Dominus
Kanina pa ako nakatitig sa hawak kong papel dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. Sumasakit lang lalo ang aking ulo kaiisip kung bakit ngayon pa nangyari ito kung kailan naman ako pa ang naitalagang Dominus? Bakit hindi na lang ito nangyari noon para kung sakaling mangyari ulit ito ay alam ko ang gagawin ko?
Habang binabasa ko ang mga reports na dumarating sa iba’t ibang branches ay sakto namang may kumatok sa aking pinto at agad na sumilip si Samantha. Agad akong napaayos ng upo at nakita kong may hawak nanaman siyang folder kaya napapikit na lang ako ng mariin.
“Dominus, don’t stress yourself.”
Huminga ako ng malalim. “Ano iyang hawak mo? Is it another report from the other branches?”
“Oh.” Napatingin siya sa hawak niyang folder sabay umiling. “Huwag kang mag-alala dahil hindi ito reports. This is actually just some financial statement for the past year, and our accountant just finished finalizing it. Kabibigay lang niya sa akin kanina kaya pirma na lang ang kailangan mo.”
Agad ko namang kinuha ito sa kanya at medyo nakahiga ako ng maluwag na hindi nanaman ito isang report na galing sa ibang branches. Pagkatapos kong pirmahan ito ay ibinalik ko na ito sa kanya at akmang aalis na siya nang pigilan ko siya.
“Samantha?” tawag ko sa pangalan niya at agad naman siyang tumigil. “Pwede ko bang tanungin sa iyo kung bakit sa lahat ng pwede mong aplayan na trabaho ay dito pa sa isang delikadong kompanya? I mean, pwede ka namang maghanap ng iba na malaki rin naman ang sahod at kung gusto mo ay pwede kitang i-recommend.”
Dahan-dahang lumapit si Samantha sabay umupo siya sa upuan na nasa aking harapan at napangiti siyang tumingin sa akin.
“Dominus? May nagawa ba akong mali sa trabaho ko? Because if this is your way of telling me that I’m doing a crappy job, I promise to do well.” Natawa naman ako sa kanya sabay napailing.
“No! No, no, no, no. You are actually the best secretary I could ever ask for, Samantha. Uhm, naisip ko lang kasi na hindi ka ba natatakot na baka isang araw na lang ay mapunta sa panganib ang buhay mo? I’m just saying that if you feel like you are not safe to work here, I am willing to recommend you to other companies that has high paying jobs.” Napatungo naman siya sabay huminga ng malalim at napatingin muli sa akin.
“Actually, nagpasa ako ng resumes ko sa ibang company at kung tutuusin ay may mga tawag na ako noon at hindi ko alam kung ano noon ang aking pipiliin. Pero sabihin na natin na hindi kasi pera ang habol ko at ang gusto ko ay iyong trabaho na ma-cha-challenge ako at the same time nag-e-enjoy ako. I found this company, and I thought to myself before what’s so special about this that all I have to give before was only my name.
“Alam niyo ho ba na noong unang beses akong na-interview dito ay si Sir Allan ang nag-interview at sobra iyong kaba ko na para na akong mahihimatay. He’s so intimidating, scary, and unsociable. Kahit natatakot ako noon ay nagawa ko pa rin naman sagutin ang tanong niya at iyon iyong tanong na hinding-hindi ko makakalimutan sa buhay ko.
“He asked me before a scenario question. If I was kidnapped together with my dad and my mom, and the kidnapper is going to let me choose who am I going to free, and the other one will die. Who would I choose and why? Sa totoo lang Dominus, noong tinanong iyon sa akin ay hindi ako close sa parents ko at sabihin na natin na wala man lang akong magandang alaala na kasama sila.
“Iniisip ko noon paano ko sasagutin iyong question na ito kung galit naman ako sa mga magulang ko? Pero ang sinagot ko ay wala akong pipiliin. Kasi kung tutuusin ay kahit na wala akong magandang alaala sa kanila, sa huling pagkakataon ay wala akong sinakripisyo sa kanila. Alam kong malulungkot kung sinuman iyong mabubuhay sa kanila at sigurado akong magsisisi ako habang buhay. Masaya ako na kahit papaano ay kasama ko sila hanggang kamatayan at masasabi ko na wala akong pinagsisisihan.
“I chose this company Dominus because I know that I will not regret working here. Oo, delikado at maaaring mamatay ako sa pagtratrabaho ko rito pero kahit papaano ay masaya ako na nakasama ko ang OA family. Minsan kasi mas iniisip natin ang easy way out sa mga problema natin pero hindi natin alam na may mga rason kung bakit nabibigyan tayo ng ganitong problema,” mahabang paliwanag niya at napangiti naman siya sa akin.
“Wow,” iyon lang ang nasabi ko sa kanya dahil may tama nga naman siya.
“Anyway, I need to go back to work, Dominus. Marami pa po tayong gagawin.” Tumango naman ako at agad na siyang lumabas ng aking opisina.
Nang makalabas siya ay napangiti ako sa kawalan at saka tumayo sabay tumayo sa may malaking bintana ko at tumanaw doon. Nang makausap ko si Samantha ay medyo naliwanagan ako sa mga problemang nangyayari ngayon. Hindi ko pa alam kung sino ang gumagawa nito at maaaring sinisisi ko ang aking sarili sa mga nangyayari.
Pero siguro nga ay may rason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito at hindi ko pa alam kung ano ang pinapahiwatig nito sa akin. Pero kung may isang bagay man akong natutunan kay Samantha ay hindi ako nagsisisi na ako ang naging Dominus. Masaya akong makasama ang aking mga katrabaho araw-araw.
Nang matapos siguro akong magmuni-muni ay nawala ang sakit ng aking ulo at nakaisip muna ng isang paraan upang mabawasan ang mga pangyayaring ito. Total ay ka-partner naman namin ang Red Scorpion sa pagsusugpo ng mga kasalanan sa mundo ay maaari sigurong hingin ko ang kanilang tulong. Lumapit ako sa aking mesa at agad na dinial ang numero ng RS gamit ang aking landline. Nang mag-ring ito ay agad na sumagot ang sekretarya ni Jane at hiniling ko na makausap siya kung saan ay mabilis naman niya akong pinasa.
“Hello?” rinig kong sagot niya sa kanyang telepono.
“Hello, Jane. It’s me.”
“Oh, Dominus. Ikaw pala. Kumusta naman ang buhay boss?” Natawa pa siya at napangiti naman ako.
“Hays. We are having a little bit of a problem, and I might need your help.”
“Sure. Just tell me. To be honest, we are not being on the field right now because your assassins are almost doing all the work. Natetengga na nga kami kung minsan ng isang araw at medyo nababagot na ang mga Dyads ko rito. Gustong-gusto naman ni Clyde kasi nagkakaroon daw kami ng alone time.” Alam ko na napapairap ang kanyang mga mata dahil minsan ko nang nakilala ang asawa niya at medyo clingy ito. Medyo lang naman.
“Well, I guess it’s your lucky day then,” sabi ko.
Agad ko namang ipinaliwanag sa kanya ang mga nangyayari simula nang dumating ako rito sa Italy noong isang araw. Agad namang tinanggap ni Jane ang hinihinging tulong ko kaya agad naman akong nagpasalamat sa kanya. Nang matapos kaming mag-usap ay binaba ko ang telepono ko sabay pinatawag ko si Samantha.
“Yes, Dominus?”
“Samantha, could you please announce a meeting for the Magestras and the Manus Dextras after lunch at the meeting room please.” Tumango siya sabay saludo. “Thanks.”
Napasandal naman ako sa aking swivel chair at naalala ko iyong unang araw ko noon na umupo bilang Dominus. Hindi ko halos maalala kung ano iyong mga pagkakasunud-sunod ng hierarchy ng OA. Paano ba naman kasi super laki na ng OA noong ako na ang naghawak at sabi ng aking ama na mas marami pa raw ang naidagdag na posisyon kaya mas lalo ako noong nahilo.
Naisipan kong lumabas ng aking kwarto upang makapag-isip-isip at sakto namang nakita ko
sina Harper at Allan na naglalampungan. To be honest, I never expected Allan to fall in love with someone. Ang buong akala ko ay tatanda na siyang walang katuwang sa buhay.
Ang dalawang ito na nagmumukha na silang Korean Toast dahil sa hilig nilang kumain nito. Seriously, wala na ba silang balak kainin bukod sa pagkain na iyan? Ipaalis ko kaya sa menu iyong Korean Toast ay ano kaya ang magiging reaksyon nila? Magagalit kaya sila sa akin o baka makikita ko ng unang beses na magalit sa akin si Allan.
Oh well, hahayaan ko na lang sila total ay iyan ang kagustuhan nila sa kanilang buhay. Aminin ko man o hindi ay nakaka-miss din iyong mga panahon na nandito pa ang mga halos magagaling na assassins ko. Now, they are all happily married with their cute little children.
“Hello, Dominus,” bati sa akin ni Ms. Thorn.
“Hello din po, Ms. Thorn. Kumusta naman po ang pagiging Magestra?” Umirap siya sa hangin at medyo natawa naman ako sa inakto niya.
“Well, compared to the generation of my daughter and her friends, the new recruits are a little bit more serious than them. Mahilig pa kasing maglaro noon ang batch nila Krysta kaya naging pasaway sila paglaki nila.” Sabay kuha niya ng pagkain na nasa kanyang pinggan.
Kumuha rin ako ng akin sabay nakisabay sa kanya na umupo sa nakareserba na upuan para sa akin.
“I see. Pero bakit kanina po ay parang kung makapag-react ka ay parang may mali rin sa kanila?” tanong ko.
“They are a bit serious, but they are so lazy. Grabe. Iyong ultimo pag-assemble ng kalibre 45 na baril ay ayaw man lang nilang gawin. They are good, but even though how good they are, they will always fail because of their laziness. Hindi na nga yata umuobra iyong pananakot namin sa kanila kapag sinasabi namin iyong pangalan mo. Opps…” Napatakip siya sa kanyang bibig at agad naman akong napatingin sa kanya.
“You scare them using my name?” Napakamot naman siya sa kanyang ulo kaya napailing na lang ako.
“Well…” Tinaasan ko siya ng kilay. “Yes, we do that. I mean, come on. Every assassin of OA is actually scared of you. You are the Dominus.” Pag-emphasize niya sa salitang Dominus.
“Tita Vanessa…” umpisa ko pero natawa lang siya.
“Sorry. I just want your help with them please? Alam mo naman na nakasalalay ang OA dahil sa mga assassins. Ayaw ko mang isipin ang future ng OA ay kailangang maitama na ito bago pa ito bumagsak. You should see them act so lazy when I’m teaching them.” Napasubo naman ako ng isang piraso ng meat sabay tumango.
“Fine po. But you owe me Tita.” Napa-yes siya at mabilis na umalis sa dining room kaya napailing naman ako.
Oh well, wala rin naman akong gagawin mamaya kaya mas maganda siguro na bisitahin ko ang mga bagong salta. Time to check if I still have the skills that my father thought me before.