Introduction and Prologue

1612 Words
History of Order of Assassins   Assassins have been feared ever since the 11th century that led to a lot of deaths. Not until the most prominent assassin in the world changed that notion towards the assassin society. Alphonse Aldo Sovrano is a noble, multi-billionaire in Milan, Italy, who first established an organization in 1853 named Order of Assassins. The said organization was said to help the government to lessen the growing number of crimes that happens every year. Ever since the organization was built, it was said that it became one of the most successful and feared organization in apprehending the growing number of crimes in the whole world. Order of Assassins is known to be the most triumphant organization to ever exist. Not only does it help the government in decreasing the number of transgressions, but it also maintained peace among the country. It also made a lot of partnerships with ILS, SAG and Red Scorpions. In 19th century, the Dominus or the so-called boss of the said organization became a confidential matter to the public to protect the Dominus’ identity. Up to present, no one knows the identity of the Dominus. Prologue: Abalang nagbabasa ng mga reports si Dominus nang napaangat ang kanyang tingin dahil sa pagpasok ng kanyang ama. Agad niyang inalis ang kanyang eye glasses sabay tumayo at agad na sinalubong ng halik sa pisngi ang kanyang ama.   “Busy?” tanong nito sa kanya.   Tumango naman siya at agad na bumalik sa kanyang upuan habang ang ama naman niya ay tumayo malapit sa bintana. Narinig niya ang malalim na paghinga ng kanyang ama at pagtingin niya rito ay may nakapaskil na ngiti ito sa kanyang mga labi.   “Dad, noong panahon niyo ba ni lolo ay ganito ba karami ang krimen na kinahaharap niyo noon? Every time I give out like ten crimes to my assassins to be solved, it comes back doubled. Nakaka-stress na minsan at naiinis ako dahil ang daming gumagawa ng krimen sa buong mundo,” sabi nito habang binubuklat ang bawat pahina ng folder na kanyang hawak.   Narinig niya namang natawa ng mahina ang kanyang ama at saka lumapit sa kanyang tabi.   “Noong mga panahon namin ay aaminin ko na hindi gaanong karami ang mga krimen noon. Hindi pa kasi gano’n ka-advance ang teknolohiya noon kaya hindi pa siguro naiisip ng tao ang magnakaw, mangidnap, o gumamit ng droga.” Napasimangot naman siya sa sagot ng kanyang ama.   “Ugh! Kung pwede nga lang na mag-back out ako sa pagiging Dominus ko ay hindi ko gugustuhin ang tumingin sa mga krimen buong araw. Minsan nga napapanaginipan ko na nga sila kaya kung minsan ay ayaw ko nang matulog.” Hinaplos naman ng ama niya ang kanyang likuran.   “Pasensya ka na kung sa iyo ko ipinasa ang mga trabaho ko noon, anak. Tumatanda na rin ako at alam ko naman na kaya mo ang mga ganitong trabaho.” Huminga naman siya ng malalim.   “Wala naman na akong magagawa kaya kailangan ko na lang tanggapin ang kapalaran ko.” Ginulo ng ama niya ang kanyang buhok.   “O paano ba iyan? Lalabas na muna ako dahil kailangan kong kitain ngayon ang Ninong mo.” Sumaludo pa ang kanyang ama bago ito lumabas ng kanyang opisina.   Nang mawala ang kanyang ama ay ipinagpatuloy lamang niya ang pagtratrabaho hanggang sa hindi niya namamalayan na gabi na pala. Napatingin siya sa kanyang orasan nang magsimulang kumalam ang kanyang sikmura. Inayos niya ang kanyang mga gamit at naisipang itutuloy niya na lamang ang iba bukas.   Paglabas niya ay agad siyang binati ng kanyang sekretarya na mas workaholic pa kaysa sa kanya. May kausap ito sa telepono habang nagtitipa sa kanyang keyboard. Dumiretso siya sa mismong dining area at maraming mga assassins niya ang bumabati sa kanya na masaya niya namang binabati pabalik.   “Good evening po, Dominus,” bati sa kanya ng cook nila.   “Good evening din ho, Sir Frido.”   “Iyong usual na order niyo po ba?” tanong nito sa kanya at agad naman siyang tumango.   Habang hinihintay niya ang kanyang pagkain ay abala siyang nag-b-browse ng kanyang cellphone nang bigla na lang silang nakarinig ng pagsabog ng bomba. Bigla siyang napatayo at ang ilang mga assassin ay napatigil sa kanilang mga ginagawa. Dali-dali siyang tumayo at lumabas ng dining area upang tignan ang nangyayari. Paglabas niya ay agad na sumalubong sa kanya ang takot na takot niyang sekretarya at ilang assassins niya.   “Samantha, what the hell is happening outside?” nag-aalalang tanong niya.   “D-Dominus, we need to leave! Now!” Hila sa kanya ng kanyang sekretarya.   “What? Ano ba ang nangyayari?”   Akmang magsasalita si Samantha ay nakarinig silang muli ng pagsabog at ilang mga putok ng baril. Nagsimulang magsigawan ang mga tao at rinig niya mula sa malayo ang mga palitan ng putok ng baril. Nakita niyang nagsimulang nagtakbuhan ang mga assassin habang ang iba ay may mga galos at sugat na.   Agad siyang hinila ng kanyang sekretarya pero bigla niyang naalala ang kanyang ama. Pinigilan niya ito at sunod-sunod na ang mga putok ng baril at bomba na bawat parte na ng gusali ay nasisira. Agad niyang kinuha ang nakakalat na baril pero pinigilan siya ng kanyang sekretarya.   “Dominus, where are you going?”   “I need to look for my father. Samantha, evacuate everyone from this building and go to this island.” May binigay siyang mapa sa kanyang sekretarya at agad na siyang umalis upang hanapin ang kanyang ama.   Rinig niya na tinatawag siya nito pero hindi niya ito pinansin dahil kailangan niyang makita ang kanyang ama. Agad siyang dumiretso upang puntahan ito sa kanyang kwarto. Habang papunta roon ay nakita niya ang ilang assassins na wala nang buhay sa sahig at duguan.   Bigla siyang nakaramdam ng awa sa mga ito nang makakita siya ng isang assassin na nag-aagaw buhay. Agad siyang lumuhod nang makita niyang may naitarak na bakal sa tyan nito at agad niyang hinawakan ang kamay nito. Mangiyak-ngiyak itong nakatingin sa kanya at mahigpit niyang hinawakan ang kamay niya.   “D-Dominus…” sabi nito sa nanghihinang boses. “P-Please…t-take care of my wife…and children.”   Mabilis siyang tumango nang may lumandas na luha sa kanyang mga pisngi. Maya-maya ay unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay at tumigil na lang itong huminga. Napapikit siya kasabay ng pag-agos ng kanyang mga luha. Nakamata pa ito kaya dahan-dahan niyang sinara ang mga mata nito.   “I promise.”   Tumayo siya at pinahid ang kanyang mga luha kasabay nito ang galit na namumuo sa kanyang dibdib. Agad niyang kinasa ang kanyang baril at nagsimulang maglakad kung saan ay may nakita siyang mga lalaking nakahawak ng mga baril. Napansin niya na iba ang mga suot nitong mga uniporme kaya pinaputukan niya lahat ng mga ito at siniguradong asintado ito sa kanilang noo.   Nagkalat ang maraming katawan ng assassin sa bawat palapag ng OA habang hinahanap niya ang kanyang ama. Lahat din ng makikita niyang mga kalalakihan ay walang awa niyang binabaril at lahat ng mga ito ay asintado. Nang makarating siya sa kwarto ng ama ay may bigla na lamang sumakal sa kanya mula sa kanyang likuran.   Agad niya itong siniko kaya natumba ito at akmang tatayo ito nang bigla na lang may nagpaputok ng baril na naging dahilan ng pagkamatay nito. Napatingin siya sa may gawa nito at gano’n na lang ang galak na naramdaman niya nang makita ang kanyang ama. May mga galos ito sa kanyang mga braso at may dugo ang kanyang damit kaya agad siyang nag-alala sa kalagayan ng ama niya.   Mabilis niya itong linapitan at yinakap sabay tinignan kung may sugat o tama ba siya ng bala. Nang makita niyang wala ay laking ginhawa ang kanyang naramdaman.   “Why are you still here? You should have gone with the others when they evacuated,” sabi ng ama sa kanya.   “I needed to find you as fast as I can. Hindi kita pwedeng iwan dito, Dad lalo na at hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari. Bakit tayo biglang napasok ng hindi natin nalalaman? Sino ang may gawa nito?” Umiling ang kanyang ama at sakto namang dumating ang ilang assassins na may hawak na baril.   “Dominus, Sir Alessandro, are you guys, okay?” Sabay silang tumango at agad na silang sinamahan palabas ng gusali.   Habang naglalakad sila palabas ay naririnig niya pa rin ang mga putok ng baril at ang mga pagsabog. Tinanong niya kung may mga naiwan pa ba at gusto niya silang balikan pero pinigilan na siya ng kanyang ama. Sabi nito na masyado na raw delikado pa ang pumasok muli sa gusali lalo na at halos lahat ng mga assassins ay nagsimula nang mag-evacuate sa Rogue Island.   Ang islang ito ay pagmamay-ari ng OA upang maging emergency evacuation nila kung sakaling may mangyaring sakuna tulad nito. Inakala nila na hindi ito magagamit kahit kailan dahil matibay naman ang sekyuridad ng naturang gusali ng OA rito sa Milan, Italy. Hindi nila bukod akalain na magagamit nila ito sa lalong madaling panahon lalo na at siya ang naging Dominus.   Paglabas nila ay halos mapasinghap siya sa dami ng mga assassins na wala nang buhay. Agad silang isinikay ng mga kasama nilang assassins upang pumunta sa pampang kung saan ay may naghihintay na bangka papuntang Rogue Island. Habang lulan si Dominus ng sasakyan ay napalingon siya sa gusali ng OA na nasusunog at naluha na lang siya habang iniisip ang mga assassin na walang awang pinatay. Naluha siya at agad naman siyang yinakap ng ama habang sinasabi ng tahimik sa kanyang sarili na paparusahan niya ang kung sinoman ang may gawa ng lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD