Dominus
Hila-hila ko ngayon ang aking trolly na basket habang namimili ako ng mga groceries dahil naubusan na ako ng stock sa aking apartment. Birthday pa man din ngayon ng isa kong kaibigan na si El kaya kailangan ko siyang i-surprise. Nandito ako ngayon sa supermarket dito sa SM Baguio para lang umattend sa birthday party ni El dahil baka magtampo nanaman sa akin iyon.
Last year kasi ay hindi ako nakapunta dahil super busy ako sa trabaho ko at hindi ko talaga maisingit sa aking schedule ang birthday party niya. Saktong pagkuha ko ng isang delata ng Chunkee ay tumunog ang aking ringtone at pagtingin ko ay si Papa ang tumatawag. Pumagilid ako saglit bago ko sinagot ang tawag niya.
“Anak kailan ka ba babalik ng Italy. I already miss you. Ang tagal mo nang nagbabakasyon diyan sa ‘Pinas ah. May nahanap ka na ba riyan kaya hindi ka makabalik-balik dito?" Maktol ng ama ko sabay napaikot naman ang aking mga mata sa aking narinig.
“It’s only been just three days, Dad. One-week ang bakasyon ko rito dahil nangako ako ng birthday party kay El. At saka alam mo naman na wala pa po akong time para maghanap ng jowa. After the birthday party of El, I promise I will come back,” sabi ko habang inaayos ang aking mga gamit.
“Sabi mo iyan anak ha? Remember, next week is your mom's death anniversary. You need to be here, and it will be my birthday after that. I want to have a grand party, baby.” Muntik na akong matawa sa sinabi niya.
“Dad you're already old to have a party, but fine. Oras na dumating ako sa Italy ay agad ko namang aasikasuhin ang birthday party mo. Kaya habang wala pa ako ay mag-enjoy ka na muna na makipaglaro ng golf kay Ninong.” Napatingin ako sa orasan ko at nakita kong late na. “Anyway, Dad I have to go. I'll call you back. See you, and I love you, Dad.”
“Love you too, baby girl.”
Pagbaba ko ng tawag ay agad ko nang tinapos ang aking pag-grocery at ayaw ko pa man din ang masyadong nagagabihan sa daan. Nang makuha ko na ang lahat ng aking mga kailangan ay dumiretso na ako sa cashier para magbayad. Habang dinudukot ko ang aking credit card ay sakto namang may tumawag sa akin at nakita kong unknown number ito.
Sasagutin ko na sana ito nang sabihin sa akin ng cashier iyong lahat ng babayaran ko kaya agad ko nang binigay sa kanya ang aking credit card. Hindi ko na muna ito pinansin at linagay sa silent mode ang aking cellphone at mamaya ko na lang siguro muna ito titignan. Dumiretso ako sa parking lot bitbit ang dalawang eco bag na may laman ng mga grocery at saka pinasok itong lahat sa kotse ko.
Nang maayos ko ito ay mabilis ko nang pinaandar ang aking sasakyan upang umuwi pabalik sa aking apartment. Pinarada ko ang aking sasakyan at saka mabilis na sinusihan ang aking apartment at linagay sa kusina ang lahat ng aking mga ipinamili. Binuksan ko ang aking radio para makinig ng music habang nagliligpit.
Nang mailigpit kong lahat at nakapagpalit na ako ng pambahay na damit ay kumuha ako ng makakain at saka binuksan ang aking TV upang manuod ng sine. Habang kumakain ay bigla kong naalala ang aking cellphone at tinignan kung sino pala iyong tumatawag kanina. Pagbukas ko ng aking cellphone ay gano’n na lang ang gulat ko nang makita kong may twenty missed calls ako agad sa unknown number kanina. Napapaisip ako kung sino ito at agad naman siyang tumawag agad kaya naman mabilis kong sinagot ang tawag.
“Geez. Thank God at natawagan kita agad. Kanina pa kita tinatawagan at hindi ka man lang sumasagot.” Narinig ko ang boses ni Samantha sa kabilang linya.
“Ah eh, pasensya ka na dahil kauuwi ko lang galing SM at naka-silent din kasi iyong phone ko. Bakit ka nga pala napatawag at bakit iba ang number na gamit mo?” tanong ko sa kanya.
“Nasira iyong sim ko na isa kaya kailangan kong magpalit agad. Hindi ko na rin nasabi sa iyo na iba na ang gamit ko dahil emergency ang tinawag ko.”
“Okay? May problema ba sa opisina?” tanong ko.
“Alam ko na naka-leave ka ng isang linggo at ayaw kitang guluhin tulad ng sabi mo pero sa tingin ko ay mukhang mapapaaga ang uwi mo rito sa Italy. There’s been an emergency, and you need to be here as soon as possible. Sasabihin ko sana sa iyo through phone pero mas magandang sabihin ko ito sa iyo ng personal.”
Nag-alala naman ako sa sinabi ni Samantha dahil halatang seryoso ang boses niya at walang halong biro. Si Samantha ay ang sekretarya ko sa Italy at para na kaming magkaibigan kaya hanggat maaari ay sinabi ko sa kanya na huwag siyang masyadong maging formal sa akin. Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil mukhang kailangan ko nanamang humingi ng tawad kay El dahil sa hindi ko pagdalo ulit sa birthday niya.
Pagkababa ko ng tawag ni Samantha ay hinanap ko ang pangalan ni El sa aking cellphone at mabilis na tinawagan ito. Habang nagri-ring ito ay naglakad ako ng pabalik-balik sa salas ng aking apartment at kagat ko ang kanang hinlalaki ng aking daliri. Nang sagutin niya ito ay agad na bumungad ang masayang boses niya.
“Friend! Pasensya ka na kung late akong sumagot kasi pinapakain ko pa kasi si Thalia. Buti nga napatawag ka dahil ako sana ang tatawag sa iyo pagkatapos ko siyang pakainin. Ready na ba iyong mga iluluto mo para bukas?” Ayan na ang sinasabi ko.
“Yeah, about that,” simula ko at medyo kinakabahan sa aking sasabihin. “I, uhm, I received a call from my secretary, and there’s an—”
“Wait,” pigil niya sa akin. “Please don’t tell me that you can’t attend my birthday again tomorrow? You’re already here in the Philippines. Hindi ka ba pwedeng mag-extend pa ng isang araw para lang sa birthday ko?”
Napapikit ako ng mariin at sumang-ayon sa sinabi niya.
“May emergency kasi e at kailangan kong bumalik bukas.” Nanatili siyang tahimik kaya alam ko na nagtatampo na ito sa akin. “El, babawi na lang ako promise. Hindi ko kasi pwedeng ipagpaliban ito lalo na at mukhang worried na worried iyong sekretarya ko noong tumawag siya sa akin. Please? El? Magsalita ka naman oh.”
Narinig ko siyang napabuntong-hininga kaya alam kong hindi niya pa binababa iyong tawag.
“Ilang taon na kitang kilala at alam ko na super love na love mo ang work mo sa abroad kung anuman iyon. Pero sa tingin ko ay mas binibigyan mo na ito ng atensyon kaysa sa mga taong mga importante sa iyo.”
“El hindi naman sa gano’n…”
“Yes, it is. You promised to come to my birthday tomorrow. Kaya nga hindi na ako nag-order ng mga pagkain dahil sinabi mo na ikaw ang magluluto. You know what, just go back to Italy. I think I can manage my birthday even though it’s last minute.”
“El—” Pagtingin ko sa aking cellphone ay binabaan na niya ako ng kanyang cellphone.
Sinubukan ko siyang tawagan ulit pero mukhang pinatay o blinock na niya ako sa kanyang cellphone dahil hindi ko na siya matawagan pa. Naibato ko na lang ang aking cellphone sa ibabaw ng sofa at malungkot na umupo sabay pinatay ang TV at napahilot sa aking sintido. Kung pwede ko nga lang sabihin sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit kailangan kong bumalik ay kanina ko pa sinabi.