Chapter 10

2066 Words
Dominus Naalimpungatan ako dahil sa sunud-sunod na pagkatok ng kung sinuman sa aking pinto. Pagtingin ko sa aking orasan ay nakita kong alas-sais na pala ng umaga kaya agad na akong bumangon at pinagbuksan kung sino ang nambubulabog sa aking pagtulog. Pagbukas ko naman sa pinto ay agad na bumungag sa akin ang aking ama na nakasuot pa lang ng pajamas na pure red sabay may Christmas hat pa. Narinig ko tuloy na pinagtatawanan siya ng ibang assassin kaya napataas tuloy ang aking kanang kilay sa kanya. Napatingin naman siya sa kanyang suot at napailing na lang ako sa kanya sabay pinapasok na siya sa aking kwarto. “Geez, dad. Can’t you wear more appropriate clothes next time? Mukha kang si Santa Claus na naghihirap dahil sa itsura mo.” Paninita ko sa kanya at napalabi naman siya sa aking sinabi. “Well, I just need to tell you something important that I can’t sleep already, so I hurried here right away.” Napailing naman ako sabay uminom ng maligamgam na tubig. “Hindi ba makapaghihintay iyan sa mismong opisina, s*x? You are seriously embarrassing yourself in those Christmas pajamas. Buti naman sana kung Christmas nga ngayon pero hindi pa naman kaya pinagtatawanan ka tuloy ng ibang assassins.” Humaba ang nguso niya na parang bata at napailing na lang ako sa kanya. “Well, if that’s what you like then I would be willing to come back later. I was about to tell you that I actually called my agent friend last night.” Akmang tatayo na siya nang pigilan ko siya. “Oh, akala ko ba ay ayaw mo na munang malaman ang sasabihin ko at magpapalit na lang muna ako.” Inirapan ko naman siya. “Dad, seriously? Huwag kang magpa-VIP effect dahil hindi na uobra sa akin iyan. Please tell me what you’ve talked about with that friend of yours?” “Baby girl, can I just use your restroom though? My stomach is grumbling so hard, and something is about to come out.” Maang akong napatingin sa kanya at agad ko naman siyang pinagtulakan palabas. Eww! Doon ka sa sarili mong cr Dad. I just cleaned my bathroom. I-meet mo na lang ako mamaya sa opisina.” Agad naman siyang tumayo at tumakbo palabas ng aking kwarto habang nakatakip ang kanyang kamay sa kanyang pwet. Naligo na muna ako bago ako nagpalit ng aking mga damit. Pagkatapos ay lumabas na ako ng aking kwarto at mabilis naman akong dumaan sa dining area upang kumuha ng pagkain muna dahil nagugutom na ako. Pumasok na ako sa aking opisina at nagulat ako na nandito na pala ang aking ama at bagong ligo na rin siya. “I’m here, Dad. Ano’ng napag-usapan ninyo ng kaibigan mo kagabi? Ano’ng sabi niya? Tutulong daw ba siya?” sunud-sunod na tanong ko sa kanya sabay kagat sa kinuha kong tinapay. “No.” “What?” Napatingin ako sa kanya. “Hindi tulad ng inaakala mo baby girl. He said that he is not working as an agent anymore because he’s long retired already, and he’s enjoying his vacation in Hawaii. The good news though is that, just like me, he passed his skills to his one and only son. Then, when I looked up his information and everything, he’s the perfect guy you need.” May pinakita siya sa akin na isang itsura ng isang lalaki sa kanyang cellphone. Binasa ko ang kanyang pangalan at ang sabi rito ay siya si Earl Ferrer. “He’s Italian?” “Yup! But he could actually speak four languages fluently. English, Filipino, Italian, and French. Not only that baby girl, he’s the best agent right now, and all of his cases are so clean and accurate. Sa tingin ko ay makasusundo mo siya dahil ayon sa kanyang profile ay wala pang case siyang hindi na-solve.” Aaminin ko na medyo na-impress ako sa kanyang profile at sa tingin ko ay tamang-tama siya sa hinahanap ko. “Okay. I’ll make an arrangement to meet him then.” Akmang kukunin ko ang aking cellphone nang pigilan ako ng aking ama. “Wait, before you do that, please tell me that you are not going to introduce to him that you are Dominus?” Naibaba ko ang telepono at agad na napatingin sa aking ama dahil masayado yata akong na-excite. “Okay. I almost forgot about that. So, ano’ng sasabihin ko sa kanya oras na maipakilala ko sa kanya ang aking sarili?” Sabay kaming nag-isip ng aking ama at bigla kaming napatingin nang pumasok si Samantha sa pinto at may hawak na mga papel. Nagkatinginan naman kami ni Papa at parang iisa lang ang tumatakbo sa utak namin ngayon. Napangiti ako kay Samantha at nagtataka naman siyang napatingin sa aming mag-ama. Nang malaman ko kung ano ang aking alibi ay agad na akong tumawag sa opisina nila upang mag-set ng meeting sa kanya. Pumayag naman sila at sinabing wala pa raw siya kaya kung gusto ko raw ay pwede akong pumunta ng hapon dahil iyon daw ang free time nito. Umuo naman ako at sinabi nila na sasabihan daw nila siya agad at sabihin lang daw ang aking pangalan pagdating ko sa opisina nila. Nang makapag-set naman ako ng meeting sa kanila ay hinanda ko na ang aking mga gamit para mamaya at lumalabi naman na napatingin sa akin si Samantha pagkatapos naming sabihin sa kanya ang aming plano. “Dominus, bakit kailangan mong magpanggap bilang sekretarya rin? Paano kung mabuking ka niya na nagsisinungaling e di pati ako dawit?” Tinaasan ko naman si Samantha ng aking kanang kilay. “Samantha, pansamantala lang naman dahil prinoprotektahan ko ang identidad ko bilang Dominus. Hindi natin siya kilala ng mabuti kaya hanggat mas kunti ang nakaaalam ay mas maganda. Isa pa madali lang naman sa akin ang magpanggap dahil ginawa ko na ito noon sa isa kong misyon.” Lumabi naman siya. “Oo nga madali sa iyo kasi ikaw si Dominus. E paano ako? Hindi ko kaya ang mag-acting sa harapan ng ibang tao at baka mamaya ay mabuking ako.” Huminga naman ako ng malalim at napatingin sa kanya ng diretso. “You can do it, Samantha. Isipin mo na lang na para sa kapakanan ito ng lahat kaya chill ka lang. Ang mabuti pa ay sabihan mo na ang lahat sa pagpapanggap ko at sigurado akong maiintindihan nila iyon. Sige na.” Aangal pa sana siya pero pinanlakihan ko siya ng aking mga mata at pumayag din siya sa huli. sex> Nang malapit na ang ala-una ay nagpahatid na ako sa aking driver at sinigurado ko na may bantay akong kasama dahil mahirap na ang lumalabas ngayon ng mag-isa. Nang makarating kami ay doon ko lang nalaman na sa Secret Agency of the Government pala siya nagtratrabaho. Naaalala ko na nga ito dahil isa ito sa pinaka-magaling na agency sa buong mundo. Lahat ng mga tauhan nila rito ay hindi basta-basta pumapasa dahil matindi rin ang pagsasanay nila. Kaya kung si Earl ay ang pinaka-magaling sa kanilang lahat ay talagang tamang-tama nga siya sa na hingan ko ng tulong. Pagpasok ko sa entrada ay kapansin-pansin na ang mahigpit nilang sekyuridad dahil ultimo katawan ko ay talagang kinapa nila. Nang nakapasa ako sa security check nila ay dumiretso ako sa front desk nila at agad na sinabi ang aking pakay. Agad naman akong pinapasok ng babae at dumiretso lang daw ako sa kanyang opisina dahil naghihintay na raw siya para sa akin. Agad naman akong nagpasalamat at habang naglalakad papunta roon ay karamihan pala sa kanila ay lalaki. Nang makita nila ako ay bigla akong kinabahan dahil wala akong masyadong karanasan sa pakikihalubilo sa mga lalaki maliban kay Vaughn, Vincent at Allan. Pero alam ko kasi na mapagkakatiwalaan ko sila pero ang mga ito ay hindi ko lubos na kilala. May lumapit sa akin na lalaki at tinanong kung ano ang pakay ko rito. “Uhm, I-I’m looking for Sir Ferrer’s office,” sabi ko. May nakapaskil na ngiti naman sa mukha ng lalaki at napatingin sa kanyang mga kasama sabay nakipag-fist bump na aking ipinagtaka. Pagkatapos ay itinuro niya ang opisina nito na akin namang sinundan at nang tumapat ako sa kanyang pinto ay hindi ko alam kung bakit bigla akong kinakabahan. Kumatok ako ng tatlong beses at narinig ko ang kanyang boses kaya agad ko nang binuksan ang kanyang pinto. Pagpasok ko ay himalang malinis ang kanyang opisina at agad na umikot ang aking mga mata sa buong kapaligaran ng kanyang kwarto. “Well, hello there.” Napatingin ako sa nagsalita at gano’n na lamang ang aking gulat nang makakita ako ng gwapong lalaki. Scratch that, not just handsome but oozing with s*x appeal. Tindig pa lang niya ay alam kong confident na siya sa kanyang katawan. Tumayo siya at nakita ko na ang tangkad niya pala at nang lumapit siya ay halos ma-estatwa ako sa aking kinatatayuan. He has blue violet eyes, kissable lips, tall, fair skin, and has blonde and curly hair. Over all para siyang model sa isang sikat na kompanya at hindi ako agad makapagsalita ng mabuti. “Are you okay, miss? Please have a sit.” Alok niya sa akin. Doon lang ako natauhan kaya umiwas na lang muna ako sa pagtingin sa kanya at agad na umupo sa isang mahabang sofa at may mesa sa harapan namin. “Do you drink some tea, coffee, water, or juice?” Umiling naman ako at naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako natatameme. Umiling ako na hindi niya mapapansin at inisip na kailangan ko ang tulong niya at hindi ang titigan ang maganda niyang mukha at katawan na ipinagkaloob ng Diyos. Tumikhim ako sabay tumayo at huminga ng malalim dahil kailangan kong maging professional. “Sorry about that,” umpisa ko. “It’s okay. I get that a lot.” Tumango naman ako. May pagkamayabang yata siya pero sino naman ang hindi magyayabang kung ganyan ang katawan at mukha niya ‘di ba? “Uhm, I was the one who called this morning.” Tumango naman siya at napangiti sa akin kaya napaiwas ako dahil ang gwapo niya shet! “I heard.” Natahimik ako at hindi ko na tuloy maalala kung ano ang pinunta ko rito. Sh*t. I am the Dominus of OA, and I shouldn’t be acting like this. Isipin mo na kailangan mo ng tulong niya at kailangan mong sabihin sa kanya kung ano ang ipinunta mo rito. Hindi ka dapat nahi-hipnotize sa kagwapuhan niya dahil baka ipahiya ko lang ang aking sarili. “Are you done talking to yourself?” Napatingin naman ako sa kanya at nagtataka sa kung ano ang ibig niyang sabihin. “W-What?” Natawa siya ng mahina. “I just thought that you are asking yourself to tell me the reason you are here. Why? Because you are distracted of my handsomeness and my oozing s*x appeal, right?” May mapang-asar siyang ngiti at tinaasan ko siya ng aking kilay. Okay. Oo gwapo nga siya at oozing with s*x appeal pero oozing din siya ng kayabangang at kahanginan sa sarili. Hindi ko alam na ang yabang pala ng tukmol na ito at siya lang naman ang pumupuri sa kanyang sarili. Napahinga naman ako ng malalim at kung kanina ay halos matulala ako sa kagwapuhan niya ay naiinis na ako sa kanya. Kinuha ko ang folder na hawak ko at saka kinuha ang mga papel doon na ipapakita ko sa kanya. Napatingin ako sa kanya at nakita ko namang nakangiti pa rin siya na may halong confidence sa sarili niya. “Let’s make one thing clear, Mr. Ferrer—” “Earl. Just call me Earl, please.” Kinindatan niya ako at inirapan ko naman siya. “Let’s make one thing clear, Earl.” Inemphasize ko talaga iyong pagsabi niya ng Earl. “I may have found you handsome and oozing with s*x appeal, but you know what turns me off? Guys like you who are so boastful, brat, and spoiled. If I were you, I would stop saying cute words to me because it won’t work on me, okay? Nabilog mo siguro ang ibang babae pero huwag ako pwede?” Nanahimik siya at tinaasan ko naman siya ng aking kilay. Tumitig lang siya sa akin ng seryoso pagkatapos ay napaangat ang gilid ng labi niya at tumango-tango. “Agreed,” iyon lang ang sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD