nangungusap ang mga matang usal niya habang haplos haplos pa rin ng hinkalaking daliri ang labi ko. Napalunok ako ng sunod sunod. Sumasal lalo ang kaba sa dibdib ko ng unti-unti siyang lumapit. Hinapit niya ang hubad kong katawan sa katawan niya. Napasinghap ako. Naramdaman ko siya. Unti unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Wala akong naramdaman na pagtutol. Bagkus ay pumikit ako at hinintay ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Naramdaman ko ang mas lalo niyang paghapit sa katawan ko. Damn. May nararamdaman akong matigas na bagay na kumikiskis sa baba ng pusod ko. A/N: Unedited
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD