CHAP-7 (LIHIM)

2230 Words
ANDREA Pag-uwi ko ng hacienda mansion, naroon na sila daddy. Kabadong kabado akong lumapit. Matalim agad ang tingin niya sa akin, ganun din ang madrasta ko. “G-Good evening D-Dad..” nauutal pa ako sa matinding kaba at takot. Naparaanan ng mga mata ko si Jacky at Ricky pawang may nakakaloko ang ngisi. “Ano na naman ba ang ginawa mo?” masamang tingin ni Daddy sa akin. Na para bang nagkagulo ang buong hacienda dahil sa kagagawan ko. Hindi ko sinasadya pero dahil sa nararamdaman kong takot, ay nagamit kong dahilan ang pagdalaw sa puntod ni Mommy. Natataranta na kasi ako sa takot kaya nagawa kong magsinungaling ng kaunti. “D-Dinalaw ko po si Mommy, Dad.” halos ayaw lumabas sa bibig ko. Nag uumpisang manginig ang mga kamay ko dahil sa tingin ni Daddy sa akin. “Nadadamay ang lahat ng tauhan dito sa mansyon dahil sa katangahan mo!” Ang bulyaw agad ng Madrasta ko sa akin. Napayuko ako. “Nami-miss ko po ang mommy ko. Napasarap po yata ang pananatili ko roon kaya hindi ko po namalayan ang oras—“ “Tonta!” Agad niyang putol sa paliwanag ko. Napapikit ako sa gulat. “Di dapat umuwi ka na, di ba? Bakit naglunoy ka pa sa talon at nagpaabot ng dilim? Sana nga natuklaw ka na ng ahas e!” Ang patuloy niyang pangangastigo sa akin. Hindi nagbabago ang galit sa boses niya. Hindi na ako nagtangka pang sumagot. Kung mangangatuweran ako ay baka mas lumala pa. Nanatili akong nakayuko. Naluluha na naman ang aking mga mata. Kahit na kailan, para sa Madrasta ko ay wala na akong ginawang tama. “Tumingin ka nga sa akin!” Kapag kuway utos niya sa akin. So, may takot akong tumingin sa kaniya. Nanunuya niya akong nginisan. “Oh, sa pag-uusap niyo ba ng kaluluwa ng ina mo hindi man lang ba niya pinagbilin na bawasan mo yang katangahan mo—“ “Julia!” Ang malakas na boses ni Daddy sa kaniya. Umiigting ang panga niyang tiningnan ng masama ang madrasta ko. Napalunok ako. Kung mayroon man isang bagay na hindi nagbago kay Dad yun ay ang laging pagpapahalaga nito kay Mommy. In a sense na tila nawalan siya ng pakialam sa akin pero pagdating kay mommy nanatili siyang isang protektor. At dahil dun ay nagkakaroon pa rin ako ng gahiblang pag-asa na baka bumalik pa siya sa dati. Buong sarkastikong ngumisi ang madrasta ko, nakahalukipkip niyang hinarap si Daddy. Ang pang iinsultong atake ay mababasa na agad sa mukha niya. “Oo nga pala. Bakit nga pala ako magtataka sa katangahan ng anak mo? E, may pinagmanahan lang naman ang tontang ito saiyo!” ang duro niyang insulto sa akin at kay Daddy. Mas lalong bumalasik ang ekspresyon ng mukha ni Daddy. Kita ko pa ang paulit ulit na pag igting ng mga panga niya. Pero sa pagkakataon na yun, hindi ko pa rin makuha kung bakit hinahayaan na lamang niya lagi na kutyahin at insultuhin siya ng aking madrasta. “Masakit bang pakinggan na ang pagkatonta nitong anak mo ay namana lang din niya sa ‘yo—“ “Tama na! Tumigil ka na!” Tila nawalan ng pasensyang hiyaw ni Daddy. Kita ko ang dibdib niyang mabilis na nagtaas, baba dahil sa matinding galit. Kita kong pati ang dalawang anak ng madrasta ko na nakangisi kanina ay biglang napakislot sa kinatatayuan nila kagaya ko dahil sa sigaw ni Dad. “Hindi mo dapat ginaganyan ang anak ko, baka nakakalimutan mo na sa isang desisyon ko lang maaring magbago ang lahat ng pamumuhay natin at baka lahat tayo rito ay damputin na lang sa kankungan!” Ang nangangalit na turan ni Daddy. I was surprised. Hindi ko inaasahan na magagawa niya akong ipagtanggol. Nasanay na kasi akong kinakagalitan nila ako ng aking madrasta. Though, hindi ko alam kung bakit niya nasabi ang mga katagang iyon na para bang may kakaibang kahulugan. Napapansin ko nga nitong nagdaang mga araw na padalas nang padalas ang pagtatalo nila. Kung noon, kahit paano ay nagagawa ni Daddy ang magtimpi at pagbigyan nang pagbigyan ang aking madrasta ay naging iba naman ang senaryong ito ngayon. Parang tila siya napuno na. May posibilidad na may kinalaman ang galit ni Daddy sa pagdamay ng madrasta ko kay mommy. Akala ko, titiklop ang madrasta ko sa galit ni Dad pero tulad ng mga nauna nilang pagtatalong nasaksihan ko ay taas noo niyang hinarap si Dad at sarkastikong nginisihan. “You doesn’t know what you were talking about my dear husband,” nakangising aniya. Buong tapang niyang hinarap si Daddy at nilapitan. Malapit na malapit. Walang kurap silang nagtitigan. Napatingin ako sa kamao ni Dad na nakakuyom. Napalunok ako at kinabahan na baka tuluyang magdilim ang paningin niya at masaktan niya ang madrasta ko ng pisikal. But I know dad will never do that. Siguro ay magagawa niya akong saktan pero hindi ang aking madrasta. Kahit na kailan wala sa personalidad nito ang pagbuhatan ng kamay ang kaniyang asawa. “You should be thankful to me that I am still here trying to save your fvcking ass! At kapag nagkamali ka ulit ng desisyon ay kayo, kayo lang ng anak mong tonta ang pupulutin sa kangkungan! Kaya umayos ka, Andres!” Ang matapang nitong sagot kay Daddy saka niya ito tinalikuran. Dadaan siya sa harapan ko, napaunat ako ng tayo at napayuko ako sa takot. Huminto siya at tinitigan ano ng masama. “Tonta.” Mahina ngunit madiin niyang sabi saka matigas ang leeg niyang nag martsa paakyat ng hagdan. Pag-alis niya, agad na sumunod sa kaniya ang mga anak niya. Hindi ko alam kung aalis na rin ako at iiwan si Dad. Natatakot pa rin akong magsalita. Siya na ang umalis sa harapan ko nang walang sali-salita at nagtungo ng study room. Ilang sandali akong nanatili sa kinatatayuan ko, susundan at kakausapin ko ba si Daddy? Nakita na hindi siya okay. Nakita ko ang nakatagong panlulumo sa kaniya. Natatakot akong sa akin mabunton ang galit niya. Wala pang tatlong minuto akong naroon ay agad ko nang narinig ang mga kalabog at ang sunod sunod na tila pagkabasag ng kung anong babasaging bagay sa sahig. Kasunod noon ay ang sigaw ni Daddy. He’s shouting while throwing things. Nagbabasag siya at nagwawala. Lihim akong napaiyak, gusto ko man kausapin at kalmahin ang daddy ay natatakot na rin ako. “Umakayat ka na sa kuwarto mo hija, hayaan mo na ang daddy mo. Magpapalipas lamang iyon ng init ng ulo at lalabas rin ng study room,” ang ani Aling Soling. Pilit ang ngiti kong tumango. Isang beses ko pang tiningnan ang dereksyon ng study room saka tinungo ang hagdan. Oras lang din ang lumipas nang marinig ko sa nakabukas kong veranda ang malakas na ugong ng sasakyan. Napasilip ako at nakita ang pag-alis ng sasakyan na laging gamit ng aking madrasta kapag mag-isa itong umaalis. Malalim na rin ang gabi nun nang maisipan kong bumaba dahil kumakalam na talaga ang tiyan ko. Hindi ko na matiis ang gutom ko. Tinawag naman ako ng isa sa mga kasambahay kanina para kumain pero nang makitang nasa dining ang magkapatid na Jacky at Ricky ay napaatras ako’t bumalik sa kuwarto ko. Nasa pasilyo na ako nang maraanan ko ang isang kuwarto na alam kong hindi ginagamit. May dumating bang bisita ngayon? Actually, mula nang mamatay si Mommy ay madalang na madalang na kung may maligaw kaming bisita na gustong mag sleep over sa hacienda. Hindi nakalapat ng maigi ang pintuan. May nauulanigan akong mga boses sa loob. Lalagpasan ko na sana pero napahinto ako at naging curious nang makilala ang pamilyar na boses ni Jacky. May bisita ba siyang pinatuloy ngayon? “Kapag nagkamali ka ng desisyon, mawawala ang lahat saiyo.” Napakunot ang noo kong mas lumapit pa. “Si Andrea lang ang nakikita kong makakapagsalba ng lahat ng ito tito Andres,” napaawang ang mga labi ko nang marinig na nga ng malinaw ang boses ni Jacky. Narinig ko ang pag tsked ni Daddy. “Trinaydor ako ng mommy mo, binigay ko ang lahat ng makakaya kong ibigay dahil akala ko totoo ang pagmamahal niya sa akin. Akala ko siya ang sagot ng lahat ng kalungkutan ko noon pero trinaydor niya lang ako. Trinaydor nila ako.” Nahimigan ko ng pait ang boses ni Daddy. At sa tono pa lang ni Daddy ay alam ko nang nakainom siya. “Kaya nga narito ako tito, I am not like my mom. Hindi kita magagawang traydurin, hindi mo lang nakikita yun pero kaya kong gawin lahat ng gusto mo. Tito Andres, kakampi mo ako. Tingnan mo lang ang halaga ko dahil hindi kita iiwan. Hindi ako papayag na basta na lang mawawala saiyo lahat ng pinaghirapan mo. We will solve this.. together..” ang dinig kong aniya pa. Bigla akong naguluhan sa maraming bagay. Ako lang daw ang nakikita niyang makakapagsalba? Ng ano? Mas lumapit pa ako sa pintuan at sinubukang sumilip sa napakaliit na siwang. I saw my dad and Jacky, mas napaawang ang mga labi ko nang makitang mula sa likuran ay nakayakap si Jacky sa baywang ni Daddy. Nakahilig ang pisngi niya sa likod ni Dad. Pinilig ko ang ulo, never ko pang nakita si Jacky na naging super close sa daddy ko. I mean, naging malapit naman sila pero never ko pang nakita ang dalawa ng sobrang close tulad ng nasasaksihan ko ngayon. May nakita akong bumukas na ilaw sa dulo ng pasilyo. Naulanigan ko ang boses ng isa sa mga kasambahay. Naagaw nun ang atensyon ko at saka ko na lamang naalala ang kumakalam kong sikmura. Then, dalidali na akong pumunta ng kusina at kumain. Nadatnan ko nga ang dalawang kasambahay na tila katatapos lamang maglinis sa study room. Mabilis lamang akong kumain, nilagyan ko lang ng laman ang tiyan ko. Then, pagkatapos ay agad na rin akong nagtungo sa taas. Muli kong naraanan ang kuwartong iyon pero at that time para akong itinulos sa kinatatayuan ko nang makarinig ng mga kakaibang ungol sa loob. “Aah, Tito Andres! s**t! Yes, like that tito! Ang tagal kong pinapantasya ito tito Andres!” Malakas na ungol ni Jacky. Napahawak ako sa aking dibdib. Kahit hindi ko nakikita ang ginagawa nila sa loob ay siguradong sigurado ako kung anong ginagawa nila ng daddy ko. “Fvck me like your slut!” “Like this?!” Gigil na tanong ni Daddy kasunod nun ay ang sigaw ni Jacky. “Yes tito! Yes! Like that tito Andres! Sobrang sarap!” Ang hiyaw niya. Narinig ko ang sunod sunod na mura ni Daddy. “s**t Jacky! Sobrang sikip mo,” and there. Alam kong hindi na dapat ako manatili pa sa kinatatayuan ko. Pinilit kong iginalaw ang mga binti at umalis sa harapan ng pintuan. Pagpasok ko sa kuwarto ay nanginginig pa ang aking katawan dahil sa nasaksihan. Ano nang nangyayari sa mansyon na ito? Napansin ko ang pag ilaw ng cellphone ko na nasa ibabaw ng study table ko. Agad akong napalapit dun sa pag aakalang ang kapatid ko iyon pero nakita ko ang pangalan ni Akie sa screen. May ilang missed calls na may isang oras nang nakakaraan, at mga text messages. Binuksan ko iyon ng sunod sunod at binasa. “May text ka pala sa akin kanina, ngayon ko lang nakita. About last night, you’re very much welcome ikaw pa, malakas ka sa akin kahit na sa langit pa kita ihatid baka buong pusong samahan pa kita,” ang aniyang naka wink emoji pa sa dulo. “I hope you’re alright, Love. I didn’t hear anything from you,” napakagat ako sa ibabang labi ko. Napapatitig ako sa salitang LOVE na naroon. His endearment to me na siyang tila nagpapatalon sa puso ko. “What happened? Narinig kong nagkagulo ang buong hacienda, tell me if you just alright. Nag aalala ako, It was may fault.” “Gusto sana kitang makausap pero I think, tulog ka na kaya hindi mo sinasagot ang tawag at mga text ko. Hoping to hear something from you soon, Love. Good night.” Ang pinakahuling message niya. I was about to reply one of his messages when I heard a coming car in front of our mansion. Ang ilaw na maaaninag sa labas ng veranda ko. May madrasta is home, nataranta ako. Anong gagawin ko? Paano kung madatnan niya sina daddy at Jacky? Shit! s**t! Anong gagawin ko?! Napahilamos ako ng palad. Lumabas agad ako ng kuwarto ko. Nadaanan ko ang malaking paso ng halaman sa may pasilyo. Nakita ko ang mga bato na hindi naman kalakihan, napalunok ako. Dumanpot ako ng isa. Lumapit ako sa pintuan kung nasaan sila. Damn s**t! May mga ungol pa akong naririnig. Binato ko ang pintuan at naglikha nga iyon ng ingay. Saka ako mabilis na bumalik sa loob ng aking silid. Nakiramdam ako sa labas, may kaluskos at yapak akong narinig. Marahan akong sumilip then, natanaw kong papasok na si Jacky sa kaniyang silid. Napahinga ako ng maluwag. Kasunod naman nun ay ang pag ilaw ng pasilyo sa tapat ng hagdan. Then, there. Nakita ko na ang mataray na lakad ng aking madrasta papunta naman sa pasilyo kung saan ang kuwarto nila ni Daddy. Parang sa mga nangyari, ako yung labis na pinawisan. Hindi ko alam kung dadalawin pa ako ng antok dahil sa mga nasaksihan sa kanila ni Daddy. A/N: Unedited.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD