ANDREA
Kinaumagahan ay pinatawag ako para sabay sabay na kami sa almusal. Ayaw ko sanang sumalo pero nang nagdahilan akong masama ang pakiramdam ay hindi yun kinagat ng madrasta ko.
“Ang sabi po ni Madam Julia kapag hindi kayo bumaba siya po ang pupunta rito sa kuwarto niyo para kaladkarin kayo,” nasa tono ng kasambahay ang labis na pag-aalala.
Siyempre natakot rin ako sa banta niya kaya sumunod na lang ako. Dali-dali akong bumaba.
“Hmp! Buti naman at bumaba ka! Ang akala ko hihintayin mo pa talagang ako ang kumaladkad sa ‘yo!” Ang agad na pangangastigo ng madrasta ko nang makaupo ako sa harap ng mesa. Pinili kong huwag na lang umimik.
Pagkatapos nun ay naging tahimik ang lahat. Bahagya akong nakatungo sa pinggan ko pero nakikiramdam ako sa mga kasama ko.
Lihim kong sinulyapan ang daddy ko na nakapuwesto sa pinaka gitna ng mesa sa may dulo. Seryoso ang mukha niya.
Nasa hinihiwa niyang ham ang buong atensyon niya pero alam kong aware na aware siya sa patutsada na naman ng madrasta ko sa akin.
Pasimple kong nilipat ang mga mata kay Jacky.
Tulad ng dati, nakaupo lang siya at naroon pa rin ang bratty awra niya habang maarting ngumunguya. Kung papansinin mo, parang wala silang ginawang kababalaghan ng daddy ko kagabi. Ni hindi nga nila tinatapunan ng tingin ang isat isa. Hindi mo sila panghihinalaan.
Nang matapos kaming mag-almusal ay agad ring umalis si daddy. Hindi rin nagtagal ay sumunod ang madrasta ko.
Pero bago ito umalis ay isang pagbabanta ang iniwan nito sa akin. Dinuro pa niya ako.
“Subukan mong maging tatanga-tanga na naman sa araw na ito, ako na talaga ang pupunta roon at lulunod saiyo para makasama mo na ang punyeta mong ina!”
Lihim na nagpuyos ang dibdib ko pero mas pinili kong huwag na lang magsalita.
Wala rin naman akong laban sa kaniya, kung mangangatuweran ako, wala rin naman magbabago dahil hindi rin naman niya pakikinig.
“Don’t you worry mom, hindi makakalusot sa akin ang impaktang to, hindi ko siya palalabasin ng mansyon,” pinigilan ko ang sariling pagtaasan siya ng kilay. Sobra na talaga ang mag inang to!
“That’s my girl. Nagmana ka talaga sa akin,”
ang matamis na aniya sa anak.
“Alam mo na ang gagawin mo sa kaniya kapag hindi siya sumunod saiyo, hija. And I’m always at your back,” ang kindat nitong sabi sa anak. Talaga lang ha? I wonder kung alam ba nito ang namamagitan sa anak niya at sa daddy ko. Pero weird naman kung may alam siya sa bagay na yun tapos ay okay lang sa kaniya.
Nang makaalis ang madrasta ko ay agad akong umayat sa kuwarto ko. Binalikan ko ang nangyari kagabi at pinakaisip-isip ang lahat.
Alam kong may maling nangyayari sa mansyon. I mean, alam ko naman na noon pa man ay may mali na pero pakiramdam ko may mas malaking hinaharap ngayon ang hacienda.
Kita ko iyon sa tila bigat na awrang makikita sa aking ama. Parang nadagdagan ng sampong taon ang edad ni daddy dahil sa tila dinadala nitong problema.
Ang sabi ni Jacky, ako lang ang makakapagsalba sa lahat. Anong lahat iyon?
Then, bumalik sa isip ko ang pagtatalo ni daddy at ng madrasta ko. Kung magkakamali daw muli ng desisyon ang daddy, pupulutin kami sa kangkungan.
I really have this feeling na may malaking problemang kinakaharap ang daddy ko at kailangan kong maging aware doon.
Kailangan ko iyong tuklasin dahil ako lang daw ang makakapagsalba. At dahil sa sinabing iyan ni Jacky, ay nakakaramdam ako ng kaba at pangamba.
Nag vibrate ang phone ko sa ibabaw ng night stand, napasulyap ako roon at nakita ang pag popped up ng pangalan ni Akie.
Sa dami ng iniisip ko kagabi ay hindi ko na nagawang sagutin ang mga text messages niya hanggang sa nakatulugan ko na. Saglit kong tinitigan ang pangalan niya, huminga ako ng malalim saka ko napagpasyahan na sagutin iyon. Hindi muna ako nagsalita.
“Good morning, magandang senyorita.” Kumislot ang puso ko pagkarinig lamang ng mahinang boses niya.
Kahit mahina masarap pa rin pakinggan.
Pakiramdam ko nga ayaw niyang marinig ng iba ang pag-uusap namin.
Hula ko, nasa trabaho ito at patago ang pagtawag sa akin. Tumikhim ako.
“G-Good morning,” ang mahinang bati ko rin.
“Hindi ka nag-reply sa mga text ko, nabalitaan kong nakagalitan ka kagabi-“
“Okay lang ako. Sanay na..” ang sambot kong turan. Tumihim din siya sa kabilang linya.
“Pupunta ka ba ulit sa water falls?”
“Ano yun, pupuslit ka ulit papasok?” medyo may halong pangangastigo ang boses ko.
Siyempre, alam niyang bawal yun pero ginagawa niya pa rin.
“Alam kong bawal yung ginagawa ko Love pero hindi ko matiis, sa bawal na paraan lang talaga kita nahahawakan. At handa kong gawin ang bawal makita lang kita at mahawakan.” Dama ko ang kaseryosohan sa boses niya kahit mahina. Saglit akong hindi nakaimik.
Pero sa totoo lang, gustong gusto ko rin siyang makita at makasama. Sa napakaikling panahon nang makilala ko siya, naramdaman kong masayang masaya ako at komportable sa feeling niya. Pakiramdamn na kahit kailan ay hindi ko naramdaman sa kahit kanino.
Klase ng saya na huli kong naramdaman noon pang nabubuhay ang mommy ko.
“Gusto kitang makita.. gusto kitang makasama..” ang mahina niyang sabi.
“A-Ako rin..” tila wala sa sariling naisagot ko.
Napapikit na lang ako at napakagat sa ibabang labi nang ma-realized ko ang nanulas sa labi ko.
“You miss me too?” naging masaya ang ang boses niya sa kabilang linya.
“Ako, miss na miss kita, Senyorita! Hindi ko alam pero iba talaga ang tama ko saiyo,” ang walang pasikali niyang sabi.
“Deritsong deritso ang tama sa puso ko,” mas dumain ang kagat ko sa labi ko pero hindi ko napigilan ang ngiti ko kasabay ang pag-alon sa tiyan ko.
“Miss mo ‘ko?” Ang untag niya sa pananahimik ko. Tumikhim ako.
“O-Oo. Na miss din kita,” ang pabulong kong sagot kahit na ako lang din naman mag-isa sa loob ng kuwarto ko.
“Hoy! Anong ginagawa mo pa riyan? Tapos na ang pahinga, balik sa trabaho!” Ang dinig kong sigaw na sa hula ko’y tauhan ni Daddy.
“Isang minuto lang naman boss, kausap ko lang saglit ang girl friend ko,” napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya.
“Love, mamaya na lang kapag nagkita tayo umpisa na ulit kasi ng trabaho, humanda ka sa akin hahalikan talaga kita,” ramdam ko ang kapilyuhan sa boses niya. Malakas na rin ang pananalita niya na parang pinaparinig pa niyang talaga.
“Ano ba bilisan mo na diyan!” Muli, dinig kong sita ng tauhan.
“Nagmamadali na si Manong Love, maya na lang ulit. I love you,” ang aniya. Pakiramdam ko nang sabihin niya iyon, saglit na tumigil ang pag-ikot ng mundo. Ang tanging umaandar lang at naririnig ko ay ang malakas na t***k ng puso ko. “Love, baka naman may pabaon ka diyan, masama na ang tingin ni Manong sa akin.” Ang aniya pa. Natauhan ako at napatikhim.
“Sige na, baka magsumbong pa yan kay Daddy, malalagot ka.” ang taranta kong sabi.
“I love you ko?” Ungot niya. Parang nanghihingi lang siya ng candy. Pero kaysa matagalan pa kami at lalo lang siyang masita ay walang kimi at alinlangan akong sumagot sa kaniya.
“I love you too!” Yun lang at mabilis kong pinatay ang cellphone. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko pagkatapos.
Napahaplos ako ng palad sa mukha dahil ramdam na ramdam ko ang sobrang init ng magkabilang pisngi ko. He said I love you, sinagot ko na rin ng I love you too. Anong ibig sabihin nun? Kami na?
Wala sa sariling natitigan ko ang cellphone ko na parang sasagot iyon sa tanong ko.
Nang tanghalian ay nakiramdam ako sa buong hacienda. Naglakad lakad ako sa harden namin.
Then, narinig ko ang paparating na sasakyan. Kilalang kilala ko ang tunog ng sasakyan ni Daddy. Napakunot ang noo ko, dahil parang napaaga ang uwi niya.
Pumasok na ako sa loob para magmanman. Nakita ko si Daddy na pumasok sa study room, kasunod nun ay si Jacky. Bahagyang napaawang ang mga labi ko.
Damn. Not again! Tapos study room pa?! Nagngitngit ang kalooban ko. Paano naatim ni Jacky na patusin ang asawa ng kaniyang ina?
Hindi ko namalayan ay nasa tapat na ako ng pintuan. Nakalapat iyon pero kapag dinikit mo ang tainga ay baka marinig ko pa rin ang pag-uusap nilang dalawa so yun ang ginawa ko.
Baka kasi may pag-uusapan din sila na makakapagbigay linaw pa sa mga nauna nang narinig ko. Kailangan kong sumubaybay, kailangan kong makiramdam at kailangan kong magmanman.
Halos mapatalon ako sa kinalalagyan nang marinig ko ang pagkabasag ng kung ano na naman sa loob.
“Hanggang wala akong nakakalap na ebidensya sa mga traydor ay hindi ako mapapanatag. Ilalaban ko ng p*****n ang haciendang ito!”
Dinig kong galit na naman na boses ng daddy ko. “Tito, please calm down. Kaya narito ako para matulungan kang masakuti ang mga totoong trumatraydor saiyo,” iba ang timbre ng boses ni Jacky.
Napalunok ako. Kahit mahina ang dating ng boses niya ay malinaw na malinaw pa rin ang dating sa pandinig ko.
“Ngunit habang hindi pa tayo nakakahanap ng solosyon, kailangan talaga natin ang tulong ni Andrea, siya lang talaga ang natitirang option hanggang sa masakuti natin silang lahat,” ang lambing nitong sabi. Nakaramdam ako ulit ng kaba pagkabanggit niya ng aking pangalan.
Napatikwas ang mga kilay ko nang tila maging bulungan at anasan na ang dating ng pag uusap nila.
Halos wala na akong maintindihan pero maya - maya pa ay nauulanigan ko na naman ang pinaghalong mga ungol at halinghing sa loob. Napatiim ang mga labi ko. Doon ay lumayo na ako at tinungo ang hagdan.
Kinahapunan ay muli akong bumaba, tinanong ko ang katulong kung namataan niya ba sila daddy pero sinabi nitong umalis na muli ang aking ama but this time, ay kasama na nito si Jacky. So, saan nagpunta ang dalawa?
Panhik, panaog ako. Hindi ako mapakali. Gusto ko nang malaman kung anong problema ba talaga ang binibitbit ng daddy ko. Kung ano talaga ang nangyayari sa hacienda.
Gusto ko na rin malaman kung anong papel sa problemang iyon at laging nasasambit ni Jacky ang pangalan ko. Ilang sandali na lang at lulubog na ang araw.
Pinahanda ko ang kabayo sa isang tauhan, at agad na umalis. Medyo may paalinlangan man na baka bumalik agad sila pero pingawalang bahala ko na lang.
Lahat sila ay panay laboy pero bakit kailangan kong manatili sa loob ng mansion? Isa pa, si Julia lang naman ang may gustong ikulong ako, kung tutuusin ay walang pahintulot iyon sa daddy ko.
NANG MARATING ko ang talon ay agad kong itinali ang kabayo. Dinukot ko ang cellphone sa bulsa at tiningnan ito.
“Nasaan ka na mahal kong senyorita? Narito na ako,” napakagat labi ako nang mabasa ang message niya.
Nagpalinganga ako, hinanap siya ng mga mata ko. Then, nakita ko ang mga damit niyang napatong sa isang tipak ng bato.
Wala sa loob na napangiti ako. Ewan pero kusang gumalaw ang mga kamay ko. Mas naunang kumilos ang katawan ko kaysa ang paggana ng isipan ko. May isang bahagi ng utak ko ang nagsasabing hindi ko dapat gawin ito pero matindi ang pananabik sa kaibuturan ko kaya mas pinili kong maging bingi sa dapat ay tamang gawin.
Simulan kong hubarin ang mga saplot ko, hanggang sa walang natira. Pinagtabi ko ang mga hinubad na saplot naming dalawa.
Then, parang naitulos ako kinatatayuan nang makita kong naroon na siya at titig na titig sa akin. Nagtitigan kami. Kitang kita ko ang pagkamangha sa mukha niya habang tila walang kurap niya akong pinakatitigan.
“Libreng naman kumurap kaya bakit hindi mo subukan?” lakas loob kong biro sa kaniya.
Nakita kong muli ang pag-alon ng lalamunan niya. Inabot niya sa akin ang kamay. Ngumiti ako sa kaniya. “I-Isa ka talagang diyosa sa akin Senyorita,” ang tila wala sa sarili niyang sambit.
Napakagat ako sa ibabang labi, kahit nakakaramdam ng kaunting hiya ay hindi ako nagtangkang takpan ang sarili.
My body is only for his eyes, it was sacred but only for his touch. I am exclusively for him only. Only for him..
Unti unti akong lumapit at tinanggap ang kamay niya. Nang mahawakan niya ang kamay koy agad niya akong hinapit payakap sa kaniyang katawan.
Doon ay napasinghap ako ng malakas nang muli kong maramdaman ang balat niya sa akin.
This feeling.. This feeling of me everytime I am with him is really especial. Kapag magkalapat ang mga balat namin ay ibat ibang emosyon ang tila nagigising sa buo kong pagkatao.
Lumalakas ang t***k ng puso ko kasabay ng tila malakas din na pagdaloy ng dugo sa bawat himaymay ng ugat ko. Napakainit sa pakiramdam at the same time ay napakasarap.
Parang may kung anong binubuhay sa pagkatao ko ang bawat dantay ng palad niya.
Nagtitigan kami, nakayakap ang mga braso ko sa leeg niya. Nalulunod ako sa pagtitig sa mga mata niya. Napadako ang mga mata ko sa mga labi niyang bahagya pa ring nakabuka.
Para akong inaakit na ilapit ang mukha sa kaniya at ewan ko kung anong sumapi sa katinuan ko’t ako na ang umakin sa mga labi niya at siniil siya ng mapusok na halik.
Sa tuwing kasama ko siya, para bang nagkakaroon ulit ako ng panibagong buhay.
Sa tuwing kasama ko siya, nakakalimutan ko ang lahat ng pangamba at takot na nararamdaman ko sa loob ng mansyon namin.
Ito ang buhay na gusto, kahit siguro mabuhay ako ng simple ay okay lang. Basta kasama ko lang siya.
A/N: unedited