Dominus
Pagtingin ko sa aking orasan na nasa ibabaw ng aking side table ay nakita kong alas-singko na pala ng umaga at hindi man lang ako nakatulog kaiisip ng gagawin ko ngayon para sa birthday ni El. Hindi naman ako pwedeng bumalik ng Italy na nagtatampo sa akin ang kaibigan kaya napabalikwas ako sa aking kama at agad na tinawagan ang aking sekretarya na si Samantha upang tanungin kung pwede ko bang ipagpaliban ngayon ang pagbabalik ko sa Italy.
“Hmmm. You know you have a lot of responsibility here in this organization, right? I know you want so bad to attend that party of that friend of yours. Pero kung sakaling magkaroon ng zombie apocalypse at ikaw ang nag-iisang tao na makakapagsolba nito ay pipiliin mo ba ang isang tao sa nakararami?”
Agad na umirap ako sa hangin dahil kinokonsensya pa ako ng babaitang ito. Agad ko namang binabaan siya ng tawag dahil gustuhin ko mang pumunta sa party ni El ngayon ay hindi pwede. Hindi ko alam kung ano iyong emergency na tinutukoy ni Samantha sa akin pero kung tulad nga ng sabi niya na ako lang ang tanging makakapagsolba sa problemang iyon ay mas pipiliin ko ang mas nakararami kaysa sa nag-iisang tao.
Lumabas ako ng aking kwarto at akmang didiretso ako sa aking kusina nang makita ko ang picture frame ng aking mga kaibigan. Napangiti na lang ako dahil ito iyong mga panahon na wala kaming problema sa buhay at tanging pag-aaral lang noon ang inaatupag namin. Ang kaso ay napalayo ako sa kanila noong naging labing-walong taong gulang na ako.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi noon ng aking ama na balang araw ay mabibigyan ako ng isang napakalaking responsibilidad na kung saan ay aasa lahat sa akin ang mga tao. Noong tumuntong ako sa Italy ay doon lang naging klaro ang lahat sa akin at sa huli ay doon ako nanirahan buong buhay ko. Agad akong sinanay ng aking ama sa lahat ng mga responsibilidad na aking gagawin at wala akong naging isang reklamo.
Sinunod ko lahat hanggang sa dahan-dahan ko na itong nagagamay at sa huli ay na-enjoy ko ito. Sinabi ng aking ama noon na walang dapat makaalam ng aking trabaho dahil delikado ito at maaaring mapahamak ang mga taong malalapit sa akin. Ayaw kong mangyari iyon kaya pilit kong tinago ito sa aking mga kaibigan sa punto na halos ilang beses na akong nagsinungaling sa kanila.
Kung dati ay nakakadalo ako noon sa mga kasal, binyag, birthday, anniversary at marami pang okasyon ay ngayon hindi ko na ito magawa. May mga pagkakataon na pinapatawad ako ng aking mga kaibigan pero sa tingin ko ay masyado na akong maraming hininging pabor sa kanila. Kaya hindi na ako magtataka kung nagtatampo o may galit na nararamdaman si El sa akin.
Binaba ko ang hawak kong picture frame at agad na akong dumiretso sa aking banyo upang magpalit sabay inayos ko na rin ang aking mga gamit. Hila-hila ko ang aking trolly bag at agad akong pumara ng taxi para sumakay sa aking private plane na pinadala ni Samantha na susundo sa akin. Habang hinihintay ko na dumating ang aking eroplano ay napatingin akong muli sa aking cellphone sabay naisipang tawagan ang kilala ko na pwedeng isospresa si El.
Alam ko na wala ako sa party niya pero ayokong umalis na walang regalo man lang sa kanya. Hindi man niya ako kausapin ay kahit papaano man lang ay mapagaan ko ng kunti ang loob niya. Nang matapos ay saktong dumating na ang aking eroplano at agad na akong sumakay dito. Bago ko linisan ang Pilipinas ay muli akong napatingin sa aking cellphone nang makita ko na may isang text si El at bigla naman akong napangiti.
“Galit man ako sa iyo ay kaibigan pa rin kita. Salamat sa regalo.”
Pagdating ko sa Italy ay agad nang may sumalubong sa akin sa airport na mga bodyguard at agad akong pinasakay sa limousine. Habang lulan ako ng limo ay napamasid ako sa aking kapaligiran at medyo napangiti ako na na-miss ko rin pala kahit papaano ang Italy. Ilang araw lang akong nawala pero pakiramdam ko ay isang buwan akong nagbakasyon.
Sa loob ng sasakyan ay kasama ko si Allan, ang isang kanang kamay ko sa organisasyon. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko dahil kahit tahimik siya ay alam kong hindi niya ako bibiguin. Nakaupo siya ngayon sa harapan katabi ng driver.
“Did you enjoy your stay there?” tanong niya at napatango naman ako.
“Kinda. How’s everything when I was gone?” tanong ko.
Napansin ko na napalingon siya sa akin sabay balik ang tingin niya sa harapan at napailing.
“I don’t know if Samantha already told you, but it’s not good.”
Napatango naman ako kaya alam kong seryoso nga ang nangyayari ngayon at hindi ko ito pwedeng ipagpaliban. Pagdating namin sa gusali ay sinuot ko ang aking sun glasses sabay pinagbuksan ako ni Allan ng pinto. Agad akong pumasok sa entrada ng gusali at marami agad ang bumati sa akin at ang iba ay tumitigil pa para lang batiin ako.
Sumakay ako sa elevator kasama si Allan papunta sa aking opisina nang saktong pagbukas nito ay nakita kong naghihintay na rin pala si Vincent sa amin. Si Vincent ay isa pa sa mga kanang kamay ko at agad din niya akong binati pagdating ko. Dumiretso ako ng aking opisina at agad kong nakita ang aking ama na naghihintay na pala roon. Inalis ko ang aking sun glasses sabay humalik sa pisngi ng aking ama.
“Buti naman at nakarating ka ng ligtas, iha. Kumusta ang byahe? Hindi ka ba napagod?” Umiling ako.
“Bumalik ako rito dahil tinawagan ako ni Samantha na may emergency daw?” Tumango naman ang aking ama.
Pinatawag niya si Samantha na mabilis namang pumasok sa aking opisina habang may hawak siyang folder at ballpen. Sina Vincent at Allan naman ay lumabas na ng aking opisina. Pagkaupo ni Samantha sa upuan na nasa harapan ng aking mesa ay agad niyang inabot sa akin ang hawak niyang folder.
Habang binabasa ko ito ay kumunot ang aking noo. “What is this?” tanong ko kay Samantha at agad naman siyang huminga ng malalim.
“Well, I just received reports from the other branches, and they all have the same concerns,” sagot ni Samantha.
“Did you try to double check it?” tanong ko habang iniisa-isang ilipat ang bawat pahina ng folder.
“Triple check it even. It’s still the same. Assassins around the world are dying one by one, and we don’t know the reason why.” Huminga ako ng malalim at napatingin sa aking ama na nag-aalala rin.
“Thank you, Samantha. If you may leave us for a moment?” Agad naman siyang tumango at lumabas ng aking opisina sabay humarap sa aking ama. “Dad, did something like this ever happened before?”
“To be honest, not yet. Noong na-receive rin namin ang tungkol diyan ay akala namin ay normal lang ito dahil nga mapanganib ang trabaho na ginagawa natin. Pero nakapagtataka na araw-araw ay pumapatak sa limang tao ang namamatay.” Napahilot ako sa aking noo.
“Marami na ba ang nakaaalam?” Umiling ang aking ama.
“For now, but once these killings escalated, people will panic.” Napatango ako ng ilang beses habang nakatingin sa aking folder na hawak.
“Okay. I’ll call a meeting next week.” Tumango naman ang aking ama sabay hinalikan ako sa aking noo.
“Don’t stress yourself, iha. Ipagdasal na lang natin na false alarm lang ito at hindi siya gano’n ka-seryoso.” Tumango ako. “By the way, welcome back in OA, Dominus.”